ENTRY 1: Napansin ng Isa, napapansin ng lahat...
Let's get to the point.
Ganito kasi yung napansin ko. There is this one girl. Actually, noon pa naman ako may "something" sa kanya. And before naman, in short, last year, eh, wala namang napakaraming "umaali-aligid" sa kanya. Until dumating yung time na nabunyag ang lihim.
Okay, pinagbigyan ko na intrigahin nila si girl. Pinagbigyan ko lang noon. Pero dumating yung time na to, na ang daming umaali-aligid sa kanya. And as far as I am concerned, it's more than friendship and it's so annoying. Tipong, sa harap mo pa ginagawa. Parang pinapamukha pa sayo. Di bale sana kung di nila alam. Ang kaso, alam nila yung katotohanan, alam nila ang nangyayari, at alam nila ang ginagawa nila. Hindi ako bulag. Alam kong maraming pumoporma porma sa girl mula nung umugong yung pangalan nya dahil sa "pagkabunyag". Tapos, kilala ko rin naman yung pumoporma-porma na may simpleng akbay, simpleng hawak.
Hindi naman sa nagiging selfish ako. Pero sana naman kasi, know your limitations. Wag nyong ipamukha sa akin yung mali ko, o yung mga bagay na hindi ko magawa. Wag naman kasi sobra rin pumorma. Di masamang pumorma. Pero wag mo naman i-take advantage yung girl.
ENTRY 2: Tsismis, Kasiraan, Atbp.
Kung mapapansin sa picture na ito, buhay talaga ang nagiging kapalit ng rumors, o tsismis.
Let us again, get straight to the point.
Hindi na maiaalis sa akin ang tsismis, ang issue. Kumbaga, alam ko na, isang galaw ko, isang balita ang lalabas. Naiinis na rin ako minsan, kasi, nakikipagkaibigan ka lang, binibigyang kulay na. Ang masakit, yung mga kaibigan mo na dapat nagtatanggol sayo, sila pa yung nagbabagsak sayo.
There is this one girl kasi, di ko alam kung siya lang ba o may isa pa, pero more on this girl. She is just a good friend. Katext, kakulitan, kausap. Minsan nakakasabay ko paguwi at papasok. Minsan naman, sinasabayan ko na talaga para di ako mabagot papasok. Ito lang ang masakit. Walang namamagitan sa amin ng girl na ito. Ang masakit, lumalabas na nilalandi ako nitong si girl, tapos parang may something sa aming dalawa na wala naman talaga. Alam mo yung kahit anong explain mo, feeling mo wala nang maniniwala kasi ang bilis kumalat ng MALING BALITA. Tapos, ang masaklap pa, nadamay pa yung girl na ito na wala namang ginawang masama. Pinagbibigyan lang nya ako sa iba kong kapritso na hindi ko alam eh iniisue na pala kami. Isa pa, sinabi mo na na WALA, pinipilit pang MERON. Sana kasi, di na lang nagtanong. Tapos pilit pang inaalam at gustong gusto pang kuhanan ng impormasyon kahit gamitan ng kapangyarihan. Ang ayoko talaga sa lahat, yung ginagamit yung kakarampot na kapangyarihan para mangextort, mangapi at mangharrass ng mga tao. Eh kahit anong piga nyo sa tao, wala ng mapipiga dyan dahil nasabi na nya lahat.
Ito pa ang pinakamasakit sa lahat. Okay, sige, pagbigyan natin yung mga naninira. Posibleng may inggit sila. Pati yung mga "kinakapatid" mo, at mga "kaibigan" mo, lalo ka pang dinidiin. Kung kailan, kailangang kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng sandigan, kailangan ko ng magpapatunay na hindi totoo yung mga paratang, sila pa yung mga nakikisama at lalo pang nagpapalalim sa issue. Siyempre, anong tingin ng tao? E di totoo. Kasi mismong kaibigan at mga KINAKAPATID mo ang nagsalita. Hindi masamang macurious. Pero gaya nga ng unang entry, know your limitations. Sana naman alam nyo na nadidiin na yung kaibigan nyo. Alam nyo na nahihirapan na yung kapatid nyo. Wag lang basta issue, bato ng joke. Personalan kasi yung joke eh. You know what, tell you honestly, kaya di ako nagsasalita sa inyo it's because na hindi ako sigurado kung kailan nyo ako ilalaglag. Feeling ko kasi, wala akong sasabihin sa inyo na magiging safe. Feeling ko magkakaroon at magkakaroon ng leak. Which, nagkakatoo naman in the past 3 years tayong magkakasama. Mga pare, mga kapatid, sorry. Pero talagang napupuno na rin ako sa mga issue na binabato nyo sa akin.
ENTRY 3: 3rd Sex
Pinagbibigyan ko na talaga.. Alam mo yun, pero sorry talaga sa tamaan. I don't mean to do harm. Gusto ko lang ilabas yung point of view ko sa issue na ito.
Let's get to the point.
Hindi ako nangdidiscriminate ng tao, or nanunuri ng tao. I respect people kung karapat dapat ba silang respetuhin. Pero ganito kasi yung napapansin ko. May mga bakla na humihingi ng gay rights. Included yung pagpapakasal nila sa lalaki. Di ko pa alam yung iba. As we can see, ang batas ay para sa lahat. Ano pa bang rights ang hihingiin nila? Sabihin nila nadidiscriminate sila? Actually, nadidiscriminate sila kasi minsan sila rin ang may gawa. Or, siyempre, kung may nakitang abnormal yung tao or kakaiba, siyempre, parang ikagugulat nila ito or ayun nga, iba kasi sa mga normal. Sabihin nating hindi lahat ng bakla ay dala ng kanilang kalandian. Pwede kasing sa genes yan. Pero sana naman, galangin din naman nila ang sarili nila. Respetuhin nila ang mga tao. Hindi dahil pogi, Sasabihan mo na "HI (insert name)". To tell the truth, natatakot ako sa bakla. Pero kung makita ko naman yung bakla na matino naman, nirerespeto ko siya as isang lalaki. Nirerespeto ko siya as tao. Pero kung bastos, walang modo, at yung "nangpapana" ng lalaki, naiinis talaga ako.
On the other hand, meron ding mga lesbians. Okay, pagbigyan din natin. Pwede kasing sa genes lang eh. Pero napapansin ko nagiging rampant na. Tapos karamihan pa, mas maraming syota yung mga lesbians kaysa sa mga tunay na lalaki. In short, mas babaero pa sila at mas maraming pinaiiyak na babae. Minsan din, naiinis din ako kung makakita ako ng lesbians na pasimpleng hipo sa babae, pasimpleng mga bagay bagay. Kung ako lalaki, kahit hindi ko naman gusto yung babae, maiinis ako dun sa lesbian na gumagawa nun. Una, di na nya nirespeto yung babae. Sige, pagbigyan natin kung may relasyon sila. Pero kasi kung wala naman, wala naman sanang ganunan. Okay, sabihin nating babae pa rin yung katawan nila, pero hindi lingid sa ating kaisipan na lalaki ang pagiisip nila. Kumbaga, yung mga hawak na yun, kahit sabihin nilang hawak kaibigan, means something. Dun ako naiinis. Pero tulad nga ng ibang baklang dapat galangin, kung may mga tomboy naman na di kabastos bastos, ginagalang ko sila as babae.
Sa huli, hindi ako in favor sa isang environment na may kasamang bakla at tomboy. Hindi sa dinidiscriminate ko sila, pero ayoko lang talaga ng ganun. I believe na ginawa tayo ng diyos bilang lalaki at babae. Kung ano tayo, yun na tayo. Kung puso natin babae pero ginawa tayong lalaki, pilitin nating magpakalalaki. Iyon na kasi yung binigay ng diyos. I believe na sa ginawa nila sa sarili nila, it's a sin. Kumbaga, they contest God. Parang sinabi pa nila na "Mas alam ko kung ano ako". Parang ganun yung pinamukha nila sa Diyos. Well, to tell you frankly, mas masaya ako kung ang tao ay lalaki at babae lang. Walang tomboy, walang bakla.
We all have our own opinions. And this is my opinion. RESPECT IT.
Hanggang dito na lang ang triple entry ko na puro patama.
Friday, September 18, 2009
TRIPLE ENTRY
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:50 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment