Thursday, April 2, 2009

Blood-stained threads

Itong kuwento na ito ang pinaka kontrobersyal na kasasangkutan kong kaso. This does not only involves me. This involves one powerful unit in a university. Di ko alam ang kalalabasan pero ayoko magbigay ng exact events, pero ito, if you can understand the story, you may relate into this.

Merong 2 kingdom na mag-allies. Ang Romans at ang Chinese. Nagkakaroon sila ng trade, mga ugnayan at iba pa. Matino ang naging pamamalakad at nagkakaisa sila. Ngunit isang araw, ipinadala ng hari ng Chinese ang heneral ng Romans upang makipagdeal ukol sa pakikipagtrade ng tela ng mga Romans sa mga Chinese. Ilang araw din pabalik balik ang Chinese general, kung minsan may kasamang tauhan at kung minsan ay wala. Isang araw, bumalik ang Chinese general at marami siyang kasamang tauhan. Pagdating nila sa kampo ng mga Romans, wala ang Roman General na nakipagdeal sa kanila at ang tanging nakausap nila ay isang kawal lang ng Roman General. Tila di maganda ang araw ng kawal ngunit naisip ng Chinese General na kailangan makisama dahil may kinakailangan sila. Pinapasok ang Chinese general, iniabot sa mga tauhan ang telang kinakailangan, inabot ng mga Chinese soldiers ang perang napagusapan at inutusan sila ng nasabing Roman Soldier na bumalik na sa China upang dalhin ang mga tela. Naiwan ang Chinese General. Tinorture ang Chinese General, pinahirapan at sa huli ay pinatay.

Napagalaman ng ilang Chinese soldiers na kasama nung general na may galit pala ang kasamahan nung Roman soldier na pumatay sa Chinese general. Hindi alam ng emperor ng China na patay na ang kanyang heneral. Nagdadalawahan ang mga natitirang sundalo na sabihin ito sa Emperor dahil maari itong lumikha ng digmaan. Pero naisip nila ang General. Ang general na nagbuwis ng buhay para sa trade na ito. Itutuloy nila ito. Digmaan ang magaganap.


Disclaimer:

Di ko alam kung anong mangyayari. I know God will help me, di ko alam. Sana makapasok ako ng matino bukas, sana naman walang mangyaring masama dahil oras lang na meron, p*tang ina nilang mga g*go sila, di na nila matitikmang mabuhay pa uli.

Ayoko na magsalita.

1 comment:

Anonymous said...

Hi, my name is Tim. Just wanted to say hi to the forum, I been creeping around here for a while now, but tend to participate more. Looking forward to make some new friends. Ciao!

Tim

NY, NY