Tuesday, January 27, 2009

Everyone except TRAITORS

"Hindi lahat ng inaakala mo ay tama, minsan nagdadamit ng pagkukunwari ang tama."

This is not about the infiltrator case, this is not about any case. This is about the Vintage Spy itself.

Kagaya ng nabalita kahapon, bumagsak na ng tuluyan ang Vintage Spy. Napagisip isip ni Arsene na kung magpapatalo siya at hahayaang tuluyang bumagsak ang detective agency, mayroong mga siraulong maliligayahan at matutuwa. Dahil dito, sa tulong ng ilan sa kanyang mga ally, muli nyang itinatag ang Vintage Spy Investigation.

It will never fail. Parang sa Captain Nguso, Namatay man, nagbalik ito at magcoconquer.

Tama na, baka mawasak ko yung keyboard...


The Classroom Case


Umiigting na ang pagalam sa kaso. Alam ni Marie na under surveillance siya. Naisip ng Vintage Spy na bakit pa nya dapat guluhin ang buhay ni Marie. Malalaman din naman nya ito thru silent spying. Dahil dyan, merong ilang proofs na nakuha ang Vintage Spy.

Paulit ulit na dineny ni Haydn ang relasyon nila ni Marie. Ngunit si Marie, sinabi man nya na wala, ayaw na nyang buksan ang topic na ito. So tumahimik na ang Vintage Spy. The night ended with still the "only clue".

Dumating ang kinabukasan, merong something. Nagpadala pala ng pang grupong mensahe si Marie. At ilan lang ang hindi nakatanggap nito. Sa mga suspek ang mga di nakatanggap ay sina Roan, Crisostomo, GI at si Fredo. Nakatanggap naman si Haydn, si Bok. Kanselado na sa mga suspek si Emmanuel. Si Roan, di nakatanggap dahil di na siya aktibo sa kanyang network, meron na siyang bagong network. Si GI ay hindi nakatanggap dahil wala siyang cellphone. Si Fredo ay di nakatanggap dahil smart siya. Tanging si Crisostomo na existing ang di nakatanggap. Ngunit nung bandang gabi, nakatanggap din naman ng mensahe si Crisostomo.

Hindi matibay na ebidensya kung may koneksyon ang di pagkatanggap ng mensahe sa pagiging si Crisostomo ang suspek. Kung susuriin, maaring hindi lamang isinama ni Marie ang pangalan ni Crisostomo sa padadalhan dahil na rin sa di nya alam kung buhay pa ang network nito. Ngunit sa kabilang dako, maaring di nya pinadalhan si Crisostomo dahil umiiwas siya o nahihiya siya dito. Pinakamalaking tsansa pa rin ang suspek kay Haydn. Una dahil na rin sa mga katanungan ni Marie at ilan sa mga pagaalam ni Marie sa paguusap ukol kay Haydn.

Ngayong tanghali, isang impormante ang nagsabi na nagbitiw si Marie ng pangungusap na, "What if di siya nagexist?"

May dalawang pagpapaliwanag ang pangungusap na ito. Sa literal na pahayag, maaring sabihin na di totoo ang "Bigfoot" na tinatawag nila. Isa itong pagdedeny tulad na lamang ng ilang kaso na nahawakan ng Vintage Spy na sinabi na "hindi nageexist." Ayoko magbigay ng kaso dahil may konek ito sa Vintage Spy. Sa isa pang pananaw, kung saan nagkaroon ng representasyon si Marie sa "DI SIYA NAGEXIST", maari itong magturo sa isang suspek. Ang suspek kasing ito ang nagbigay ng ganoong pahayag kamakailan lamang.

Sa ngayon, walang malinaw na suspek. Magulo, maraming malaki ang paa. Pero gaya nga ng sabi ko, ayoko na makaabala ito sa buhay ni Marie.


Saka na uli ako magpopost, gagawa pa ako ng assignment...

No comments: