Saturday, July 5, 2008

My Final Prerogative

"Should I suppose to be happy?"

Yan ang minu-minutong umaalingaw-ngaw sa tenga ko ngayong mga araw na ito. But unfortunately may 2 pangalang umaalingaw-ngaw sa tenga ko ngayon... They are both of the same gender but the one weighed the most... Hindi in terms of weight but in terms of importance. I don't understand bakit ganun? Why was the world so unfair?

I was currently reading yung mga previous posts ng aking kaibigang si Leonille Migraso. In relevance with my Fugitive's Case, naisip ko na baka maka-tip ako duon sa mga posts nya before na hindi ko nabasa dahil hindi pa ako into blogging. And luckily, I got one. Actually not one. But lots. So nalaman ko na meron din palang relevance ang aking mga hinala. Akala ko, "it" was not included. But the real thing is, IT WAS. Hindi ko rin akalain. Pero meron pang mga clues akong nasagap maliban sa mga narinig ko na dati pa. And all was written. Hindi ko alam pero it all pertains to my primary suspect. Pero may mga objections na nagaganap. And that objections whouldn't be missed. That's why it's reopened.


Si Leo ay nakagawa ng maraming imbestigasyon and that's when I got the guts to do it too. Di nga lang siya published. But iba kasi itong Fugitve's Case. Parang may inner forces na nagsasabi na kailangan kong i-publish ito. Siguro kailangan ko na talagang basagin ang solace ko.


Next subject...

I tend to talk. But each time I do, seems like na nag-freeze yung paa ko. Parang umuurong yung dila ko. I don't understand but it's making me sick...

Habang nag-memeditate ako, naisip ko na oks na rin siguro na panatilihin ko ang pananahimik ko. First kasi nakaimbento nanaman ako ng quote and it says:

"Mas makapangyarihan ang tsimis kaysa sa apoy na susunog sa bahay mo. Pareho silang traydor pero ang apoy ay nangangailangan ng suporta ng mga combustibles samantalang ang tsimis ay mabubuhay wala man itong patunay..."

Meron din siyang English...

"Gossips are more powerful than the fire that burns your house. They may be both traitors but fire needs support from combustibles while gossips exist even without proofs."

Then second, ayoko na "siyang" madamay dito. Actually wala talaga siyang nalalaman. (I don't know there was a tipster). Hindi ko rin alam na last conversation na pala namin nuong May 27 I guess... It makes me so sad kasi during those times, hindi ako nakipagusap ng maayos. I tend to hook myself in the computer kasi ang iniisip ko na sa pasukan, madalang ko nalang mahahawakan ang keyboard ko. Palagi kong sinasabi na "teka lang.. wait.." or may mga topics akong pinuputol just to give way for my nonsense plans. Wala rin naman. Akala ko kasi that there is always next time and I was greatly mistaken. Yun na nga ang pinakahuli. Tahimik ang phone ko. Hindi ko na nariring ang mga tili ni Conan na sa tuwing nangyayari ay nakakapagpatalon ng aking damdamin. Nawawala ang aking excitement sa paghihintay na may mag-pop up na message at agad kong sasagutin. I thought na yung "next time" ay mangyayari. HIndi na rin. Walang next time. Though palagi pa naman siyang nandito, we cannot communicate well... Siguro kung inayos ko dati yung pakikipagusap ko, it will not resort into this happening...


I cannot tell when my melancholy will end. Hindi ko alam. Marami pang pwedeng maganap. I know araw-araw merong chances na dumadaan sa akin. But because of some damn circumstances, hindi ko nanaman nakikita. Maybe nakita ko. Pero isinasawalang bahala ko nanaman.

I cannot blame anyone for what I've done. Alam ko, darating ang araw na makikita ko rin ang silver lining ko. And maybe when that time comes, I hope na siya ang maging isa duon.


Anyways, it seems na mawawalan kami ng kaibigan ngayon. Si Leonille. Para siyang sasabak sa isang digmaan. Anyways, it's for his own good. Not mine. Kung ikokonvert natin sa Medieval Times, swordsman na siya, ako villager pa lang or commoner. Pero siyempre hindi lang villager. MERCHANT.

So ayun. Goodluck na lang sa kanya. And kung sakaling mabasa mo man ito, wala na ako. I mean, di na ako online. Pero for sure mababasa mo ito. I would like to send my apologies kasi hindi namin natupad ang pangako natin nung 2nd year. Ewan ko kay Ephraim. Di nga talaga namin natupad. Pero meron akong pangako na tutuparin. Siguro yun lang yung matutupad ko hanggang matapos ako sa 4th year. Sakaling hawakan tayo ng ROTC, don't be shocked, I'll be gone. Kung CAT namin, God Bless me. Anyways, yung mga iniimbestigahan mo, yung mga binigay mong clues sa pagiimbestiga mo nuong mga June, July, August hanggang September 2007 ata, they mean a lot to me. Nakakatulong siya ngayon kahit papaano na mahanap ang kasagutan na hinahanap ko. And isa ka ngang tunay na "detective" pero I guess, hindi ko na kailangan magbigay ng clues sa mga depression na nagaganap sa akin ngayon. And it's all because of one person I think. So ang huli ko nalang masasabi is goodluck. Alam ko maeenjoy mo yan. Unlike me, siguro mamumuhay na lang talaga ako as merchant and do what a merchant can do. Tapos pagdating ng takdang panahon, ipang bala sa kanyon at maging isang taong posporo din. Hehe. Saka tol, may mga gossips pala ngayon. Wala lang.


Before I end this post, shouldn't be this blog written in the English language?

No comments: