Mahabang istorya...
Nagsimula nuong Thursday ang Foundation Day ng PUP. Dapat nung Wednesday kaso merong legal holiday kaya walang pasok...
Thursday ang arrival of honors. Ang pangulo ng PUP ang nasaad. Anyways, napahawak ako ng flag ng hindi inaasahan. Walang practice, walang kahit ano. As in talagang on the spot. Mabigat pa yung flag. Parang wala muna akong pakialam sa lahat ng nangyayari sa likod. Ang LHS, ang mga ibang tao, mga officials. Nakatuon talaga ako duon sa flag na hawak ko. Anyways, medyo naligayahan ako kasi nakasama ako sa arrivals. Pero ayun. Parang nagfafatigue yung kamay ko. Tapos nag mass. Wala kami sa mass kasi siyempre inaayos yung booth.
Pagbalik, ilang minuto at nagsimula na...
Marami kaming hinuli, kaklase, kaibigan, at kung sinu-sino pa...
Sobrang sakit na talaga ng paa ko. Para siyang sinisilaban pero di dapat makita. Pero ang sakit na talaga ng talampkan ko.
Basta andaming ikukwento sa Thursday pero wala naman masyado ikukwento sa akin...
Friday...
Ito na ang araw na pwede nang hulihin ang mga CO pagdating ng takdang oras. Isang araw na akala ko ay di ko matatakasan. Ngunit ayun nga, kahit anong mangyari, kapag may dugo ng isang Arsene, mailap. Ganito kasi yun...
Todo huli pa rin kami kahapon. Pagbalik ko, sabi ni Maglinte, Tawag ka nung isang babae dun. Tapos tinanong ko kung sino. Sabi nya basta Tapos naramdaman ko na huhulihin ako. Siyempre for self defense, tumakbo na ako palayo. Tapos maya maya, pagbalik ko ng LHS para daw sa paghahanda sa red alert, napansin ko na papalapit na sila Cuadra at Martino. Tinakasan ko na sila at ginamitan ng kaunting "Disappearing Skills".
Ayos na sana ang lahat. Kung hindi lang ako bumalik. Hinuli rin ako ni Migraso at napiit. Ngunit nagamit ko uli ang iba ko pang taktika at nakatakas. At nung nagbalik ako, hinuli muli ako ni Migraso at binasa ng ibang 4th year pero dahil pa rin sa skills, nakatakas pa rin...
Maraming nangyari pero aalis na ako...
Saturday, October 4, 2008
The Legacy Continues
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 5:50 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment