These days, nawiwili ako gamitin yung word na "conspiracy". Parang merong something dun sa word na yun na mapapadalas ang paggamit mo once na ginamit mo. Anyways, enough of nonsense talks. Issues tayo..
Since June 2 maraming nabago.
June 4. Thursday. Enrollment.
As usual, yung plano ay di natupad. First plan, yung "scheduled enrollment." Yung per batch enrollment. Di nasunod yun. Pero ayos lang, di naman ako naapektuhan. Enrolled naman ako ng maayos. Second plan yung CAT Enrollment. So ito talaga topic ko eh.
Overall, maayos naman. Except for some "haircut exemptions". Nagkaroon kasi ng misunderstanding or shall I say pagdidisregard sa rules. Yeah. You know yourselves. Hehehe. Tamaan wag magalit. Opinion lang. Saka di lang naman ako nagrereklamo. Marami especially yung sumunod sa required haircut. During this enrollment, nirerequire kasi lahat ng lalaki na magpagupit ng "proper haircut" na tinatawag. Ngunit dahil lalaban sa Malaysia ang Chorale, naexempt sila sa pagpapagupit. Actually kahit trim lang. Pero yung iba mabait so nagpagupit sila ng "acceptable haircut". Ang lagi kasing nangyayari sa CAT enrollment, kapag di proper ang haircut, balik sa barbero at pagupitan ng maayos. May mga nakakailang balik dahil matigas ang ulo. Pero sabi nga ni Alfredo Lim, mayor ng Maynila, "The law applies to all, otherwise none at all." Sabi rin ng isang philosopher, "Ignorance of the law, excuses no one." SO malinaw na sinabi na Ang batas ay batas. Expected na namin na marami sa amin ang magsasama ng chaperone. Pero yun nga, kung yung chaperone ang sumisira sa batas, buti pa wag na lang tayo magbatas. Pero siyempre, ano nga bang magagawa namin. It was ordered na "okay na" so nagkaroon ng "haircut exemption" ang iba na hindi kasali sa chorale, walang dahilan para di magpagupit ng required haircut at wala ring dahilan para baliin ang batas. Pero as I am saying, sumusunod lang kami. Pero dahil inspired ako sa sinabi ni Fred Lim, walang makakalusot sa araw ng paghuhukom (evil laughs)
Maliban sa haircut controversy, wala namang ibang umepal na. Siguro yung iba medyo pero yung epal talaga, wala naman.
Then natapos ang enrollment at nagkainitan kami ni Laguatan dahil di nya maiproduce ang registration card ko.
June 5. Friday.
Birthday ko na. Freshmen Orientation pa. Bumabagyo pa.
Di ko rin inexpect na maraming babati. How unlucky pa na wala kaming internet that time. Siguro inoff para di maapektuhan ng bagyo. So di ko makikita yung mga bumati ng online. Bago pa man mag June 5, marami nang nagpa-advance. Yes, credited naman sila, salamat na rin, pero siyempre, marami pa rin yung bumati ng mismong date. Yeah, salamat uli. Unexpected talaga. So sa nakalimot naman, tulad ng dati kong sinasabi, CURSE YOU! (hehe, joke lang)
Freshmen Orientation, kailangan kumanta. Kasi manghihingi ng donation. Isa pa, kami rin yung prayer at ang Lupang Hinirang. Sabi ng mga watchers, nakakapanindig balahibo daw. Para daw silang umaangat sa lupa; sabi ni Ma'am Via, improving. So sabi rin na black socks na raw? OMG. Hmmm... Anyways, pahayag naman ni Sir Jaime, pwede white. Kasi nga naman kung nakabili na. Eh kaso daw black na, di daw nya sure. Wag lang daw gray.
June 6. Saturday. Staff Meeting.
Still, bumabagyo. Usapan, 9. Siyempre ako naman dating ng 9, to set an example. Pero at least dumating kahit 1 hour delayed. So nagsimula na ang pulong. Outpowered ng kaunti pero still, if they cannot give reasons para ilagay nila ang isang tao sa isang grupo, of course, di mapush thru yun. So close door meeting yun, kaya hindi pa nilalabas ang results.
Then naguwian.
June 7. Sunday.
Marami pa kaming dinaanan ng tatay ko bago ako binili ng notebook. Birthday gift daw. Well, bata pa ako, gusto ko na magkaroon ng notebook. Di naman ganun kakapal yung notebook pero ayos na. Pang-araw araw na gamit. 120 pages. Thanks nga pala sa father ko.
June 8. Monday.
Practice uli ng chorale. Sama ng pakiramdam ko nung hapon, maguuwian na.
June 9. Tuesday
Walang practice. Nilalagnat. Lumabas lahat ng sintomas ng H1N1. Tsk, maliban lang sa loss of appetite. Tapos di naman H1N1. Drama ko lang ata yun eh. Hehe.. Di naman. Di siya flu, parang lagnat lang ata kasi naulanan, di ko alam.
June 10. Wednesday
May practice. Nag lugaw pa kami. Grabeng pawis ang nilabas ko. Parang may kemikal na nakakapagpapawis duon sa chili sauce nila kaya bumaba yung temperature ko sa dami ng pinawis ko. To tell the truth, nakatulong siya sa pagbaba ng lagnat ko.
June 11. Thursday
Ngayon. Practice pa rin naman ng chorale...
Tapos medyo nalilito ako sa iniisip ko ngayon eh... Saka ko na ididiscuss...
Saturday, June 13, 2009
Conspiracy... Etc...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:06 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment