Parang kailan lang talaga...
Kani-kanina lang, pagkagising ko, nakita ko ang COCC pin ko na nasa baba ng mesa ko. Siguro nahulog. Naalala ko, kung ilang segundo ko lang pinagdesisyunan ito. Actually matagal namin pinagisipang magkakaibigan ang tungkol dito. 2nd year pa lang, inisip na namin yun. Pero pagdating ng 3rd year, nagbago ang isip ko. Inisip ko na hindi naman kami seryoso nung nagdesisyon kami nung 2nd year. Hindi ko rin inisip ng bakasyon yun. Things suddenly changed. Inaya ako ng kaibigan ko na mag CO, since that time, siya lang kasi mag-isa. Isang linggo ako nagtanong tanong sa mga tao kung tutuloy pa ba ako. Many said NO. Pero July 10, uwian, dun ko sineryoso ang pagiisip. Immediately, tumawag ako sa bahay, kinuha ang consent ng magulang at pinasa ang form. From then, nagsimula ang training ko. Ilang seconds ko lang inisip kung papasok na ba ako sa pagsi-CO.
Ang letter, ang letter na nakuha ni Migraso na nalaman ng ibang tao, nabuksan at nabasa. Ang letter na hawak din ni Vladimir ngayon. Mabilisang kumalat na parang virus ang impormasyon sa mga tao. Hindi naman siya nangyari ng segundo lang. Pero linggo lang ang inabot, alam na nila, ng mga taong nasa paligid ko. Actually 3 days lang ata yun.
Ang pagsali sa Mr. and Ms. PUPLHS. Ilang segundo lang ang dumaan nun ng ituro ako ni Ma'am Dizon at Sir Jarin bilang contestant. Pati ang pagsali sa Baguio, ilang segundo ko lang siya pinagdesisyonan.
Ang Captain Nguso. Ang istoryang pinaniniwalaan ng mga wise men na pinagmumulan ng lahat ng pangyayari sa mundo. On the spot ko lang ginagawa ito at kung ano lang ang pumasok sa isip ko.
Maraming bagay ang nangyayari sa mundo na ilang segundo lang ang nagaganap. Mga bagay na nakakapagpabago ng buhay. Mga pangyayaring nagbibigay ng malaking epekto sa ating buhay. Sabi nga nila,
"Everything happens for a reason."
Pero ang mga pangyayari ay nasa desisyon mo pa rin. Wala sa tagal ng pagiisip ang kalalabasan ng desisyon. Basta't sa tingin mo ay nakakabuti ang iyong desisyon, go with it. Hindi lahat ng desisyon na pinagisipan ng mabilis ay walang pinatutunguhan. So sa ngayon, di muna ako magdedesisyon. Hihintayin ko ang panahon ang magpakita kung kailangan ko nang magdesisyon. Pahinga muna.
Malapit na mag April 23...
Ano-ano nga bang meron sa April 23?
Well, nung 1992, ang unang fast food restaurant ng Mcdonald's ay nagbukas sa China, nalaman din nung 1984 na merong AIDS na nageexist sa mundo. Nung 1348, nabuo ang isang order ng knighthood (English) na Order of Garter. Maliban din sa birthday ni Angel Locsin, birthday din ito ni William Shakespeare, birthday din ni John Cena. This date din, namatay si William Shakespeare (galing, pinanganak siya at namatay ng April 23!), kamatayan din ni Miguel Cervantes na author ng Don Quixote. On this day, icecelebrate din ang UNESCO International Day of the Book.
The Missing Case
Sa ngayon, wala nang leads ang kasong ito. Mukhang wala na rin siyang konek sa mga further investigations ng Vintage Spy so ang kasong ito ay ilalagay na natin sa
COLD CASES
Hindi muna natin siya isasara pero hindi na natin siya iimbestigahan pa.
Puro pelikula rin muna ako ngayon, byahe uli sa April 25. Siguro last byahe na yun. Babalik na ako ng school ng May 4 for the rehearsals.
Monday, April 27, 2009
It All Happened in a Minute...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 2:49 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment