Si Frank Warner ay isang simpleng tao. Yun nga lang meron siyang personalidad na pagiging adventurous.
Episode I: Pagbaba ng Tingin
Hindi nakuntento si Frank Warner sa buhay nya sa loob ng bahay. Paglabas nya ng bahay ay nakilala nya sila Miguel Lorenzo, George Estevez at Francis Domingo. Sila ay magkakaibigan. Naisip ni Frank na sumama sa kanila dahil na rin sa pahiwatig ni Miguel na masaya ang kanilang samahan kahit 3 lang sila. Sa paglalakbay, nakakita si Frank ng isang rosas. Unang kumuha si Miguel ngunit nabigo siya. Nasugat ang kanyang kamay ng mga tinik. Sumunod ay si George ngunit tulad ni Miguel ay nabigo rin. Naisip ni Francis na wag na kumuha ngunit si Frank ay naroon pa rin at nagiisip kung kukuhanin nya. Naisip nya ang maaring negatibo at positibong mangyari sakaling makuha nya ito. Sinasabi kasi na ang ganitong uri ng rosas ay may nakalalason na substance sa kanyang tinik at kapag ika'y napuruhan ay maari mong ikamatay. Ngunit ang magiging maganda lamang ay may maibibigay silang bulaklak para sa mahal na birhen para sa dadaluhan nilang Flores de Mayo. Determinado si Miguel na makakuha. Nakakuha siya ng isa. Pinilit ni George ngunit muli ay nasugat siya. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Habang naglalakad, tuwang tuwa si Miguel sa kanyang nagawa. Nagkaroon ng kaunting inggit si George at naisip na kumuha muli. Halos 10 minuto siya nagpasugat muna sa tinik bago nakakuha. 2 na silang meron at si Francis at Frank na lang ang wala. Nahikayat rin nila George at Miguel si Frank na kumuha, Una, nasugat siya. Tapos nasugat uli siya. Ikatlong subok, dugo dugo na ang kamay nya. Ikaapat., ikalima, hanggang umabot sa ika-labing apat na subok bago nya nakuha ang rosas. Natuwa siya. Gayunpaman, napakalaki ng kanyang sinakripisyo. Nalaman na nya sa likod ng ngiti nila George at Miguel ay may sakit at hapdi na nararamdaman dahil sa rosas. Si Francis ay tila walang pakialam dito. Nagpatuloy sila sa paglalakad at naialay na nila ang bulaklak. Naisip na ni Francis na mauna na umuwi dahil magluluto pa siya. Sila Frank, George at Miguel na lamang ang naiwan na naglalakad sa kahuyan. Naisip na rin nilang umuwi dahil wala na rin silang patutunguhan. Habang pauwi, hindi alam nila George at Miguel na nagdurugo pa rin ang kamay ni Frank dahil mayroon pa siyang hawak na rosas at tinitiis lamang nya ito para na rin hindi magalala ang mga kasama. Tinuloy lang nya ang paglalakad at napako ang kanyang paa. Magkagayunman, may sugat man sa kamay tuloy pa rin sa paglalakad. Hirap na siya ngunit ang tingin sa kanya ng mga nakakasalubong nya ay wala lang at tila masaya pa siya. Ngunit sa likod ng mga ngiti ni Frank ay sakit na nararamdaman. Dumating na siya sa tapat ng kanilang bahay. Kumatok at pumasok. Nakita nya na wala pang pagkain. Wala ring gamot. Sa sobrang kalungkutan at para wala na siyang masabing masama, lumabas siya ng bahay at umupo sa parke. Doon nya inisip ang tunay na dahilan ng kanyang pagkuha at pagtago ng 3 pang rosas. Una na rito ay para iuwi sa bahay at maidisplay. Ikalawa ay para ibigay ito sa kanyang sinisinta na si Maria Alcantara. At ikatlo ay para na rin sa memorable experience na naglakad siya sa isang masukal na daan. Lahat ng ito ay ibinulsa nya. Inisip nya na masugatan man siya ng mga tinik nito, kailangan nyang magpatuloy tutal sugat na rin naman siya. Tuloy tuloy pa rin ang tulo ng dugo at di pa rin nya inaalis sa kamay nya ang isang rosas para sa bahay. Bagamat binulsa nya muna ang 2, hawak pa rin nya ang isa. Kahit na mahapdi at nagdurugo, hindi pa rin siya napapansin ng mga palakad lakad sa kalye. Naisip nya na hindi naman nya kailangan ang tulong ng sinuman sa mga ito. Tiningnan nya ang kanyang kamay. Dala ang pangarap na maibibigay nya sa 3 dapat paglaanan ang mga rosas. Tumingin siya sa itaas nya at nasilayan nya ang alulod na kanina ay malakas ang buga ng tubig. Ngayo'y unti unti nang naglalaho ang tubig at tila nagiging patak na lamang. Habang sumasakit ang kanyang kamay, lalong humihina ang patak...
Marami rami rin namang pangyayari ngayon. pero medyo busy eh...
Thursday, October 16, 2008
The Adventures of Frank Warner
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment