Tuesday, April 28, 2009

Group Message

Kanina...

Matagal-tagal ko nang hindi nilinis ang locker room sa school magmula matapos ang 4th Quarter Exams. From then on, hindi ko na inisip i-vacate ito at iniwan na lamang ito. Kasama ng aking ka-share sa locker na si "Unnamed". Kanina nga, naisip ko tapusin na at kuhanin ang aking mga gamit sa locker room. Hindi lang pala ako ang di nagalis ng gamit.

Marami pang natira, mga kalat, pero di na amin yun so hindi ko na sagutin yun. In short, malinis na ang aming locker.


Anyways... Main topic tayo... GROUP MESSAGE.

Bago ang lahat, kadalasan nating nakikita sa ending ng mga group message ang initials na GM. Sa Business, it means General Manager, sa Genetics, Genetic Modification o Genetically Modified, sa Chess, well, Grand Master, at sa Army, Guided Missile. Pero sa pagsesend ng messages, kadalasang nakikita ang 2-letter word na gm. Minsan "ghiem", "ji-em", "jhiem", atbp. Pero ang paglalagay ng GM sa dulo ng text ay nagbibigay linaw "daw" sa mga bagay bagay.

Bakit nga ba tayo nagpapadala ng group message at bakit ba nagkaroon ng distribution list o groups ang cellphone natin? First kasi para ma-dissimilate ang mga padadalhan mo ng messages. Hinahati sa mga grupo grupo ang padadalhan upang hindi ka na mahirapan kaka-isa isa sa contacts list. Pangalawa ay para mag-inform. Sa pagpapadala sa isang grupo, meron kang pang lahatang mensaheng nais ipahatid sa kanila. At ito ay ipinadadala mo sa lahat para mabigyang ideya sila. Pero hindi lahat ay ganon ang dahilan ng pagpapadala ng group message.

Sa iba, it serves as a "bulletin board", announcement ng mga bagay bagay, mga events, mga nangyayari at mga dapat malaman ng mga tao. Sa iba naman, nagsisilbi itong diary o blog kung saan kinukwento nila ang mga nangyayari sa buhay nila, mga mangyayari, mga iniisip at iba pa na sinusulat sa diary. Sa iba, ginagamit nila ito para mang-inspire ng ibang tao, magpadala ng quotes, mga joke, mga kung ano anong pang-inspire. Sa iba, it serves as a message na "Oi, text nyo na ako, unli na ako!". Meron din namang ginagawang "conference" ang gm kung saan, sa gm na sila naguusap. Meron ding gusto lang manggulo, at merong iba na gusto magpadala ng gm pero di naman talaga gm yun. I mean, group message siya, pinadala mo sa group pero para talaga yun sa iisang tao lang (o, tamaan na ang tatamaan!, hehe).

Sa dami ng dahilan ng pagsesend ng group message ng tao, hindi natin alam kung ano ang tunay na iniisip nung nagpadala sa atin ng gm. Pero napapansin ko, na karamihan talaga ng group message, lalo na yung mga love quotes na yan, meron talagang pinatatamaan. Tipong meant talaga ipadala lang sa isang tao pero para di mahalata ay nilalagyan ng 2-letter word na GM.

Kapag nilagyan mo na kasi ang iyong text ng GM, siyempre iisipin ng mga tao na pinadala mo ito sa lahat. Well, ipinadala mo man o hindi, mahahalata mo naman sa GM kung saan inspired yung taong nagpadala sayo at sino lang naman ang gusto nyang padalhan. And that is how you will know, something is going on.

Sa group messages, makakakuha ka ng information. Minsan, yung mga gusto mong malaman, nalalaman mo. Pero karamihan kasi, well, sorry for the term, nagiging feeler na (hehe). Tipong akala nya para sa kanya yung group message, pero sa totoo lang, di pala. Eh, wala tayong magagawa dun kasi di naman dinerekta nung nagpadala nung gm kung para kanino yun eh. Pero siyempre, kaya nga dinaan sa gm para di halata.

Maraming nangyayari sa text. May mga nagkakatuluyan dahil sa text, merong nagkakaroon ng magandang samahan, merong nagkaka-"anuhan" at meron ding nagaaway. At sa group message, mayroong nagkakaroon ng ideya. Mga ideas na maiisip mo dahil sa kakapadala sayo ng gm. Pero sa ngayon, kahit lagi akong binabagabag at minu-minuto halos nagriring yung phone ko at pagtingin ko ay gm lang pala, well, di naman ako naiinis. Kasi dahil sa gm, nalaman ko yung mga bagay na itinago sa loob ng 3 buwan...



Sensya sa mga tatamaan, di ko naman meant magpatama. Hehe...

Kanina nga pala, habang nasa locker room ako, maraming notebook akong nakita at marami rin akong nabasang kung ano ano. Haizz. Next time kasi, wag na kayo magsulat ng kung ano ano sa likod ng mga notebook nyo. Kung isusulat nyo, siguruhing di makukuha ng kahit sino, wag nyo rin ilagay sa USB!!! Hehehehe...

No comments: