Monday, August 3, 2009

Basagan gamit ang Kapangyarihan

Who's Who...

So itong post natin ngayon ay isang blind item. Tamaan, wag magalit.

Ang ating blind item sa ngayon ay isang tao na ayaw sa musika o talagang may galit sa musika. Sa hindi ko maintindihang paraan, bakit ang init ng dugo nya sa mga taong mahilig sa musika. Ganito kasi yan.. Meron nang history ang taong ito na talagang mahilig mamersonal, yung tipong mahilig siyang magparinig, mamersonal sa harap ng maraming tao at mangursunada. Mangursunada in the sense na ginagamitan nya ng kapangyarihan nya. At siyempre, yung taong kinukursanada nya ay walang laban dahil mas mataas siya. So itong taong ito, kapag nakursundahan ka, buong taon, ikaw lang babantayan. Andyan yung babarahin ka at ipapahiya sa harap ng klase, di ka bibigyan ng karampatang grade atbp. Marami umalis na may galit sa kanya. Masyado siyang deceiving. Akala ko dati, nagagalit lang siya kasi may rason, and I found out na unreasonable lang talaga siya. Sinasabi din na kulang siya sa atensyon at gustong gusto na laging center of attention, siya yung inuuna. Kulang sa pansin kumbaga. So ganito kasi nangyari...

Meron kasing isang grupo ng mga mangaawit ang umalis ng mga 10 am. Darating siya sa lugar ng mga after lunch. So may mga nauna nang taong nasabihan na mawawala ang mga mangaawit. Pero dumating sa kaalaman ng mga mangaawit, kasama ako, na galit pala itong taong ito. Nagalit ata dahil di siya nasabihan at sinabi pa na naglalakwatsa lang daw ang mga mangaawit. Wala siyang ideya na pinapraktis ng mga mangaawit ang kanilang boses sa iba't ibang lugar. Dun namin nalaman na unreasonable siya. Una nabigyan ng kaalaman ang lahat na aalis ang mga mangaawit, so unreasonable siya, kasi gusto nya ng sobra sobrang atensyon, at kung magalit siya, akala mo wala siyang nalalaman..

So dumating tong araw na to. At ayun, napapansin ko na isa ako sa mga pinagiinitan. Tipong naubusan ako ng grade na ginawa ko mula June hanggang bago kami umalis, tapos pagbalik ko wala na akong grade.

Ayun... Kung nababasa mo man to, na sa tingin ko hindi nanaman, hindi ako magmumura ngayon. Kahit kanina pa ako naiinis kasi ramdam mong pinagiinitan ka at ayoko sa lahat ang binabackstab ako. Kung may sama ka ng loob, sabihin ko kasi makapangyarihan ka naman. Nakakaasar lang talaga, na paginitan ka.

Isang paalala lang po. Tatanda kami, lalaki at magkakaroon ng sariling buhay. Ayoko namang one day nagkasalubong tayo, matanda ka na at ako, mayaman na, tapos sasabihin ko, "Alam mo yan, dati, pinagiinitan ako nyan eh." sana naman wag mangyari yun.

I believe in diplomacy, pero kung may mga tao na ayaw ng diplomacy, ginagawang meat pies yung katawan ng mga yun...

No comments: