Obviously, sequel sya nung mga naunang post na may title din na "Walang talo talo". Pero this time, we'll change events.
Habang naglalakad si Iguedala sa Gubat na Mapanglaw, nakita nya ang isang matandang ermitanyo. Ang matandang ermitanyo ang sinasabing pinanggalingan ng mahiwagang fox na nais mapasakamay ni Igu. Nakita ni Iguedala ang matandang ermitanyo ngunit di nya pinansin. Ang ipinagtaka ni Iguedala ay hindi naman nagiistay ang matandang ermitanyo sa Gubat na Mapanglaw bagkus ay nananahan ito sa Bundok ng Armenya. Kaya nagduda siya na may inaalam ang matandang ermitanyo sa kanya. Pagbalik ni Iguedala sa kaharian, pinatawag nya ang mga wise men upang magsalita. Walang nakapagbigay ng magandang pahayag. Naisip nyang tawagin ang mga espiya na mga tauhan nya at dito nya nalaman na nagbihis at nagkunwari si Igu na isang commoner at pumunta sa Bundok ng Armenya. Nagkaroon ng ideya si Iguedala na si Igu ang impormante ng matandang ermitanyo...
This has a relation and an update to The Igu Case...
Usapang Tao
Kahapon, kinontak ko ang mga kasamahan kong officers tungkol sa pagpunta sa school. Marami ang nagdecline, lahat sila may alibi.
Kanina, kinailangan pumunta sa school upang i-set up ang tent. Wala akong idea para saan, as I came, sineset up na ang tent para sa Sagip Ilog Pasig program na gagawin. Binuhat na raw pala ni Guerrero, Aparejado at Gianan ang tent. So ayun, di ako nakatulong... But then, around 12 dumating si Cruz at Diendo. Sabi nila Aparejado at Guerrero, babalik pa sila sa school, so nauna na kami ni Gianan pabalik. Pagbalik naghintay pa kami ng ilang hours. Around 3, natapos ang program, umuwi sila Diendo at Cruz, hindi bumalik si Aparejado at Guerrero. Hindi rin inayos ng mga nanghiram ng tent ang tent so wala kaming magagawa ni Gianan kundi ayusin. HIndi rin kami makahingi ng tulong sa mga tao sa paligid so kahit 2 lang kami, inayos namin ang tent. Luckily naayos.
It's up to you to feel na lang.
Hanggang dun na lang muna, may tatawagan pa ako. 911.
Wednesday, April 29, 2009
Walang Talo Talo (The Third Issue)
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 7:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment