Friday, December 28, 2007

Omega City

Dahil na rin siguro ito ang pinaka-una kong production na nagawa, ako ay proud kahit na basura ang series. Well, proud ako sa series na iyan dahil may nag-subscribe sa akin dahil sa series. Well, it's a lot of nonsense. Hindi ko nga masyado alam ang account setting sa YOutube eh! BAsta sa akin may ma-upload lang ako. Mayroon pang gagawin na pang-akademiko. Ang Algebra na gawa ni Capitulo. At ang Makabayan. Ang MAKABAYAN ay naiwan ko sa aking locker kaya hahabulin ko nalang ito sa 7. Gagawin ko nanaman ang aking walang kwentang sagot. Ang Capitulo ay napakahaba. Nakakatamad at napakahirap. Pero kailangan magtiis.

Dahil tinatamad pa ako gawin ang Algebra, ginawa ko ng 100% Saved Game ang San Andreas. Tapos na lahat ng missions, submmissions, girlfriends, nasa akin na lahat ng damit, gold lahat ng schools at kung anu-ano pa. Well, mahirap at nakatatamad din mag-100% Saved Game kaya nanood din ako ng mga pelikulang pinag-uusapan pero hindi ko pa napanood..
-------------------------------------------------------------------------------------
HITMAN
Ang Hitman na siguro ang pinaka-astig na napanood ko. Kaya nga gusto ko bumili ng Hitman Blood Money at Silent Assassin na laro eh. Pero kung meron kayo, just inform me. Tungkol lamang ito sa isang hitman o mamamatay tao.

THE KINGDOM
At first hindi ko naintindihan ang plano ng mga terorista. Pero nakuha ko rin ang gusto nila. Manggulo. Ang Kingdom ang kaharian ng Saudi Arabia. Nagkaroon lang ng kaunting labanan sa ending dahil na rin sa paglusob nila sa lugar ni Abu HAmzah

AMERICAN PIE:BETA HOUSE
Ito lang ang napnood ko sigurong American Pie kasi may mga iba na nangangako na magpapahiram pero wala naman. Anyway, ang Beta House ay isang fraternity na kung saan puro enjoyment. Well ang kanilang initiation ay masarap at nakaka-enjoy.

DA VINCI CODE
Alam ko matagal na ito pero ngayon lang ako nagtangka manood nito. Siguro alam nyo na ang istorya kaya hindi ko na ikukwento basta ang istorya ay SATANIC kung ibabase mo sa bibliya. Nasa manonood na yan kung paano nila tingnan ang istorya. KUng bakit kasi history pa ni Jesus Christ ang kinuha eh.

Meron pa akong 2 natitirang napanood pero ayoko na sabihin yung title. Kasi hindi lang naman ako ang nagbabasa ng blog ko kaya mahirap na. Pero ang pelikula ay Filipino at ito ay hindi angkop sa edad 17 pababa. Nasa mambabasa na iyan kung ano ang iisipin nila.
-------------------------------------------------------------------------------------

Balik tayo sa San Andreas. Binalikan ko ang Smoke's Crack Palace. Napakarami kong snapshots sa site pero baka hindi magkasya dito kaya baka ilagay ko nalang sa MotherVictor City Website. Pero ilalagay ko ang aking kuha mula sa tuktok ng Mount Chiliad (ito ata ang pinakamataas na bundok sa San Andreas)




Nakita ko na rin ang kinalalagyan ng SUICIDAL PHOTOGRAPHER sa San Andreas. Meron akong 3 photo dito ng unti unti nyang pagkakamatay. Makikita mo siyang kumukuha ng picture tapos sasabihin nya "You Thik, you're better than me?" tapos ayun, nalunod agad.







PAgpasensyahan nyo na medyo madilim gabi kasi yan lummilitaw eh. Mga madaling araw. Ito na ang last. Ito ay isang parody sa pelikulang TERMINATOR ni Arnold S. [mahirap yung spelling]. Nasa Los Santos lang ito. Ito ay isang poster.




Mahaba-haba ito dahil hindi ko ito naipasok sa Centennial Post.

Centennial Post

Sa Nakaraang 4 na buwan, ito na ang aking ika-100 post. Biruin mo yun? Isa itong patunay na ako'y masipag at laging nakaharap sa PC. At dahil nga ito na ang aking ika-100 post, ako ay naglabas sa youtube ng series. Ang 48. Well, dito ko na lamang ito ilalagay dahil pang-100 na ito



Ito ang unang episode ng 48. Ang "Omega City".

Thursday, December 27, 2007

At Last, My Very Own Series...

Katatapos ko lamang gawin ngayon ang aking Series na pinamagatang 48:The Assassin. Well, bunga ito ng 11 araw na katamaran at walang ginagawa. Magkakaroon siya ng 4 na series at ito ay lalabas sa Youtube. Bukas ko ilalabas ang unang series! Wahahahahaha!!

I don't give a damn care kung mag-comment kayo ng kabulastugan. Ang mahalaga, may nagawa ako sa buhay ko!

Wednesday, December 26, 2007

Victor's Fame


Victor's FameNational Geographic with scary picture at MotherVictor City The Game

Subscribe to Vintage Spy Videos at Youtube!


Tuesday, December 25, 2007

Ang Huling Gabi...

Kahapon, December 24, 2007, 9:30 p.m., ako ay dumiretso sa simbahan upang tapusin na ang Simbang Gabi. Pagkatapos ng 8 araw ng paggising ng madaling araw, narito na ang ika-9 araw. Astig lahat ng preparations. Marami-rami ring tao. Sa dami, isa ako sa mga nakatayo. Masaya ang lahat. Napaka-solemn, holy at historic. Pero isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang gumulat at sumira sa seremonya...

Tumingin ako sa orasan ko, 22:50. Paglingon ko sa altar, isang pigura ang aking nakita. Lalaking naka-pula. Medyo maliwanag ang aking paningin kaya nakita ko ang mukha ng lalaki. Isa siyang diablo. Tumingin muli ako. Hindi siya dyablo, isa siyang gorilla. Pero duda ako. MAy naalala ako sa kanyang pagmumukha. Isang demonic figure siya. Madumi ang lalaki, naka-pula at tumatawa. Tinignan kong maigi. Imposibleng may gorillang nakapasok sa simbahan! Mukha man siyang dyablo, isa siyang tao. Naalala ko yung larong ilalabas sa January 1. He/She is MOTHERVICTOR. You read it right. Victor Gaspar III. Kaya pala siya nandun dahil isa sa choir ang nanay nya. Hindi na ako nag-atubili lumapit dahil masisira lang ang solemnity ng mass...

Hindi na ako magkukwento ng nangyari nang sumapit ang 2400 hours. Dahil baka mainggit lang kayo at magresult sa pag-kidnap nyo sa akin. Pero ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga bumati, nagbigay ng regalo, nakaalala at kahit sa mga nang-api, nanuri, nagbigay ng kapintasan, nainggit, nabilib, nagtraydor, nagsukab, kumalimot, nagbubulagbulagan, nagbibingihan, sa lahat ng manhid, tanga at estupido at kahit na sa mga nandumi ng polo ko at naninira ng pangalan ko. Salamat pa rin dahil may pasko.

Bago matapos ang post na ito nais ko kayong bigyan ng palaisipan. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ni Akon at Victor?

Monday, December 24, 2007

Minsan, kailangan natin labagin ang mga kultura! Ano ba sa tingin mo ang iba pang solusyon?

Ipapasa ko palang ngayon ang aking istorya tungkol sa isang muslim na pamilya. Namatay ang kaniyang ama na nasa malayong lugar. Ayoko na magkuwento.

Well, parang nakita ko ang San Andreas sa Quiapo noong isang araw. Una ay ang gangsters. Hindi nga lang kapareho ng kulay pero ang kanilang pananamit ay halos pareho. Sumunod ay ang mga "hookers" [hanapin nyo sa dictionary]. Pati na rin ang iba ibang itsura ng mga nilalang na naroon ay halos kahawig din.

Meron akong kakilala. Hindi ko na sasabihin ang pangalan nya. Bitin ang kanyang pantalon. Tinanong ko kung aware ba siya na bitin ang pantalon nya [at may butas]. Sabi nya "punks ako". Galing magpalusot. Minsan naman nakita ko siyang naka mahabang damit [mula yata ito sa tatay nya kasi luma na ang style] sabi nya Hiphop/gangster daw siya. Lastly nakita ko siya na may sugat sa kanyang kamay [maaring dahil ito sa katangahan nya] sabi nya emo daw siya... HAizzz.... Tinanong ko rin si Victor kung bakit siya napaka-itim, ang tanging sinagot nya ay "Ako ang orig na emo. Pati katawan itim."


Nevermind. Ang Scape Goat o ang "palusot" sa tagalog ay nagmula pa bago ipanganak si Hesus. Noong unang panahon, kapag ang tao ay gustong humingi ng tawad sa panginoon o gustong maging malinis ang kaluluwa nagaalay sila ng tupa o lamb. Kaya nagawa ang salitang scape goat.


Meron na lamang ilang oras bago sumapit ang kapaskuhan!!!

Saturday, December 22, 2007

Umuwi ka na, hinahanap ka na ng ama mo....

Isang madramang istorya ang aking ginagawa alang-alang sa kabutihan ng paaralan. Hintayin nyo na lamang ito lumabas dahil ayoko na magkuwento. Nakakatamad gawin ang mga bagay na nakakasira sa aking paglalaro. Ayoko na mag-enumerate. Pero dahil ako ay nagbyahe, may mga bagay akong nakita na unti-unting nagpapalinaw sa aking isip....

11 months ago, ako ay nanaginip. Well, hindi ito nakakatawa. Katunayan, nagsilbi itong palaisipan sa akin at hinanap ko ang lugar na ito. Nanaginip ako na ako ay nasa isang paaralan. Actually, hindi ko pa napuntahan ang paaralan sa buong buhay ko. Ang buong akala ko isa itong kathang-isip. Isa siyang paaralan na kung saan, ang uniform ay katulad ng sa Japan. Nakita ko lamang ang pasilyo ng school, ang kanyang gardens?, parang sumisibolo ito ng kayamanan at kapangyarihan. Lahat ng naglalakad ay mayaman. Actually, sikat ako. Medyo malabo ang paningin ko sa logo ng school pero may nakita akong touch of green. Ilang buwan ko ipinagtanong ang deskripsyon na aking nakita. Hanggang sa may nakapagsabi na ito daw ay ang De La Salle University sa Taft. Nung nakita ko yung university, somehow pareho siya. Hindi ko masyado nasilayan kasi ang bilis ng sasakyan. Ngayon, dahil na rin sa traffic, nakita ko ito ng maigi. Sakto ang pasilyo, mga upuan at ang gate. Parehong-pareho. Hindi ko pa rin maintindihan ko ano ang ipinapahiwatig nuon.

Pauwi na ako. Pagkasakay ko ng jeepney, isang mama ang biglang sumakay at bumati ng Merry Christmas sa driver. Sa aking pagaakala, isa siyang sira-ulo na ayaw magbayad kaya inuuto niya ang tsuper. Magkakilala pala sila, drunk lang siya.


Meron na lamang 3 araw bago sumapit ang kapaskuhan at ilang araw na lang tapos na ang Simbang Gabi ko.

Friday, December 21, 2007

The Condemned Warrior

Anlakas talaga ni Jackson. Lahat natatalo. Hindi ko pa alam kung paano magiging powerful si God. Pero meron lamang akong ilang mga bagay na concerned about.

Isa na dito ang palaging pagla-lag ng laro. Nakakaasar. Kung kailan maipapanalo mo na ang laban ni Silver Samurai, nawala pa. At hindi lamang ito nangyari once. It happened many times. Pero astig yung laro.

Wala namang significant event na nangyari sa akin. Hindi ko pa naipapasa ang aking script dahil sa tingin ko, ito'y hilaw at kulang pa sa impormasyon. Medyo naguguluhan kasi ako sa aking premise. Meron na lamang 4 na araw bago magpasko. Kaya meron na lang akong 3 araw para gawin ng matino ang script para maipasa sa 24. Hirap talaga maging skilled.

Sa San Andreas naman, binibili ko na muli ang mga hindi pa nabiling bahay. Bibilhin ko na rin ang lahat ng mga damit at sasakupin ko na ang mga natira pang teritoryo. Dahil nga walang kagila-gilalas na nangyari ngayon, ako ay manonood na lang ng American Pie Beta House. UNRATED yun!

Thursday, December 20, 2007

Jackson vs. Sephirot

Di ko sure yung spelling ni Sepherot etc. Basta ang alam ko, weak siya. May binigay si Leo sa akin na laro. Ang aking gamit na character ay si Jackson. As of now, siya pa lang ang nakikita kong pinakamalakas. Ilang ikot lang nya, K.O. na agad. Pero mas matindi yung laban nya kay Sepheroth. Isang ikot lang. Pagkasipa ni Jackson, KO agad si Sepheroth! LINTIK ANLAKAS! ISANG IKOT AT AT SIPA LANG! Anlakas talaga ni Jackson..

Naganap na ang aming Christmas Party. Base kay Julius Alano, boring daw and nonsense. Ako neutral. Wala na akong ikukwento doon. Meron kayong sari-sariling parties na poproblemahin so wag na kayo mag-atubili pa maghanap ng impormasyon sa blog ko. Salamat din sa mga nagbigay ng regalo.


MERRY CHRISTMAS TO ALL!!! 5 DAYS NA LANG PASKO NA!

Wednesday, December 19, 2007

Mga bagay na sisira sa aking angkan

Kakaunti lang ang importanteng nangyari ngayong mga araw na ito. Pero kahit papaano, may nangyari. At kapag may nangyari, may isusulat ako.

Sisimulan ko sa TEACHER's DAY. Hindi namin alam ang kakantahin kaya ayun, nagkalat kami sa harap ng madla. Tingin ko frustrated ang aming mabuting adviser. Bago kasi magsimula ang presentation, nakikita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Masaya siya at gising na gising. Pero nung kumanta na kami, napasimangot lahat ng guro. Marahil ay dahil na rin sa aming kahihiyang ginawa.
WAIT THERE'S MORE!!!!!!!
Nakakahiya din ang magmukhang tanga sa harap ng mga tao. Para kang ewan. So yun ang ginawa ko. Nagsisigaw sa harap ng maraming tao. Nonsense. So ayun. Nanunuod pa naman ang babaeng hinahangaan ko. Nakakahiya talaga.

Natapos na ang Teacher's Day at umalis na kami agad. Hindi na kami kumanta para kay Sir Jarin.

SA BAHAY NILA LEO pumunta kami sa party na HALF INVITED kami. Well, 98% lang naman kasi ng tao ay dominated by RMSHS. And almost 30% of the RMSHS students ay bakla. LANTAD NA BAKLA! anlalandi pa. Lalo na yung lintik na nakapareha ko sa isang nakasusuklam na laro. Ayoko na ipaliwanag ang laro. Dumating din ang aming pangulo ng LOYALTY. PEro ayos din. Hindi ko nga lang natapos yung party.

Pumunta ako ng SM Centerpoint para bumili ng Christmas Wrapper. Hindi pa ako nakakapasok, nakita ko na ang ama ni Rojan Marc Miergas na may dalang pizza. Pagpasok naman nakasalubong ko si MAESTRO MICAH ANDREW BULE. Pagkatapos, nakita ko rin sila Jasmin Poquiz, si Rita at si JOELLE AGUAS. May mga nakita din akong ibang LHS pero hindi ko na sila pinakialaman.


Bukas na ang laban ng Chorale. Ang tanging pagasa naminn ay dasal. Yun lang.

Tuesday, December 18, 2007

1 Week, 2 Days, 15 Hours and 660 Seconds

1 WEEK
In just 1 week, pasko na. Meron pa ring ilang natitirang simbang-gabi. Natapos ko na ang 3 araw ng paggising ng simbang gabi. Meron pa ata akong 6 na araw na natitira.

2 DAYS
2 araw na lang, Christmas Party na. Exchange Gift na at mabibigyang saysay na ang P120. Meron din daw magde-date after the said party. Name UNDEFINED. So ayun. Yung iba magbibigay sa mga sinisinta nila, yung iba para sa kaibigan yung iba palusot pero sa totoo lang may maitim na nasa. Balita rin daw na-

15 HOURS
MEron na lamang 15 oras para kumanta ang Chorale ng Loyalty? PEro ano nga ba iyon? At, 15 hours na lang sasadlak na ako sa kahihiyan sa di maipaliwanag na dahilan...

660 SECONDS
Ito ang title ng librong nabasa ko [not literally] na puno ng pakikidigma sa kama. HAy naku. Ang mganda artistic yung description. Hindi lang basta f*ck or anything else.






Wala na namang kwenta ang naganap. wala

Monday, December 17, 2007

Si Gaspar edad 40 pero kakikitaan ng malaking tiyan, mukhang kotong cop, ayaw sa mga bakla. Si Victor III, estudyanteng bakla na nasa edad 13.

Ito yung character na pinagawan sa amin ng script. Katunayan, hindi Gaspar at Victor kundo Pedring at Lukring. Wala rin sinabing malaki ang tiyan ni Pedring. Ang inaakala namin na nakaka-bagot na pag-aralan, ngayon, may natamo kami.

English Time, Mga 10, naisip namin ni Kuya Leonel [as everybody call him] na sumali sa Scriptwriting. Dahil na rin siguro sa katamaran magklase. We didn't expect for better at wala sa isip ko matuto.

Pagkatapos ko kumain ng 5 minuto, tumakbo ako sa may Mini Center. Nakita ko ang direktor ng Haw-Ang. Siya ang instructor.

Pagpasok, bumalik lahat ng adrenaline ko sa pagsusulat. Dahil nga sa gayon, Premise pa lang, mahirap na. Pati event at story. "Ang event yung pisikal na nangyayri, yung story, ito yung may premise." so yun na nga. For the first time. Naka-attend ako ng seminar kung saan hindi ako inantok. Pero sumakit lang yung ulo ko. Tumagal ito ng almost 4 hours. Pero astig. Natuto akong mag-imbento ng istorya.

TO make the story short, worth it naman yung punta ko. Yung inaakala kong waste of time, may pakinabang naman.

MOst importantly nalaman ko ang tunay na mensahe ng Haw-Ang. ISang paglilinaw sa inaakala ng lahat. ANG HAW-ANG AY HINDI TUNGKOL SA ISANG MADRE. ITO AY TUNGKOL SA PAGKABABAE. Na-realize ko based on it's scripts na pinapakita nga nito ang pagkababae...



Pauwi na rin ako. Ansakit ng ulo ko. Parang pinipiga na magbigay ng dramatic event. Nakasabay ko nanaman si Bb. Virgino. Yun nga lang hindi na ako nakapagpaalam o nakabati dahil talagang ansakit ng ulo ko. Pasensya na.


PAGUWI KO natulog muna ako. Kagigising ko lang ngayon. Sakto naman pagkabukas ko inabutan ko si ******. Siya ang taong una kong inibig bago pa ang PC ko. Hindi ko napansin ang kanyang presensya. Marahil ay dahil na sa aking masakit pa ring ulo. Nag- Message siya sa akin..
********* *******:musta na po?
May pumasok na bagay sa isip ko. "ganun na naman? Di bale na at least naabutan ko siya after 6 months of everyday existence ko sa YM.

Hindi na rin kami nakapag-usap ng matagal. Pa-logout na siya. Siyempre, meron na naman akong bagay na hindi nasabi. Failure na naman.




Katunayan, minsan kailangan kong gumamit ng Internal Conflict o Silent Conflict. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung tanga o gago ako. Pero yun nga hindi na talaga magbubukas ang puso ko. Well dahil na rin siguro sa mga pangyayari last year tuloy pa rin hanggang ngayon. [wag nyo nang pilitin tarukin] Kaya nagsara na ang puso ko. Wala ng pag-ibig. Malamang pag-ibig sa diyos at sa tinubuang lupa. Pero ayoko na magsinta ng isang "binibini".

Pero minsan, dahil nga tao lang ako, humahanga din ako. Pero ang prinsipyo ay prinsipyo. Siguro, isang tao lang ang makakabali ng prinsipyo ko about this. Si God. Kasi ayoko na maghanap pa ng mamahalin. Hahayaan ko siyang maghanap at iabot ito sa akin [LITERALLY] [intindihin nyo. Malalim ito]



Wala talagang kwenta akong nagawa sa buhay ko. Pero at least hindi ako nag-klase, nag-enjoy pa ako.

Sunday, December 16, 2007

End Of Line

Hahahaha! After almost 5 months [hindi pa kasama ang mga dati kong laro sa computer shop] Natapos ko na ang San Andreas ALL BY MYSELF!!! Napakasaya ko talaga at napakadrama ng ending. Namatay si OFficer Tenpenny ng walang ka-kwenta-kwentang pagkamatay. Nalaglag lang yung firetruck na sinasakyan nya. Namatay siyang nakabuka ang bibig.

Ang ending ng San Andreas ay credits na napakahaba. Hindi ko lang naintindihan yung ginawa ni CJ habang nagkakasayahan sa bahay. Nagtanong si Kendl [ang kapatid nya] sa kanya kung saan siya pupunta. "Just hitting the block. See what's happening"

Ayun. Grabe. Napaka-saya ko talaga. Natapos ko na ang San Andreas!!! Wahahaha! Astig yung laro kasi nagpapakita ito ng determinasyon. Umunlad kasi si CJ. Ang gagawin ko nalang ngayon ay manakop pa ng territories at i-date ang lahat ng girlfriends ko para magkaroon ako ng 100% Saved GAme. Tatapusin ko na ang Taxi, Vigilante, Emergency, Trucking Missions pati na rin ang Schools, gagawin kong Gold lahat.

Sa ending, hindi na suportado ni CJ si OG LOC kundi si Madd Dogg na kaya si MAdd Dogg ay meron nang gold record.

Ako ay lubos na nag-enjoy sa laro at hinihintay ko nalang ang paglabas ng GTA IV at GTA V!

It is still not the End

Habang naglalakad ako sa mataong lugar ng ******, nakita ko ang iba't ibang uri ng tao. Merong nanloloko, namamalimos at mga muslim na nagtitinda ng Christmas Lights. Naisipan kong bumili ng bagay na maari kong gamitin. Mahal ang singil nya kaya tinwaran ko. Ang sabi nung muslim, "Taasan mo naman yung tawad mo, PASKO NAMAN EH." Intindihin nyo nalang...

Andami pang gawain na hindi ko pa nagagawa. Isang magandang halimbawa ay ang pag-aaral sa Stenography. Nakakatamad magaral tapos pagagawin ka pa ng 1 yellow pad na sulatin. Hindi naman ito mainam na paraan ng pag-aaral ng Steno! Hay naku...

Habang naglalaro ako ng San Andreas, may naalala ako kay Big Smoke. May kamukha siya. Pagmasdan maigi ang 2 litrato...



Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Sean Kingston at Big Smoke? Pati na rin pala ni John Paolo Medrano???

Saturday, December 15, 2007

End Of Line Parts 1 and 2

Ang pinaka-matindi at pinaka-madrama na sigurong mission sa San Andreas ang End of Line. Meron siyang 3 parts. Hindi ko na i-enumerate. Natapos ko na ang walang kahirap-hirap na pagpatay kay Big Smoke. Pati na rin ang paglabas sa mansion ni Big Smoke. Matatagalan na siguro ako sa Part 3, ang paghabol sa fire truck ni Tenpenny kung saan nakasabit si Sweet [bobo kasi, akala mo superhero]. Kaya iyun, tatapakan ni Tenpenny ang kamay ni Sweet tapos lalaglag si Sweet. Kailangan masalo mo. Nakakaasar talaga. Bilang patunay na narating ko ang mansyon ni Big Smoke, narito ang statwa nya. Tunay ito mukha nga syang tanga eh...



Bilang isang player ng San Andreas, KARANGALAN para sa akin na matapos ko ang ansabing laro. Meron akong downloaded na 100% Saved Game pero kinuha ko lang yun dahil nasa kanya na lahat ng damit! Grateful talaga ako kasi NAIBALIK KO ANG LARO KO. Hindi nga lang balik talaga. Pero sa kintapusan kong mission sya bumalik. Yun nga lang bibilhin ko uli lahat ng bahay at mag-GF uli ako ng 5. Pero at least naibalik na...

Friday, December 14, 2007

No Talk, More Knowledge

Isang bagong istilo ng pagiispiya ang aking na-discover. Ito ay ang tinatawag na Heartless Mammal. Kung mapapansin nyo sa mga nakaraang araw, minsan na lamang ako lumabas at makipag-kwentuhan kung kani-kanino unless kung importante. Isa itong istilo ng pagalam ng mga bagay na mahirap malaman. Wala nanaman akong magawa.

Hindi ko na sasabihin ang mga bagay na ALAM KO PERO MUKHANG HINDI KO ALAM. Maari lang itong pagmulan ng away, gulo, pag-dedeny o samaan ng loob. Kaya keep silent muna. Pero habang may tenga ako, nararamdaman ko ang pinaguusapan ng nasa paligid ko, sa kalye, skwela, silid-aralan, alley o kung saan pa. Ito ang aking Sense na aking mino-motivate. Ang lakas ng pakiramdam. Kaya kung may magparinig, magpaepal, umibig, may tinatago sa akin, ramdam ko yan hindi man 100%.

Isa na siguro sa nagamitan ko nito ay si 3G or mostly known as BLACK DIRTY GAY NIGERIAN. Akala nya ako na lang ang tanga at tonto at stupido na hindi nakakaalam ng kanyang "sikreto". Mayroon kong mga sources na inaakala nya ay nagmamahal sa kanya. Pero sabi nga ng sabi ni "Conan ng Loyalty" eh, magpaka-tanga muna ako. Bawi na lang sa dulo.....

Hindi ko na kailangan ipalandakan na ALAM KO ANG KARAMIHAN NA MGA TANGKA AT MGA PASARING, PATAMA O PAGTATAGO ukol sa akin. Ang mahalaga, alam ko iyon pero kailangan kong maging inosente alang alang na rin sa Peace.

100% Saved Game na ako. PEro kung meron kayong mission na Homecoming, pakisabi na lang sa akin. Handa akong magbayad....

As I was browsing all the blogs, nakita ko ang blog ng musa na si Bb. Virgino. Parang mayroon siyang mensahe ng pagmamahal sa kanyang pananalita. Kung sino man iyon-

Nag-brown-out na. Kaya ayoko na magsalita. Basta yun na yun. Simbang Gabi na at mayroon nalang 11 araw bago mag-pasko....

ITO ANG CURRENTLY PLAYING NA KINANTA NI ANDREA BOCCELI

Ave Maria
Gratia plena
Maria, gratia plena
Maria, gratia plena
Ave, ave dominus
Dominus tecum
Benedicta tu in mulieribus
Et benedictus
Et benedictus fructus ventris
Ventris tuae, Jesus.
Ave Maria

Ave Maria
Mater Dei
Ora pro nobis peccatoribus
Ora pro nobis
Ora, ora pro nobis peccatoribus
Nunc et in hora mortis
Et in hora mortis nostrae
Et in hora mortis nostrae
Et in hora mortis nostrae
Ave Maria

Thursday, December 13, 2007

Chocolate

Chocolate-isang bagay na matamis na kulay tae.

Ano nga ba ang silbi ng tsokolate? ITo ay based on Scientific Studies. Una kapag exam, maiiwasan ang mental block. Kapag kabado ka, pampakalma ito [as used in Harry Potter]. Pwede ring aphrodisiac. Pero nakadaragdag ng sakit ng ulo, nakakapagpalala ng lagnat at ubo sa kadahilanang, pinapalapot nya ang laway mo.
-Based naman sa iba pa ang tsokolate ay binibigay kung gusto mo pumatay [sa diabetics especially] or gusto mong magpasaya ng tao o may sinisinta ka o pwede mo rin ibigay sa syota mo. Wala lang akong magawa ngayon.....

NO HARVEST
Ipinalabas ngayon ang Haw-Ang. Isang indie film na parang pinortray ang buhay sa Banaue. Maganda ang effects, pagkakalapat ng musika at madali kong nakuha ang istorya nya at ang katatapusan nito. Sa simula pa lang ramdam ko na mamatay ang guro nilang madre at maitatayo ang paaralan. MAgkakaroon din ng affair ang ama nya at ang madre. Nangyari nga iyon. Kwento kasi ito ng isang madre na nag-struggle para lang maturuan ang mga estudyante nya at makapagpatayo ng paaralan. Maraming EPAL habang nagplay ang pelikula. I was shocked sa Love Scene. Hindi dahil HAYUK ako sa ganoong bagay. Katunayan, parang walang kwenta sa akin ang love scene at maari i-rate na isa sa mga mahihinang klase. Na shock ako dahil inilabas ito sa LHS. AT NAKITA KO ANG EMOSYON NG BAWAT ISA. BABAE MAN O LALAKE.

Currently Playing:Ang 10 minute ng tugtugin ni Beethoven entitled, Ode To Joy


"Aalamin ko rin yan. Gamit ang sarili ko lamang..."

Wednesday, December 12, 2007

Lalahok nga ba ako?

"Makikilahok ako sa talakayan sa klase ni Gng. Lai"

Ang pangungusap na nagpaiyak sa 6 na estudyante [yung iba hindi halata]. Sino nga naman ang makakakaya ng 200 salita na ipagkakasya sa 1/8 na papel? Well, medyo nagturo ito ng Life Lessons na magagamit ng aking mga kamag-aral sa buhay nila... 5 ito.
1. Don't Mess up with Gng. Lai
2. Never dare anyone whom you are not acquainted with
3. Use cursive writing
4. Take your time
5. Practice writing at home
Katunayan, nagsilbing COMMERCIAL ito sa Subject ni MR. Dumrique. Ang Stenography. BAkit? Kasi, ibig sabihin lang doon, matuto kayo magsulat ng steno! PArang sabi ni Gng LAi, "Imagine life without Gregg Shorthand!" Alam ko marami ang na-offend talaga sa pangyayari. Hindi ko masasabi na STUPIDITY ito ng iba dahil sinubok lang nila si mam Lai. Hindi ko rin masisi ang ibang nag-object dahil alam ko napilitan na sila dahil desisyon ito ng iba. Well, as for me, I am a neutral. Ayokong pumanig dahil ayoko gawin ito pero ayoko umayaw dahil wala rin namang kwenta kung mag-oobject pa ako.
--------------------------------VSO--------------------------------------------------
"Pasko na naman, ngunit wala ka pa, hanggang kailan kaya ako maghihitay sa iyo... Bakit ba naman, kailangan lumisan pa, ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka"
Paskong pasko na. Pero ramdam ko ba? Pagkatapos ng lahat ng nangyari nuong mga nakaraang araw nasundan pa ngayon. Pilay ang aking L thumb. KAya not functioning siya ngayon. Para siyang extra finger ni Lloyd. PEro, actually, kaya ko napili ang tugtog na ito for 1 good reason. Kung hindi nyo alam, PAKINGGAN MAIGI ANG KANTA. Pero I really feel the Christmas Spirit. Una kasi malamig. Pangalawa, there are ALL MY FRIENDS na sumuporta at nakiramay sa pagkawala ng lahat sa akin. Meron na lamang 13 days bago magpasko!
---------------------------------VSI-------------------------------------------------
Baklang matanda:uy may lalaki!
Black Nigerian GAy Gorilla:Hi poh!
Baklang matanda:YUCKS!!!!! MUKHANG INIDORO!!!! AT CHINOPCHOP NA GORILLA!
Lady:Hi, Mahal kita
Extra:F*CKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
--------------------------MotherVictor City-----------------------------------------



"Do I know how to love? Maybe not. I am a programmed cold-blooded mammal"

La Homme Sans Identite

Last Episode

Lumapit si Norman at Louie at agad na itinago ang hawak
"Ano yun?" mausisang tanong ni Norman.
"Ano, yung hawak ko?" kalmadong sagot ni Ken
"Ano yun? Parang makinang eh!" dagdag ni Louie na may himig na nang-gagago
Dahan dahan nilabas ni Ken ang isang relo na mula sa na-raid na store. Peke ito pero makinang. Nakasilid ito sa isang plastik na ginagamit sa imbestigasyon.
"Relo?" pagkagulat ni Louie at Norman.
"Gagamitin ko ito sa imbestigasyon ko kung sino ang mastermind sa nasabing smuggled fake goods." sagot ni Ken
"Ay, Man, samahan mo muna ako kay Henry." anyaya ni Louie
"Sige na Ken, sana mahuli na natin yung pinakautak ng gang dito lalo na ang kumidnap sa asawa mo." sabi ni Norman.
Umalis na ang dalawa. Habang naglalakad...

"Muntikan na mawalan ng aasawa si Ken pero ganon pa rin siya, hindi pa rin nya isinusuko ang dyamante."paliwanag ni Norman
"Ewan ko ba kay Ken! Siyanga pala, pansinin mo si Henry sa mga sumunod na araw, mukhang tuliro." pag-ayon ni Louie
"Bago ibigay ang dyamante, narinig ko ang pagkainggit ni Henry kay Ken dahil sa pagkakakuha nito nung dyamante. Ang masaklap pa sinabi nya na kukunin daw nya iyon dahil bawal sa batas iyon." kwento ni Norman
"Teka, ibig sabihin may pagnanasa si Henry sa dyamante? Nahahalata ko ito pero tuwing kasama ko siya, minsan lang siya magsalita ukol sa dyamante. Laging nakatuon ang pansin nya sa misyon natin.." pagdududa ni Louie
"Pare, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa mundo. Lahat ng nakakaalam gusto nung dyamante!" balisang sagot ni Norman
"Maliban sa atin." sagot ni Louie
"Asan si Manuel?" tanong ni Norman
"Malamang andun sa ibang departamento. Ewan ko nga kung may gusto siya sa dyamante eh." sabi ni Louie
"Pare, hindi lahat ng inaasahan mo, iyon ang nangyayari. Minsan imposible pero yun pala." sagot ni Norman.


Ilang araw ang lumipas. Nag-absent si Norman sa pulisya. Wala siyang iniwan na note o nao man. Lumabas na lamang na patay na siya at ang hinihinala na pumatay sa kanya ay ang gang na hinahabol nila. Dahil sa pangyayari, tinanggal sa mission ang natitira pang pulis na sina Kenneth, Manuel, Louie at Henry. Nawala din ang dyamante na tinatago ni Ken at inamin nya ito kay Louie. Si Henry naman ang pinaghihinalaan ni Louie na nagnakaw ng dyamante. ISang araw nagkasalubong sila.
"PAre, sagutin mo nga ako." pagalit na pahayag ni Louie
"Bakit?" tanong ni Henry na tila bang natatakot
"Nasaan ang dyamante. Alam ko matagal mo na gusto ang dyamante. Pero kailangan mo bang magsukab sa ating kaibigan?!?!" Tanong ni Louie
"Hindi! Wala akong intensyon dun!" pagalit na sinabi ni Henry
"PATUNAYAN MO!"sagot naman ni Louie
Nagpaliwanag si Henry. Umalis si Louie at dumiretso sa kanyang kwarto sa pulisya. Nagdrawing siya ng diagram.

"Ken, Henry, Manuel at Norman. Patay na si Norman, slash. Si Ken ang nagmamayari, slash. Si Henry, umamin, slash. Si Manuel, hindi nakikipag-usap, slash. Walang natira kundi ako. Pero wala akong tangka sa dyamante! Iniwan ko na ang buhay kong ganyan noong nakaraang taon! Teka, ano nga ba ang unang nangyari. Ang pag-raid. Nakakuha si Ken ng dyamante. Ramdam ko na gusto ito ni Henry. Walang pakialam si Manuel. Si Norman, laging nagkukwento tungkol sa maaring kapalit pero wala kaming tangka duon... Tapos may nagkidnap sa asawa ni Ken. Maaring nagbigay si KEn ng pekeng dyamante dahil nasa kanya pa rin ang dyamante. Then, namatay si Norman at nakita ang bangkay na lamog. Si Henry, sabi hindi nya kailangan ang dyamante... Hindi kaya pakana ito ni Ken? Para maitago ang dyamante? PEro teka...... NGAYON ANG PAGSISIMULA NG PANIBAGONG MISYON."


Kinaumagahan, wala ng gamit si Louie sa mesa. Nagiwan siya ng mensahe na nakalagay "Goodbye Cruel World" at may initials sa ibaba na L.V. Napapabalita na rina ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao na hinihinalang may koneksyon sa gang. Nagalit ang Human Rights at ipinangako ang pagbitay sa gumawa nito. LAhat ng namatay ay iniiwan ng calling card na nakalagay BC-IHI-FAC. Akala nila ito ay isang pangalan, lugar nya at departamento sa pulisya. Makalipas ang ilang araw, namatay ang isang senador. May katabi siyang tape recorder na naglalaman ng kanyang kasamaan..
Pinaghihinalaan sa departamento nila Ken na si Louie ito pero pagkatapos niyang umalis ng opisina, tumawag siya at sinabing nasa probinsya siya dahil may karamdaman siya. Nakapagpaalam din pala siya sa Regional Director nila.

Tinawag ang killer na LHSI o La Homme Sans Identite. Isang salitang French na nagsasabing The Man Without Identity.

Ilang linggo pa ang lumipas habang naglalakad si Ken ay nagulat siya sa nakita nya. Ito ay ang bangkay ni Norman. Halatang kababaril lang sa tao.
"Shit! Patay na siya dati! Pero, siya talaga ito!" pagkagulat ni Ken
"Gulat ka no?" biglang litaw ni Louie
"Louie? Ikaw yan?" pagdududa ni Louie.
Hindi sumagot ang lalaki. "Narito ang dyamante mo. Siyanga pala, identified yang taong yan as Norman Legaspi, leader ng grupong hinahabol ninyo. Kumidnap sa asawa mo at nagtago sa mahigit 50 pangalan."
"Pero-"
"Nagulat ka dahil alam mong patay na siya. Isa itong kalokohan. Ang taong lamog ay isang tao na nagngangalang Lloyd Jose. Isa sa mga pulis. Pinatay siya ni Norman at ginamit na sarili nya. May kasabwat siya sa NBI para palabasing si Norman talaga ito. Pagkatapos, lalo nya pinalakas ang gang nya. Ang masaklap ang hawak mong dyamante ang tangi nyang gusto." paliwanag ni Louie
"Pero, kaibigan ko siya! Saka maari nya itong dukutin sa akin kahit kailan! Saka-"
"Yun ang akala mo. Gusto nya ang dyamante. Paano nya madudukot kung nagkukunwari siyang walang tangka sa dyamante?" kalmadong sagot ni Louie
"Ano bang meron dito? KAsi mahal siya?" mausisang tanong ni Ken
"Hindi. Iyan kasi ang kanilang natatanging bagay na maari nilang gamitin sa pagbubukas ng Vault nila sa Gregg Bank. Ang vault na naglalaman ng milyong-milyong dolyar."
"Pero- Teka! San ka pupunta?!?! May itatanong pa ako!"
"Tama na. Aalis na ako. Umalis ka na para hindi ka masisi." sabi ni Louie habang naglalakad palayo.
"Anong pangalan mo?!?!" pasigaw na tanong ni Ken
"LV 107"


Kinaumagahan, nakita ni Ken ang note ni Louie bago siya nag-resign sa pagiging pulis. Mga kaibigan ko, AALIS AKO DAHIL ako ay may sakit. MERON PANG MISYON tayo dati na AKO ang namumuno. Sana ay okay lang kayo. ITo nga pala ang ID number ko, 23989613. LV

Agad tumakbo si KEn sa kwarto nya.

"LV? Tapos 23989613, BCIHIFAC. Shit. At yung mga all caps na letters... Hay naku Louie..."

Tuesday, December 11, 2007

"We were not given names, We were given numbers"

Dahil sa wala talaga akong magawa ngayong araw na ito, nanuod na lamang ako ng HITMAN. Flashback ang kanyang istorya. Ang maganda lang, meron siyang barcode. Ang istorya ay tungkol sa isang kaliluhan. Wala na akong masabi. Basta maganda siya yun nga lang walang Love Scene dahil sila ay pinalaki ng simbahan. Actually, Orthodox Church ito. Sana doon na laman gako nagaral kaso kailangan kalbo ka talaga.

Tumutugtog ngayon ang aking operatic na tugtugin. Ang mga tugtog ni Beethoven at ang Ave Maria.

Ikalawang araw na walang cellphone. Para talaga akong half dead dahil sa pagkawala ng Cellphone ko. Pero kung si Sam Concepcion nga wala, ako pa kaya? May Death Threat ang buhay dahil sa aking karisma????

Nailabas na halos ang gameplay ng GTA IV. Pero WALA SA PC!!!!!!!!!!1

Wala talaga ako magawa sa buhay ko ngayon. I want to fulfill my missions.

Monday, December 10, 2007

I Lost 3/4 of my Life

Early in the Morning, isang napakasakit na pangyayari ang gumulat sa akin. I was fucking robbed. Nakuha ang aking cellphone. Wala na akong nagawa dahil huli na rin ng nalaman ko. Pero as soon as makita ko yung lalaking yun, ako na ang huling makakakita sa kanya. Siyempre bilang kaparusahan, binigyan ako ng parusa pero I had to accept it. Tanga ako. Nawalan na ako ng files sa PC ngayon naman cellphone. You know what's next? My Life.


Walang kwenta talaga ang araw na ito. Una dahil walang kwenta, pangalawa wala talagang kwenta at pangatlo ay dahil sa mga epal na tinitingnan ako bilang artista. Yung mga taong WALANG MAGAWA at iniintriga na lang ang nanahimik na tao. Gusto ko na sana patayin dahil na rin sa problema ko ngayong araw pero napigilan ako ng konsensya ko. Gusto ko lang sabihin na TIGILAN NYO NA AKO. Pero kung gusto nyo mabura, ituloy nyo lang. YUNG IBA KASI, epal talaga at lubhang epal. Nakakarami ka ng lintik ka, ulitin mo pa talaga, GAGO!


"Hindi ko kasi siya kilala eh"
"Taga-saan ba?"
"Ayoko nga sabihin!"
Akala ko kaya kong gawing Cyborg ang sarili ko. Kung saan programmed ako para gawin ang isang task without any problems. Pero na sira ang System Files ko. Sa di ko inaasahanang pangyayari, nagkaroon ako ng puso na matagal ng nawala mula ng na modify ako. Pero alam ko naguguluhan pa ako sa ngayon. FOCUS! Iyon ang pumapasok sa isip ko palagi FOCUS! Kailangan ko muna tapusin ang mission ko before I turn off. Masakit man sabihin, I have to think this over. Alam ko paghanga lang ito, wala ng ibang ibig sabihin. Sana nga....


For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding pagkapagod at pagkahapo. Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na dagok na dumating sa akin. Minsan I tend to think na talagang wala na, PERO GANON NGA LANG BA KADALI? I have lost 3/4 of my life. If I lost another 1/8, 5/8 na lang ang matitira. Sana, kung may mawala muli sa akin, yung BUONG 1/4 na. Para naman hindi na ako mamroblema. Pero gusto ko mawala ang 1/4 in a memorable date para naman maalala pa ako ng mga taong nanlait, nang-alipusta, tumulong, ginago ako, pinaasa ako, at iba pa.

Saturday, December 8, 2007

Mga Bagay na Pinagdadalamhatian

Thursday, Dec. 6, 2007
Isang pangyayari na hindi ko inaasahana ng naganap. Nagkaroon ako ng scar sa aking L eye. Dahil na rin sa sobrang sakit, hindi ako nakapasok at ang masaklap, ang pinag-ensayuhan ko ng 3 araw ay nawala ng dahil sa ganoong pangyayari...

Saturday, 8 Dec, 2007
Isang napakasaklap na pangyayari ang nangyari sa aking pinakamamahal na PC. Hindi maayos ang pagpapatay sa kanya kaya siya ay nagloko. Corrupted lahat ng files and erased. Ang masaklap, kailangan ng Reformatting. Lahat ng files ko about Victor, music, videos, gameplay, photos, mga binigay ni Mr. Figueroa, programs, and downloaded files ay erased. Ang pinakamasaklap sa lahat ay ang PAGKAKABURA NG SAN ANDREAS KO. Bumalik na ako sa Los Santos bilang isang mayaman na tao and naka tuxedo and now, babalik ako sa isang payatot at walang kwentang baklang CJ [Carl Johnson]. Andami pa namang mga missions that require luck para manalo. Gayunpaman, nag download ang programmer ng NBA 2008 at NFS Underground 2 pero hindi pa rin ito makakapawi ng lungkot na idinulot ng pagkamatay ni Don Johnson. Babalik siya bilang utusan na CJ.



Isang araw, naisipan sumabay ni Ms. Virgino sa amin ni Mr. Figueroa [ang napakagaling na maker ng gameplay ng MotherVictor City]. Pero bago siya sumabay, mayroon akong naalala sa kanyang pabango. Isang tao na aking pinagsisihan at nagdulot ng malaking dagok sa buhay ko. Isang musa na nagbigay ng isang history sa buhay ko. Well, buti na lang at kumain ako sa 88 Food House. Ang tindahan ni Figueroa, wala talaga ako masabi kundi Perfecto.



Nakakaasar ang araw na ito pero ano pa ba ang gagawin ko??? Hay naku... We call this day na Araw ng AT o Agaw Trip.

Friday, December 7, 2007

The Official Gameplay

Narito na ang Official Gameplay ng MotherVictor City!



Meron din nyan sa kanyang OFFICIAL WEBSITE

Wednesday, December 5, 2007

La Homme Sans Identite

Episode II

[Nagtuloy sa paguusap si Ken at Louie]
"Wag muna kayo pumasok."
"Anong problema mo LOUIE!?" paasar na tanong ni Manuel.
"Papasok kami." pagalit na sinabi ni Ken
"Team! Inside!" utos ni Manuel
[lumapit bigla si Henry kay Louie]
"Hindi mo ba sila pipigilan? Hindi pa tapos ang SCANNING kung may tao sa loob ng area eh!"
"Hayaan mo sila. Sinabi ko lang ang dapat nilang gawin."
[Sa loob ng area, nakakita sila ng madilim na corridor. Nakasara ito by a wooden gate. Binuksan ni Ken ang pinto]
"Mauuna na ako."
"Pare wag na tayo tumuloy." padudang sagot ni Norman
"Baka trap door lang iyan." dagdag ni Manuel
"Kung ayaw nyo, lumabas kayo! Naging pulis pa kayo!" pagalit na sinabi ni Ken at dumiretso siya sa corridor. Lumabas sina Norman at Manuel. Makaraan ang ilang minuto humahangos papalapit si Henry]
"Pare, scanned na, walang tao!"
"Pasukin na natin at the count of three. One.. Two.."
[Biglang nagbukas ang pinto]
"Wala naman akong nakitang facts o proof." sinabi ni Ken sa kanila.
"Papasukin pa rin namin." sinabi ni Louie.
[ilang araw ang lumipas at isang araw, napalakad si Louie at si Norman sa kwarto ni Ken at nakitang may hawak siyang isang bag ng DYAMANTE]
"Dyamante? Saan mo nakuha iyan?" tanong ni Louie
"Akin ito." sagot ni Ken. "Katunayan nyan meron akong pinagbilhan nyan. Pumunta kayo sa address na ito."
"Pare may tawag ka ata." singit ni Norman.
"Hawak ko ang asawa mo, ibalik mo ang dyamante within 2 days or you will never see your wife." sabi ng isang boses sa telepono.
[Binaba ni Ken ang telepono. Parang ayaw nyang isuko ang dyamante dahil bata pa siya, gusto na niya nito. Ang masaklap, hostage ang asawa nya.]
"May problema?" tanong ni Norman.
"Wala naman. Saan nga pala si Manuel?"
"Andun ma kausap yung janitress na maganda." paasar ni Louie.
"Sige, maiwan ka muna namin at mamamasyal lang kami." sabi ni Norman.
[Lumabas na ng Police Station sila Norman at Louie. Hindi para mamasyal kundi para hanapina ang pinanggalingan ng dyamante. Pagdating sa tindahan]
"Ah. Oo. Bumili nga siya dito." sabi ng tindero
[Naniwala na sina Norman at Louie ngunit ng sinabi nila ito kay Ken habang sila ay kumakain, nagsalita si Ken]
"Pinanindigan nung tindero na sa kanya galing to?"
"Oo. At naniniwala na kami." tugon ni Louie
"Naka-ayos lahat ng iyon. Hindi talaga akin ito."
"Eh kanino yan?" tanong ni Norman
[Ngumiti lang si Ken. Umabot ng gabi sa Police Station at wala na masyadong tao.]
"Pare alam ko mapgkakatiwalaan ka eh. Kaya may aaminin ako sa iyo." tawag ni Ken
"Ano yun?" tanong ni Louie na inaasahan malaman kung saan galing ang dyamante.
"Ang asawa ko? Si Maria, hostage ngayon." sabi ni Ken
"HA?!?! Kailangan mo ng rescue o ano?"
"wala pare. Ang kailangan lang nila ay ang dyamanteng nakuha ko sa safe house." kalmadong sagot ni Ken
"E di ibalik mo!" Sagot ni Louie.
[Ilang araw din ang lumipas. Sinabi ni Ken sa asawa nya na mahal na mahal nya ito kahit pa dyamante ang kapalit. Ang nakakapagtaka ay kung minsan ay nakikita ng asawa nya ang bag ng dyamante na pilit dinedeny ni Ken. Nakakaramdam na ang asawa ni Ken na nakay Ken pa ang dyamante. Isang araw sa Police Station. Nararamdaman ni Louie na may hawak si Ken sa kanyang opisina. sinilip nya ito]
"DYAMANTE?!?! Pero-"
"Pare, mukha kang tang-" naputol ang sasabihin ni Norman ng hintak siya ni Louie.
"SHHH!!! Tingnan mo yung hawak ni Ken!"
"Dyamante. Oh ano?"
"Tanga! NAkuha na nya ang asawa nya pero ang dyamante-"
"Oo nga no?" paayon ni Norman.

20 days

20 days na lamang at sasapit na ang kapaskuhan. Ang araw na pinakahihintay ng karamihan. Sa ating mga pilipino, napakahaba ng pasko, yung iba, oktubre pa lang may dekorasyon na ang bahay at umaabot ang pasko hanggang sa unang linggo ng Enero. Meron pa man 20 araw na natitira, meron na lamang 2348 oras para sa belen bukas.

Hindi mataas ang aking posisyon. Ako ay isang abnormal na townsmen lamang. Ang masaklap, merong "kabute" na biglang sumulpot at laging pinagdidiinan sa isip namin ang POC or sa kanya, pokus. Inabot na kami ng gabi sa kanyang "pokus-effect". Ang masaklap, hindi ko alam kung saan siya galing, sino siya o kung ano man. Ang alam ko kabute siya.

KADETE
1 year ago, nahulog ang loob ko sa isang napakagandang dilag na officer sa Citizenship Advancement Training. Mula ng maputol ang aming koneksyon at lahat ng tungkol sa amin: noong dumating ako sa ikalawang taon, hindi na natuto pa umibig ang puso ko at tinuon ang sarili sa laro. Tama na ang drama, natatandaan ko, tuwing nagkikita kami at naguusap, palagi nyang tinatanong kung gusto ko maging isang kadete. [alam nyo na yun.] Ang masaklap noong first year ako, napakasama ng loob ko sa mga iyan dahil nga sa laging pagsita sa aking buhok [kahit ako'y halos kalbo na] at ang madalasang paghuli, pagkuha ng ID, pagharang, pakikipagprotesta, pagwasak ng karapatan, at pakikipagtalo. Natatandaan ko pa ang pagtatalo namin ni _ _ _ _ _ _. Pero least sya. Kaya sa tuwing tinatanong nya kung mag kakadete ako ang sagot ko ay hindi. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, pero buo ang desisyon ko. Minsan, kahit sa SMS o text ay napaguusapan din namin ang pagkakadete. Nuong magtatapos na ang lahat, tinanong nya muli ito sa akin,
"Gusto mo ba mag kadete?"
"Ayoko po talaga eh"
"Bakit naman?"
"Mahirap yun eh, pinahihirapan, inuutusan at kung anu-ano pa"
"Hindi naman. Saka masarap kaya maging officer"
"Pero sa dulo pa po iyon, kailangan ko pa dumaan ng pahirap, ang gupit na hindi ko gusto at ang pagpasok ng polo sa loob ng pantalon"
"Madali lang kaya yun! Saka tingin nyo lang mahirap pero masaya yun!"
"Ewan ko po."
"Mag-kadete ka kasi! Sige, babalik ako dito pag kadete at officer ka na!"
Naantig ang puso ko. Pero buo ang desisyon ko
"Balik na lang po kayo kapag CAT na ako."
"Ayaw mo ba talaga mag kadete?"
"Naiilang po kasi ako sa panlabas na anyo eh. Saka parang hindi ko po tipo ang ganong mga gawain."
"Maari mo ba akong samahan? May bibilhin lang ako?"
Pinutol na nya ang conversation. Nuong nalaman ko na lahat ng kanyang mga naging nobyo ay Officer at magsusundalo, hindi ako natinag. Buo talaga ang desisyon ko. Mula noon, wala na uli pang nagtanong.

Isang gabi nakita ko siya na kasama ang mga bagong kadete. Kailangan ko talaga umiwas para matigil ang issue. Ngayong umaga na ito, tinanong ako ng isang kadete na may balak manghuli sa amin dati.
"Mag kakadete ka ba?"
Bumalik sa akin ang pangyayari dated back 8 months ago.
"Hindi po."
"Eh si Gianan?"
"Lalo na po! Pareho kami nyan eh!"
"Eh si LJ? [tinatawag nilang LJ si Aljon, hindi ko alam.]"
"Hindi rin yan. Buo po ang isip namin."
"Kasi yung mga mag kakadete sa susunod na taon ay panay maliliit eh. Saka bagay ka maging kadete."
Sa buhok kong ito?!?! BAgay? E lagi nga ako nagpapahuli sa kanila eh!
"Ayoko po talaga nun."
Ipinaliwanag nya sa akin ang kagandahan ng mga kadete, medyo mahaba-haba ang usapan hanggang sumagot ako.
"Kasi po, parang hindi ko talaga gusto."
May pumasok na isa pang kadete. Kinausap ng kadeteng kausap ko ang dumating at tinanong,
"Nahikayat mo na sila?"
"Hindi ko pa nakakausap eh!"
Lumingon uli siya sa akin. Ang akala kong papatay at kikitil sa aking buhay ay nagmukhang mabait na salesman na nang aalok ng pagka-kadete. Parang nawala ang galit ko sa mga kadete, ang kanilang anyo, ang buhay nila at ang hinanakit.
"Saka lagi kang dumadaan sa likod eh."
"Nasanay lang po ako, mula pa kasi 1st year, dyan na ako. Ayoko kasi masyado sumabay sa mga tao eh."
"Sagarin mo na hanggang 4th year-"
Hindi na nya natuloy pa ang kanyang pagsasalita. Hindi ko rin naitanong kung bakit LAHAT ng opiser at kadete ay duon dumadaan....

THE 100 MOB
Meron akong bagong acquaintance ngayon. Siya ay si Herodes o sa tunay na buhay ay Matthew pero mas kilala sa tawag na Dako. Dahil wala kaming magawa, naisipan nyang manloko ng mga tao. Umabot sa point na lumalapit pa siya at nakikipagkilala para lang sa walang dahilan. Babae, lalaki, bakla nilalapitan nya. Mula tangahli hanggang gabi yun lang ang ginagawa nya at kami naman ay nageenjoy sa expression ng lahat ng tao. Pakilala nya isa siyang transferee na foreigner na galing sa Michigan. Siya ay si Travus. Madaming nauto. Kung susumahin mo nga lampas 100 ang natanong nyang pangalan. Almost only 8% ang hindi nagpakilala kasama ang isang bakla. At 74% ang tuwang-tuwa kasama din ang baklang si Rapahael. Marami din akong nalaman tungkol sa mga nakaraang pangyayari sa PUP bago pa kami dumating. Para ngang LHS Stories. Sana nga meron ako kahit half of his courage to do that...


Wala akong maikukwento sa mga classroom dahil sa whole day akong wala doon... Pero I consider this day as a SHAME DAY. Dahil na rin siguro sa pag-aacting sa Freedom Park sa harap ng mga mapanlait na baklang mata. Lalo na nuong ni-recite namin ang Alphabet ng malakas, talagang nakakahiya.

Kahit nakahihiya, maraming nangyari at bumalik sa aking alaala, mga taong nakausap na dating inaakalang dudurog sa akin, makipaghalubilo sa mga taong hindi ko kilala atbp...

Tuesday, December 4, 2007

I am not born to kill, I am Just destined...

Dahil sa nakatatakot na pagatake ng Sleeping Dragon, ay naisipan ko na rin sumunod sa kanyang demands. Ang masaklap, mababawasan ng kaunting parte ang aking katawan. Ito ay ang buhok. Nagpagupit na ako at ng ako'y pauwi na ay may nakasabay na mailondog na binibini. Ako ay namangha at natulala. Hindi ako natulala sa babae, natulala ako dahil mali ang nasakyan kong JEEP. Imbes na Santol ang sasakyan ko ay Punta ang aking nasakyan. Anyway dadaan din naman ito sa Stop and Shop, sa kanlungan ng Santol Jeep. Maganda ang nasabing binibini, pero siyempre, I hve to mandate Self-Control. So ayun, kahit ramdam ko na tingin siya ng tingin, kunwari dedma lang para hindi halata. Pero lilinawin ko, hindi ako na-"love-at-first-sight" That's a gay thing practiced by fockers. Masaya na sana ang lahat ng napasakay na ako sa jeep ng aking destinasyon, isang manyak na bakla ang aking nakatabi. Parang nag-take advantage pa siya dahil masikip ang jeep dahil SAKIM ang driver. Well, ayun, gusto ko na siyang patayin. PEro wala pa naman siyang ginagawa. Hay naku, mga bakla talaga, they suck. Mga taong binigyan ng kasarian pero naghahanap pa ng iba. KAy sarap kaya maging lalake! Well, tama na dyan...

"Ang mga katoliko, pupunta sa hell, ang mga christian, sa langit"
"Nasa bibliya ang salitang GAGO"
Ito ay ilan lamang sa famous sayings ng isa kong kaibigan na apo ni Bonifacio na itatago natin sa ngalang Lucy. Noon pa man, base sa pagkakaalam ng Vintage Spy ay relihiyosa na si Lucy. Well dahil na rin sa hindi siya katulad kong KATOLIKO na "makasalanan" Ngunit nasasabi sa bibliya na masama ang mainggit. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya naiingit sa aming nobela at nag tila siyang SPY. Nasuplong kami pero walang nangyari dahil sa kakulangan sa ebidensya. Umabot na ang ikalawang taon sa Hogwarts* pero siya ay maka-diyos pa rin. Ang mapait na katotohanan, isa siyang maninira[not a destroyer. She just bear false witness against her schoolmates and SOME comrades.] at taksil. Nitong hapon lamang, nakatanggap ang Vintage Spy ng mga impormasyon ukol kay Lucy. Una, sabi ng lalaking testigo, ay nagsermon daw siya tungkol sa goodness of the lord. Well that's good. Una dahil naibabalita nya ang magandang balita ng ating panginoon. Ang masaklap ay ang pagbubunyag ng isa pang accomplice na nagwika daw si Lucy na ANG MGA KATOLIKO AY PUPUNTA SA EMPYERNO AT ANG MGA KRISTYANO AY SA LANGIT. Bilang isang katoliko at kristyano, hindi ko ito inuuri ng ganito.

Unang-una ano ang kristyanismo? Ang kristyanismo ay buong pusong pagtanggap kay Hesus. Ang mga katoliko ay naniniwala at sumasamba kay hesus. And for the statement, "Ang mga katoliko ay pupunta sa emyerno at ang mga kristyano ay pupunta sa langit." Walang sinabing ni-isang RELIHIYON sa bibliya na ito lamang ang relihiyon na pupunta sa langit. Mayroong sinabi na ang mga KRISTYANO AT NANINIWALA KAY HESUS ang pupunta sa langit. Then someone will say na ang katoliko ay sa impyerno??? KRISTYANO KAMI! GAGO! Unang-una, kaming mga katoliko ay HINDI naninira sa mga ibang relihiyon. Kung sa tingin mong makasalanan ang mga katoliko, tingnan mo muna ang sarili mo! GAGO! Tingin mo langit ka? Pagkatapos mong magpakalat ng mga KAGAGUHAN na balita? Hindi dahil kabisado mo ang bawat berso ng bibliya ay alam mo na ito! GAGO! Hindi ko man kabisado yan, alam ko ang bawat nilalaman nyan at kaya kong kontrahin anuman ang sabihin mo! GAGO!

Wag ka magmalinis. Lahat tayo putik. Ang pagkakaiba nga lang ng iba ay nagtatago sila sa BUHANGIN para magmukha silang malinis. At yung iba naman ay may ginto na nakatago sa pinaka-loob ng putik...

Isa pa. Isang "maestro" naman ang itatago natin sa pangalang Gallan [kung nanunuod kayo ng GMA, alam nyo ito]. Binendisyunan din nya ang mga katoliko na maging kristyano. Pero syempre, umalma rin ang mga katoliko at naibalik ang kanilang konsekrasyon. HINDI AKO NANUNURI ng relihiyon. Wala akong pakialam dyan. Basta naniniwala ka sa diyos, si Buddha man yan, si Shiva, Vishnu, Brahma, Ahura Mazda, Zeus, Jupiter, Allah, si God the father o si Hesu kristo, ang importante, GUMAWA ka ng mabuti at makatutulong sa ibang tao.

Alam kong medyo "ispiritwal" ang king post pero dahil na rin ito siguro sa dala ng damdamin. Wala naman kasing sinabi kung sino ang pupunta sa langit. MAy sinabi ba doon na _ _ _ _ _ _ at _ _ _ _ _ _ ang makapupunta?





May bagong imbestigasyon ang Vintage Spy. Ang isa sa mga kawani ng 3rd Avenue na si Dan Figueroa ay malungkot. BAkit kaya? Abangan ang paglabas ng Episode 2 ng La Homme Sans Identite.



*dahil sa sobrang pagbawas at pagdagdag ng puntos na para bang sa HOGWARTS. Yun nga lang house points yung doon.

Monday, December 3, 2007

The Better Protagonist

Claude Speed, Tommy Vercetti, Carl Johnson... Sila ang mga protagonist sa lahat ng laro ng GTA. Iba't-iba ang mga paningin ng mga tao kung sino ang best protagonist. Kaya si Victor Raspag ay isang better protagonist para siya ay walang kaagaw. Pero saan nga ba nagmula ang protagonist na si Victor Raspag? Pati na rin si Victor Gaspard. Saan galing ang pangalawang Captain Nguso? Saan galing ang Giant Gay Gorilla at saan galing si MotherVictor? Sila ay galing sa iisang walang kwentang tao. And to give you a short background, narito ang kanyang unang photo.

[medyo nag-blur ang mukha para itago ang kahihiyan]
Mukha man siyang ganyan ngayon, siga, mataba at kung ano-ano pa, sa totoo lang dati maitim na siya. Ang pagkakaiba nga lang, mukha siyang kinawawang bata. Narito ang kanyang kuha noong siya ay grade 1 pa lamang. Tingnan ang nakabilog.



Sa 1,719,361 na nanuod sa kanya thru different sites, Sa 739,207 na nanuos ng kanyang mga commercials at sa 185 links na kumuha sa kanyang mga natatanging videos, sa mahigit kumulang 375 na PUP secondary school na sumuporta, mula sa 18 bansang nakapanuod ng kanyang videos, sa 2 kong kasama na walang humpay na gumagawa ng paraan para lamang makuhanan si Victor, ang Vintage Spy Pictures ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ito.


Maiba tayo, mayroon talagang mga bagay na panatilihing liham dahil na rin sa mga taong nakapaligid, Minsan ang bagay na napakatagal ng sarado ay muling mabubuksan...

Maaring sa taong pinagsarhan nito...

O sa ibang taong nakatayo at nagpapahiwatig...

Kahit hindi mo ito inaasahan mabuksang muli,

Mabubuksan uli ito maging ang magbukas ay iba o siya mismong nagsara nito...

Saturday, December 1, 2007

Liberty City in San Andreas

Damn! Kagagaling ko lang sa Liberty City! Yun nga lang sa loob lang ng St. Mark's Bistro. Well, bukas na ang exploration ko sa nasabing city. Pero as soon as makarating ako, kukuha ako ng footages!!! Hahaha

StowAway

Almost 234 times kong inulit ang Mission na ito until finally, today, natapos ko rin. Napaka-simple lang naman nang gagawin, hahabulin mo ang isang eroplano, ipapasok mo ang motor mo sa loob at pasabugin ang eroplano. Ang mahirap doon ay ang paghabol sa eroplano. Dahil sa bilis ng eroplano, mahirap ito habulin ng isang motor. Basta, napakahirap.

Yun lang talaga ang nagawa ko sa araw na ito. Syanga pala, meron na lamang 24 araw bago sumapit ang araw ng kapaskuhan.