Sabi sa kantang it's a small world, dinescribe nya na ang mundo ay maliit lang dahil meron lang iisang buwan, iisang araw at sa bawat ngiti ay nagiging magkaibigan ang mga tao.
Pero I believe na hindi maliit ang mundo.. First of all based sa scientific explanation, 197 million square miles ang area ng surface ng earth. Internationally speaking naman, gagastos ka ng milyon milyon para maikot ang buong mundo. And based sa experience, truly, hindi maliit ang mundo...
Naging expression na sa mga nagkikita ang "Wow, it's a small world." Kaya hindi na natin maaalis yun. Pero ang pagkikita, depends on timing, luck and the chance. Kung isa ang wala, di kayo magkikita.
For 2 days, in the same place, same time, hindi pa rin nagkita ang dalawang tao? It's definitely not a small world.
Change topic...
For 1 week, wala akong blog post since nag start ang opening ng classes. And during those dates, many things has changed, again...
June 15. Opening.
6:30 a.m. Nakarating ako ng school. Tingin ko, napakaaga ko pa. Sumabay lang naman kasi ako sa kapatid ko kaya nakarating ako ng 6: 30, pero kung hindi rin ako sumabay, 7 na ako nakarating. Akala ko, first man ako. I was wrong. LAst man ata ako eh... Marami nang tao, magulo na ang entre at nakatayo na sa labas si Migraso together with Bule. And after a short while, nag ring ang bell...
Habang naglalakad patungong Freedom Park kung saan gaganapin ang flag ceremony, blanko ang utak ko. Ni hindi ako nagiisip ng klase or whatsoever. Nakita ko na ang full force ng Banda Kawayan na naka costume sa aking pagdating sa Freedom Park. Ang namiss ko ng isang buong taon, ang pumila kasama ng aking section, ay nagawa kong muli.
To cut the story short, natapos ang flag ceremony at nakapili ng sari-sariling upuan na I do pray hindi na baguhin...
Bagong school rules, especially ang pagbabawal sa pagdaan sa Front Door, ang pagsusuot ng black socks, ang pagbabawal ng cellphone sa corridors, ang strict implementation ng haircut, ang pagbabawal sa pagstay sa corridors habang walang klase and the likes.
Tapos, pumunta ako ng SM para bumili ng gamit, sa National Book Store. May mga nirequire kasing notebook. And this day, I proved na hindi maliit ang mundo, at nagkikita tayo by chance at hindi sa tamang timing.
June 16. Word History
First subject, world history. Second subject, music.. Nagkaroon ng sudden change. Ang 3 years in a row na pananatili ng Banda Kawayan at Drum and Lyre Band sa pagiging exempted sa music ay naputol this day. Siguro ang dahilan para sa Drum and Lyre band ay ang pagpapalit ng kanilang adviser. Yung sa Banda Kawayan, hindi ko lang alam. Maaga ang uwian, but still need to wait for the practice ng chorale.
June 17. Window
Meron nang trigonometry at English. May something na psychological na ginawa sa English, ang Johari Window. So saka na natin ipapaliwanag yan. Regular classes na talaga.
June 18. Big World Theory
Nagkaroon ng logic questions sa P.E. at nagkaroon ng practice.
For the second time, pumunta uli ako ng SM, department store naman at naprove ko for the second time na hindi maliit ang mundo, therefore, nag come up ako ng Big World Theory.
June 19. Birthday ni Rizal
Before anything else, birthday ni Rizal ngayon, idol ko si Rizal, kasi nga, nakita nya ang future na magiging buhay ko at nilagay sa buhay ni Crisostomo Ibarra, (hehe) So, Happy Birthday Jose Rizal!
NOthing special..
Alam ko may sasabihin pa ako but there's not much time, so, without anything to add, I am signing off...
Saturday, June 20, 2009
It's not a small world after all...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 10:18 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment