Thursday, July 23, 2009

23rd of July

"Bobo mo Clarin.."

Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw na sinasabi ng kalooban ko. Pano ba naman kasi, mag gogoodbye lang, di ko pa magawa. Parang gusto kong sabihin pero parang gusto kong kumuha ng buwelo tapos huli na ang lahat.

Tulad nga ng nangyayari ng mga nakaraang araw, ganun nanaman.. Sabi nga eh, "Nakakapagsalita ka lang sa text". Pero hindi talaga madaling magsalita kapag nasa harap ka na.

Sa tuwing idle time ko sa bahay, naiisip ko yung mga sasabihin ko. Tipong kaharap ko na at sasabihin ko na lang. Madali. Sobra. Napakasimple lang naman kasi. Pero once na nandun ka na, parang ang hirap gawin. Especially pag pinaglalayo kayo ng pagkakataon.

Ayun, sayang talaga. Tanong nga ni Gianan, "May next time pa ba?" Sa isip ko, "sana naman, para makabawi ako sa 2 taon kong kabobohan."


In other usapan...

Na-late kami ng paguwi today. Pero feeling ko, okay lang. Kahit punong puno ako ng pagsisi habang umuuwi ako at habang nasa jeep ako. Nagkaroon ng "real progress" ang aming ginagawang sabayang pagbigkas. Kahit kaunti, at least, may nangyari. Pero as expected, cramming. Matapos itapon ang mga naunang araw..

Isa pang good news.. Dumating sa aking kaalaman na ang PUPLHS Chorale ay published sa Press Release ng Department of Foreign Affairs ng Republika ng Pilipinas. Hindi lang yan, nandun pa ang picture namin! Ito ang site..

http://dfa.gov.ph/?p=7020

http://www.gmanews.tv/story/167434/PUP-choir-gets-award-at-Malaysian-choral-fest

Ayan.. Grabe, nakakataba ng puso. Kahit Cantamus ang nag overall. Well, buti pa GMA News, binigyan kami ng halaga. Hehehe...

Sa ibang usapan uli...

Marami na talagang nahook ngayon sa larong The Godfather. Well, since 3rd year, ito na ang kinaaadikan ko. Parang naging kapalit siya ng GTA San Andreas na sakaling may kagalit ako ay dun ko ginaganti. Pero mas astig kasi ang execution styles sa The Godfather. So available ang installer CD sa akin. Kung sinong gustong mag install, just approach me..

So aalis muna ako dahil may mga gagawin pa ako at mag seek ng help ng mga magagaling na advisers ko. So goodbye for now...

No comments: