Balik nanaman tayo sa mala-nobelang pagsusulat ng blog post. Simulan natin nung happenings ng Thursday...
Siyempre, nagmadali ako para makapasok ng maaga. Kasi, may exhibit daw. Pagdating ko, wala pang 1/4 ng klase ang naroon.
Well, nung exhibit naman, medyo tinatamad tamad ako magtingin tingin sa ibang bagay. So pakain kain lang ako, patayo tayo. Bigla kong nakita si Leo, kasama si Gienela. So di ko rin alam paano kami napunta sa Booth ata ng HRM yun. Nagkataon na naaliw kami sa pagmimix nila ng mga liquids. Paghirap ng isang matangkad na lalaki, namukhaan ko agad at nakilala ni Migraso. Isa siya sa mga nanalo nung Mr. PUP 2008. Well pano siya di makikilala ni Migraso, eh....... (MS daw eh). So inalok nya kami ng iba't ibang liquor. Kala ko naman mild lang. Kasi, seeing na high school students kami. So ayun, tig-iisa pa kami nila Leo. Iba't ibang flavors din. Di rin kami nagiisa sa pagtikim. Pasa pasa kami ng inumin hanggang maubos. Nakishare pa ako ng kaunti kay Ira at Gerby. Tinetesting ko rin yung flavored beer daw pero sobrang konti nun. Wala akong nararamdaman that time. Nang bumaba kami ni Leo para mananghalian papuntang HQ, naginit yung pakiramdam ko. Pero maaraw.
Pagdating ko ng HQ, duon nagbago ang lahat. Umiikot na ang paningin ko at nagiinit na ako. Napansin na rin ng mga tao ang pamumula ko at marami ang nakapansin ng pamumula ng mata ko. There is something wrong na nga raw. Ako naman, paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, "nasa state of mind pa ako. Di pa ako lasing. Alam ko pa kung nasaan ako at matino pa ang utak ko." Oo nga matino, pero wala na akong balance. Nahihilo na ako at bumibigat ang ulo ko. Tuloy tuloy pa ang paumula at pagkakaroon ng rushes sa mukha ko. Sabi rin ng iba, malakas yung amoy nung alak. Pinilit kong matulog pero di ako matulog. I don't feel good talaga.
So to cut it short, hanggang paguwi, masakit ulo ko. Ang maganda lang, wala na yung amoy alak. Open din naman ako sa magulang ko dahil alam ko na wala naman akong kasalanan. So kwinento ko. I have learned my lesson na talaga. Alamin muna ang iniinom at ang proof number nito.
FRIDAY
Araw ng Wika..
Mukha daw Mayor, mukha daw Congressman. Pero, host ako. Well, nagpapasalamat pala ako kay Juryl at sa SCO dahil na rin sa pagkakahirang sa akin bilang host ng palatuntunan. Kahit marami ang lumabas para mag-dota at mamasyal, okay lang din naman. Nagkasiyahan naman kahit hindi nanalo ang iba. Proud din kami sa lakan at lakambini namin dahil pareho pa silang nanalo. DI man champion ang lakambini, at least, pangalawa.
So, may continuation pa to...
Saturday, August 29, 2009
Para sa Masusing Pagbabasa...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:07 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment