As stated sa aking previous post, gusto ko na magquit. Pero ayun, I can' t talk nanaman. Umuurong dila ko. Gusto ko na umalis. Pero langhiya namang dila to, di nanaman ako makapagsalita.
Anyways...
Tapos na ang exam at nagmamafia wars na lang ako ngayon. Ayoko pagusapan yung tungkol sa exam kasi naman ayoko mag-assure sa sarili ko na madali at ayoko ring idown ang sarili ko. So, kalma muna.
Isa pa, isang katanungan ang naglalaro sa isip ko kasi ngayon...
Meron kasi akong story noon, pero I forgot the title na kasi.. WEll anyways, meron lang kasi akong napapansin, tapos siyempre para maitago ang kanilang pagkatao, gagamit tayo ng mga bansa sa Fertile Crescent.
So, itong Sumer ay nasa pagmamayari ni Sargon the Great ng Akkads. That time, mayroong trade relations ang Assyria at ang Sumeria. Nung sinakop ng Akkadian ang Sumer, hinahayaan lang ng Akkadia ang trade between Sumer at Assyria. Alam kasi ni Sargon na walang balak sakupin ni Assurnasirpal ng Assyria ang Sumer dahil trade lang naman talaga ang tukoy nito. Tumutulong pa si Assurnasirpal noon kay Sargon sa pagpapatakbo ng Sumer at pagtalo sa mga gustong sumakop sa Sumer. Subalit habang tumatagal, dumarami ang nasasakop ni Assyria. Nasakop nya ang Babylonia, Ankara atbp. Napapansin nya na napapadalas ang pagdating ni Assurnasirpal sa Sumer. Wala naman siyang business dito ngunit lagi siyang nandito. Naglagay na rin ng mga espiya sa paligid ng Sumer ang mga Assyrians. Nangangamba si Sargon. Kasi posibleng maisama sa mga sasakuping bansa ni Assurnasirpal ang Sumer. Maaring ginagamit na lang nya ang pagiging traders nila para itago ang kanyang tunay na plano...
Ano man ang plano, di ka makakalusot kay Sargon.
Maraming magaganap na programs ang LHS. Abangan...
Thursday, August 20, 2009
Mga Teorya, atbp...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:07 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment