Bakit punong puno ng hesitation ang mga Pilipino?
Sinasabi nila na kaya daw mayroong "hesitation" ang mga Pilipino sa lahat ng bagay ay dahil na rin sa ugali natin ito. Kasama na dito ang pagiging mahiyain, mahinang personalidad (halimbawa ay ang Filipino "yes"), hindi maisagawa ang sariling desisyon dahil sa pakikisama at etc. Nagmula lahat ng ito sa iisang bagay. Ang hiya. Tingin kasi natin sa sarili natin, masyadong mababa, mahina. Kumbaga mababa ang self esteem nating mga Pilipino. Hindi katulad ng ibang bansa na wala silang pakialam sa sasabihin ng iba. Bakit nga ba?
Nagsimula ang lahat nuong panahon ng mga Kastila. Bago pa man dumating ang mga Kastila, sinasabi na mayroon na tayong sariling pamahalaan ngunit hindi malinaw paano namuhay ang mga tao. Meron lamang ilang mga kuro kuro ngunit hindi natin alam kung mataas ang self esteem ng mga Pilipino. Siguro nga sa side ng mga maharlika at ibang timawa ay mataas ngunit sa alipin ay napakababa. Ngunit pagdating nga mga Kastila, dito talaga nagsimula na lahat ng mga Pilipino ay bumaba ang tingin sa sarili.
Dahil na rin siguro sa pananaw ng mga Kastila sa kanilang sarili as superior at mas nakakataas kaysa sa mga Pilipino, inapi nila ang mga Pilipino. Para sa kanila, anumang gawin ng mga Pilipino, palpak o kung hindi man eh hindi pa rin maganda. Nahilig sila sa panlalait na kung saan hindi nila inisip kung ano ang mararamdaman ng kanilang nilait. Naging masyadong "insensitive" ang mga Kastila during those times dahil ang tingin nila sa mga Pilipino ay masahol pa sa alipin at hindi tao. Walang nararamdaman. Dahil nga sa likas na matiisin ang mga Pilipino, tiniis lamang nila ito at naukilkil sa kanilang pagkatao ang mababang tiwala sa sarili. Ang tingin na rin ng mga Pilipino sa kanilang sarili ay mga tanga, stupido at kung ano pang salita ang sinabi ng mga Kastila sa mga Pilipino. May mga panahon na ayaw na humarap ng isang Pilipino dahil ang tingin nya ay napakababa na nya. Natalo man ang mga Kastila, hindi na nawala ang ugaling iyon kaya ito rin ang naging dahilan ng ating personalidad sa ngayon...
Hindi lamang pagkababa ng pananaw sa sarili ang naidulot ng pangaaping nabanggit. Hindi rin natuto ang mga Pilipino. Dahil sa tuwing tinuturuan sila ay may kasamang mura. Kaya nawawalan na rin ng gana mag-aral ang mga Pilipino...
Kung nuon pa man ay na-"appreciate" na ng mga Kastila at binigyang halaga ang nararamdaman ng mga Pilipino, hindi sana mauuwi sa digmaan ang usapan. Kung binigyan nilang halaga ang bawat tama na ginawa ng mga Pilipino at itama sa paraan na hindi masasaktan ang mga Pilipino sa kanilang mga mali, hindi ganito ang magiging personalidad ng mga Pilipino. Ngunit hindi pa huli ang lahat. Maari pa natin i-apply sa buhay natin ito, kung saan hindi tayo makakasakit ng kapwa sa bawat salitang bibitawan natin in the sense na tataas ang pananaw nya sa sarili nya at mabigyan mo siya ng moral booster upang magpatuloy pa.
Saturday, October 11, 2008
Usapang History...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:13 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment