Tuesday, May 12, 2009

The Stolen Dossier

"No one can escape the eye of the spy."

Maraming series of related events na nangyari kamakailan lamang. Mas maganda ayusin natin in chronological order.

May 5-6

Hindi nila nabasa ang post na "Mission of a Serviceman" pero nagpakita sila during those dates. Masaya ako para sa kanila. And isa lang ang hindi talaga nagparamdam.

May 6-7

Merong guest conductor na inimbitahan si Sir Jarin. Babalik uli siya bago pumunta ng Malaysia.

May 10

Kumpleto na ako sa gamit. From the top to the shoes. Wala nang kulang. Ilang tulog na lang, enrollment na.

May 11

Kahapon. Merong nakapagdagdag ng impormasyon ko. Ganito kasi ang story nyan... (of course it's another representation)

Pumunta si Arsene sa National Library upang hanapin sa archives ang tungkol kay Fugitive nang biglang nag pop up ang isang dossier (mga files na naglalaman ng sikreto) na nawala 3 months ago. 7 months before nawala ang dossier, naisara ni Arsene ang Fugitive Case. Sinasabi ng mayari ng dossier na related ang pagkawala ng documents sa kaso ni Fugitive. Sinasabi rin na posibleng ninakaw ito dahil naglalaman ito ng karagdagang evidences at mga files na mahahalaga. May 11, nakita ni Arsene ang dossier sa National Library. Naisipan nyang basahin ang nilalaman ng folder na nakasulat ay The Case Closed. Sa loob ng folder ay mayroong 2 tao na involved. 2 tao na nakikita lang sa pelikula. Nalito si Arsene. Pareho silang work of imagination. Isang galing sa libro, isang galing sa comics. Magkaibang bansa. Magkaibang nationality. Isang bata, at ang isa ay mas matanda. May asterisk sa baba ang folder na nakasulat na *representations only. The thing it represents is on page 5. Tiningnan ni Arsene ngunit walang page 5. Dumiretso ito sa page 7. Punit ang pages 5-6. Inisip nya na malaki ang possibility na ninakaw ng "thief" ang nasabing pages dahil ito mismo ang mga kinakailangang evidences. Tinanong ni Arsene ang keeper ng library at sinabi na iniwan lang ang dossier sa isang mesa sa library. Hindi na nila ito binalik sa may ari dahil umalis na ng bansa ang may ari. Inilagay na lamang ito sa kanilang library.

Maiba tayo... Same day, naglugaw muna kami. Pampalipas ng oras. Hehe.

May 12

Nabawasan ng isang contact sa sun. Tapos nawili kakalaro.


Bukas, May 13. Practice uli. Walang idea kung ano ang mangyayari...


Anyways, meron pala akong case na hindi na-open kasi naisip ko na napakaliit na kaso lang nito at sa tingin ko ay wala na akong magagawa dito pero related siya sa post na "Walang Talo Talo (The Third Issue)". So ikukwento ko nalang.

Nang dahil sa technology, walang idea si Igu na naespiyahan na siya ni Iguedala ukol sa paguusap nila ng matandang ermitanyo. Nalaman ni Iguedala ang tunay na pangyayari ng magkunwari siyang isang villager at tingnan ang mga kilos ni Igu at ng matandang ermitanyo.

Pumunta sa Bundok ng Armenya si Igu hindi upang ipaalam sa matandang ermitanyo ang tungkol sa fox at kay Iguedala. Pumunta siya ng bundok upang makipagkilala sa matandang ermitanyo dahil naisip nya na maari siyang ipaglapit sa fox ng matanda. Kinumusta ng ermitanyo ang fox kay Igu. Pinapurihan ni Igu ang fox. Ngunit nadulas siya ng sabihin nya na nais ito ng magiging susunod na hari. Hindi siya nakapagbigay ng pangalan ngunit nacurious ang ermitanyo kung sino ang susunod na hari kaya naisip nyang bumaba ng Bundok ng Armenya at pumunta ng Gubat na Mapanglaw. Duon nya nakilala na ang susunod na hari ay si Iguedala...


Anyways...

Para sa pagbabago. After ng linya na ilalagay ko sa baba nito, magiging English na lahat ng post ko. Di muna ako gagamit ng wikang Filipino. Kasi, kung si Pacquiao nga pinilit nyang mag-English, bakit di natin gamitin? In that way, mahahasa pa tayo sa pagsusulat ng composition in English...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

With nothing else to say, I am signing off.

No comments: