Speechless...
Wala talaga akong masabi.. Hehe.. Actually, nawala ako ng 1 week sa net. Sobrang nanghihinayang ako sa napalevel up na mafia, mga kita sa rakets. Bwisit na smart bro yan, hanggang ngayon, nakikigamit pa ako ng net dahil walang net sa bahay.
Anyways, tama na yung ganyang mga bagay. Kukwento ko nalang yung nangyari the day before and the day ng race.
MWF kami nagpapraktis sa pagtakbo sa 42Km Relay Race. Meron kasing 20 members. So dahil nga relay, pasa-pasahan. Ang bawat tao ay tatakbo ng 2 kms. Ang pinakalast ay tatakbo ng 4 km.
Bilang practice, tumatakbo kami sa oval ng PUP, 10 times. Siyempre, paguwi, tulog agad. O pagod.
Actually sa mga practices, di ako nababagot, naiinis o whatsoever kahit pawis na pawis na ako at pagod pa.
Dumating ang saturday. Kinailangan ko magbakot bakot ng ilang gamit para mag overnight kanila Leo. Sabay sabay kasi kaming pupunta sa Quirino Grandstand.
Nakarating naman kami ng matiwasay sa Quirino Grandstand. 3:30 kasi ang calltime. Puro paepal sa camera, picture at kung ano ano nalang ginawa namin.
Bago magsimula ang race, nagkaroon ng ilang discrepancies. Ang registered kasi sa amin ay 42K Relay Race. Ang kaso, sinabi ng aming coordinator na baka mahirapan kami dito dahil hindi kami na-brief. So, pinatakbo nya kami sa 3K. Ang problema, ayaw kami tanggapin sa 3K dahil nga iba ang pagkakaregister sa amin. Pumunta kami sa kanilang "Help Desk". Medyo napahintay kami ng matagal. Kala namin, wala nang mangyayari sa lahat ng mga practices namin. Luckily, meron nagassist.
Nakapasok naman kami. Siyempre, nung nagsimula ang race, medyo mabagal muna at bumilis ng bumilis. Para sa akin, achievement na natapos ko ang race. Di ako nakaramdam ng pagod at feeling ko ay full of energy pa ako. :)
Ahm, nais ko palang magpasalamat unang una siyempre sa diyos, sa mga magulang ko, uhm, sa mga sumuporta, nagbigay ng moral support, kay sir nero (kahit di kami sinama sa kanyang status message :)), at sa lahat ng tumulong.
Feeling ko, next time, "Takbo para sa Quirino Grandstand" na ang gagawin. Ang kalat kasi eh,
Anyways, part nanaman to ng history ng buhay ko. Ang first time na pagsali sa International Marathon na ginanap ngayong November 8.
Sunday, November 8, 2009
3K
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:06 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment