Friday, September 4, 2009

Arsene Returns Home

Ilang buwan din ang lumipas mula ng umalis si Arsene sa Vintage Spy Office para magbakasyon. Subalit, ito ang mga kaganapan habang siya ay nasa bakasyon nya.


Merong nakilalang isang army commander si Arsene habang siya ay nasa Cuba. Ito ay si Capt. Rodriguez. Sikat si Capt. Rodriguez. Maugong ang kanyang pangalan sa buong Cuba. Una kasi, si Capt. Rodriguez o mas kilala bilang El Capitan ay maraming kakilalang sikat na tao. Isa pa, siya ay may malaking reputasyon sa buong Cuba. Isa siya sa mga respetado, kinatatakutan ng mga ilegal at kinhuhumalingan ng kababaihan. Naging kaibigan ni Arsene si El Capitan.

Ngunit, di pa man nagtatagal si Arsene sa kanyang pananatili sa Cuba, nalaman nyang may suliraning kinakaharap si El Capitan. Bukod pala sa magagandang naririnig ni Arsene tungkol kay El Capitan, marami ring nagkalat na masasamang balita ukol kay El Capitan. Ilan na dito na sinasabing nambabae siya. Yun ang pinakamaugong sa lahat. Sinubukang bantayan ni Arsene si El Capitan at mayroon siyang napansin. Dahil nga sa lubos na katanyagan ni El Capitan, marami ang nakikipagusap sa kanya. Napansin ni Arsene, na sa tuwing may kausap na babae si El Capitan, kinabukasan o makalawa, maugong na ang balita sa bagong babae ni El Capitan. Naisip ni Arsene na sobra na ang paninira nila kay El Capitan.

Inalam ni Arsene ang pinangagalingan ng isyu. At napunta ito sa isang grupo. Isa itong grupo na nagkakalakal ng droga, mga taniman ng marijuana at mga ilegal na pasugalan sa Cuba. Ang pangalan ng grupo ay Organizacion de Cuba. Pinamumunuan ito ng isang tinatawag nilang Big Boss. Nakilala ni Arsene ang "Big Boss" na si Eduardo Domingo, isang Mexicano. Meron siyang kanang kamay na siya ring namamahala sa mga ilegal na gay bar sa Cuba. Ito ay si Gerardo Ponciano. Marami pang tauhan si Eduardo. Nakatanggap din si Arsene na lahat ng babae na naiisyu kay El Capitan ay binibigyan ng threat ng Organizacion. Sinasabi na ipapapatay ang pamilya at iba pa. Marami ang natatakot at naiilang na lumapit kay El Capitan dahil sa bantang ito. Inalam ni Arsene bakit ito ginagawa ni Eduardo. Nalaman nyang matagal na palang nais ni Eduardo na masama sa Organizacion si El Capitan. Pero dahil nga sa nasa tamang pagiisip pa si El Capitan, di siya sumama. Binigyan din siya ng mga lagay pero di nya tinatanggap. Dahil dito, napapahiya ng lubusan si Eduardo. At naisip nyang kung di rin naman mapupunta sa Organizacion si El Capitan, walang ibang taong pwedeng umangkin dito.

Naging epal sa buhay ni El Capitan si Eduardo mula noong tanggihan nya ang alok ni Eduardo. Nang napuno si El Capitan, naisip nyang ipahuli ang mga nalalaman nyang ilegal na pasugalan ng Organizacion. Nalugi si Eduardo ng malaki. Ngunit mas tumindi ang galit ni Eduardo ng mayroong tatlong dalagang humingi ng tulong kay El Capitan dahil sa pangaabuso ng ilang tauhan ng Organizacion. Nagpakalat nanaman ng isyu si Eduardo na pinaglalaruan ni El Capitan ang 3 babae at pinapaikot ikot sa mga palad nito. Nakikisang-ayon pa ang mala-demonyong kanang kamay nito na si Gerardo. Kumalat ang isyu. Sobrang threat pa lalo ang natatanggap ng 3 dalaga at kailangan ito pigilan ni El Capitan. Magkagayunman, hindi nya maipahuli si Eduardo pagka't pamangkin ito ng pangulo ng Cuba.


Ilang araw ang lumipas at nalaman ni Arsene ang tungkol sa pagkasunog ng bahay ni Gerardo kung saan, nasugatan ng malubha ang kanyang kapatid. Makalipas muli ang ilang araw, nakita ang bangkay ng kapatid ni Eduardo na duguan sa gitna ng kalsada at binunutan ng mata. Napagalaman din ni Arsene na nakatanggap si Eduardo ng package na laman ang mata at dila ng kanyang kapatid. Brutal ang pagkamatay nito.

Bumalik si Arsene sa Maynila upang magdala pa ng ibang tools. Nais nyang tulungan si El Capitan na sugpuin ang numero unong gumagawa ng krimen sa Cuba. Sisimulan nila ito sa mga lider. At siyempre, mas maganda ang paghihiganti kung paunti-unti...


"Patikim pa lang yan, bagsak ka na, paano pa kung bagsakan ka na ng galit ni El Capitan?"

No comments: