Lahat ng pangyayaring ito ay naganap kahapon, November 13, Friday...
Around 10:30 na kami nakaalis ng school. Hintayan din kasi. Madaming iniisip si Leo at sumabay si Bule sa paglabas.
Nagbyahe kami via G-Liner. Puro kwentuhan, tawanan. Ang usapan, puro tungkol kay T.I. (initials nya). Sobrang traffic sa San Juan at hindi talaga umuusad. Umabot ng almost 1 hour na hindi kami nakakaalis malapit sa may SM. Pero finally, nakaandar din. Natulog muna ako at nagising pagdating ng Barangay Greenhills.
Pagdating sa Greenhills, unang destination, Shakey's Greenhills. Actually, pakay na namin to noon pa. Nagkataon lang na may mga nakapagpasa na ng resume the other day. Medyo na hopeless ako pero sabi nila, sige itry ko. Pagdating dun, kinausap ko na yung manager at hinanapan kami ng recommendation letter na may pirma. Actually, naisip ko na papirmahan yung recommendation letter. Sabi naman ni Leo, wag muna. Pag natanggap na raw, saka papirmahan yung recommendation letter. Nung time na hinanap, nabadtrip ako kasi talagang sinabi ko na papirmahan na. So lumabas kami ng Shakey's at wala talaga ako sa sarili. Ayoko na magsalita kasi naiinis na rin ako. Nanghihinayang ako na chance na pinalagpas pa. Marami kaming ibang iba pang establishments na pinasok at nakapasok kami sa Krispy Kreme.
Nakausap namin si "A-Jhay". Inentertain naman kami at triny tawagan yung HR nila. Binigyan din kami nung doughnut nila worth P31. Okay yung doughnut (siyempre libre!). Unfortunately, lunch break ng HR. Binigyan nya na lang kami ng calling card kung saan isesend yung recommendation letter. Sabi nila, di pa sila nagkaroon ng OJT. Natuwa naman kami sa kanyang warm welcome. Umabot pa kami kung saan saan sa greenhills hanggang naisip na pumunta muna ng Robinson's Galleria.
Nilakad namin mula Greenhills papuntang Galleria. Kung ano anong uri ng tao na ang nakita namin. Pagdating ng Galleria, dun kami kumain, naghanap uli ng trabaho at nagpaprint ng mahal. May bakla pang epal. Nakita pa namin yung mga candidates ng Miss Earth sa Burgoo kaya di kami pinapasok. Epal yung babaeng server. Anyways, dapat pupunta pa kami sa Ortigas Center mismo. Kaso nagkatamaran na at nakakuha din kami ng referral sa Don Henrico's sa Greenhills. Naisip namin isabay ang recommendation letter.
Nilakad muli namin pabalik ng greenhills. Nakita namin yung mga la Sallian na naka slacks at rubber shoes (public style). Mas maganda pa manamit yung taga Maceda. Anyways, tutal naunang dinaanan ang Shakey's sa Greenhills, dinaanan na namin. Pagpasa namin nung letter, nagulat kami kasi kinausap na kami ng manager. Marami na siyang sinabing mga bagay. Mga Standard Operating Procedures nila, mga gawain nila, at kung ano ano pa. Pinakausap na rin kami sa Captain at tinuruan na rin kami. Finally, shinake hands kami at babalik kami ng November 20.
Siyempre, mixed emotions naramdaman ko. Masaya kasi after a hard day's work, ang final destination namin ang Shakey's na siyang tumanggap sa amin. Medyo nasaddened ako kasi may mga kaklase ako na nagpasa din ng resume dun pero kami lang yung kinausap. Pero after all, at least tapos na ang paghahanap. Sumakay na kami ng bus pauwi. Medyo nangangamba pa si Gianan at Leo pero ako, sure na talaga dun ako.
Naguwian na. Kinagabihan, nagmessage si Leo na magbaback-out siya sa Shakey's. Malayo daw sabi ng tatay nya. May iba akong naisip. May nabanggit kasi siya at tinanong ko. Tama nga ang hinala ko. "Dun" na siya magtatrabaho. I understand. Siguro siyempre, mas masarap magtrabaho kasama ang taong mahal mo. Sa ngayon, triumvirate kaming magtatrabaho sa Shakey's.
Saturday, November 14, 2009
The Final Destination
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:19 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment