(Pagpasensyahan nyo na ang posts dito dahil di talaga ako nagbabanggit ng proper names.)
Mission: Don Cervantes Assassination
13 April 2009; Around 3:00 p.m.
Nakarating sa kaalaman ng Vintage Spy ang isang tangkang pagpatay kay Don Cervantes Ignacio Jr., isang estudyante. Nagpadala ang mga tauhan ni Don Cervantes Sr. ng isang assassination threat na pinadala ng posibleng assassins. Nakapirma sa baba ang pangalang Alfonso L. Hinanap ng Vintage Spy ang pangalang Alfonso L. ngunit napakaraming resulta ang lumabas. Naisip ng Vintage Spy na paprotektahan na lamang si Don Cervantes Jr. mula sa Alfonso L. na iyon. Ipinadala nya si Arsene.
Si Don Cervantes Ignacio Jr. ay anak ni Don Ignacio, isang businessman na nagmamay-ari ng hotel chains sa buong mundo. Nagaaral si Don Ignacio Jr. o mas kilala bilang Cer, sa isang exclusive school along Saint Table. Well, this day, si Arsene ay magkukunwaring estudyante upang mapigil ang binabalak na assassination. May lakad si Cer that time. Meron siyang sasamahang kaibigan sa bahay ni Mary Althea Claro. Sinasabi na si Cer ay nagkakagusto kay Mary at isang lalaking nagngangalang Alfie Linsangan ang kanyang katunggali. Sinasabi rin nila na si Alfie at si Mary ay mayroon nang malalim na pagkakaintindihan kung kaya't si Cer ay hanggang asa na lamang. Ngunit may mga nagsasabi na malaki ang tsansa ni Cer. Ngunit walang makakapagsabi ng kanyang tunay na saloobin at iniisip.
Nagsimula nang lumabas ng paaralan si Cer, si Mary at ang kaibigan ni Mary na tutulungan ni Cer, si Loren. Nasa malayo lamang si Arsene upang di malaman ang kanyang presensya, binabantayan ang bawat paligid sa posibleng assassination plot. Maya-maya lumapit na si Arsene kay Cer upang i-cover ito sakaling biglang may magpaputok. Duon nya napansin ang katahimikan ni Cer. Nakatingin sa baba habang naguusap si Mary at si Loren. Nakita ni Arsene na meron talagang nararamdaman si Cer para kay Mary pero naiilang siya para sabihin ito kaya hindi sila nagkakausap. Nawili sa pakikinig si Arsene ngunit nabagot din ng napansin na wala namang sinasabing kahit ano si Cer. Hanggang dumating ang usapan ni Mary at Loren sa mga pictures at kung ano ano pa. Nag buntong hininga si Cer pero wala pa ring imik. Si Arsene naman, tuloy sa pagtingin tingin sa paligid sa posibleng pagputok ng baril o pananambang.
Dumating ang lahat sa bahay ni Mary. Hindi na pumasok si Cer at si Arsene at nanatili sa labas. Ang pumasok lamang ay si Loren upang kunin ang dapat nyang kunin. Nagsimulang magsalita si Cer.
"Siguro isusuko ko na to."
Nagulat si Arsene at tinanong si Cer kung ano ang tinutukoy nya. Duon nagsimula magkwento si Cer. Totoo ang lahat ng haka haka ng marami. Pero di pa yun ang alam nila. Hindi nila alam kung ano si Cer. Inakala nila na si Cer ay isang tao na katulad ni Alfie. Kayang ilaban kahit imposible. Sumuko si Cer sa laban nya kay Mary. Kahit pa maraming sumusuporta sa kanyang mga kaibigan, mga tao sa paligid na handang tumulong, inisip ni Cer na kung talagang minamahal ni Mary si Alfie, magiging talsik lamang siya kung saka-sakali. Sa pagkakataong ito, habang nagkukwento si Cer, naisip ni Arsene ang isa nyang kaso. Ang Missing Case. Ngunit pinakinggan nya muli ang kwento ni Cer. Naisip ni Cer na wag nang ipaglaban pa si Mary dahil mukhang imposible na itong mangyari. Sinabi ni Cer na ayaw nyang biguin ang mga taong nagtiwala sa kanya pero hanggang duon lang talaga ang kakayahan niya. Nagkakailangan sila ni Mary. Ngunit hindi pa sarado ang kanyang pinto sa posibleng signos. Sa posibleng magaganap. Pero di na siya umaasa. Di na rin siya lalaban. Hahayaan na lang nya mangyari ang nakatakda.
Lumabas si Loren at isang putok ang narinig mula sa malayo. Hindi tinamaan si Cer. Walang tinamaan. Nakailag sila. Sunod sunod na putok ang dumating at isang van ang tumigil sa harap nila. Pumasok sila at umandar ang van. Ito ang van ng Vintage Spy. Inuwi si Loren at si Cer. Sa mansyon ng mga Ignacio, tinanong ni Don Ignacio Sr. si Arsene kung nais nitong maging opisyal na bodyguard ni Cer. Umayaw si Arsene at sinabing di nya maaring iwan ang Vintage Spy dahil di siya ginawa para magbantay ngunit binuhay siya para magimbestiga. Binigyan ni Arsene si Don Ignacio Sr. ng calling card ng isang security agency na maaring maging bodyguard. Umalis na siya at nireport sa Vintage Spy ang lahat ng kaganapan, maging ang kanyang nalaman.
Monday, April 13, 2009
1st (R)
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:34 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment