At last... Kahapon nagkaroon na ng end ang pageant. Marami ang nagkomento. Marami ang di nasiyahan dahil sa kinalabasan. Pero ako, nasa 4th Runner Up ako ng Mr. PUP, so ayoko na magkwento...
To tell the truth, wala akong nararamdaman. Di naman sa pagmamayabang pero para lang talaga akong pinabili. Kasi mas kinakabahan pa ako kapag graded recitation or magsasalita sa harap or magrerecite ng poem or something sa harap ni Mam Tahil. Lalo na nung nagrecite ako sa harap ng buong LHS ng "That I Would be Good". Mas kinabahan pa ako sa pangyayaring iyon kaysa kagabi. Wala talaga akong naramdamang kaba. Siguro dahil di ko na rin inasahan na makakapasok pa ako. Pero ganun talaga, nakapasok pa rin. Though pansin ko wala nang halaga ang question and answer at mas may value ang beauty, pasok pa rin and ayos na yun.
Sa backstage, marami ang kaganapan. Sport naman sila at nagenjoy si Bule. Privillege nga naman makapunta sa backstage. Haha. Marami ring LHS ang nakita kong nanuod at sumuporta. Ipinaaabot ng Vintage Spy ang kanyang pasasalamat at ang appreciation nya para dito ngunit di malakin ang pera kaya walang pang kain. Hehe. Pero salamat talaga.
Dahil sa pageant, marami akong mas nakilala, siguro isama pa na isa akong COCC at nakapasok ako sa pageant na kung saan ilalaban ka sa iba't ibang colleges. Pero marami nga rin ako iniwan para gawin ito. Una ay ang studies. Marami akong na-miss na subjects. Ngayong araw na ito ay normal na araw ngunit hindi para sa akin. Andami ko palang kailangang habulin at napakarami ko palang kailangang ayusin. Ikalawa, they see me as a superstar. Well di naman ako naiinis pero kasi minsan, napapansin ko yung iba parang naiilang na lumapit. Pero sana naman wag... Anyways marami pang iba....
Maipagmamalaki ko na kahit medyo tinatamad ako ay nabigyan ako ng inspirasyon nung mga taong nagbigay sa akin ng moral support at sumuporta sa akin mula pa nung pilian sa LHS. Siyempre una ang faculty at ang buong staff ng Laboratory High School. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko maabot ang experience na ito. Ikalawa ay ang mga kaklase ko. Well hindi man sila lahat sumuporta, YUNG IBA naman, eh nagbigay ng kani-kanilang suporta and I greatly appreciate it. Tapos yung iba pang year na sumuporta din at nagbigay ng moral support, thanks a lot.
Special thanks pala kay Mr. Migraso, ang kintab ng sapatos ko. Di ko shinine hanggang ngayon. Thanks din sa mga tumulong sa akin on the spot. Kay Bule, sa lahat lahat talaga. Dan, swerte yung belt mo.
Parang dying message na ang iiwanan ko. Pero di naman. Nilalbas ko lang yung mga gusto kong sabihin. And tapos na. Di ko alam kung meron pang meetings or something pero bukas meron nga. Siyempre malaki ang pasasalamat ko sa aking inspirasyon, si Maria dahil kundi dahil talaga sa kanya, tatamarin na ako sumali pero dahil na rin sa moral support at sa support nya ay inabot ko ang lugar na ito.
Enough of that...
Balik CO uli ako. After 1 week ng pahinga, CO uli. Kumbaga sa San Andreas ito yung script ko habang nagbike, naka-sando at jeans. "HQ, Home, at least it was before I f*cked everything up." Andami kong kailangang habulin sa lessons, quizzes, modules, assignments etc. Grabe...
Tapos yung kagrupo pala ng III-Entrepreneurship sa Sportsfest, Sincerity. Please cooperate. Kagrupo namin si CONAN!!! WOHOOOOOO!!! Pano ba yan? May Kudo na may Conan pa. Ano pang laban nyan? Nandyan din sa si Ran. Haha, si Megure, si Hattori at si Kogoro. So Detective Conan na yung buong cheering competition.
Andami din palang test bukas!!! Grabe... Sana bigyan ako ng consideration. WAla pa talaga akong napagaaralan...
Anyways, till here na lang... Need to study pa kasi...
Tuesday, October 7, 2008
Well, The Godfather...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:31 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment