Tuesday, May 5, 2009

Mission of a Serviceman

Pagkakuha ng sword, pagpasa ng tungkulin, I vowed to serve. Nangako ako na pagsisilbihan ko ang aking organisasyon, tutuparin ang anuman iutos basta't nakabubuti ng walang reklamo at walang pagaalinlangan. And that is what I am holding on right now.

Hindi lang ako ang nanumpa. There were twelve of us who vowed the same thing too. Per lately, I have been seeing people na nanumpa na hindi dedicated sa kanilang work.

Yeah right, it's not our job to fix the tent, mag-assist sa enrollment and so on pero it is still part of our responsibility. Oo nga't di natin trabaho yan, but once we are called to do something for the school, it is STILL our responsibility and part of our job to do the task. Okay, understood na bakasyon, okay, given na rin na merong mga gawain kapag bakasyon. Pero not all the times naman yun at yun lang ang ginagawa mo di ba? You have the time to do your part naman in the organization. Napapansin ko lang, yung ibang alibis kasi, masyadong gasgas na. Parang pinaglumaang sapatos, ginamit mo pa, ang sangsang ng amoy ng paa mo. Ganun din dito. Luma na yung alibi, ginamit mo pa, halata ka na. Okay, I'm not pointing on anyone dito. Tamaan ang tamaan, I am just giving my opinion. Hindi sa nagrereklamo ako sa task ko. Actually I am enjoying it. Pero magparamdam naman kayo na part kayo ng organization. Hindi yung kayo na nga yung parang patay, eh kayo pa yung nagagalit. Being uninformed is a stupid alibi. Nainform lahat. Problem is with you na. Not with me or yung mga nagkukusang loob na iinform kayo ng paulit ulit. Hindi kami nagkulang. Pero ni isang reply, wala akong natanggap. Yeah siguro sa iba na desido, pero sana naman yung desidido magbigay naman kayo ng pahayag nyo para naman di kami nagmumukhang tanga na nagaabang eh patay na pala kayo.

HIndi naman sa naiinis ako dahil puro ako ang gumagawa. Actually thankful nga ako kasi merong mga tumulong. Besides, as early as this time, binigyan na ako ng responsibility na ganito na sana ay may nakipagcooperate.

Meron pang 2 days na natitira para i-redeem ang sarili nyo, pero siyempre imposible mabasa nyo to lahat within that days.



Kanina, 5 kaming naroon. Okay naman ang nangyari sa pre-enrollment procedures and decided na kami, PAINT. Pintura at budget na lang. So May 28 is our general meeting, officers. (well ito, sa mga di makaalam talaga at di dumating sa may 28, hindi talaga mga officer yung mga yun siguro, hehe, kasi sa mga gm naka-address ito sa "officers" eh kung di nyo binigyang pansin yun e di di kayo officer, hehe)


Tapos pauwi, nakita ko rin yung mentor namin ni Migraso pagdating sa scriptwriting, si Mr. Ramos. Tinanong ang tungkol sa script eh sinabi ko na wala nang initiative si mam lai na ituloy pa so di na namin tinapos. Mukhang inaabangan yung script ko, hehe.


With nothing else to say... Teka, meron pang humahabol...


"Kung ang Isa ay Higit sa Dalawa"

Actually, narinig ko lang itong love story na to at medyo nakakatuwa. So ito, iibahin natin yung pangalan dahil malalaman nila na naitsismis ko agad sa blog ko, well ito.

Merong dalawang girl na magkapatid. Nagngangalang Celine at Luna. Well si Celine kasi, kumbaga, siya yung babaeng talk of the town. Tipong sikat. At si Luna naman, eh simple lang. Maraming manliligaw si Celine. Merong mga sikat na tao tulad ng hasyenderong si Sergio, ang alkaldeng si Gabriel, at ang mangaawit na si Floyd. Isa rin sa mga sinasabing posibleng nanliligaw kay Celine ay ang kanilang tauhan sa taniman na si Torres. Ngunit, walang malinaw na sinasabi na si Torres ay may gusto kay Celine. Alam ng marami na may kasintahan si Torres ngunit nahahalata ng ibang mga tao sa taniman ang pagiging malapit ni Torres kay Celine gayong si Luna ang unang nakilala ni Torres. Kumbaga, pinakilala lang ni Luna kay Celine si Torres at naging mas malapit si Celine at Torres. Well, ayun, sa mga manliligaw ni Celine, isa isa nyang kinakansela ito hanggang umabot sa 3. Ang 3 sikat na tao. Sabay nagpahayag ng pagibig si Gabriel at Floyd. Pero mas pinansin ni Celine si Gabriel at hindi pinansin si Floyd. Gayon na lamang ang kalungkutan ni Floyd at naisip na magpatiwakal. Namatay si Floyd. Nagkamabutihan si Celine at Gabriel ngunit naisip ng mga magulang ni Sergio at Celine na paglapitin sila. Nalaman ni Sergio na may gusto sa kanya si Celine ngunit dumating si Gabriel at nalamin ni Celine na may gusto sa kanya si Sergio.

Isang araw, sa isang inuman, kasama ni Sergio ang kanyang mga kaibigan, si Rey, si Nuestro at ang dalagang si Mitra. "Pare, seryoso ka ba kay Celine?" ang tanong ni Rey. "Ano ba namang klaseng tanong yan?" sagot ni Sergio. "Alam mo, wag na kay Celine." sabi ni Nuestro. "Bakit?" tanong ni Sergio. "Kasi, tingnan mo ah, si Floyd, ano nangyari, nagpakamatay, dahil di na pinansin ni Celine, si Gabriel..." di natapos ang sinasabi ni Rey ng sumingit si Mitra, "nagising sa katotohanan." Inisip ni Sergio, na kaya ito nasabi ni Mitra dahil may gusto siya kay Gabriel noon pa. At ang ibig sabihin nito, wala na siyang kalaban dahil wala na si Gabriel. "Alam mo, bakit di ka na lang kay Luna? Mabait pa." sabi ni Rey. Sa isip ni Sergio, "Ha? Si Luna? Eh kaibigan ang turing ko doon, saka ayoko paglaruan yung tao." Di natapos ang usapan nila ng biglang dumating ang waiter na sinabi na magsasara na ang bar.

Abangan...

No comments: