Sunday, July 19, 2009

Too many...

Andami talagang nasa isip ko... Marami akong gustong itype kaso napaka limited ng time, limited ang space at limited lahat ng bagay..

So gagawa na lang tayo ng mga buod...

Nung mga nakalipas na araw, galing kami ng Malaysia. Meron kaming dinaluhang choir competition. May mga pictures. Dun nyo nalang tingnan.

May mga days rin walang pasok. Mga days na walang CAT at mga days na puro laro ang ginagawa ko... DAMN!! Gusto ko na magbagong buhay!

In other news...


Yung Paranoia case, may updates pero di ko muna ikukwento.

Tapos, siyempre, umulan, bumagyo, tuloy pa rin ang ating mga imbestigasyon.

Dahil dyan, isang bagong case ang naformulate.

The Mr. X Case

Si Mr. X ay mayroong kaibigan. Si Y. Well, matalik na magkaibigan sila ni X. Ngunit dumating ang time ng paghihiwalay. Kailangan pumunta ng ibang bansa ni Y. So walang nagawa si X at kahit gaano siya kalungkot ay tinanggap siya na mawawalan siya ng kaibigan.

Lumipas ang ilang buwan. Sa mga unang araw, mababakas talaga kay X ang kalungkutan. Ngunit sa mga sumunod na araw ay makikita ang pagbabagong anyo ni X. Ang dating tahimik at masikretong X ay naging maingay at pranka. Maraming nagbago kay X. Pati ang pakikipagkaibigan nya. Napansin ito ng 2 world renowned na detectives. Si L at Arsene. May mga sources si Arsene na nagsasabi na may iba nang kaibigan si X. Nagkaruon na ng kanya kanyang kuro-kuro.

Sinabi ni L na baka dahil sa kalungkutan ni X kaya nya nagagawa na makipagkaibigan sa iba. Para icover up ang kalungkutan. Pero di alam ni Arsene kung 100% na magagree siya sa theory na to. Duda siya sa mga bagay-bagay. Kaya di nya tinapos ang kaso sa theory na iyon.


Ayun, marami pa akong gagawin.

No comments: