Friday, February 27, 2009

1:3

bakit nga ba naconvert ang 1 week sa 3 weeks? Bakit kailangan pang maghintay ng 3 linggo o halos isang buwan?

Haizzz...

Tulad ng dati, ito nanaman ang panimula kong statement. Pano naman kasi, ang inasam asam ng lahat na pagdating ng takdang araw ng "unang linggo", eh biglang nausog sa ikatlong linggo. So marami pang araw ang gugugulin at uubusin upang mapuno hanggang ikatlong linggo. Haizz, mahirap talaga magexpect.


The Tale of the 4 Misfortunes

Isang horse enthusiast ang nagaalaga ng 4 na kabayo. Ang pangalan ng enthusiast na ito ay si Douglas. Nahilig siya sa kabayo at naisip na magalaga ng 4 na kabayo na sina Rosa, Ozawa, Diana at si Nica. Well, mahal na mahal nya ang mga kabayong ito hindi lang dahil nagpapanalo sa karera ang mga ito kundi dahil na rin sa enthusiast talaga siya ng kabayo. Siya mismo ang nagaalaga sa mga ito. Isang araw, iniwan nya sa isang katiwala ang mga kabayo dahil kinakailangan nyang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Ilang buwan ang nakalipas at nadelay siya ng kanyang pagbalik. Naisip ng katiwala na duon na nanirahan si Douglas sa ibang bansa at itininda ang mga kabayo sa malaking halaga. Pagbalik ni Douglas, wala na ang kanyang mga kabayo. Nagalit siya ngunit wala na siyang magagawa pagkat di na nya makita ang mga taong bumili.

Isang araw, sa sobrang lugmok ni Douglas, naisip nya na dumaan muna sa race track at magpalipas ng oras. Though di na siya masaya dahil wala naman ang mga alaga nya upang lumaban, sinasariwa na lang nya ang mga alaala. Di nagtagal, habang naglalakad patungong upuan si Douglas, nakita nya ang kanyang kabayong si Ozawa, hawak ng isang jockey. Di na nya naisip habulin pa ito dahil di naman pumapalag si Ozawa, mukhang masaya naman siya sa bagong jockey na nagmamayari sa kanya na si Leon Guerrero. Di nagtagal, nang papunta na si Douglas sa Mezzanine, nakita din nya si Diana. Tila napapaamo na siya ng jockey na may hawak sa kanya na si Calvin. Naisip ni Douglas ng umupo na lang at sarilihin ang kalungkutan ng naisip nyang kumain muna sandali. Bumaba siya at pagkatapos kumain, nakasalubong nya ang isa pa nyang kabayo, si Rosa na sinasakyan ng isang jockey. Tila hinahatak pailalim si Douglas ng mga nakikita nya ngunit wala siyang magawa. Pagakyat nya ng mezzanine, may nagalok sa kanya. "Bos, tayaan mo na si Nica. Magaling yun." Nakita nya ang kabayo nya at tinanong ang tao. "Sino ka ba?" "Ako si Adrian. Mayari kay Nica." Nanahimik si Douglas at naisip na umuwi na lamang.



Well sana matapos na namin ang FIlipino, sa mga group 1 na makakabasa nito, 9 am ang practice. May PERMIT po tayo.

Wednesday, February 18, 2009

Do what it takes...

Tuloy na tuloy pa rin...

Ang virus. Neverending talaga. It affects everything it inserts into. Ang masaklap pa ay sinisira nito ang system. Isang example na ay ang laptop ni Dan Figueroa (sinasabing second source ng virus). Hindi na ito nagbukas. Kakatapos lang ng aming Cambio launch, nasira na ang laptop.

Merong sinabi si Migraso, somewhat "Combofix". Pero di ko muna triny.

Bagong Cases...

Wedding Case

Di pa naman sila kasal. Pero kasi, naisip ko na ito yung magandang pangalan ng case kasi may something talaga. May relation ito sa kasasara lang na kaso na The Classroom Case. This time, dahil nga nalaman na natin na may gusto si Marie kay Haydn, at meron din si Haydn kay Marie, merong mga sources na nagsasabi na its not just "gusto", parang meron pa raw "behind". Kung ano man ang something na yun, yun ang nilalaman ng wedding case.


Meron din akong ibang namataan pero naisip ko na di ko na ikwento kasi di naman siya nakakaapekto sa kung ano man ang business ng Vintage Spy.

Yung Unanswered Question Case, obviously, Case Closed na yun at ayoko na sana buksan uli so di ko na binuksan, its just that Celia was wearing the ring that Vladimir gave her man months ago.


Dun pala sa namatayan, condolences.

Anyways...

Kanina, medyo badtrip talaga ako, tinapos ko lang yung paglalakad ko hanggang simbahan. Balak ko sana, matulog na lang ako sa jeep para mawala ang kabadtripan ko. Pero lalo palang lumala.

Pagsakay ko sa isang jeep na bulok na may plakang TWC 398 byaheng Santol-Stop and Shop at Pina Ave. Dahil nga di na lalampas sa 4 km ang byahe ng jeep, ang minimum fare ay 7.50. Ang sa estudyante at senior citizens pati sa disabled ay 20% discount. So sa 7.50 ang 20% nya ay 1.50. So 7.50-1.50= 6.00. So 6 lang or sais pesos lang ang dapat ibayad ng mga estudyante sa weekdays at ibabayad ng senior at disabled. Pero itong jeep na ito ay sadyang madugas. Matanda na ang driver, malapit na lang katabi na nya ang mga uod. Pero sadyang madugas talaga siya at di pa marunong magsisi. Hindi ko alam kung madugas siya o sadyang tanga na di nya alam ang 1.50 discount o di nya alam ang six pesos at inakalang seven pesos. Lumalabas na .50 lang ang discount ng mga estudyante atbp. Well ang operator nito ay si Mr. Bernardindo. Kung siya man si Mr. Bernardino, well nasa kanya na yun, ipapakain nya sa pamilya nya mga kinurakot nya, dinugas nya at kung ano ano pa. HIndi man siya si Mr. Bernardino, ganun pa rin. Ipapakain nya sa pamilya nya ay pera mula sa pandurugas nya ng piso sa mga estudyante.

Noon ko pa napapansin na meron talagang jeep na naniningil ng P7 para sa estudyante. Akala ko dati, yun ang normal na taripa. Ngunit napapansin ko na P6 pa rin ang singil kaya naisip ko na mandurugas ito. Huling beses na sumakay ako sa pila ng jeep sa Santol Ext. Naningil nanaman ng P7. TInandaan ko yung pagmumukha nya. Di lang ako nagsalita pero naisip ko na sa susunod na ulitin nya, babasagin ko na yung pagmumukha nya. Nagkataon ngayong araw na ito, badtrip talaga ako. Pagsakay ko, nagabot ako ng P20. Sinuklian ako ng P13. Tinanong ko naman siya ng magalang "Magkano po ba ang estudyante?" Matapang pa siyang sumagot na "siyete" Medyo mahinahon pa ako pero naiinis na ako, "Bakit po sa iba sais lang sa inyo siyete?" DI siya sumagot. Nainis ako, binulong ko, "Mandurugas kang **** ka." Hinayaan ko lang. Pasalamat siya talaga matanda siya, kung hindi talaga, pero ayun na nga. Tiningnan ko lang siya buong panahon na nasa byahe ako. Naghinay hinay ako, inisip ko lang na malapit na siya mamatay at maari nyang kailanganin ang pera upang pambili ng paglilibingan nya. Alam ko balang araw meron din siyang makakatapat na pasahero na tatapos sa tulad nya.

Isang pangyayari ang naganap along EDSA. Siyempre mga buses, mahilig mag-gigitgit yan. Walang pakialam yan kung may masagi sila, singit dito, singit duon. Isang bus, sanay na siya siguro kakasingit nya eh siningitan ang isang sasakyan. Nainis ata ang mayari ng sasakyan. Nung pumara yung bus para kumuha ng pasahero, umakyat yung mayari nung sasakyang ginitgit nya. Walang anu-ano o kahit anong salita, tinutok nya sa ulo ng driver ang baril at wala pang isang segundo ang lumipas, pinutok nya agad ito. Bumaba siya ng bus at bumalik sa kanyang sasakyan.

True story yan, nabasa ko sa dyaryo yan eh. Kaya kung may kakilala kayong jeep driver o kung ano pang driver, wag nang pamarisan ang ilan sa mga naganap. Di ninyo nanaising maulila.

Sa iba naman, wag kayong tumulad sa tanga o mandurugas na driver ng TWC 398 na jeep. Tanga siya, hanggang dun na lang siya, mandurugas siya, wala na siyang iuunlad.



Back to back Victory ang inabot namin kanina.

UNa ay sa English. Late, may minus ngunit siyempre medyo nakakabilib. salamat sa mga kagrupo ko kahit may nalate. Sa Entrepreneurship naman, sayang lang wala si Ma'am Reina. Pero ayos na yun, at least andun si sir Dennis. Credits din pala kay Dan Figueroa for the videos and laptop.

Susunod na inaasahan kong victory, ang FIlipino. Obra maestra talaga ang ginawa ko. Haha. Saka ko na irereveal ang name.



MAraming projects, wala pa akong nasimulan sa IT. Sa Friday na ipapasa. Di ko pa tapos ang script at magsasabit pa kami ng tarpauline.

Tuesday, February 17, 2009

Bakit Hindi?

It keeps going thru my mind. Bakit nga ba hindi?

Isa siyang slogan. Isang pangtitrip na ilagay sa slogan. Seriously speaking, sa ngayon, naghahanap ako ng picture ko sa JS, wala kasi ako mahanap. If meron kayo, pakisabihan naman ako.

Let's go to our agenda.

Gobilam Corp.

Lahat ng folder na nasa loob ng flash drive ko ay may subtitles nito. Naka hide ang mga tunay na folders at nakalabas ang .exe na folders na may Gobilam sa baba. Well di lang siya simpleng gumagawa ng sariling folders sa flash drive. Unscannable siya sa anti-virus na nasubukan ko (AVG, NOD-32 pati BEPA). Di rin siya mapatay ng Noob Killer na sinasabing magaling sa mga flash drive problems. Bumabalik at bumabalik siya. At hindi lang flash drive ang ginagawa nyang biktima. If yung flash drive is sinasksak sa PC, naaapektuhan din ang PC especially kapag binuksan mo ang mga "patibong" na folders.

Umaga pa lang, sinabi na ni Migraso ang tungkol sa FU Virus. Nacorrupt daw ang Flash drive nya dahil sa FU na ito. Well, nagloko din ang ibang PC sa IT Lab dahil sa dalang virus nitong Fu na ito. Nag lag at kung ano ano pa. Malaking threat ang kinakaharap ngayon.

Base sa mga sabi sabi, isang uri din ng Fu virus ang pumasok sa aking flash drive na undeletable at ang tanging pagasa ay ipareformat ang flash drive na 90% lang ang kasiguruhan.

Sa ngayon, di ko pa magamit ang flash drive. Masyadong risky kung ilalagay ko siya sa pinakamamahal kong PC. Wala pang lunas sa "Fu Manchu" na ito. Walang makaiscan at walang makapatay.



"Minsan, sa kakatangin mo sa iyong pinanggalingan, hindi mo na napansin ang kasalukuyang oportunidad at natapilok ka pa"

Ang Oftek ay suportado ang Oftek, ang Book ay suportado ang Book at ang Entre ay todo suporta si Entre.

Expected na lahat ng magaganap. Maraming kinakabahan, maraming nagpapaunang salita. Pero hindi mananaig ang lahat ng iyon. Ang batas ay batas. Walang maaring lumusot dito. Siyempre kahit per section ang suportahan, hindi mawawala ang laglagan pagdating ng panahon. Kung ano man ang dahilan ng laglagan, hindi ko alam. Pero siyempre, suportahan na lang yan. Kumbaga bansa sa bansa.

Bakit ko nga ba naiextra itong mga seksyon na ito?

Bakit hindi?



"Imposibleng March 12 eh"


Ilan sa mga katagang narinig ko. Kasi nga naman, March 12 ang kalagitnaan ng exam ng graduating students so hindi March 12. Later than March 12 kaya?

Bakit Hindi?


Meron akong gustong ikwento pero it would not be fair for the people involved kung isasama ko sila. So naisip ko na wag nalang ikwento.

Saka ko na itutuloy, magkakabisado pa ako ng script.

Saturday, February 14, 2009

Mission: Hotel Heist

February 13, 2009

Pinadala ng Vintage Spy si Arsene sa isang hotel dahil nakatanggap ang Vintage Spy na mayroong heist na magaganap sa hotel na iyon. Hotel Renaissance ang pangalan. Well para maikubli ni Arsene ang kanyang pagkatao kailangan nyang magpanggap bilang isang gentleman na dadalo rin sa party. Ito kasi ang report na natanggap ng Vintage Spy.

Isang thief syndicate na Lupin ang nagbabalak magsimula ng heist sa Hotel Renaissance kung saan gaganapin ang isang Private Ball na para sa mga matataas na posisyon sa pamahalaan, nasa luklukan at may mataas na rango sa militar, sa simbahan at sa larangan ng sining, at mga sikat na personalidad. Sisimulan ng Lupin ang kanilang pinakamatinding heist. Hindi lang kasi basta heist ang gagawin nila, papatayin din nila ang mga ibang tao upang makuha ng bise presidente ang pamahalaan. Binayaran sila upang gawin iyon at pinangakuan ng malaking posisyon at pera. Dahil dito, tinawag nila ang kanilang operasyon na OPERATION LUPIN. Ang hindi nila alam, namanmanan sila ng Vintage Spy.

Inalam ni Arsene ang ilang mga kasama sa sindikato pero hindi nya nakilala ang mga ito. Naisip nalang nya bantayan ang kinikilos ng ibang nilalang. Pagpunta nya sa Hotel Renaissance, nagpanggap siya na isang colonel sa 6th Infantry Batallion ng AFP. Dahil dito napapasok siya. Nakapagpagawa din siya ng replica ng invitation at pinahack ang computer systems ng hotel upang ilagay ang pangalan ni Col. Arsene Kudo. Wala namang kumikilos ng kahina-hinala at walang naiiba. Maya maya pa, isang limousine ang tumigil sa harap ng hotel, lumabas ang 3 lalaki na tila mga matataas na opisyal ng pamahalaan, komersyo at hukbong sandatahan. Isang malaking lalaki, isang medyo payat na intsik at isang maginoo ang lumabas sa sasakyan. Hindi sila kilala ng ibang tao ngunit sila ay nasa listahan at may imbitasyon sila. Nagpakilala sila bilang may-ari ng Reformists Group of Companies. Ang malaking lalaki ay si Luther Martin, ang intsik ay si Domenico Fang at ang maginoo ay si Domingo Crisanto. Maya maya pa bumaba mula sa elevator ang isa pa nilang pinakilalang kasamahan na si Epifanio Gustavo. Isa rin siya sa may ari ng RGC. Nakilala sila ni Arsene at naisip ni Arsene makisama muna sa kanila upang di mahalata ang kanyang pagkukunwari.


Nagsimula na ang ball. Mapapansin sa mga kilos at galaw ni Domingo na galing talaga siya sa isang mayamang angkan, makikita rin sa kilos ni Epifanio ang ilang bakas ng pagiging sundalo. Hindi napansin ni Arsene ang dalawa pa dahil nasa malayo itong mesa. Naisip ni Arsene na magopen ng ilang mga topic pero tila walang ideya ang mga taong nabanggit. Nagsimulang magduda si Arsene ukol sa pagkatao ng mga ito. Naisip ni Arsene tumawag sa headquarters at alamin kung meron ngang Reformists Group of Companies at kung nageexist ang pangalan ng 4 na may ari nito. Sinabi ng Vintage Spy na matatagalan ang pagalam nito na baka umabot sa 1 hanggang 2 oras. Pumayag naman si Arsene at bumalik na sa function room dahil kahit anong oras ay maaring magsimula ang heist. Tinapik ni Arsene sa balikat si Domingo at wala sa ideya ni Domingo na kinabitan na siya ng tracking device at kung saan naririnig ang kanyang mga sinasabi. Nagsimula ang kasiyahan. SI Epifanio ay pumunta sa kanyang asawa at sila ay nagsayaw. Makikita naman na maraming sinasayaw si Domenico at may ilan ding sinasayaw si Luther. Si Domingo naman ay isinasayaw ang isang dalaga. Mapapansin din na maraming gustong makipagsayaw kay Domingo dahil na rin siguro sa kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi rin nagtagal ang pagsasayaw ni Domingo at ng dalaga dahil kinuha na ni Luther ang dalaga. Nagsimulang mawala si Domingo maging si Domenico at nawalan ng kasayaw ang asawa ni Epifanio. Nagsimulang magduda si Arsene ngunit nakita nya na may iba palang kasayaw si Domenico at si Domingo ay napapalibutan na ng iba pang mga babae, si Luther naman may kasayaw ding iba. Nagsimulang magiba ang musika, naging party ang tema ng musika at nagsimulang magdilim, nagsigawan at nagkaroon ng pagwawala, ang iba, dala ng kalasingan ay umakyat ng entablado at nagtanggal ng mga coat. Nakita ni Arsene ang pigura ng apat na may ari ng RGC sa entablado at inisip na wala namang masamang plano ang mga ito.

Nagpatuloy sa kasiyahan ang lahat at parang baliw na sina Domingo at Epifanio na walang tigil sa pagsayaw. Sila Luther naman ay nakikisama din. Bumalik sa katinuan ang musika at naging sentimental uli. Inakala ni Arsene na ang heist lang ang mapipigilan nya, meron pala siyang maisasarang kaso.

Si Marie ay nasa kasiyahan, at kasayaw nya si Haydn. Hindi lang basta sayaw kundi magkayakap na sila. Nakita ito ni Arsene at naisip nya na confirmed na talaga. Nagmamahalan silang dalawa at isasara na ni Arsene ang kaso ngunit biglang nawala sina Domingo at Domenico.Kaya nabaling muli ang atensyon ni Arsene sa heist.

Wala pa ring nangyayaring heist. Walang nagaganap. Natapos ang gabi at nakakuha si Arsene ng parangal. Natawag ang kanyang pangalan sa harapan. Nuong siya ay kinkuhaan ng litrato, nawala ang apat na may ari ng RGC. Tumayo sila isa isa at lumabas ng hall. Pagkabalik ni Arsene sa kanyang upuan, nakita nya ang kanyang cellphone na may 3 missed call mula sa Vintage Spy, naisip nyang tawagan ang Vintage Spy at ito ang nangyari. Chineck ng Vintage Spy ang Reformists Group of Companies at walang nageexist na ganung kompanya. Hinanap din nila kung may nagexist na mga pangalan at ang tanging nagexist lang ay kay Luther Martin at Domingo Crisanto. Si Luther Martin na kapapanganak lang 6 na buwan pa lang ang nakakaraan at si Domingo Crisanto na 30 taon nang patay. 3 ang Luther Martin pero walang nagmamay ari ng kompanya at wala ring kakayahang magkaroon. Nagsimulang magduda si Arsene ngunit walang naganap na heist. Pagkakuha nya ng tubig nya sa mesa merong maliit na note sa ilalim na may calling card. Ito ang nakasulat sa note.

Nice try, Arsene.

Mayroong nalaglag na isang maliit na bagay mula sa note at kinuha nya ito. Ito ang tracking device. Binasa nya ang calling card at nakasulat ay,

LUPIN Paint Center

sa likod ng note ay nakalagay ang mga katagang ito,

May next time pa, sisiguruhin namin na di ka na makakasira, Arsene.

Naisip ni Arsene na baka nalaman ng grupo ang plano nya. Naisip nyang isara ang kaso ng Hotel Heist ngunit alam nya na nariyan pa ang Lupin. Dahil duon,

MISSION PASSED

Hindi natuloy ang heist.


Anyways,

The Classroom Case

With relation sa sinabi ni Arsene duon sa kanyang mission, nakita na magkayakap sina Marie at Haydn, therefore,

CASE CLOSED

Wednesday, February 11, 2009

Sa Nalalapit na...

Obviously putol ang title kasi maraming bagay ang nalalapit. Isa-isahin natin ito by title...

Sa nalalapit na...

Junior and Seniors Promenade (w/ 3 sophomores!)

2nd year pa lang ako, nais ko na magkaroon ng prom. As we all know, matagal tagal na rin bago nagkaroon ng prom ang PUP. Naging retreat kasi ito. If I am not mistaken, 2004 pa ata ito. Anyways, balik tayo sa 2nd year ako. Bakit ko nais magkaroon ng prom? Maliban sa dahil nga matagal nawalan, eh maisasayaw ko "siya". So lumipas ang 2nd year na punong puno ako ng pag asa na magkaroon ng prom. Sabi ko pa, kahit abutin yan ng 10,000, itutuloy ko yan. Umabot ang 3rd year at nagbigayan ng survey form. Marami sa aking mga kaklase, "NO" ang sinagot. Pero dahil nga inspirado ako ng mga panahong sinasagutan ko ang survey form, "YES" ang sinagot ko at mga magagandang reasoning din ang naibigay ko. Naisip ko pa na isabay sa Christmas Party ang JS para masaya. Lumipas ang ilang buwan at dumating ang 2009. Masaya ang pasok ng taon pero hindi masaya ang sunod sunod na balitang dumating. Dahil sa mga balitang ito, naisipan ko na sana walang JS. Pero ayan na at meron na. Bayad na lang ang hinihintay. I tried everything to stop payment, merong iba na nagalsa pero natuloy pa rin. Sa ngayon, ilang araw na lang ang hinihintay, magsisimula na ang Blue Danube. Well siguro kung December yung JS, masaya pa rin. Anyways, ayun nga. Hintayin na lang natin ang magaganap sa Friday the 13th.


"Jamming" Day

Kabilang kasi ako sa samahan na naisipang itigil ang "smoking". Hindi related sa smoking ito o yosi pero ayoko magexplain dito. Well, sabay kasi sa JS at ang Jamming Day na ito. Sa araw na ito sana walang maganap na masaklap.


Election '09

Hindi eleksyon para sa National o Local Government. Dalawang eleksyon ang tinutukoy ko, isang para sa "pamahalaan" at isang para sa "hukbong sandatahan". Mauuna talaga ang sa hukbong sandatahan na dapat nga ay noong nakaraang araw pa ngunit napostpone at di ko na alam kung kailan. Sa pamahalaan naman, mga bandang Marso pa ito siguro at di ko alam kung tatakbo ba ako, maglalakad o magjogging.


Independencia


Independence Day na tinatawag. Though ang official Indipendence Day ng bansa ay sa Hunyo pa, ibang Independence ang tinutukoy ko dito na mangyayari at nalalapit na. Ayoko ipaliwanag. Bahala na. Pwede rin siyang tawaging "Islaman Day" (not related to Islam)


Periodical Test

Maraming beses na ako inexcuse, di ko alam paano ko hahabulin yung mga namiss kong subjects especially Entrepreneurship.


Clearance Day

Isa sa pinakamahirap na pagdadaanan ng lahat ng estudyante ng Laboratory High School. Mahabang pila, pawisang mga tao at masikip na rooms, ito ang mararanasan nyo sa araw ng clearance. 3 days ang alloted diyan kasi napakahirap talaga. Well isecure nyo na lahat ng resibo, mga registration cards ninyo at ilagay sa envelope para pagdating ng clearance ay di na kayo magkumahog ayusin ang mga gamit ninyo.


Graduation

Aalis na ang mga 4th year sa Laboratory High School at kami na ang papalit, life's like that, alumni na rin sila at magdodonate na rin sila sa school (hehe).


Pilian ng section (for the 2nd years)

Ito, pinakamasayang parte. Alam ko para sa mga 2nd year, empyerno ang NAT. Ako mismo nainis ako sa test na yan eh. Pero ito na, pilian. Pwede ka sumama sa friends mo kung mapalad ka, pwede ring hindi kung matalino ka (tulad ng isa kong kaibigan). Pero ayun nga, malaki ang chances na makasama mo friends mo. Pero depende. Choose wisely talaga. Maligaya din ako sa araw ng pilian ng section kasi... (unwritten)


Pagpunta ng Chorale sa Malaysia

Medyo matagal pa so di ko muna ididiscuss...


Sigwa

Gaya nga ng nasabi ko, "Babala ng Sigwa" pero may chances naman na di mangyari yun pero kasi meron akong tatlong pinagbatayan duon. Para masaya sabihin ko na, una kasi duon talaga "siya" kasi siya nga ang nagsabi na pumasok ako sa ganito, siya na rin ang pinagbatayan ko ng sigwa. Ikalawa, "patutunguhan", ibang term ng patutunguhan, alam nyo na siguro kung ano. Ikatlo ay ang "environment" siyempre yung mga tao sa paligid pero di ko masyado binigyan ito ng importansya kasi nga mas mahalaga ang una. Pero ang una ay nasira na. Kumbaga, nagbigay siya ng signos na magkaroon na ng sigwa, pero nariyan pa ang ikalawa na maaring mag save. Kung sakaling parehong ito ay nasira, hindi na ito maisasalba ng ikatlo unless naging maayos muli ang una na mukhang imposible na so posible magkaroon ng sigwa.


Sa ngayon, ngayon lang uli ako nakapagonline at aalis na rin ako, saka na ako magdadagdag kapag marami pang oras, wala na kasing oras.