Saturday, June 13, 2009

The Ayala Case: Reopened

Tomorrow will be the Philippine Flag Day, so after the line, we will speak using our native language.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Ayala Case: Reopened

To give a short background, ang Ayala Case ay nabuo nang dahil sa posibleng pagkakagusto ng isang girl na pinangalangang Ayala kay Tycoon na isang Chinese national. Ang case na ito ay naisara 2 years ago with a clear answer na hindi si Tycoon.

Then just last year, nakarating sa kaalaman ng Vintage Spy na isang volleyball superstar ang kinahuhumalingan ni Ayala. Si Ferge. Pero di naman ito pinansin na ng Vintage Spy kasi wala namang iimbestigahan pa. Natapos ang taon ng hindi nakalapit si Ayala sa voleyball superstar. Until this day came.

Habang nasa website ako ng "talaan ng mga magaganap sa hinaharap", o ang website ni Captain Nguso, nakita ko sa updates ang H1N1 case ng isang detective, si L. It states about some girl named "Layla". At ito ang naging preliminary investigation ng Vintage Spy.

Chineck ng Vintage Spy ang nasabing account ni Ayala na pinangalanan ni L na "Layla" at napatunayan ang sinabi ni L. Yung kakaiba nitong "status message". Isa pa, ang usapan nila ng isang out-of-school youth na papangalanan nating Ali.

Si Ali ay may di magandang reputasyon. Unang una ay ang pagiging babaero niya. Hindi dahil babaero, gwapo. Babaero lang talaga. Magaling daw magsalita at malapit nga talaga sa babae. Parang si L din pero siya, mas malapit talaga. Mas babaero. Meron siyang isang grupo na tinatawag na "Ali and Friends". Itong mga friends nya, kung ipagsama-sama ang galing sa dota, at sa pambabae, Ali ang lalabas. At dahil nga sa babaero siya, eh puro babae ang featured nya.

Ang inaalam ngayon ng Vintage Spy, isa ba sa mga susunod na bikitma si Ayala ni Ali? Meron silang pagkakaintindihan at meron silang pinagusapan na sikreto. At kung ano ang kinatatapusan ng sikretuhan...


The Midnight Case

There was this certain girl na matagal na sinusundan ni Arsene at lumabas na sa napakaraming cases ng Vintage Spy. Then naisip ni Arsene na itigil na ang pagsunod kasi parang nalaman na rin nya lahat until yesterday na nakakuha siya ng isang midnight instant messages.

Nagonline sa Instant Messaging si Arsene mula umaga hanggang gabi, 24/7 on standby. Kahit tulog na siya, naka online pa rin yun at open pa rin for personal messages. It was least expected dahil merong naka chat si Arsene at biglang naiba ang usapan. Ang usapan ay napunta sa "tila pagpaparamdam". Yung ka-chat ni Arsene ay nagbibigay ng representations. Hindi nya alam kung tungkol kay Fugitive, tungkol kay Vladimir. Basta ang alam nya, isa o pwedeng pareho sila ang involved sa kasong ito.

Speaking of, merong isang phrase na nakuha si Arsene at qinuote ito. Yung tipong mamimili between "sa taong di mo kayang iwanan at yung taong ayaw mong mawala sayo". Hindi alam ni Arsene kung this pertains to the two suspects. Wala siyang further leads maliban sa saved conversations.

And thus, The Midnight Case is now open, having the questions, "sino yung mga taong involved na tinukoy sa midnight personal message na tila clue o representation na natanggap ni Arsene?"


Having nothing to say, I am signing off.

No comments: