Thursday, January 29, 2009

Anyo Isa

Nagkaroon ng pagsasanay sa paghawak ng sandata, ang arnis, isang uri ng Pilipinong martial art. Ngunit hindi tungkol dito ang aking post. Tungkol ito sa ilang kaganapan matapos at bago ang pagsasanay.

Bago ang lahat, irerelate ko muna ang istoryang ito...

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang kura, na nagnganalang Padre Dominador, at ang dalagang si Clara.

Nuong nasa sekondaryang pagaaral sila Dominador at Clara, merong namumuong pagtitinginan sa kanilang dalawa. Hinihintay ni Clara ang pagtatapat ni Dominador. Si Dominador naman ay naghihintay ng tamang pagkakataon para magkaroon siya ng siguradong pasya at mabuti ang kalalabasan. Naging sikat si Dominador. Nakilala siya sa kanyang talento sa sining, pagawit at iba pa. Sumikat din siya dahil sa kanyang talino at nakilala siya ng buong paaralan dahil sa mga dinala nyang karangalan para dito. Lingid sa kaalaman nya, mayroong matagal nang manliligaw si Clara. Inayawan na ito ni Clara ngunit napagtanto nya na balikan na lamang ang manliligaw na ito na si Nostradamaso. Ilang linggo na lang ang hinihintay ni Dominador para magtapat kay Clara ay nalaman nya na si Clara na at si Nostradamaso. Sa sobrang lungkot at pighati ni Dominador, iniwan nya ang lahat at pumasok sa seminaryo.

Sa loob ng seminaryo, tinuon nya ang kanyang buong atensyon sa diyos at kung saan saang relihiyosong bagay. Natapos ang kanyang pagaaral at siya ay naging isang pari sa isang bayan. Tinawag siyang Padre Ador. Isang araw, naimbitahan siyang magmisa sa kanilang paaralan bilang panimula ng alumni homecoming ng kanilang batch. Naroon sila Clara at Nostradamaso. Naroon din ang ilang mga kaklase nya at kahit kamagaral dati. Gusto nya sana banatan sa sermon si Nostradamaso ngunit naisip nya na hindi ito makabubuti. Una, madadamay ang ibang nakikinig at interesado sa kanyang sermon at kanyang sasayangin para lamang sa isang tao at ikalawa, masisira ang solemnity ng misa. Naisip nya na hayaan na lamang ang lahat at nagpatuloy siya sa pagmimisa.



Anyways, sa ngayon, merong isang malaking epal na nageexist. Actually noon pa siya nageexist. Palagi din siyang laman ng aking mga post ngunit ngayon naisip ko magpost nanaman dahil nakita ko nanaman ang kanyang mapanlibak na tingin na tila tingin ng diablo na galit na galit. Itatago natin siya sa codename na Mr. Blow. Si Mr. Blow, noon pa man ay wala nang magawa sa buhay. Mataas ang pangarap, hambog, walang pakialam sa pakiramdam ng iba, walang pakialam at makasarili. Gahaman pa. Hindi mahirap si Mr. Blow. Katunayan, isa siya sa mga mayayaman ngunit sadyang sukdulan lang ang kanyang kaganiran at kasakiman. Kung sino man si Mr. Blow, hintayin mo lang at darating ang panahon na titira ka sa loob ng comfort room.


The Classroom Case

Base sa ilang kasabihan, sarado na ang kaso. Pero gaya nga ng nasabi ko, kahit napapansin ko na si Haydn nga talaga ang tinutukoy ni Marie, kailangan lagi ng Vintage Spy ang confirmation ni Marie para tuluyang maisara ang kaso. Sa ngayon, si Haydn ang top suspect.


Bukas may test pa, kailangan ko pang magaral. Till here na lang siguro muna dahil tinatamad na rin ako magpost pa.

No comments: