Napakatagal na nung last post ko. Busy din kasi siguro sa mga gawain. Ngayon lang ako medyo naging free, almost 8 hours before Christmas Day.
Sad ending yung last post ko. Namomroblema san papasok para sa OJT, malungkot sa mga bagay bagay. Until, binigyan kami ng referral ni Mam Tahil.
Mahabang kwento ang aming paglalakbay. May mga inaplayan kami na nagpaasa lang, merong nagpaimportante at merong nagsabi na puno na raw sila (kahit hindi naman). Pero thankful ako dahil di ako natanggap sa mga kumpanya na yun. Bakit? Kasi ngayon, blessing ang pagdating sa akin ng J6. God truly provides. Hindi kami tinanggap sa mga kumapanyang yun. Bakit? Kasi nagreserve siya sa amin ng Best.
Thankful talaga ako kasi sobrang bait ng mayari, ng mga tao, ng environment at nasasanay na rin ako mamuhay sa Banawe. At kahit ano pang sabihin nila, naniniwala kami na kami ang pinakamaswerteng nag OJT sa history ng LabHi. Kung bakit? Approach nyo ko bakit. Baka maglipatan kayo pag sinabi ko dito eh.
Sabihin nyo nang masaya kayo, mas masaya talaga kami. And I know, marami pang pagpapala na matatanggap ang J6 dahil sa kanilang extreme generosity at pagiging hospitable.
Sa ibang usapan,
Nais ko nalang bumati ng MERRY CHRISTMAS!!!
Kahit meron akong namimiss, masaya pa rin, bakit? Secret. :)
Thursday, December 24, 2009
Gratis
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:49 AM
Monday, November 23, 2009
Pangit ng Ending
Sa nauna kong post, binanggit ko na nakapagsimula na kami sa aming OJT. Sadly, tinapos namin with 8 hours.
Nagkaroon kasi ng kaunting trouble regarding sa pagiging CONSIDERATE ng isang manager.
Itago natin sa pangalang "E". Actually, first day went well. Umuwi kami sa tamang oras at matino ang naganap. Kinabukasan, late daw kami. Anak ng teteng, WALA KAMING PROPER SCHEDULE. Ni hindi kami binigyan ng schedule ng pasok para sabihing late kami. Pero dahil nagtatrabaho ka dun, tiis lang. Naextend ang aming work ng 30 mins. No big deal naman. Kaya lang gusto pa nya kami magextend kasi wala naman daw pasok bukas. Okay, understandable. Mas maganda na rin yun sana para mas madaling matapos ang OJT. Ang kaso, underage kami. We rely on parents at hindi kami nakapagpaalam sa parents namin. Nung paalis na kami, nagpaparinig tong si Ms. E. Pagod na raw siya, kanina pa raw siya di kumakain.. Eh EFFING INA pala nya, tatayo tayo lang siya at puro utos eh. Okay, no big deal ang utusan. Sanay ako diyan. Ang masakit kasi, yung mga facial expressions nya pati yung tono ng pananalita na. Ayoko na magsalita kasi baka masigawan ko to.
Sunday, naisip naming gawing rest day namin. Tumawag ang kasamahan ko sa kanila para sabihin iyon. Ang masakit, parang galit pa raw tong E na to. Epal kasi talaga eh. Anyways, nagbigay din siya ng schedule ng pagalit na Mon-Sat, 6p.m.-11 p.m. Di ko alam kung anong plano nya sa buhay o ayaw na nya kami paaralin pero of course, di ako papayag dito.
Dumating sa time na naisip naming iwanan ang 8 hours namin. Lamunin na ng E na yun kung gusto nya.
Sa ngayon, medyo nadodown nanaman ako. merong puno na, may di sigurado. Di ko alam. Kailangan ko ng CONSIDERATE na mapagojthan. Yung isasaaalang alang pa rin yung pagkaestudyante namin.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:32 PM
Wednesday, November 18, 2009
Hindi Dapat Ganito
Isa sa mga laging inaabangan sa foundation day ng PUP ay ang nagaganap na marriage booth sa laboratory high school. Maraming gustong magpakasal, mga napagtitripan at kunwari ayaw pa. May hatakan, habulan, meron namang mabait at merong pakipot pa. During the first 2 years ko, palagi kong tinatakasan ang marriage booth. At isa sa maipagmamalaki ko, di ako nakasal kahit isang beses sa 2 taon na yun. Unang taon, nagtago ako sa chapel at pati sa barracks ng tatay ni Raymund. All day, safe ako at hindi nakasal. Marami akong nalaman na dapat pala ikakasal sa akin at nagbail na lang. 2nd year, alam ko, tumakas lang ako. Di naman ako nakigulo sa foundation nun eh. Nag gateway ata kami nun nila Migraso. 3rd year, dahil CO ako, wala akong magagawa kundi magpahuli. Pero tumakas uli ako habang nasa loob ng kulungan. Kaya nabawasan yung ikakasal sa akin at naging 2 lang. Ngayong year na to, inexpect ko na dapat makasal na ako ngayon. Pero walang foundation ng PUP.
Nilagay sa foundation ng LHS. Limited ang time. Kaya wala rin...
Overall, okay lang naman.
THE MERITORIOUS CASE
Updates tayo...
Hindi pa rin tumitigil sa Merit sa kanyang ginagawa. Dumating sa kaalaman ng Vintage Spy na isa sa mga employees nito ay nag warn kay Merit na itigil na ang ginagawa dahil binabantayan siya. Kaso di siya tumigil. Lalo siyang lumalala. Gaya nga ng una kong sinabi, hindi lang kay Rose nya ito ginagawa kundi sa marami rin. Nandyan si Lhar, si Mhar, si Aida, si Lorna, si Fe, etc.. Meron ding nagkaroon ng intimate na si Andie. Pero dahil lubos na naapektuhan si Arsene between kay Merit at Rose, dun tayo magtutuon ng pansin.
This past few days, napansin ni Arsene na kapag nagbabalak muli gumawa ng "physical contact" si Merit kay Rose, medyo umiiwas na si Rose. Nakikipagkwentuhan pa si Rose pero iwas na sya sa physical contact. Pero mapilit si Merit. Ginagawa pa nya ito minsan sa harap pa ni Arsene. Take note, may idea siya na si Arsene ay spy pero di siya tumitigil.
Hindi dapat ganito ang mangyari. Kaibigan ng Vintage Spy ang pamilya ni Merit. Pero kung hindi nya to titigilan, hindi to matatapos at magpapatuloy ito hangga't may Merit at may Rose.
Sa ibang usapan...
Tapos na ang foundation day at awarding na bukas. We did well pero life's like that, may nananalo at may natatalo. Ang maganda lang, HANDA KAMING TUMANGGAP NG PAGKATALO.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:42 PM
Saturday, November 14, 2009
The Final Destination
Lahat ng pangyayaring ito ay naganap kahapon, November 13, Friday...
Around 10:30 na kami nakaalis ng school. Hintayan din kasi. Madaming iniisip si Leo at sumabay si Bule sa paglabas.
Nagbyahe kami via G-Liner. Puro kwentuhan, tawanan. Ang usapan, puro tungkol kay T.I. (initials nya). Sobrang traffic sa San Juan at hindi talaga umuusad. Umabot ng almost 1 hour na hindi kami nakakaalis malapit sa may SM. Pero finally, nakaandar din. Natulog muna ako at nagising pagdating ng Barangay Greenhills.
Pagdating sa Greenhills, unang destination, Shakey's Greenhills. Actually, pakay na namin to noon pa. Nagkataon lang na may mga nakapagpasa na ng resume the other day. Medyo na hopeless ako pero sabi nila, sige itry ko. Pagdating dun, kinausap ko na yung manager at hinanapan kami ng recommendation letter na may pirma. Actually, naisip ko na papirmahan yung recommendation letter. Sabi naman ni Leo, wag muna. Pag natanggap na raw, saka papirmahan yung recommendation letter. Nung time na hinanap, nabadtrip ako kasi talagang sinabi ko na papirmahan na. So lumabas kami ng Shakey's at wala talaga ako sa sarili. Ayoko na magsalita kasi naiinis na rin ako. Nanghihinayang ako na chance na pinalagpas pa. Marami kaming ibang iba pang establishments na pinasok at nakapasok kami sa Krispy Kreme.
Nakausap namin si "A-Jhay". Inentertain naman kami at triny tawagan yung HR nila. Binigyan din kami nung doughnut nila worth P31. Okay yung doughnut (siyempre libre!). Unfortunately, lunch break ng HR. Binigyan nya na lang kami ng calling card kung saan isesend yung recommendation letter. Sabi nila, di pa sila nagkaroon ng OJT. Natuwa naman kami sa kanyang warm welcome. Umabot pa kami kung saan saan sa greenhills hanggang naisip na pumunta muna ng Robinson's Galleria.
Nilakad namin mula Greenhills papuntang Galleria. Kung ano anong uri ng tao na ang nakita namin. Pagdating ng Galleria, dun kami kumain, naghanap uli ng trabaho at nagpaprint ng mahal. May bakla pang epal. Nakita pa namin yung mga candidates ng Miss Earth sa Burgoo kaya di kami pinapasok. Epal yung babaeng server. Anyways, dapat pupunta pa kami sa Ortigas Center mismo. Kaso nagkatamaran na at nakakuha din kami ng referral sa Don Henrico's sa Greenhills. Naisip namin isabay ang recommendation letter.
Nilakad muli namin pabalik ng greenhills. Nakita namin yung mga la Sallian na naka slacks at rubber shoes (public style). Mas maganda pa manamit yung taga Maceda. Anyways, tutal naunang dinaanan ang Shakey's sa Greenhills, dinaanan na namin. Pagpasa namin nung letter, nagulat kami kasi kinausap na kami ng manager. Marami na siyang sinabing mga bagay. Mga Standard Operating Procedures nila, mga gawain nila, at kung ano ano pa. Pinakausap na rin kami sa Captain at tinuruan na rin kami. Finally, shinake hands kami at babalik kami ng November 20.
Siyempre, mixed emotions naramdaman ko. Masaya kasi after a hard day's work, ang final destination namin ang Shakey's na siyang tumanggap sa amin. Medyo nasaddened ako kasi may mga kaklase ako na nagpasa din ng resume dun pero kami lang yung kinausap. Pero after all, at least tapos na ang paghahanap. Sumakay na kami ng bus pauwi. Medyo nangangamba pa si Gianan at Leo pero ako, sure na talaga dun ako.
Naguwian na. Kinagabihan, nagmessage si Leo na magbaback-out siya sa Shakey's. Malayo daw sabi ng tatay nya. May iba akong naisip. May nabanggit kasi siya at tinanong ko. Tama nga ang hinala ko. "Dun" na siya magtatrabaho. I understand. Siguro siyempre, mas masarap magtrabaho kasama ang taong mahal mo. Sa ngayon, triumvirate kaming magtatrabaho sa Shakey's.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:19 AM
Wednesday, November 11, 2009
On-the-Job Training
Unang araw ng paghahanap ng pag-OJT.. Nagsimula kami around 10.. Nilibot ang SM, paligid ng SM maging ang gateway, pati ang Araneta, pero walang matino...
Willing na kami magtrabaho anywhere. Motel, Fastfood, Restaurant, atbp. Mula sa pinakamaliit na establishment hanggang pinakasosyal, vain.. May mga nanghingi ng bayad, naghanap ng college, di raw nila kailangan, pumunta ng head office, at kung ano ano pa..
In short, wala pa..
Pauwi kami, naiwan na si Leo, naisip naming dumaan sa Gilmore. At doon namin naisip pumara.. Sana merong chance...
Anyways, yoko na pagusapan yung pagoojthan, namomroblema ako.. Matagal tagal na rin akong hindi nakakabanat eh.. Mukhang masarap bumanat ngayon..
Paglilinaw muna... Hindi ko nilalahat ng tropa dito.. Yung iba lang kasing mga tropa-tropahan, mga thugs ng lipunan..
Ganito kasi yan..
Siyempre, di tayo pwede magbigay ng proper nouns.. So sisimulan ko na...
So meron kasing isang tropa, o grupo na may mga sinasabing forever-forever pa ang nagfefeeling malakas ngayon sa "communtiy".. Di ko alam bakit feeling nila malakas sila. Yun ba dahil marami sila? Dominating sila? Meron silang mga "kapit"? O talagang mayayabang lang tong mga hinayupak na to. Di naman buong tropa epal. Uhm, meron lang iba. Pero dahil basura ng isa ay basura ng lahat, ayun, damay kayo. Pasensya na.
Ganito kasi yan... Maraming nagrereklamo sa tropang to na pinangangalandakan nila na malakas sila, at dominating. Kumbaga, wag mong tirahin ang katropa ko kung ayaw mo makitang nakahandusay. Parang ganun. Pero alam ko namang wala silang kakayahan na ganun.. Siyempre, yung mga tao naman sa neighborhood, kinakabahan.. Eh magaling magsalita yung iba eh. Salita lang. Puro salita.. So dahil nga dun sa pagmamayabang nung iba, walang gumagalaw sa tropang to. Di naman epal yung tropa. Pero siyempre, sa community, hindi mo maiwasan na matapon yung baldeng tubig sa kapitbahay.. So yun ang kinagagalit nila. So sa kanila kasi, dahil meron silang mga quotes na forever, eh nagkakaroon ng proteksyunan.
Okay naman yun. Siyempre, damayan yan dahil magkakaibigan. Pero wag naman to the extent, gagamitan mo ng armas at sandata.. Eh siyempre, dahil meron ngang mga butterfly knife at pistol tong mga to, kabado naman ang neighborhood at ang nagagawa nila, magreklamo nalang.
Well, 2 sa tropang ito ang namumuro. Di pwede pangalanan eh. Pero isa si G1 at si G2. Meaning, "gago 1", "gago 2"
Itong si Gago 1, matagal nang nambabara tong gagong to. kaya nga gago eh. Butterfly knife lang naman hawak nya, pero mayabang talaga. Siguro kasi alam nya, meron siyang sasandalang "tropa". Ganun naman pag weak eh, puro sandal ginagawa. Well ayun nga. Mahilig mambara to. Puro daw reklamo sa gobyerno ginagawa. Puro pamumuna. Pero siya... Higit pa.. Bakit? Alamin mo nalang G1 kung mabasa mo. Alalahanin mo ha? Isa pa, ito ring si G1, sensitive. Pero para lang sa sarili nya. Di siya sensitive sa nararamdaman ng iba, sa masasaktan nya. Pero pag siya nasaktan, ah, grabe magreak. Bugbugan na kumbaga. Siguro naman may pakisama to kasi maraming kaibigan eh. Pero di rin magtatagal yan sa ganyang ugali.
Ito matindi, si Gago 2. Ito kasi, nambabara na, namamahiya na, namimintas na, lahat ng kademonyohan isinaksak ata sa taong to eh. Grabe talaga to eh. Kala mo diyos eh. Wala atang taong nakalusot sa pangaalipusta nito. Medyo sosyal naman hawak nya kasing weapon. Bolo. Pero bolo pa rin. Pag tinira mo ng m-16 o Chain Gun, tingnan lang natin kung makilala mo pa. Isa pa to. Sensitive din. Savior din to ng so called tropa. Siya rin kasi yung hitman nila eh. Kapag may umapi, siya na ang magliligpit. Sabay sila ni G1. G-Force nga kumbaga. Epal to. Wala ring feeling to para sa iba eh. Mahilig mamuna ng selfish at self centered na tao. Paano, self centered siya eh. Haha... Kaya puro puna kasi gusto nya lahat ng bagay umaayon sa kanya. Medyo traydor din. backstabber. mabait sa harap mo, pagtalikod, yun na. Pag meron kang nagawang hindi nya gusto, magagalit na at pagbabantaan ng bolo nya. Maangas din to. Tapos ito, mahilig to mamahiya ng tao sa neighborhood. May mga ilang tao na ngang nagreklamo sa kanya eh. Pero siyempre, magaling makisama, plastik nga eh, maraming kaibigan.
Meron pa pala, si G3. Pero epal lang to.
So ito yung G-Force na tinatawag. Magaling mamuna, bobo naman.
Sensya na sa mga katropa ng G-Force na to, nadamay pa kayo. Eh kasi, kayo lagi pinapang sanggalang ng mga to eh.
Disclaimer: Ang tamaan, tsk, alam na! Naisip ko lang to habang nasa jeep at kathang isip ko lang. Pag tinamaan ka, uhm, magisip ka na. Baka isa ka sa mga yan. :)
Ito yung natutunan ko eh. Pagkaclassify. Types of "G"
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:19 PM
Sunday, November 8, 2009
3K
Speechless...
Wala talaga akong masabi.. Hehe.. Actually, nawala ako ng 1 week sa net. Sobrang nanghihinayang ako sa napalevel up na mafia, mga kita sa rakets. Bwisit na smart bro yan, hanggang ngayon, nakikigamit pa ako ng net dahil walang net sa bahay.
Anyways, tama na yung ganyang mga bagay. Kukwento ko nalang yung nangyari the day before and the day ng race.
MWF kami nagpapraktis sa pagtakbo sa 42Km Relay Race. Meron kasing 20 members. So dahil nga relay, pasa-pasahan. Ang bawat tao ay tatakbo ng 2 kms. Ang pinakalast ay tatakbo ng 4 km.
Bilang practice, tumatakbo kami sa oval ng PUP, 10 times. Siyempre, paguwi, tulog agad. O pagod.
Actually sa mga practices, di ako nababagot, naiinis o whatsoever kahit pawis na pawis na ako at pagod pa.
Dumating ang saturday. Kinailangan ko magbakot bakot ng ilang gamit para mag overnight kanila Leo. Sabay sabay kasi kaming pupunta sa Quirino Grandstand.
Nakarating naman kami ng matiwasay sa Quirino Grandstand. 3:30 kasi ang calltime. Puro paepal sa camera, picture at kung ano ano nalang ginawa namin.
Bago magsimula ang race, nagkaroon ng ilang discrepancies. Ang registered kasi sa amin ay 42K Relay Race. Ang kaso, sinabi ng aming coordinator na baka mahirapan kami dito dahil hindi kami na-brief. So, pinatakbo nya kami sa 3K. Ang problema, ayaw kami tanggapin sa 3K dahil nga iba ang pagkakaregister sa amin. Pumunta kami sa kanilang "Help Desk". Medyo napahintay kami ng matagal. Kala namin, wala nang mangyayari sa lahat ng mga practices namin. Luckily, meron nagassist.
Nakapasok naman kami. Siyempre, nung nagsimula ang race, medyo mabagal muna at bumilis ng bumilis. Para sa akin, achievement na natapos ko ang race. Di ako nakaramdam ng pagod at feeling ko ay full of energy pa ako. :)
Ahm, nais ko palang magpasalamat unang una siyempre sa diyos, sa mga magulang ko, uhm, sa mga sumuporta, nagbigay ng moral support, kay sir nero (kahit di kami sinama sa kanyang status message :)), at sa lahat ng tumulong.
Feeling ko, next time, "Takbo para sa Quirino Grandstand" na ang gagawin. Ang kalat kasi eh,
Anyways, part nanaman to ng history ng buhay ko. Ang first time na pagsali sa International Marathon na ginanap ngayong November 8.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:06 AM
Friday, October 23, 2009
Teutons Vs. Huns
Bago ang lahat, malaki ang pinagkaiba ng Teutons sa Huns..
Well, ang Teutons kasi ay isang Germanic Tribe na sumugod sa Rome. Sila ay malalakas na isang dahilan ng pagkatalo ng Rome.
Ang Huns naman, napanood ko yung story nito sa History Channel. May reenactment pa ng laban ng Huns at Romans. Well, ang Huns kasi, base sa napanood ko, hindi sila more on pananakop talaga ng mga lupain. Ang pakay nila sa pagsalakay ay para lang i-loot ang town, pagnakawan ito at kuhaan ng pera. Pagkatapos nun, aalis na sila. Tinawag silang barbaric dahil dito. Nagpapanalo sila sa mga war dahil sa kanilang galing sa pakikidigma at galing ng kanilang mga blacksmith. Sa Battle of Chalons, natalo ang Huns. Pero hindi sila sumuko. Lalo nilang pinalakas ang kanilang artillery at muling lumaban sa mga Romans. Well, ang Huns pala ay pinamumunuan ni Attila, isang magaling din na warrior. Sunod sunod ang pagkatalo ng Romans. At that time, ang simbahang katoliko ang pinakamalakas na mangimpluwensya sa buong Rome. Kumbaga, sila yung nasusunod. Napansin nila ang sunod sunod na attacks ng Huns. Nabahala sila na baka mawala ang tiwala ng mga tao sa kanila. Sila na lang kasi ang sandigan ng mga tao dahil ang military ng Rome ay nauubos. Si Pope Leo I, ay nagtungo sa base camp ng mga Huns. Wala siyang kasama, wala siyang dalang kahit ano. Pinapasok naman siya ng mga Huns. Kinausap nya ang pinaka leader na si Attila. Walang malinaw na sinabi sa history kung ano ang pinagusapan nila. Pero after that talk, tinigil ni Attila ang pagwasak sa Rome at lumipat sila ng ibang area para manakop. Ilang buwan ang nakalipas, namatay si Attila habang natutulog. Hindi alam ang dahilan ng pagkamatay. May nagsasabi na nagchoke siya at may nagsasabi na cardiac arrest, pero walang nakakaalam. That time, humina yung army nila. May pumalit, magaling din naman pero that time, unti unting nagdedeteriorate ang army ng Huns. Hindi dahil mahina sila sa digmaan kundi dahil sunod sunod ang tinamaan ng malaria. Maraming sundalo ang namamatay hindi sa digmaan kundi dahil sa malaria. Di nagtagal, bumagsak ang kanilang army..
True story to, base to sa napanood ko sa History Channel.. Kaya manood din kayo.
Bakit ko nakwento to? Dahil ang Huns at Teutons ay magkaiba. ASIANS ang Huns at GERMANIC ang Teutons.
Anyways, sa ibang story...
Nasa Cuba pa rin si Arsene at kasama si El Capitan. Mahina na ang Organizacion pero di pa napapatay ang mga lider nito. Tumahimik ang Organizacion dahil sa takot.
Naisip ni Arsene na okay na ang lahat. Naisip nya bumalik ng Pilipinas at iwanan na si El Capitan dahil tingin nya, kaya na ni El Capitan ang Organizacion. Nagpasalamat si El Capitan at binigyan si Arsene ng rare na baril. RAS-12 na kulay ginto. Umuwi na si Arsene gamit ang private plane na pahiram ni El Capitan.
Pagbalik ng opisina, isang File Folder ang nakalagay sa kanyang mesa. Alam nyang closed na ito 1 year ago. Pero heto ngayon at nasa mesa nya. May maliit na note sa may folder.
reopened
Inisip nya bakit, posible sigurong may pagbabago..
THE MERITORIOUS CASE: REOPENED
Katulad ng Unanswered Question Case, na naisara at muling naiopen at nailabas ang katotohanan na nasagot ang "katanungan", itong meritorious case, ay nagkaroon ng kaunting pagbabago.
Una kasi, lumabas sa ating result na WALANG GUSTO SI ROSE KAY MERIT and VICE VERSA.
Pero, ngayon, merong something...
Sabi nila, "lokohan" daw. Okay, once, twice, thrice, 4 times and above. Hanggang nagkaroon ng "physical contact", nagkaroon ng tawagan, laging naguusap ng sarilihan, laging may "physical contact", laging nasa isang sulok, laging magkasabay at magkahawak with matching "sweetness", laging nasa labas, naguusap ng napakatagal at may nagaganap na "physical contact" na maaring i-categorize sa ipinagbabawal na "public display of affection".. What does that mean?
Naisip ni Arsene na bantayan at napansin nya ang binigay ng "unnamed tipper" na totoo. Nakatanggap ng balita si Arsene na si Rose daw ang lumalapit kay Merit. Okay. Given. Napansin ito ni Arsene nung "first days". Kasi nga, parang si Merit, nagbigay siya ng "lokohan" daw na "tawagan" at nakisakay itong si Rose. Pero, nagiging mutual. Nagiging sobra yung closeness. Closeness na hindi lokohan. Closeness na hindi pang magkaibigan. Minsan, nakikita ni Arsene na maglambing si Rose. UNDERSTOOD. Napapansin ni Arsene na ganun talaga ang attitude ni Rose. Pero, nakikita nya na yung ibang lalaki naman ay HINDI NAGTATAKE ADVANTAGE. Katulad na lamang ni "Tycoon". Siguro may kaunting "physical contact" pero HINDI INTIMATE. Napansin ni Arsene ang pagiging intimate ni Merit kay Rose. Nung mga last days, napapansin ni Arsene na mali ang balita. Si Merit ang nagsisimula. Siya ang unang lumalapit kay Rose, humahawak sa kamay, nagyayaya, atbp. Siyempre, ito namang si Rose, sa sobrang lambing, nadadala..
Base sa unang posts, si Merit po ay may existing relationship habang si Rose, ay wala daw. Hindi lang kay Rose ito ginagawa ni Merit. Pero kumbaga, kay Rose yung almost 60% ng kanyang atensyon. Kay Rose nya ginagawa ang mga ito.
So to finalize, si Merit ang gumagawa ng move kay Rose. Kumbaga si Rose, nagrerespond lang. Nagkataon lang na hindi binibigyan ng kulay ito ni Rose dahil "lokohan" lang daw.
Ang tanong...
ANO NGA KAYA ANG NAGAGANAP?
WALA NGA KAYANG KULAY ANG LAHAT NG ITO?
At kung lokohan lang talaga to, BAKIT SOBRANG INTIMATE?
Hindi lang po si Arsene ang nakakapansin. Marami pang iba...
Merit, The Vintage Spy, is on you.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:06 PM
Tuesday, October 13, 2009
"Sige tawa pa."
Isang famous quote po ito ng philosopher na itatago natin sa name na E.D. As in "edukasyon"
I'm not feeling well talaga. Pero marami kasing nangyari this week. Starting off, babalikan natin ang isang istorya natin, ang "walang talo-talo"
WALANG TALO-TALO (The Quadrilogy)
Natapos ang 3 "Walang talo-talo" na series ukol sa paglalaban ng magkapatid na Iguedala at Igu tungkol sa fox. Actually, hindi nalaman ni Iguedala ang tunay na dahilan ni Igu sa pagagaw sa fox. Nang mabawi ni Iguedala ang fox, lie low muna si Igu at pasimple na lang pinapakain at pinapatulog ang fox.
Mula sa malayong kaharian, isang binata na anak ng hari na nagngangalang, Supremo ang nagtungo sa kaharian ni Iguedala. Nagustuhan ng Supremo ang fox. Sa di malamang dahilan, palaging umaalis ng magkasama ang fox at ang Supremo. Naiinis na si Iguedala dahil hindi naman nya kilala ang Supremo ngunit grabe na lang kung maglambing ang fox sa Supremo.
May dalawang bagay na umiikot ngayon sa ulo ni Iguedala...
1. May ginagawang "something" ang Supremo o nagpapainom ng gayuma para mapalapit ang fox.
2. O talagang sawa na ang fox kay Iguedala at nais na sumama sa Supremo.
Maraming beses na napapansin ni Iguedala ang ganitong mga pangyayari pero isinasawalang bahala lang nya. Ang masakit, sa tuwing nakikita nya, nasasaktan siya.
Next topic...
GANGSTER
Kanina, habang naglalakad sa Teresa, isang "gangstah" o sigang shit ang bumangga sa akin. Actually, di bale sana kung di sadya. Ang masaklap, talagang pinalo nya yung kamay nya sa may tyan ko. Peaceful man naman ako at hindi naghamon ng away kasi ayoko na ng gulo. Ang masasabi ko lang sa mga naghahanap ng away, makakahanap din kayo ng katapat nyo. Hindi kamao ang babaon sa mukha nyo, kundi bala o kaya naman rehas.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:39 PM
Thursday, October 1, 2009
Super Typhoon
Ito ay panimula pa lang...
Ang picture na ito ay nakuha sa PUP noong Sabado. Kasagsagan pa lang ito ng bagyo. Mas matindi pa ang inabot ng pup. Pano ko nasabi? Eh kasi, ultimo mesa ko, inabot pa ng baha.
Well anyways, ang bagyong ito ay talagang naging disastrous para sa Pilipinas. And yun nga, sinwerte dahil nasa tuktok ng bundok ang bahay namin, hindi inabot.
Anyways, feeling ko, walang words na pwedeng makapag-pa okay ng feeling ng mga nasalanta. So ayoko na lang magsalita, baka makapagpa-grabe pa sa kanilang nararamdaman...
Sa ibang istorya...
Nowadays, nauuso ang facebook. Dati, may facebook na ako. Kaso tinatamad ako gamitin. Pano ba naman, si Migraso lang ang pwede kong maging friend. So di ko siya binubuksan. Binubuksan ko lang siya kapag may gusto akong makitang commercial model o artista na di pa masyado sikat. Hehehe...
Ngayon, naging talamak na ang paggamit ng mga tao sa facebook. Meron na kasing kung ano anong mga laro na kinaadikan ng mga tao. Sa west wing, sa PUP, makikita mo na umaga at breaktime, may naglalaro ng farmville, at iba pang mga laro. There is this friends for sale...
Ito kasing friends for sale, parang nagiging katuwaan ko lang siya. Kasi, you buy someone, tapos bibilhin sayo, may kita ka. Binubuksan ko nga lang to pag napagtripan ko eh. Tapos, meron siyang feature. WORK. Pero, di ko akalain, na merong taong sobra yata yung inggit, selos o panibughong nararamdaman sa puso na sineryoso ang friends for sale.
Parang Gabriela lang na sinabing prostitusyon ang friends for sale, ganito rin ang ginawa nitong babaeng ito. Well, meron kasing isang work na "roundhouse kick" Naalala ko nung "karate days" ko pa, ito yung hirap na hirap ako gawin. Yung roundhouse kick. Sabi kasi nung senpai namin, "Roundhouse kick to the face DOJO EI!" Tapos yun na. Pag nagsparing naman, sinasabi nya sa akin, 'Roundhouse kick! Roundhouse kick". Natuto rin ako bago ako magtapos at talagang pag inabot ng aking roundhouse kick, secret. Anyways, balik tayo sa "ffs". Siyempre, dahil nasa suggested friends isa itong babaeng ito na itatago natin sa pangalang "GM" (actually, di na nga tago, halata na eh.). Bakit? Una kasi mahilig siya mag-gm. Tipong bawat hakbang, may gm. Wala namang sense. Buti nga ngayon tahimik na o talagang di na ako napapadalhan, wala munang epal sa cp ko. Well, itong si GM, siguro matindi talaga yung inggit sa katawan, eh nag-gm kagabi tungkol sa pag roundhouse kick ng aking pet na si "HAHAHA! INCOME GENERATING". Tapos ayun nanaman, sabi nya, "pagawa daw nya sa sabado, palag ka?" ABA, CHINALLENGE PA AKO! Pero, siyempre, I respond to challenges eh. So kung chinallenge nya ang kakayahan ko, well and good. Haharapin ko naman yan eh.
So labasan tayo ng baho. Nakakarating sa aking kaalaman kasi na itong si GM ay nagbibigay ng mga threat kay HIG na aking pet. Lagi nyang panakot, ang sabado. Ang mahirap kasi, NAPAKALIIT NA KAPANGYARIHAN lang, ipinagmamalaki pa. Kaya walang pagunlad ang ating bansa. Maliit na kapangyarihan, kahit yung pinakamababang pwesto sa pamahalaan, magaling sa korupsyon. Bakit? Nagsisimula sa pagkabata.
Okay, back to the topic. Dahil inis talaga ako sa mga guilty na tao, pina roundhouse kick ko si "It's a Bird, it's a plane... no it's... 2" sa kanya. Aba, ginawa ba namang status message sa facebook, "walang kwentang kor". Ayoko talaga mamersonal, pero sa tingin ba ng nakararami, SINO BA ANG WALANG KWENTA? SINO BA YUNG TEXT NG TEXT HABANG NAGKAKLASE? At sino ba ang hindi nagsisilbing ROLE MODEL? NA ALAM NAMAN NYANG MALI, GINAGAWA PA...
Umiyak ka na kung gusto mo dahil alam kong iyakin ka. Pero di kita tatantanan. Ito, ang ganti sayo ng nature. Ito ang super typhoon Ondoy para sayo, GM
Gm. multiply
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:36 PM
Friday, September 18, 2009
TRIPLE ENTRY
ENTRY 1: Napansin ng Isa, napapansin ng lahat...
Let's get to the point.
Ganito kasi yung napansin ko. There is this one girl. Actually, noon pa naman ako may "something" sa kanya. And before naman, in short, last year, eh, wala namang napakaraming "umaali-aligid" sa kanya. Until dumating yung time na nabunyag ang lihim.
Okay, pinagbigyan ko na intrigahin nila si girl. Pinagbigyan ko lang noon. Pero dumating yung time na to, na ang daming umaali-aligid sa kanya. And as far as I am concerned, it's more than friendship and it's so annoying. Tipong, sa harap mo pa ginagawa. Parang pinapamukha pa sayo. Di bale sana kung di nila alam. Ang kaso, alam nila yung katotohanan, alam nila ang nangyayari, at alam nila ang ginagawa nila. Hindi ako bulag. Alam kong maraming pumoporma porma sa girl mula nung umugong yung pangalan nya dahil sa "pagkabunyag". Tapos, kilala ko rin naman yung pumoporma-porma na may simpleng akbay, simpleng hawak.
Hindi naman sa nagiging selfish ako. Pero sana naman kasi, know your limitations. Wag nyong ipamukha sa akin yung mali ko, o yung mga bagay na hindi ko magawa. Wag naman kasi sobra rin pumorma. Di masamang pumorma. Pero wag mo naman i-take advantage yung girl.
ENTRY 2: Tsismis, Kasiraan, Atbp.
Kung mapapansin sa picture na ito, buhay talaga ang nagiging kapalit ng rumors, o tsismis.
Let us again, get straight to the point.
Hindi na maiaalis sa akin ang tsismis, ang issue. Kumbaga, alam ko na, isang galaw ko, isang balita ang lalabas. Naiinis na rin ako minsan, kasi, nakikipagkaibigan ka lang, binibigyang kulay na. Ang masakit, yung mga kaibigan mo na dapat nagtatanggol sayo, sila pa yung nagbabagsak sayo.
There is this one girl kasi, di ko alam kung siya lang ba o may isa pa, pero more on this girl. She is just a good friend. Katext, kakulitan, kausap. Minsan nakakasabay ko paguwi at papasok. Minsan naman, sinasabayan ko na talaga para di ako mabagot papasok. Ito lang ang masakit. Walang namamagitan sa amin ng girl na ito. Ang masakit, lumalabas na nilalandi ako nitong si girl, tapos parang may something sa aming dalawa na wala naman talaga. Alam mo yung kahit anong explain mo, feeling mo wala nang maniniwala kasi ang bilis kumalat ng MALING BALITA. Tapos, ang masaklap pa, nadamay pa yung girl na ito na wala namang ginawang masama. Pinagbibigyan lang nya ako sa iba kong kapritso na hindi ko alam eh iniisue na pala kami. Isa pa, sinabi mo na na WALA, pinipilit pang MERON. Sana kasi, di na lang nagtanong. Tapos pilit pang inaalam at gustong gusto pang kuhanan ng impormasyon kahit gamitan ng kapangyarihan. Ang ayoko talaga sa lahat, yung ginagamit yung kakarampot na kapangyarihan para mangextort, mangapi at mangharrass ng mga tao. Eh kahit anong piga nyo sa tao, wala ng mapipiga dyan dahil nasabi na nya lahat.
Ito pa ang pinakamasakit sa lahat. Okay, sige, pagbigyan natin yung mga naninira. Posibleng may inggit sila. Pati yung mga "kinakapatid" mo, at mga "kaibigan" mo, lalo ka pang dinidiin. Kung kailan, kailangang kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng sandigan, kailangan ko ng magpapatunay na hindi totoo yung mga paratang, sila pa yung mga nakikisama at lalo pang nagpapalalim sa issue. Siyempre, anong tingin ng tao? E di totoo. Kasi mismong kaibigan at mga KINAKAPATID mo ang nagsalita. Hindi masamang macurious. Pero gaya nga ng unang entry, know your limitations. Sana naman alam nyo na nadidiin na yung kaibigan nyo. Alam nyo na nahihirapan na yung kapatid nyo. Wag lang basta issue, bato ng joke. Personalan kasi yung joke eh. You know what, tell you honestly, kaya di ako nagsasalita sa inyo it's because na hindi ako sigurado kung kailan nyo ako ilalaglag. Feeling ko kasi, wala akong sasabihin sa inyo na magiging safe. Feeling ko magkakaroon at magkakaroon ng leak. Which, nagkakatoo naman in the past 3 years tayong magkakasama. Mga pare, mga kapatid, sorry. Pero talagang napupuno na rin ako sa mga issue na binabato nyo sa akin.
ENTRY 3: 3rd Sex
Pinagbibigyan ko na talaga.. Alam mo yun, pero sorry talaga sa tamaan. I don't mean to do harm. Gusto ko lang ilabas yung point of view ko sa issue na ito.
Let's get to the point.
Hindi ako nangdidiscriminate ng tao, or nanunuri ng tao. I respect people kung karapat dapat ba silang respetuhin. Pero ganito kasi yung napapansin ko. May mga bakla na humihingi ng gay rights. Included yung pagpapakasal nila sa lalaki. Di ko pa alam yung iba. As we can see, ang batas ay para sa lahat. Ano pa bang rights ang hihingiin nila? Sabihin nila nadidiscriminate sila? Actually, nadidiscriminate sila kasi minsan sila rin ang may gawa. Or, siyempre, kung may nakitang abnormal yung tao or kakaiba, siyempre, parang ikagugulat nila ito or ayun nga, iba kasi sa mga normal. Sabihin nating hindi lahat ng bakla ay dala ng kanilang kalandian. Pwede kasing sa genes yan. Pero sana naman, galangin din naman nila ang sarili nila. Respetuhin nila ang mga tao. Hindi dahil pogi, Sasabihan mo na "HI (insert name)". To tell the truth, natatakot ako sa bakla. Pero kung makita ko naman yung bakla na matino naman, nirerespeto ko siya as isang lalaki. Nirerespeto ko siya as tao. Pero kung bastos, walang modo, at yung "nangpapana" ng lalaki, naiinis talaga ako.
On the other hand, meron ding mga lesbians. Okay, pagbigyan din natin. Pwede kasing sa genes lang eh. Pero napapansin ko nagiging rampant na. Tapos karamihan pa, mas maraming syota yung mga lesbians kaysa sa mga tunay na lalaki. In short, mas babaero pa sila at mas maraming pinaiiyak na babae. Minsan din, naiinis din ako kung makakita ako ng lesbians na pasimpleng hipo sa babae, pasimpleng mga bagay bagay. Kung ako lalaki, kahit hindi ko naman gusto yung babae, maiinis ako dun sa lesbian na gumagawa nun. Una, di na nya nirespeto yung babae. Sige, pagbigyan natin kung may relasyon sila. Pero kasi kung wala naman, wala naman sanang ganunan. Okay, sabihin nating babae pa rin yung katawan nila, pero hindi lingid sa ating kaisipan na lalaki ang pagiisip nila. Kumbaga, yung mga hawak na yun, kahit sabihin nilang hawak kaibigan, means something. Dun ako naiinis. Pero tulad nga ng ibang baklang dapat galangin, kung may mga tomboy naman na di kabastos bastos, ginagalang ko sila as babae.
Sa huli, hindi ako in favor sa isang environment na may kasamang bakla at tomboy. Hindi sa dinidiscriminate ko sila, pero ayoko lang talaga ng ganun. I believe na ginawa tayo ng diyos bilang lalaki at babae. Kung ano tayo, yun na tayo. Kung puso natin babae pero ginawa tayong lalaki, pilitin nating magpakalalaki. Iyon na kasi yung binigay ng diyos. I believe na sa ginawa nila sa sarili nila, it's a sin. Kumbaga, they contest God. Parang sinabi pa nila na "Mas alam ko kung ano ako". Parang ganun yung pinamukha nila sa Diyos. Well, to tell you frankly, mas masaya ako kung ang tao ay lalaki at babae lang. Walang tomboy, walang bakla.
We all have our own opinions. And this is my opinion. RESPECT IT.
Hanggang dito na lang ang triple entry ko na puro patama.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:50 PM
Monday, September 14, 2009
Hitlist
Umiral nanaman ang pagpapapansin ng Organizacion kay El Capitan. Pero this time, hindi ng kanilang pinuno.
Matapos mapaslang ang kapatid ni Eduardo, nanahimik ito at nagbakasyon muna sa Bahamas. Iniwan nya ang pamamahala sa kanyang madaldal, epal, kulang sa pansin at mukhang pwet ng kabayo na nagkabuhok at nagkabigote na tauhan, si Gerardo. Nagkalat ng maling tsismis nanaman itong si Gerardo. This time, pinaparatangan nya si El Capitan bilang corrupt na opisyal sa pamahalaan.
Tuluyang ikinagalit ni El Capitan ang paratang. Hindi pa rin pala tumigil itong si Gerardo, na kahit namatayan ng kapatid ay nagdadadaldal pa. Dumagdag pa ang isa sa mga tauhan ni Gerardo, si Adolfo Carlo. Itong si Adolfo, bobo, tanga, estupido. Literally. Binagsak nya ang kanyang grade 2 ng paulit-ulit. Nagkataon lang na malakas ang kanyang mga magulang sa paaralan kaya naka graduate siya ng elementary. Pag tungtong nya ng high school, dapat ay tatanggalin na siya sa unang taon pero napagbigyan hanggang 4th year. Pagdating ng 4th year, natanggal din dahil sukdulan na ang kabobohan at puro kagaguhan na lang ang ginagawa sa paaralan. Well, nakikisama si Adolfo sa kagaguhan ni Gerardo dahil nauto siya nito dahil nga sa katangahan nya.
Dahil nga sa nagsanib na ang pwersa ni Arsene at ni El Capitan, may pinaplano nanaman si El Capitan na opensiba para sa mga epal na nabanggit.
"Bumagsak na ang isa... Susunod ka na..."
Maiba tayo, baka mawasak ko yung keyboard sa tindi ng pagtype ko.
Maganda pala talaga yung story nung pelikulang 21. Palabas pa ata sa HBO. Alamin nyo nalang. Tinatamad na ako magkwento.
Marami talaga akong nalalaman these days. Pero yoko na ikwento. Baka mabasa ng mga epal eh, maissue nanaman ako...
Thought of the Day:
Wag mong subukan languyin ang ilog na tahimik. Hindi mo alam, na lulunurin ka lang nyan hanggang sa ika'y mabura.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:14 PM
Wednesday, September 9, 2009
One Down
Isa itong achievement sa Mafia Wars sa Facebook, pero this time, it's not about facebook. It's about history..
(Kung may assignments kayo, or researches na gagawin, wag po ninyo gamitin ang aking site as reference dahil ang ibang scenario dito ay more on representation lang naman. Hehe.)
May isang nananahimik na tribe na ang pangalan ay Mongol. Itong mga Mongols ay namumuhay ng tahimik, at payapa. May sarili silang sibilisasyon, may sariling kultura at may sariling pagkatao. Pinamumunuan ito ni Genghis Khan.
Isang araw, sa kanilang pananahimik, mayroong dumating na dambuhalang beast. Inakala ng mga tao na ito ang kanilang diyos na bumamaba sa lupa para parusahan sila. Ngunit ang kanilang ipinagtataka, ang dambuhalang beast ay mayroong mga sakay na tao. (Ang dambuhalang beast po ay isang barko.) Bumaba ang isa sa mga tao na nakasakay sa dambuhalang halimaw at nagsalita. "Ako si Wandajajardo. Ako ay mula sa kaharian ng Jardo. Inuutusan kayo ng hari na magbigay sa kanya ng tributo."
"Nauulol ka na ba??" Pagalit na tanong ni Genghis Khan.
"Kung di kayo magbibigay ng tributo, gegerahin namin kayo. Kung di rin naman kayo magbibigay ng tributo sa amin, di kami papayag na magkaroon kayo ng kalayaan."
"E di gerahin nyo kami." Sabi ni Genghis Khan.
Nagsimula ang digmaan at nagwakas makalipas ang 3 taon. Siyempre, hindi naman malakas si Wandajajardo. Nagkukunwari lang siyang malakas para matakot sa kanya ang mga sinisingil nya ng tributo. Napatay si Wandajajardo sa digmaan. Dahil sa ginawa ng Kaharian ng Jardo sa kanilang tribo, nagalit si Genghis Khan at naisip nya lusubin ang buong Jardo. At duon nagsimula ang mga conquest ni Genghis Khan at ng mga Mongols.
Sa ibang usapan naman...
Saka na, kasi di ko naman pc tong ginagamit ko.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:04 AM
Friday, September 4, 2009
Arsene Returns Home
Ilang buwan din ang lumipas mula ng umalis si Arsene sa Vintage Spy Office para magbakasyon. Subalit, ito ang mga kaganapan habang siya ay nasa bakasyon nya.
Merong nakilalang isang army commander si Arsene habang siya ay nasa Cuba. Ito ay si Capt. Rodriguez. Sikat si Capt. Rodriguez. Maugong ang kanyang pangalan sa buong Cuba. Una kasi, si Capt. Rodriguez o mas kilala bilang El Capitan ay maraming kakilalang sikat na tao. Isa pa, siya ay may malaking reputasyon sa buong Cuba. Isa siya sa mga respetado, kinatatakutan ng mga ilegal at kinhuhumalingan ng kababaihan. Naging kaibigan ni Arsene si El Capitan.
Ngunit, di pa man nagtatagal si Arsene sa kanyang pananatili sa Cuba, nalaman nyang may suliraning kinakaharap si El Capitan. Bukod pala sa magagandang naririnig ni Arsene tungkol kay El Capitan, marami ring nagkalat na masasamang balita ukol kay El Capitan. Ilan na dito na sinasabing nambabae siya. Yun ang pinakamaugong sa lahat. Sinubukang bantayan ni Arsene si El Capitan at mayroon siyang napansin. Dahil nga sa lubos na katanyagan ni El Capitan, marami ang nakikipagusap sa kanya. Napansin ni Arsene, na sa tuwing may kausap na babae si El Capitan, kinabukasan o makalawa, maugong na ang balita sa bagong babae ni El Capitan. Naisip ni Arsene na sobra na ang paninira nila kay El Capitan.
Inalam ni Arsene ang pinangagalingan ng isyu. At napunta ito sa isang grupo. Isa itong grupo na nagkakalakal ng droga, mga taniman ng marijuana at mga ilegal na pasugalan sa Cuba. Ang pangalan ng grupo ay Organizacion de Cuba. Pinamumunuan ito ng isang tinatawag nilang Big Boss. Nakilala ni Arsene ang "Big Boss" na si Eduardo Domingo, isang Mexicano. Meron siyang kanang kamay na siya ring namamahala sa mga ilegal na gay bar sa Cuba. Ito ay si Gerardo Ponciano. Marami pang tauhan si Eduardo. Nakatanggap din si Arsene na lahat ng babae na naiisyu kay El Capitan ay binibigyan ng threat ng Organizacion. Sinasabi na ipapapatay ang pamilya at iba pa. Marami ang natatakot at naiilang na lumapit kay El Capitan dahil sa bantang ito. Inalam ni Arsene bakit ito ginagawa ni Eduardo. Nalaman nyang matagal na palang nais ni Eduardo na masama sa Organizacion si El Capitan. Pero dahil nga sa nasa tamang pagiisip pa si El Capitan, di siya sumama. Binigyan din siya ng mga lagay pero di nya tinatanggap. Dahil dito, napapahiya ng lubusan si Eduardo. At naisip nyang kung di rin naman mapupunta sa Organizacion si El Capitan, walang ibang taong pwedeng umangkin dito.
Naging epal sa buhay ni El Capitan si Eduardo mula noong tanggihan nya ang alok ni Eduardo. Nang napuno si El Capitan, naisip nyang ipahuli ang mga nalalaman nyang ilegal na pasugalan ng Organizacion. Nalugi si Eduardo ng malaki. Ngunit mas tumindi ang galit ni Eduardo ng mayroong tatlong dalagang humingi ng tulong kay El Capitan dahil sa pangaabuso ng ilang tauhan ng Organizacion. Nagpakalat nanaman ng isyu si Eduardo na pinaglalaruan ni El Capitan ang 3 babae at pinapaikot ikot sa mga palad nito. Nakikisang-ayon pa ang mala-demonyong kanang kamay nito na si Gerardo. Kumalat ang isyu. Sobrang threat pa lalo ang natatanggap ng 3 dalaga at kailangan ito pigilan ni El Capitan. Magkagayunman, hindi nya maipahuli si Eduardo pagka't pamangkin ito ng pangulo ng Cuba.
Ilang araw ang lumipas at nalaman ni Arsene ang tungkol sa pagkasunog ng bahay ni Gerardo kung saan, nasugatan ng malubha ang kanyang kapatid. Makalipas muli ang ilang araw, nakita ang bangkay ng kapatid ni Eduardo na duguan sa gitna ng kalsada at binunutan ng mata. Napagalaman din ni Arsene na nakatanggap si Eduardo ng package na laman ang mata at dila ng kanyang kapatid. Brutal ang pagkamatay nito.
Bumalik si Arsene sa Maynila upang magdala pa ng ibang tools. Nais nyang tulungan si El Capitan na sugpuin ang numero unong gumagawa ng krimen sa Cuba. Sisimulan nila ito sa mga lider. At siyempre, mas maganda ang paghihiganti kung paunti-unti...
"Patikim pa lang yan, bagsak ka na, paano pa kung bagsakan ka na ng galit ni El Capitan?"
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:48 PM
Saturday, August 29, 2009
Para sa Masusing Pagbabasa...
Balik nanaman tayo sa mala-nobelang pagsusulat ng blog post. Simulan natin nung happenings ng Thursday...
Siyempre, nagmadali ako para makapasok ng maaga. Kasi, may exhibit daw. Pagdating ko, wala pang 1/4 ng klase ang naroon.
Well, nung exhibit naman, medyo tinatamad tamad ako magtingin tingin sa ibang bagay. So pakain kain lang ako, patayo tayo. Bigla kong nakita si Leo, kasama si Gienela. So di ko rin alam paano kami napunta sa Booth ata ng HRM yun. Nagkataon na naaliw kami sa pagmimix nila ng mga liquids. Paghirap ng isang matangkad na lalaki, namukhaan ko agad at nakilala ni Migraso. Isa siya sa mga nanalo nung Mr. PUP 2008. Well pano siya di makikilala ni Migraso, eh....... (MS daw eh). So inalok nya kami ng iba't ibang liquor. Kala ko naman mild lang. Kasi, seeing na high school students kami. So ayun, tig-iisa pa kami nila Leo. Iba't ibang flavors din. Di rin kami nagiisa sa pagtikim. Pasa pasa kami ng inumin hanggang maubos. Nakishare pa ako ng kaunti kay Ira at Gerby. Tinetesting ko rin yung flavored beer daw pero sobrang konti nun. Wala akong nararamdaman that time. Nang bumaba kami ni Leo para mananghalian papuntang HQ, naginit yung pakiramdam ko. Pero maaraw.
Pagdating ko ng HQ, duon nagbago ang lahat. Umiikot na ang paningin ko at nagiinit na ako. Napansin na rin ng mga tao ang pamumula ko at marami ang nakapansin ng pamumula ng mata ko. There is something wrong na nga raw. Ako naman, paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, "nasa state of mind pa ako. Di pa ako lasing. Alam ko pa kung nasaan ako at matino pa ang utak ko." Oo nga matino, pero wala na akong balance. Nahihilo na ako at bumibigat ang ulo ko. Tuloy tuloy pa ang paumula at pagkakaroon ng rushes sa mukha ko. Sabi rin ng iba, malakas yung amoy nung alak. Pinilit kong matulog pero di ako matulog. I don't feel good talaga.
So to cut it short, hanggang paguwi, masakit ulo ko. Ang maganda lang, wala na yung amoy alak. Open din naman ako sa magulang ko dahil alam ko na wala naman akong kasalanan. So kwinento ko. I have learned my lesson na talaga. Alamin muna ang iniinom at ang proof number nito.
FRIDAY
Araw ng Wika..
Mukha daw Mayor, mukha daw Congressman. Pero, host ako. Well, nagpapasalamat pala ako kay Juryl at sa SCO dahil na rin sa pagkakahirang sa akin bilang host ng palatuntunan. Kahit marami ang lumabas para mag-dota at mamasyal, okay lang din naman. Nagkasiyahan naman kahit hindi nanalo ang iba. Proud din kami sa lakan at lakambini namin dahil pareho pa silang nanalo. DI man champion ang lakambini, at least, pangalawa.
So, may continuation pa to...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:07 PM
Thursday, August 20, 2009
Mga Teorya, atbp...
As stated sa aking previous post, gusto ko na magquit. Pero ayun, I can' t talk nanaman. Umuurong dila ko. Gusto ko na umalis. Pero langhiya namang dila to, di nanaman ako makapagsalita.
Anyways...
Tapos na ang exam at nagmamafia wars na lang ako ngayon. Ayoko pagusapan yung tungkol sa exam kasi naman ayoko mag-assure sa sarili ko na madali at ayoko ring idown ang sarili ko. So, kalma muna.
Isa pa, isang katanungan ang naglalaro sa isip ko kasi ngayon...
Meron kasi akong story noon, pero I forgot the title na kasi.. WEll anyways, meron lang kasi akong napapansin, tapos siyempre para maitago ang kanilang pagkatao, gagamit tayo ng mga bansa sa Fertile Crescent.
So, itong Sumer ay nasa pagmamayari ni Sargon the Great ng Akkads. That time, mayroong trade relations ang Assyria at ang Sumeria. Nung sinakop ng Akkadian ang Sumer, hinahayaan lang ng Akkadia ang trade between Sumer at Assyria. Alam kasi ni Sargon na walang balak sakupin ni Assurnasirpal ng Assyria ang Sumer dahil trade lang naman talaga ang tukoy nito. Tumutulong pa si Assurnasirpal noon kay Sargon sa pagpapatakbo ng Sumer at pagtalo sa mga gustong sumakop sa Sumer. Subalit habang tumatagal, dumarami ang nasasakop ni Assyria. Nasakop nya ang Babylonia, Ankara atbp. Napapansin nya na napapadalas ang pagdating ni Assurnasirpal sa Sumer. Wala naman siyang business dito ngunit lagi siyang nandito. Naglagay na rin ng mga espiya sa paligid ng Sumer ang mga Assyrians. Nangangamba si Sargon. Kasi posibleng maisama sa mga sasakuping bansa ni Assurnasirpal ang Sumer. Maaring ginagamit na lang nya ang pagiging traders nila para itago ang kanyang tunay na plano...
Ano man ang plano, di ka makakalusot kay Sargon.
Maraming magaganap na programs ang LHS. Abangan...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:07 PM
Tuesday, August 11, 2009
Anak ng Pasig
Kanina...
Na-cut yung klase para sa meeting. Pero bago pa man na-cut ang klase, meron akong isang bagay na kinakailangan ng malalim na decision making. Ito kasi ang scenario...
There is this organization na member ako for 3 years in a row. 4th year ko na ngayon. Pero feeling ko pressured ako. Pag-uwi ko, gabi na, pagagalitan ako. Tapos, pagod, di makagawa ng assignment, diretso tulog. Kinabukasan gigising tapos saka lang gagawa ng assignment. Di na nakapagaral. Ang mahirap, kahit sabihing excused sa klase, mahirap humabol. Walang special quizzes na ibibigay, yung iba, magagalit pa sayo. SO mahirap talaga. Una, sabi nga ng parents ko, gabi na ako umuuwi. DI na ako nakakapagaral. Second, hindi ito yung career path na pupuntahan ko, Lastly, di ako nakakapagfocus sa academics ko.
So dalawang choices ang naglalaro sa isip ko. I'll quit or I'll continue. Kapag tumuloy ako, okay. Kapag pinutol ko, makakapagfocus ako sa pagaaral ko, sayang nga lang extra co. But, I have decided, I'll quit. I'm just finding the right time.
Anyways, so naguwian na at naisipang makikain kanila Migraso...
Pagkakain, umakyat at pinanood ang Crank 2. Pero di natapos. Sayang.
Marami akong kwento pero next time na.. Hehe..
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:53 PM
Monday, August 3, 2009
Basagan gamit ang Kapangyarihan
Who's Who...
So itong post natin ngayon ay isang blind item. Tamaan, wag magalit.
Ang ating blind item sa ngayon ay isang tao na ayaw sa musika o talagang may galit sa musika. Sa hindi ko maintindihang paraan, bakit ang init ng dugo nya sa mga taong mahilig sa musika. Ganito kasi yan.. Meron nang history ang taong ito na talagang mahilig mamersonal, yung tipong mahilig siyang magparinig, mamersonal sa harap ng maraming tao at mangursunada. Mangursunada in the sense na ginagamitan nya ng kapangyarihan nya. At siyempre, yung taong kinukursanada nya ay walang laban dahil mas mataas siya. So itong taong ito, kapag nakursundahan ka, buong taon, ikaw lang babantayan. Andyan yung babarahin ka at ipapahiya sa harap ng klase, di ka bibigyan ng karampatang grade atbp. Marami umalis na may galit sa kanya. Masyado siyang deceiving. Akala ko dati, nagagalit lang siya kasi may rason, and I found out na unreasonable lang talaga siya. Sinasabi din na kulang siya sa atensyon at gustong gusto na laging center of attention, siya yung inuuna. Kulang sa pansin kumbaga. So ganito kasi nangyari...
Meron kasing isang grupo ng mga mangaawit ang umalis ng mga 10 am. Darating siya sa lugar ng mga after lunch. So may mga nauna nang taong nasabihan na mawawala ang mga mangaawit. Pero dumating sa kaalaman ng mga mangaawit, kasama ako, na galit pala itong taong ito. Nagalit ata dahil di siya nasabihan at sinabi pa na naglalakwatsa lang daw ang mga mangaawit. Wala siyang ideya na pinapraktis ng mga mangaawit ang kanilang boses sa iba't ibang lugar. Dun namin nalaman na unreasonable siya. Una nabigyan ng kaalaman ang lahat na aalis ang mga mangaawit, so unreasonable siya, kasi gusto nya ng sobra sobrang atensyon, at kung magalit siya, akala mo wala siyang nalalaman..
So dumating tong araw na to. At ayun, napapansin ko na isa ako sa mga pinagiinitan. Tipong naubusan ako ng grade na ginawa ko mula June hanggang bago kami umalis, tapos pagbalik ko wala na akong grade.
Ayun... Kung nababasa mo man to, na sa tingin ko hindi nanaman, hindi ako magmumura ngayon. Kahit kanina pa ako naiinis kasi ramdam mong pinagiinitan ka at ayoko sa lahat ang binabackstab ako. Kung may sama ka ng loob, sabihin ko kasi makapangyarihan ka naman. Nakakaasar lang talaga, na paginitan ka.
Isang paalala lang po. Tatanda kami, lalaki at magkakaroon ng sariling buhay. Ayoko namang one day nagkasalubong tayo, matanda ka na at ako, mayaman na, tapos sasabihin ko, "Alam mo yan, dati, pinagiinitan ako nyan eh." sana naman wag mangyari yun.
I believe in diplomacy, pero kung may mga tao na ayaw ng diplomacy, ginagawang meat pies yung katawan ng mga yun...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:42 PM
Tuesday, July 28, 2009
Yes, You
"Four hostile newspapers are more to be feared than a thousand bayonets."
-Napoleon Bonaparte
Kaya idol ko yung ideas ni Napoleon eh. Napaka-practical. Ito kasi yun, bago ko pa maibuhos yung galit ko sa keyboard ko, mas maganda na malaman nyo ng bahagya ang istorya.
Saturday, pinilit kami manood ng isang film. Nagkainipan sa film at inantok ako. Pero di ako pwede antukin. So kinausap ko yung katabi ko na hilutin ako sa kamay kasi nahihilo na ako at inaantok pa. Luckily, mabait ang katabi ko.
Yun ang nangyari.
This day, Tuesday. Around 3:30 p.m. Ininform ako ng kaibigan kong si Migraso ang tungkol sa kumakalat na issue na tungkol sa akin at di ko alam. So ito pala ang kumalat. Nagkaroon ng usap-usapan na nag-holding hands daw kami ng katabi ko, at dumating sa punto na kami na ng katabi ko.
Dagdag to sa problema ko actually. That moment kasi, I was looking towards the window tapos may mga pangyayari na ayoko irelate at nakakainis. Tapos may binalita pa si Laguatan. Tapos dumagdag to. Parang gusto kong sumigaw right at that very moment.
I-clear ko muna lahat. Bago ang lahat kasi, meron akong kaibigan na siguro ay naapektuhan dito sa issue na to. Siguro isa na yung katabi ko, at yung isang kaibigan ko. Pre, di kita tinatalo. Pangalawa, ayoko namang magisip ang iba ng masasamang bagay against sa katabi ko and against sa akin.
So tapos na tayo sa clarification. Alam ko kasi, na klinaro ko na ang mga bagay bagay kanina, bago ko kumalat ang issue. Sa kung sino man ang nagkalat nito; di ko alam kung mababasa mo to, or mababasa nyo ito. I know di to gawa ng iisang tao lang. Kakalat in a minute? At siguro, di nyo alam kung anong effect ang magagawa nito. Siguro napagtuwaan ikwento, yung nakwentuhan, nagtanong-tanong, tapos kumalat tapos nagkaroon ng iba't ibang version. Gusto magpasikat ng bawat isa. Mga P***** I** nyo, ayusin nyo muna mga P***** I**** buhay nyo bago kayo nakikialam. Unang-una, hindi nyo alam yung nangyari. Tapos ganyan kayo magsi-asta. Parang kayo yung may hawak ng buhay ko? Eh mga G*** pala kayo eh! Lalakas nyong mamuna. Eh kung isa-isahin ko kaya kayong mga G*** kayo? Yeah, I know you. Kilala ko na kayo. At identified na yung mga G***** gumawa nito. Hoy, g***, kung nababasa nyo man to, o kung hindi dahil tingin ko na estupido naman kayo pagdating sa bagay na to (sige, diskriminasyon na. Stupido naman kayo eh), mabuti pa isuko mo na sarili mo. Bago ko pa mahampas yang pagmumukha mo.
Inis na inis ako kasi yung mga ganitong bagay hindi pinapalaki. At hindi ginagawang issue. At hindi dapat pinoproblema. Pero kung kasing gagago ng mga taong to ang makakahalubilo mo, eh di ka talaga makakapagpigil. T*** I*** mo, trayduran pala gusto mo ah. Sige...
Gaya nga ng sinabi ko, maraming effects ito. At ngayon, di na siya nagtetext. Hoy ulol, ano, masaya ka na sa ginawa mo?
Yung suspects? Di ko na ilalagay dito. Baka mamura ko yung pangalan eh. Kawawa naman yung mga magulang nila na nagisip ng pangalan nila.. Basta tandaan mo, binabantayan kita.
Sa ibang usapan...
Bukas, maraming presentation. At bukas makikita ko nanaman yung mga P***** I***** traydor na nilalang na to. So wala akong magagawa. BUkas kasi, merong something sa Office Procedures at ang ilang linggong naudlot na sabayang pagbigkas, at last, matutuloy na.
Goodluck.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:24 PM
Thursday, July 23, 2009
23rd of July
"Bobo mo Clarin.."
Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw na sinasabi ng kalooban ko. Pano ba naman kasi, mag gogoodbye lang, di ko pa magawa. Parang gusto kong sabihin pero parang gusto kong kumuha ng buwelo tapos huli na ang lahat.
Tulad nga ng nangyayari ng mga nakaraang araw, ganun nanaman.. Sabi nga eh, "Nakakapagsalita ka lang sa text". Pero hindi talaga madaling magsalita kapag nasa harap ka na.
Sa tuwing idle time ko sa bahay, naiisip ko yung mga sasabihin ko. Tipong kaharap ko na at sasabihin ko na lang. Madali. Sobra. Napakasimple lang naman kasi. Pero once na nandun ka na, parang ang hirap gawin. Especially pag pinaglalayo kayo ng pagkakataon.
Ayun, sayang talaga. Tanong nga ni Gianan, "May next time pa ba?" Sa isip ko, "sana naman, para makabawi ako sa 2 taon kong kabobohan."
In other usapan...
Na-late kami ng paguwi today. Pero feeling ko, okay lang. Kahit punong puno ako ng pagsisi habang umuuwi ako at habang nasa jeep ako. Nagkaroon ng "real progress" ang aming ginagawang sabayang pagbigkas. Kahit kaunti, at least, may nangyari. Pero as expected, cramming. Matapos itapon ang mga naunang araw..
Isa pang good news.. Dumating sa aking kaalaman na ang PUPLHS Chorale ay published sa Press Release ng Department of Foreign Affairs ng Republika ng Pilipinas. Hindi lang yan, nandun pa ang picture namin! Ito ang site..
http://dfa.gov.ph/?p=7020
http://www.gmanews.tv/story/167434/PUP-choir-gets-award-at-Malaysian-choral-fest
Ayan.. Grabe, nakakataba ng puso. Kahit Cantamus ang nag overall. Well, buti pa GMA News, binigyan kami ng halaga. Hehehe...
Sa ibang usapan uli...
Marami na talagang nahook ngayon sa larong The Godfather. Well, since 3rd year, ito na ang kinaaadikan ko. Parang naging kapalit siya ng GTA San Andreas na sakaling may kagalit ako ay dun ko ginaganti. Pero mas astig kasi ang execution styles sa The Godfather. So available ang installer CD sa akin. Kung sinong gustong mag install, just approach me..
So aalis muna ako dahil may mga gagawin pa ako at mag seek ng help ng mga magagaling na advisers ko. So goodbye for now...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:29 PM
Sunday, July 19, 2009
Too many...
Andami talagang nasa isip ko... Marami akong gustong itype kaso napaka limited ng time, limited ang space at limited lahat ng bagay..
So gagawa na lang tayo ng mga buod...
Nung mga nakalipas na araw, galing kami ng Malaysia. Meron kaming dinaluhang choir competition. May mga pictures. Dun nyo nalang tingnan.
May mga days rin walang pasok. Mga days na walang CAT at mga days na puro laro ang ginagawa ko... DAMN!! Gusto ko na magbagong buhay!
In other news...
Yung Paranoia case, may updates pero di ko muna ikukwento.
Tapos, siyempre, umulan, bumagyo, tuloy pa rin ang ating mga imbestigasyon.
Dahil dyan, isang bagong case ang naformulate.
The Mr. X Case
Si Mr. X ay mayroong kaibigan. Si Y. Well, matalik na magkaibigan sila ni X. Ngunit dumating ang time ng paghihiwalay. Kailangan pumunta ng ibang bansa ni Y. So walang nagawa si X at kahit gaano siya kalungkot ay tinanggap siya na mawawalan siya ng kaibigan.
Lumipas ang ilang buwan. Sa mga unang araw, mababakas talaga kay X ang kalungkutan. Ngunit sa mga sumunod na araw ay makikita ang pagbabagong anyo ni X. Ang dating tahimik at masikretong X ay naging maingay at pranka. Maraming nagbago kay X. Pati ang pakikipagkaibigan nya. Napansin ito ng 2 world renowned na detectives. Si L at Arsene. May mga sources si Arsene na nagsasabi na may iba nang kaibigan si X. Nagkaruon na ng kanya kanyang kuro-kuro.
Sinabi ni L na baka dahil sa kalungkutan ni X kaya nya nagagawa na makipagkaibigan sa iba. Para icover up ang kalungkutan. Pero di alam ni Arsene kung 100% na magagree siya sa theory na to. Duda siya sa mga bagay-bagay. Kaya di nya tinapos ang kaso sa theory na iyon.
Ayun, marami pa akong gagawin.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:01 PM
Saturday, June 20, 2009
It's not a small world after all...
Sabi sa kantang it's a small world, dinescribe nya na ang mundo ay maliit lang dahil meron lang iisang buwan, iisang araw at sa bawat ngiti ay nagiging magkaibigan ang mga tao.
Pero I believe na hindi maliit ang mundo.. First of all based sa scientific explanation, 197 million square miles ang area ng surface ng earth. Internationally speaking naman, gagastos ka ng milyon milyon para maikot ang buong mundo. And based sa experience, truly, hindi maliit ang mundo...
Naging expression na sa mga nagkikita ang "Wow, it's a small world." Kaya hindi na natin maaalis yun. Pero ang pagkikita, depends on timing, luck and the chance. Kung isa ang wala, di kayo magkikita.
For 2 days, in the same place, same time, hindi pa rin nagkita ang dalawang tao? It's definitely not a small world.
Change topic...
For 1 week, wala akong blog post since nag start ang opening ng classes. And during those dates, many things has changed, again...
June 15. Opening.
6:30 a.m. Nakarating ako ng school. Tingin ko, napakaaga ko pa. Sumabay lang naman kasi ako sa kapatid ko kaya nakarating ako ng 6: 30, pero kung hindi rin ako sumabay, 7 na ako nakarating. Akala ko, first man ako. I was wrong. LAst man ata ako eh... Marami nang tao, magulo na ang entre at nakatayo na sa labas si Migraso together with Bule. And after a short while, nag ring ang bell...
Habang naglalakad patungong Freedom Park kung saan gaganapin ang flag ceremony, blanko ang utak ko. Ni hindi ako nagiisip ng klase or whatsoever. Nakita ko na ang full force ng Banda Kawayan na naka costume sa aking pagdating sa Freedom Park. Ang namiss ko ng isang buong taon, ang pumila kasama ng aking section, ay nagawa kong muli.
To cut the story short, natapos ang flag ceremony at nakapili ng sari-sariling upuan na I do pray hindi na baguhin...
Bagong school rules, especially ang pagbabawal sa pagdaan sa Front Door, ang pagsusuot ng black socks, ang pagbabawal ng cellphone sa corridors, ang strict implementation ng haircut, ang pagbabawal sa pagstay sa corridors habang walang klase and the likes.
Tapos, pumunta ako ng SM para bumili ng gamit, sa National Book Store. May mga nirequire kasing notebook. And this day, I proved na hindi maliit ang mundo, at nagkikita tayo by chance at hindi sa tamang timing.
June 16. Word History
First subject, world history. Second subject, music.. Nagkaroon ng sudden change. Ang 3 years in a row na pananatili ng Banda Kawayan at Drum and Lyre Band sa pagiging exempted sa music ay naputol this day. Siguro ang dahilan para sa Drum and Lyre band ay ang pagpapalit ng kanilang adviser. Yung sa Banda Kawayan, hindi ko lang alam. Maaga ang uwian, but still need to wait for the practice ng chorale.
June 17. Window
Meron nang trigonometry at English. May something na psychological na ginawa sa English, ang Johari Window. So saka na natin ipapaliwanag yan. Regular classes na talaga.
June 18. Big World Theory
Nagkaroon ng logic questions sa P.E. at nagkaroon ng practice.
For the second time, pumunta uli ako ng SM, department store naman at naprove ko for the second time na hindi maliit ang mundo, therefore, nag come up ako ng Big World Theory.
June 19. Birthday ni Rizal
Before anything else, birthday ni Rizal ngayon, idol ko si Rizal, kasi nga, nakita nya ang future na magiging buhay ko at nilagay sa buhay ni Crisostomo Ibarra, (hehe) So, Happy Birthday Jose Rizal!
NOthing special..
Alam ko may sasabihin pa ako but there's not much time, so, without anything to add, I am signing off...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:18 PM
Saturday, June 13, 2009
Conspiracy... Etc...
These days, nawiwili ako gamitin yung word na "conspiracy". Parang merong something dun sa word na yun na mapapadalas ang paggamit mo once na ginamit mo. Anyways, enough of nonsense talks. Issues tayo..
Since June 2 maraming nabago.
June 4. Thursday. Enrollment.
As usual, yung plano ay di natupad. First plan, yung "scheduled enrollment." Yung per batch enrollment. Di nasunod yun. Pero ayos lang, di naman ako naapektuhan. Enrolled naman ako ng maayos. Second plan yung CAT Enrollment. So ito talaga topic ko eh.
Overall, maayos naman. Except for some "haircut exemptions". Nagkaroon kasi ng misunderstanding or shall I say pagdidisregard sa rules. Yeah. You know yourselves. Hehehe. Tamaan wag magalit. Opinion lang. Saka di lang naman ako nagrereklamo. Marami especially yung sumunod sa required haircut. During this enrollment, nirerequire kasi lahat ng lalaki na magpagupit ng "proper haircut" na tinatawag. Ngunit dahil lalaban sa Malaysia ang Chorale, naexempt sila sa pagpapagupit. Actually kahit trim lang. Pero yung iba mabait so nagpagupit sila ng "acceptable haircut". Ang lagi kasing nangyayari sa CAT enrollment, kapag di proper ang haircut, balik sa barbero at pagupitan ng maayos. May mga nakakailang balik dahil matigas ang ulo. Pero sabi nga ni Alfredo Lim, mayor ng Maynila, "The law applies to all, otherwise none at all." Sabi rin ng isang philosopher, "Ignorance of the law, excuses no one." SO malinaw na sinabi na Ang batas ay batas. Expected na namin na marami sa amin ang magsasama ng chaperone. Pero yun nga, kung yung chaperone ang sumisira sa batas, buti pa wag na lang tayo magbatas. Pero siyempre, ano nga bang magagawa namin. It was ordered na "okay na" so nagkaroon ng "haircut exemption" ang iba na hindi kasali sa chorale, walang dahilan para di magpagupit ng required haircut at wala ring dahilan para baliin ang batas. Pero as I am saying, sumusunod lang kami. Pero dahil inspired ako sa sinabi ni Fred Lim, walang makakalusot sa araw ng paghuhukom (evil laughs)
Maliban sa haircut controversy, wala namang ibang umepal na. Siguro yung iba medyo pero yung epal talaga, wala naman.
Then natapos ang enrollment at nagkainitan kami ni Laguatan dahil di nya maiproduce ang registration card ko.
June 5. Friday.
Birthday ko na. Freshmen Orientation pa. Bumabagyo pa.
Di ko rin inexpect na maraming babati. How unlucky pa na wala kaming internet that time. Siguro inoff para di maapektuhan ng bagyo. So di ko makikita yung mga bumati ng online. Bago pa man mag June 5, marami nang nagpa-advance. Yes, credited naman sila, salamat na rin, pero siyempre, marami pa rin yung bumati ng mismong date. Yeah, salamat uli. Unexpected talaga. So sa nakalimot naman, tulad ng dati kong sinasabi, CURSE YOU! (hehe, joke lang)
Freshmen Orientation, kailangan kumanta. Kasi manghihingi ng donation. Isa pa, kami rin yung prayer at ang Lupang Hinirang. Sabi ng mga watchers, nakakapanindig balahibo daw. Para daw silang umaangat sa lupa; sabi ni Ma'am Via, improving. So sabi rin na black socks na raw? OMG. Hmmm... Anyways, pahayag naman ni Sir Jaime, pwede white. Kasi nga naman kung nakabili na. Eh kaso daw black na, di daw nya sure. Wag lang daw gray.
June 6. Saturday. Staff Meeting.
Still, bumabagyo. Usapan, 9. Siyempre ako naman dating ng 9, to set an example. Pero at least dumating kahit 1 hour delayed. So nagsimula na ang pulong. Outpowered ng kaunti pero still, if they cannot give reasons para ilagay nila ang isang tao sa isang grupo, of course, di mapush thru yun. So close door meeting yun, kaya hindi pa nilalabas ang results.
Then naguwian.
June 7. Sunday.
Marami pa kaming dinaanan ng tatay ko bago ako binili ng notebook. Birthday gift daw. Well, bata pa ako, gusto ko na magkaroon ng notebook. Di naman ganun kakapal yung notebook pero ayos na. Pang-araw araw na gamit. 120 pages. Thanks nga pala sa father ko.
June 8. Monday.
Practice uli ng chorale. Sama ng pakiramdam ko nung hapon, maguuwian na.
June 9. Tuesday
Walang practice. Nilalagnat. Lumabas lahat ng sintomas ng H1N1. Tsk, maliban lang sa loss of appetite. Tapos di naman H1N1. Drama ko lang ata yun eh. Hehe.. Di naman. Di siya flu, parang lagnat lang ata kasi naulanan, di ko alam.
June 10. Wednesday
May practice. Nag lugaw pa kami. Grabeng pawis ang nilabas ko. Parang may kemikal na nakakapagpapawis duon sa chili sauce nila kaya bumaba yung temperature ko sa dami ng pinawis ko. To tell the truth, nakatulong siya sa pagbaba ng lagnat ko.
June 11. Thursday
Ngayon. Practice pa rin naman ng chorale...
Tapos medyo nalilito ako sa iniisip ko ngayon eh... Saka ko na ididiscuss...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:06 PM
The Terms of Use
I had placed the terms of use before entering my blog. And since I don't find it useful, I removed it...
But still, you can read the plot of it in some parts of the blog. And I am not held liable.
Before anything else, I would like to share a story, since stories are just made from our own imaginations.
These things all happened during 1066.
A Spanish general named Crisanto Domingo served under the rule of King Alfonso IX. Crisanto won war after war and was able to strengthen the kingdom of Geronimo. He was also able to expand their powers islands after islands. Because of his great skills in fighting, he became the favorite of King Alfonso IX. One time, a Spanish soldier spotted an enemy soldier also scouting one of their colonies. This was brought to the knowledge of Crisanto and Crisanto immediately approached the King to conquer the city to which the scouting soldier belongs. King Alfonso declined him and said to wait for another scouting and let one of the guards follow the scouting soldier until he returns to his Kingdom, in that way, they will have an idea which Kingdom was scouting their colony.
Another day came when the another scouting soldier returned. Dressed in a commoner's clothes, Crisanto himself followed the soldier. The soldier entered the gate of one of their former ally, the Kingdom of Torres. The Kingdom of Torres was their ally for almost 20 years. But during the War of Constes, the Kingdom of Torres had their own interest and decided to fight against Geronimo. But due to their lack of knowledge in fighting, the Kingdom of Geronimo won the battle. From that time, the Kingdom of Torres and Geronimo became neutral to each other in order to avoid conflicts. They had an agreement not to see each other again or a war will occur. But this time, Torres broke the agreement. Crisanto brought the information to the king and they decided to conquer the Torres.
Crisanto and his men journeyed until they reached Torres. They bombed everything they can see until they were able to enter the walled city. They conquered the land when a commoner appeared into view and told Crisanto, "You must have been more careful in conquering our land." Crisanto asked for apology and explained but the commoner turned his back on him. Finally, the war ended and the King of Torres escaped. They had conquered the Kingdom of Torres.
As Crisanto was walking along the palace gardens, a mail had been delivered to him. It was from a man named Ignacio Salvador. It was challenging him. Crisanto thought that this was just some kind of prank but the soldier informed him that a man was waiting him outside the gates. He went outside and talked to the man. It was the same man he met during their war at Torres. He tried to explain to the man but the commoner wasn't listening. Ignacio was establishing his own revolutionary army. He even threatened Crisanto of putting down his army...
(to be continued...)
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:05 PM
The Ayala Case: Reopened
Tomorrow will be the Philippine Flag Day, so after the line, we will speak using our native language.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The Ayala Case: Reopened
To give a short background, ang Ayala Case ay nabuo nang dahil sa posibleng pagkakagusto ng isang girl na pinangalangang Ayala kay Tycoon na isang Chinese national. Ang case na ito ay naisara 2 years ago with a clear answer na hindi si Tycoon.
Then just last year, nakarating sa kaalaman ng Vintage Spy na isang volleyball superstar ang kinahuhumalingan ni Ayala. Si Ferge. Pero di naman ito pinansin na ng Vintage Spy kasi wala namang iimbestigahan pa. Natapos ang taon ng hindi nakalapit si Ayala sa voleyball superstar. Until this day came.
Habang nasa website ako ng "talaan ng mga magaganap sa hinaharap", o ang website ni Captain Nguso, nakita ko sa updates ang H1N1 case ng isang detective, si L. It states about some girl named "Layla". At ito ang naging preliminary investigation ng Vintage Spy.
Chineck ng Vintage Spy ang nasabing account ni Ayala na pinangalanan ni L na "Layla" at napatunayan ang sinabi ni L. Yung kakaiba nitong "status message". Isa pa, ang usapan nila ng isang out-of-school youth na papangalanan nating Ali.
Si Ali ay may di magandang reputasyon. Unang una ay ang pagiging babaero niya. Hindi dahil babaero, gwapo. Babaero lang talaga. Magaling daw magsalita at malapit nga talaga sa babae. Parang si L din pero siya, mas malapit talaga. Mas babaero. Meron siyang isang grupo na tinatawag na "Ali and Friends". Itong mga friends nya, kung ipagsama-sama ang galing sa dota, at sa pambabae, Ali ang lalabas. At dahil nga sa babaero siya, eh puro babae ang featured nya.
Ang inaalam ngayon ng Vintage Spy, isa ba sa mga susunod na bikitma si Ayala ni Ali? Meron silang pagkakaintindihan at meron silang pinagusapan na sikreto. At kung ano ang kinatatapusan ng sikretuhan...
The Midnight Case
There was this certain girl na matagal na sinusundan ni Arsene at lumabas na sa napakaraming cases ng Vintage Spy. Then naisip ni Arsene na itigil na ang pagsunod kasi parang nalaman na rin nya lahat until yesterday na nakakuha siya ng isang midnight instant messages.
Nagonline sa Instant Messaging si Arsene mula umaga hanggang gabi, 24/7 on standby. Kahit tulog na siya, naka online pa rin yun at open pa rin for personal messages. It was least expected dahil merong naka chat si Arsene at biglang naiba ang usapan. Ang usapan ay napunta sa "tila pagpaparamdam". Yung ka-chat ni Arsene ay nagbibigay ng representations. Hindi nya alam kung tungkol kay Fugitive, tungkol kay Vladimir. Basta ang alam nya, isa o pwedeng pareho sila ang involved sa kasong ito.
Speaking of, merong isang phrase na nakuha si Arsene at qinuote ito. Yung tipong mamimili between "sa taong di mo kayang iwanan at yung taong ayaw mong mawala sayo". Hindi alam ni Arsene kung this pertains to the two suspects. Wala siyang further leads maliban sa saved conversations.
And thus, The Midnight Case is now open, having the questions, "sino yung mga taong involved na tinukoy sa midnight personal message na tila clue o representation na natanggap ni Arsene?"
Having nothing to say, I am signing off.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:04 PM
Tuesday, May 26, 2009
All English Post
This is my first "All English Post" starting from the time that I was engrossed into blogging. And because, this is a special post, we are sectionalizing our posts per subject this time since I was not able to type in here for a long period of time. So we'll better start...
The Congee House
I was eating in this said "lugawan" since I was in first year. But this time, I noticed something different. It was the fire extinguisher under the table.
( the red thing in plastic, beside the tank of gas is the fire extinguisher)
To tell the truth, this lugawan is not a small or a medium enterprise. Actually, this is just a simple eatery offering unlimited porridge for the amount of P7.00. I was amazed, when I saw this fire extinguisher, thinking they have complied in what is said in the permit given to them.
The Rm. 101 Case
These things all started at Rm. 101 of the Laboratory High School. Some events may not happen in the said room, but it is where it all started. The identity of the people involved in this case will be safe and for their privacy, we will use aliases.
This case is about a boy which happens to court the girl in his "own way". The boy is named, Ian while the girl is named Alyssa. To give a short background, Alyssa has a distant relationship, probably having a mutual understanding with a guy he never met, whom she never saw personally. While this Ian has been single for a year after breaking up with her girlfriend. The suspicion all started when Arsene was passing by the lagoon and he saw Ian with Alyssa walking too. Arsene was with some other guys namely, Drew and Achilles. That time, Arsene, thought it may be a coincidence that Alyssa and Ian are walking together so he hadn't thought that something is happening. But every day, the same thing happens. It may be with Drew and Achilles or just the two of them.
Then one day, Arsene overheard the conversation of Drew and Achilles. It was about "something fishy going on". SO he decided to join the conversation. The conversation ended up in one point. That Ian may have something towards Alyssa in which he shows it by waiting for Alyssa and together going to Rm. 101.
We have no clear leads or strong evidences for this case other than the things mentioned.
With nothing else to say, I am signing off.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 9:46 PM
Tuesday, May 12, 2009
The Stolen Dossier
"No one can escape the eye of the spy."
Maraming series of related events na nangyari kamakailan lamang. Mas maganda ayusin natin in chronological order.
May 5-6
Hindi nila nabasa ang post na "Mission of a Serviceman" pero nagpakita sila during those dates. Masaya ako para sa kanila. And isa lang ang hindi talaga nagparamdam.
May 6-7
Merong guest conductor na inimbitahan si Sir Jarin. Babalik uli siya bago pumunta ng Malaysia.
May 10
Kumpleto na ako sa gamit. From the top to the shoes. Wala nang kulang. Ilang tulog na lang, enrollment na.
May 11
Kahapon. Merong nakapagdagdag ng impormasyon ko. Ganito kasi ang story nyan... (of course it's another representation)
Pumunta si Arsene sa National Library upang hanapin sa archives ang tungkol kay Fugitive nang biglang nag pop up ang isang dossier (mga files na naglalaman ng sikreto) na nawala 3 months ago. 7 months before nawala ang dossier, naisara ni Arsene ang Fugitive Case. Sinasabi ng mayari ng dossier na related ang pagkawala ng documents sa kaso ni Fugitive. Sinasabi rin na posibleng ninakaw ito dahil naglalaman ito ng karagdagang evidences at mga files na mahahalaga. May 11, nakita ni Arsene ang dossier sa National Library. Naisipan nyang basahin ang nilalaman ng folder na nakasulat ay The Case Closed. Sa loob ng folder ay mayroong 2 tao na involved. 2 tao na nakikita lang sa pelikula. Nalito si Arsene. Pareho silang work of imagination. Isang galing sa libro, isang galing sa comics. Magkaibang bansa. Magkaibang nationality. Isang bata, at ang isa ay mas matanda. May asterisk sa baba ang folder na nakasulat na *representations only. The thing it represents is on page 5. Tiningnan ni Arsene ngunit walang page 5. Dumiretso ito sa page 7. Punit ang pages 5-6. Inisip nya na malaki ang possibility na ninakaw ng "thief" ang nasabing pages dahil ito mismo ang mga kinakailangang evidences. Tinanong ni Arsene ang keeper ng library at sinabi na iniwan lang ang dossier sa isang mesa sa library. Hindi na nila ito binalik sa may ari dahil umalis na ng bansa ang may ari. Inilagay na lamang ito sa kanilang library.
Maiba tayo... Same day, naglugaw muna kami. Pampalipas ng oras. Hehe.
May 12
Nabawasan ng isang contact sa sun. Tapos nawili kakalaro.
Bukas, May 13. Practice uli. Walang idea kung ano ang mangyayari...
Anyways, meron pala akong case na hindi na-open kasi naisip ko na napakaliit na kaso lang nito at sa tingin ko ay wala na akong magagawa dito pero related siya sa post na "Walang Talo Talo (The Third Issue)". So ikukwento ko nalang.
Nang dahil sa technology, walang idea si Igu na naespiyahan na siya ni Iguedala ukol sa paguusap nila ng matandang ermitanyo. Nalaman ni Iguedala ang tunay na pangyayari ng magkunwari siyang isang villager at tingnan ang mga kilos ni Igu at ng matandang ermitanyo.
Pumunta sa Bundok ng Armenya si Igu hindi upang ipaalam sa matandang ermitanyo ang tungkol sa fox at kay Iguedala. Pumunta siya ng bundok upang makipagkilala sa matandang ermitanyo dahil naisip nya na maari siyang ipaglapit sa fox ng matanda. Kinumusta ng ermitanyo ang fox kay Igu. Pinapurihan ni Igu ang fox. Ngunit nadulas siya ng sabihin nya na nais ito ng magiging susunod na hari. Hindi siya nakapagbigay ng pangalan ngunit nacurious ang ermitanyo kung sino ang susunod na hari kaya naisip nyang bumaba ng Bundok ng Armenya at pumunta ng Gubat na Mapanglaw. Duon nya nakilala na ang susunod na hari ay si Iguedala...
Anyways...
Para sa pagbabago. After ng linya na ilalagay ko sa baba nito, magiging English na lahat ng post ko. Di muna ako gagamit ng wikang Filipino. Kasi, kung si Pacquiao nga pinilit nyang mag-English, bakit di natin gamitin? In that way, mahahasa pa tayo sa pagsusulat ng composition in English...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
With nothing else to say, I am signing off.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:47 PM
Tuesday, May 5, 2009
Mission of a Serviceman
Pagkakuha ng sword, pagpasa ng tungkulin, I vowed to serve. Nangako ako na pagsisilbihan ko ang aking organisasyon, tutuparin ang anuman iutos basta't nakabubuti ng walang reklamo at walang pagaalinlangan. And that is what I am holding on right now.
Hindi lang ako ang nanumpa. There were twelve of us who vowed the same thing too. Per lately, I have been seeing people na nanumpa na hindi dedicated sa kanilang work.
Yeah right, it's not our job to fix the tent, mag-assist sa enrollment and so on pero it is still part of our responsibility. Oo nga't di natin trabaho yan, but once we are called to do something for the school, it is STILL our responsibility and part of our job to do the task. Okay, understood na bakasyon, okay, given na rin na merong mga gawain kapag bakasyon. Pero not all the times naman yun at yun lang ang ginagawa mo di ba? You have the time to do your part naman in the organization. Napapansin ko lang, yung ibang alibis kasi, masyadong gasgas na. Parang pinaglumaang sapatos, ginamit mo pa, ang sangsang ng amoy ng paa mo. Ganun din dito. Luma na yung alibi, ginamit mo pa, halata ka na. Okay, I'm not pointing on anyone dito. Tamaan ang tamaan, I am just giving my opinion. Hindi sa nagrereklamo ako sa task ko. Actually I am enjoying it. Pero magparamdam naman kayo na part kayo ng organization. Hindi yung kayo na nga yung parang patay, eh kayo pa yung nagagalit. Being uninformed is a stupid alibi. Nainform lahat. Problem is with you na. Not with me or yung mga nagkukusang loob na iinform kayo ng paulit ulit. Hindi kami nagkulang. Pero ni isang reply, wala akong natanggap. Yeah siguro sa iba na desido, pero sana naman yung desidido magbigay naman kayo ng pahayag nyo para naman di kami nagmumukhang tanga na nagaabang eh patay na pala kayo.
HIndi naman sa naiinis ako dahil puro ako ang gumagawa. Actually thankful nga ako kasi merong mga tumulong. Besides, as early as this time, binigyan na ako ng responsibility na ganito na sana ay may nakipagcooperate.
Meron pang 2 days na natitira para i-redeem ang sarili nyo, pero siyempre imposible mabasa nyo to lahat within that days.
Kanina, 5 kaming naroon. Okay naman ang nangyari sa pre-enrollment procedures and decided na kami, PAINT. Pintura at budget na lang. So May 28 is our general meeting, officers. (well ito, sa mga di makaalam talaga at di dumating sa may 28, hindi talaga mga officer yung mga yun siguro, hehe, kasi sa mga gm naka-address ito sa "officers" eh kung di nyo binigyang pansin yun e di di kayo officer, hehe)
Tapos pauwi, nakita ko rin yung mentor namin ni Migraso pagdating sa scriptwriting, si Mr. Ramos. Tinanong ang tungkol sa script eh sinabi ko na wala nang initiative si mam lai na ituloy pa so di na namin tinapos. Mukhang inaabangan yung script ko, hehe.
With nothing else to say... Teka, meron pang humahabol...
"Kung ang Isa ay Higit sa Dalawa"
Actually, narinig ko lang itong love story na to at medyo nakakatuwa. So ito, iibahin natin yung pangalan dahil malalaman nila na naitsismis ko agad sa blog ko, well ito.
Merong dalawang girl na magkapatid. Nagngangalang Celine at Luna. Well si Celine kasi, kumbaga, siya yung babaeng talk of the town. Tipong sikat. At si Luna naman, eh simple lang. Maraming manliligaw si Celine. Merong mga sikat na tao tulad ng hasyenderong si Sergio, ang alkaldeng si Gabriel, at ang mangaawit na si Floyd. Isa rin sa mga sinasabing posibleng nanliligaw kay Celine ay ang kanilang tauhan sa taniman na si Torres. Ngunit, walang malinaw na sinasabi na si Torres ay may gusto kay Celine. Alam ng marami na may kasintahan si Torres ngunit nahahalata ng ibang mga tao sa taniman ang pagiging malapit ni Torres kay Celine gayong si Luna ang unang nakilala ni Torres. Kumbaga, pinakilala lang ni Luna kay Celine si Torres at naging mas malapit si Celine at Torres. Well, ayun, sa mga manliligaw ni Celine, isa isa nyang kinakansela ito hanggang umabot sa 3. Ang 3 sikat na tao. Sabay nagpahayag ng pagibig si Gabriel at Floyd. Pero mas pinansin ni Celine si Gabriel at hindi pinansin si Floyd. Gayon na lamang ang kalungkutan ni Floyd at naisip na magpatiwakal. Namatay si Floyd. Nagkamabutihan si Celine at Gabriel ngunit naisip ng mga magulang ni Sergio at Celine na paglapitin sila. Nalaman ni Sergio na may gusto sa kanya si Celine ngunit dumating si Gabriel at nalamin ni Celine na may gusto sa kanya si Sergio.
Isang araw, sa isang inuman, kasama ni Sergio ang kanyang mga kaibigan, si Rey, si Nuestro at ang dalagang si Mitra. "Pare, seryoso ka ba kay Celine?" ang tanong ni Rey. "Ano ba namang klaseng tanong yan?" sagot ni Sergio. "Alam mo, wag na kay Celine." sabi ni Nuestro. "Bakit?" tanong ni Sergio. "Kasi, tingnan mo ah, si Floyd, ano nangyari, nagpakamatay, dahil di na pinansin ni Celine, si Gabriel..." di natapos ang sinasabi ni Rey ng sumingit si Mitra, "nagising sa katotohanan." Inisip ni Sergio, na kaya ito nasabi ni Mitra dahil may gusto siya kay Gabriel noon pa. At ang ibig sabihin nito, wala na siyang kalaban dahil wala na si Gabriel. "Alam mo, bakit di ka na lang kay Luna? Mabait pa." sabi ni Rey. Sa isip ni Sergio, "Ha? Si Luna? Eh kaibigan ang turing ko doon, saka ayoko paglaruan yung tao." Di natapos ang usapan nila ng biglang dumating ang waiter na sinabi na magsasara na ang bar.
Abangan...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:39 PM
Wednesday, April 29, 2009
Walang Talo Talo (The Third Issue)
Obviously, sequel sya nung mga naunang post na may title din na "Walang talo talo". Pero this time, we'll change events.
Habang naglalakad si Iguedala sa Gubat na Mapanglaw, nakita nya ang isang matandang ermitanyo. Ang matandang ermitanyo ang sinasabing pinanggalingan ng mahiwagang fox na nais mapasakamay ni Igu. Nakita ni Iguedala ang matandang ermitanyo ngunit di nya pinansin. Ang ipinagtaka ni Iguedala ay hindi naman nagiistay ang matandang ermitanyo sa Gubat na Mapanglaw bagkus ay nananahan ito sa Bundok ng Armenya. Kaya nagduda siya na may inaalam ang matandang ermitanyo sa kanya. Pagbalik ni Iguedala sa kaharian, pinatawag nya ang mga wise men upang magsalita. Walang nakapagbigay ng magandang pahayag. Naisip nyang tawagin ang mga espiya na mga tauhan nya at dito nya nalaman na nagbihis at nagkunwari si Igu na isang commoner at pumunta sa Bundok ng Armenya. Nagkaroon ng ideya si Iguedala na si Igu ang impormante ng matandang ermitanyo...
This has a relation and an update to The Igu Case...
Usapang Tao
Kahapon, kinontak ko ang mga kasamahan kong officers tungkol sa pagpunta sa school. Marami ang nagdecline, lahat sila may alibi.
Kanina, kinailangan pumunta sa school upang i-set up ang tent. Wala akong idea para saan, as I came, sineset up na ang tent para sa Sagip Ilog Pasig program na gagawin. Binuhat na raw pala ni Guerrero, Aparejado at Gianan ang tent. So ayun, di ako nakatulong... But then, around 12 dumating si Cruz at Diendo. Sabi nila Aparejado at Guerrero, babalik pa sila sa school, so nauna na kami ni Gianan pabalik. Pagbalik naghintay pa kami ng ilang hours. Around 3, natapos ang program, umuwi sila Diendo at Cruz, hindi bumalik si Aparejado at Guerrero. Hindi rin inayos ng mga nanghiram ng tent ang tent so wala kaming magagawa ni Gianan kundi ayusin. HIndi rin kami makahingi ng tulong sa mga tao sa paligid so kahit 2 lang kami, inayos namin ang tent. Luckily naayos.
It's up to you to feel na lang.
Hanggang dun na lang muna, may tatawagan pa ako. 911.
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:09 PM