Wednesday, November 11, 2009

On-the-Job Training

Unang araw ng paghahanap ng pag-OJT.. Nagsimula kami around 10.. Nilibot ang SM, paligid ng SM maging ang gateway, pati ang Araneta, pero walang matino...

Willing na kami magtrabaho anywhere. Motel, Fastfood, Restaurant, atbp. Mula sa pinakamaliit na establishment hanggang pinakasosyal, vain.. May mga nanghingi ng bayad, naghanap ng college, di raw nila kailangan, pumunta ng head office, at kung ano ano pa..

In short, wala pa..

Pauwi kami, naiwan na si Leo, naisip naming dumaan sa Gilmore. At doon namin naisip pumara.. Sana merong chance...


Anyways, yoko na pagusapan yung pagoojthan, namomroblema ako.. Matagal tagal na rin akong hindi nakakabanat eh.. Mukhang masarap bumanat ngayon..

Paglilinaw muna... Hindi ko nilalahat ng tropa dito.. Yung iba lang kasing mga tropa-tropahan, mga thugs ng lipunan..

Ganito kasi yan..

Siyempre, di tayo pwede magbigay ng proper nouns.. So sisimulan ko na...

So meron kasing isang tropa, o grupo na may mga sinasabing forever-forever pa ang nagfefeeling malakas ngayon sa "communtiy".. Di ko alam bakit feeling nila malakas sila. Yun ba dahil marami sila? Dominating sila? Meron silang mga "kapit"? O talagang mayayabang lang tong mga hinayupak na to. Di naman buong tropa epal. Uhm, meron lang iba. Pero dahil basura ng isa ay basura ng lahat, ayun, damay kayo. Pasensya na.

Ganito kasi yan... Maraming nagrereklamo sa tropang to na pinangangalandakan nila na malakas sila, at dominating. Kumbaga, wag mong tirahin ang katropa ko kung ayaw mo makitang nakahandusay. Parang ganun. Pero alam ko namang wala silang kakayahan na ganun.. Siyempre, yung mga tao naman sa neighborhood, kinakabahan.. Eh magaling magsalita yung iba eh. Salita lang. Puro salita.. So dahil nga dun sa pagmamayabang nung iba, walang gumagalaw sa tropang to. Di naman epal yung tropa. Pero siyempre, sa community, hindi mo maiwasan na matapon yung baldeng tubig sa kapitbahay.. So yun ang kinagagalit nila. So sa kanila kasi, dahil meron silang mga quotes na forever, eh nagkakaroon ng proteksyunan.

Okay naman yun. Siyempre, damayan yan dahil magkakaibigan. Pero wag naman to the extent, gagamitan mo ng armas at sandata.. Eh siyempre, dahil meron ngang mga butterfly knife at pistol tong mga to, kabado naman ang neighborhood at ang nagagawa nila, magreklamo nalang.

Well, 2 sa tropang ito ang namumuro. Di pwede pangalanan eh. Pero isa si G1 at si G2. Meaning, "gago 1", "gago 2"

Itong si Gago 1, matagal nang nambabara tong gagong to. kaya nga gago eh. Butterfly knife lang naman hawak nya, pero mayabang talaga. Siguro kasi alam nya, meron siyang sasandalang "tropa". Ganun naman pag weak eh, puro sandal ginagawa. Well ayun nga. Mahilig mambara to. Puro daw reklamo sa gobyerno ginagawa. Puro pamumuna. Pero siya... Higit pa.. Bakit? Alamin mo nalang G1 kung mabasa mo. Alalahanin mo ha? Isa pa, ito ring si G1, sensitive. Pero para lang sa sarili nya. Di siya sensitive sa nararamdaman ng iba, sa masasaktan nya. Pero pag siya nasaktan, ah, grabe magreak. Bugbugan na kumbaga. Siguro naman may pakisama to kasi maraming kaibigan eh. Pero di rin magtatagal yan sa ganyang ugali.

Ito matindi, si Gago 2. Ito kasi, nambabara na, namamahiya na, namimintas na, lahat ng kademonyohan isinaksak ata sa taong to eh. Grabe talaga to eh. Kala mo diyos eh. Wala atang taong nakalusot sa pangaalipusta nito. Medyo sosyal naman hawak nya kasing weapon. Bolo. Pero bolo pa rin. Pag tinira mo ng m-16 o Chain Gun, tingnan lang natin kung makilala mo pa. Isa pa to. Sensitive din. Savior din to ng so called tropa. Siya rin kasi yung hitman nila eh. Kapag may umapi, siya na ang magliligpit. Sabay sila ni G1. G-Force nga kumbaga. Epal to. Wala ring feeling to para sa iba eh. Mahilig mamuna ng selfish at self centered na tao. Paano, self centered siya eh. Haha... Kaya puro puna kasi gusto nya lahat ng bagay umaayon sa kanya. Medyo traydor din. backstabber. mabait sa harap mo, pagtalikod, yun na. Pag meron kang nagawang hindi nya gusto, magagalit na at pagbabantaan ng bolo nya. Maangas din to. Tapos ito, mahilig to mamahiya ng tao sa neighborhood. May mga ilang tao na ngang nagreklamo sa kanya eh. Pero siyempre, magaling makisama, plastik nga eh, maraming kaibigan.


Meron pa pala, si G3. Pero epal lang to.


So ito yung G-Force na tinatawag. Magaling mamuna, bobo naman.


Sensya na sa mga katropa ng G-Force na to, nadamay pa kayo. Eh kasi, kayo lagi pinapang sanggalang ng mga to eh.





Disclaimer: Ang tamaan, tsk, alam na! Naisip ko lang to habang nasa jeep at kathang isip ko lang. Pag tinamaan ka, uhm, magisip ka na. Baka isa ka sa mga yan. :)

Ito yung natutunan ko eh. Pagkaclassify. Types of "G"

No comments: