Friday, October 10, 2008

Mga Istoryang Pambata...

Well dahil mahilig ako sa representation, ako ay magkukwento ng istorya pero di ko alam kung pambata! Anyways heto ang 1st story...

Si Mary, isang artista at napakagandang dilag ay napakasikat. At dahil nga sikat sya at maganda, marami ang gustong manligaw sa kanya. Isa na rito ay ang lalaking nagngangalang si Tom. 2 taon nang naghihintay si Tom. Pero dahil nga sa kasikatan ni Mary, nahihiya si Tom na lumapit at iniisip na wag na mag baka sakali. Ngunit sabi ng mga kaibigan ni Tom, malaki ang pagasa nya kay Mary. After 1 year, naging celebrity rin si Tom. And si Mary ay celebrity pa rin. Habang nasa studio sila, may mga lumapit kay mary at nagpakuha kay Mary. Nakilala ni Tom ang mga ito. Ito ay ang mga nanliligaw kay Mary. Medyo nalungkot si Tom not in the sense na na-insecure siya. Wala pa kasi silang picture ni Mary kahit isa...


Hmmm.. Ano kaya magiging ending nito? Magkakaroon kaya sila ng picture?

Ano pa ba ang maganda ikwento?


Ganito kasi yan...

Merong isang kaharian sa China na nagexist million years ago. Ito ang ANG Dynasty. Ang Ang Dynasty ay pinamunuan nuon ng isang ruler na merchant na si Quin Daotse. Kasama ang kanyang colleagues, lumakas ang Ang Dynasty. Ngunit habang papuntang ibang town si Quin Daotse, at ang 3 nyang kaibigan na sina Meng Enko, Ai Lah Lei at Pam Tan, na-ambush ang kanilang caravan. Napatay ang mga sundalo at naging prisoner ang 4 na magkakaibigan. Bumagsak ang Ang Dynasty. Though nageexist pa rin siya, hindi na siya ganun kalakas at unti unting nawasak ang dynasty na ito. Napalitan ito ng Dun Dynasty. Meanwhile habang hostages sila Quin, Meng, Ai at Pam ng mga rebeldeng komunista, nakaisip sila ng paraan para tumakas at bumalik sa Peking at itayo muli ang Ang Dynasty dahil na rin sa pangit na pamamahala ng Dun Dynasty. Naging masalimuot na kasi ang buong China dahil sa Dun Dynasty kung saan laganap na ang krimen at wala nang tamang pamamahala.

Habang natutulog ang mga bantay, nagtulong tulong ang 4 para makatakas sa kulungan. Ginamit nila ang karuwahe ng lider ng mga rebelde at tumakas palayo. Nakabalik sila ng Peking ngunit di na sila kilala ng ibang tao. Malaki-laki rin kasi ang pinagbago ng mukha nila sa 1 taong pagkakabilanggo. Pinapatay na rin ng namumuno ng Dun Dynasty na si Fao Tse ang mga supporters ng Ang Dynasty. Hindi na rin makapasok si Quin Daotse sa Forbidden Kingdom. Habang naglalakad lakad, nakakita sila ng notice nang pagsali sa hukbong sandatahan ng Dun Dynasty. Naisip nila na sumali dito ngunit tutol si Pam Tan sa desisyon ni Ai Lah Lei. Naisip rin ni Meng Enko na makabubuti ito sa kanya. Samantalang si Quin Daotse ay nauguluhan pa rin. Sumali sila Lei at Enko at nanatiling commoner sila Daotse at Tan.

Makalipas ang ilang buwan, naisip sumali ni Daotse sa military. Naiwan na lamang si Tan. Sa pagsali nya sa military, naging isang sikat na tao si Quin Daotse dahil sa ipinakita nyang galing at talino sa pakikipaglaban para sa hukbong sandatahan. Iniba nya ang kanyang pangalan. Nakilala siya bilang Quin Daotzu. Nalaman nya na nagiba din ng pangalan sina Lei at Enko. Si Lei ay naging si Ai Zoi Lei at si Enko ay naging si Ming Enko. Hindi nalaman na sila ang dating namumuno sa Ang Dynasty.

Sa pagsikat ni Quin Daotzu, marami siyang nakilalang tao. Marami ang humanga. Isa na rito ang magandang dilag na si Lee Yang. Ang dating kasintahan ni Quin Daotzu na si Lou Zhen ay inakalang napakataas na ni Daotzu. Ngunit hindi nya alam na minamahal pa rin siya ni Quin Daotzu ngunit kinakailangan itong isakripisyo upang hindi makilala ni Fao Tse.

Sa loob naman ng hukbong sandatahan ay mayroong mga taong hindi ginagalang ang kapangyarihan ni Quin Daotzu. Pinipili pa rin nya na wag magpakilala sa mga ito na dating namumuno ng Ang Dynasty. Nalaman ni Quin Daotzu ang ugat ng hindi pagunlad ng Dun Dynasty. Maliban sa masamang namumuno, ang hukbong sandatahan ay walang disiplina at pagkakaisa. Hinahayaan nila ang ibang krimen makalampas sa kanila. Mahilig rin silang magpunaan at sa paraang iyon ay wala silang matapos na gawain.

Nagisip ng paraan sila Quin Daotzu, Ai Zoi Lei at Ming Enko. Namatay sila sa pakikipaglaban na hindi nasolusyonan ang suliranin...

Hanggang dito na lang siguro... Mag CS muna ako... (community service.. wahahaha)

No comments: