"Bok, walang talo-talo"
Paulit-ulit ko naririnig ito sa mga tao na this time naisip kong gamitin for this post.
Sa Kaharian ng Armenia, si Haring Papius ay mayroong dalawang anak. Si at Prinsipe Igu at Prinsipe Iguedala. Mas matanda si Prinsipe Igu kaysa kay Prinsipe Iguedala. Di naman sila nagaaway sa mga bagay bagay. Kadalasan silang nagkakasundo. Isang araw, isang sugatang fox ang dinala ni Prinsipe Iguedala sa kaharian. Pinagaling ito ng prinsipe. That time, hindi pinapansin ni Prinsipe Igu ang fox pagka't meron din siyang ibang alaga. May alaga siyang tigre. Binigyan ni Prinsipe Iguedala ang fox, pinakain, at binigyan ng karapatang mamuhay sa Armenia. Napamahal na si Prinsipe Iguedala sa fox.
Isang araw, lumusob ang mga Nine Bands, mga bandido na mula sa North sa kaharian ng Armenya. Matinding digmaan ang naganap at naisalba ni Prinsipe Igu ang buhay ng fox mula sa namumuno ng Nine Bands na si Nine. This time, nabusy si Prinsipe Iguedala sa pakikipaglaban sa iba pang mga bandido na kasama ng Nine Bands, katulad ng Armen Militia at Scoff Laws. Naubos ang kalaban at ang tanging kinakalaban ni Prinsipe Iguedala ay ang Nine Bands. Lingid sa kanyang kaalaman, inaangkin na ni Prinsipe Igu ang fox at sinabing kanya. Napaalis ni Prinsipe Iguedala ang Nine Bands at nagbanta si Nine na babalik siyang muli. Pagbalik ni Prinsipe Iguedala, binigyan siya ng hero's welcome. Hinanap nya agad ang fox at nalamang hawak ito ni Prinsipe Igu. Di nya alam kung paano nya babawiin ang fox, unang una, nakatatanda ito sa kanya at ikalawa kapatid nya ito. Ngunit kailangan nyang bawiin ito tulad ng pagtatanggol nya sa Armenia.
...to be continued...
Meron na palang Web Log ang Entrepreneurship 08-10, www.entreparangmaingay.blogspot.com
Wala na akong maidagdag pa. Hanggang dito muna.
Well, public announcement muna.
Sa lahat ng merong picture ng Commencement Excercises ng Laboratory High School, paki-inform lang po. Yung pinaka-recent. Yung 52nd. Thanks a lot po!
Tuesday, April 7, 2009
Walang talo-talo
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 1:27 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment