Monday, February 4, 2008

D.I.Y. Pleasure

Hindi natin sisimulan sa climax dahil wala namang istoryang nagsimula agad sa climax. Sisimulan natin sa pinakasimula...

Umaga, nagkaroon ng awarding. Ngunit walang pangalan ang mga certificates ng mga na-awardan. Wala pang pirma. Wala nag P.E. pero may natitira pang 45 minutes sa Filipino pero napunta sa waste. Lumipas ang 15 minutes sa English. Tapos nagbasa lang kami. Si Don Kim, puro panggagago lang ang ginawa. Lahat ata ginago. Pati si Aljon.

Umabot ang break and still walang significant event na nangyari. Siyempre, may mga bagay na hindi pa rin ako nagagawa sa Algebra. Sumakit pa ang ulo ko. Ang pinakaayaw kong mangyari. Nuong last wednesday, nagkaroon din ako ng migraine. ang mahirap kasi kapag nagkaganoon ako, parang walang mundo. ibang klase. Talo ko pa ang mamamatay.

NOW PLAYING: ROCKY THEME SONG (maganda ito pang bg music!)

Dahil nga napakasakit ng ulo ko, parang gusto ko na pumunta ng clinic. Pero tinuloy ko pa ang Biology. May bagong guro na at hindi DIGESTION ang pinagaralan kundi PUSO. Bloody at hearty ang pinagaralan. Dumaan ang keyboarding at bagong ST nanaman. Masakit pa rin ang ulo ko. Dumating ang Health.

Hindi ko gaano naintindihan si HARDY sa pagrereport nya dahil sa sobrang ingay. Then nagsalita si Don Kim (ata) "Ang ingay nyo kasi eh" then sumingit na si Jo-j, "Ang ingay nyo nga eh. Kaya wala kayong naiintindiihan dapat maging interesado kayo sa pagaaralan ngayon."

Then nagtuloy-tuloy ang kanyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat mapagaralan. Ang hindi ko maintindihan, bakit bigla nyang pinasok ang MASTER VISION kung saan ang dapat i-discuss ay STD. Ang sabi nya ang nabanggit daw ay isang paraan para hindi mahawa ng STD. He defined it as "satisfying yourself by yourself" (though hindi ito ang EXACT MEANING. Pasensya na sa mga perfectionists, gawa nalang kayo blog, husgahan din natin). In short, matatawag itong D.I.Y. Pleasure o DO IT YOURSELF PLEASURE. Hindi ko rin maintindihan bakit biglang nabanggit ang ORGASM. Ito raw ang point kapag na-satisfy mo na ang sarili mo. Or in other words, attainment of satisfaction. Meron pang kung anu-anong terms katulad ng lipido, pagpipigil atbp. Ayoko na ipaliwanag lahat dahil baka ma-ban itong blog ko.

Nung sabado, nagkaroon ako ng malaking gunshot sa polo kaya mababawasan na ako ng isa.


Habang naggagala-gala ako sa sites, may nakita akong kakaibang WIKIPEDIA. Well, may nilabas na wikiPilipinas pero mas matindi ito. Kagaguhang ENCYCLOPEDIA. Ito ang UNCYCLOPEDIA Ilalagay ko na ito sa links dahil nakakatawa ito. Kung sa wiki, matitinong impormasyon ang nakalagay, dito kabastusan at kagaguhan. Halimbawa na lamang ay may photo duon na ang caption "A fucking cute kitten that has nothing to do with the subject." Nakakatuwa dahil imbes na makakuha ka ng impormasyon, kagaguhan pa ang natututunan mo...

Seryoso na si aljo sa plano nya. Alam ng iba ito.

Hanggang dito na lamang ang aking post. Panoorin nyo nalang sa YOUTUBE or sa baba yung MIGHTY JUNGLE. Thanks sa Sirang Pintuan na nag-feature ng video!

Bago ako magtapos, napansin ko kanina na napakaraming HITMAN. At bago matapos ang post na ito, mayroon isang criminal na kahanga-hanga. Siya si AL CAPONE. Mula pagkabata, gangster na siya. hanggang sa lumaki siya. Yumaman siya at naging tanyag. Ngunit ang nakakatawa, hindi siya nakulong dahil sa murder o kung ano pa. Nakulong siya dahil sa tax evasion. Ang masaklap, nakaranas siya ng matinding harrasment mula sa Alcatraz.

No comments: