Ngayong araw na ito...
Wala pa ring humpay ang ilan sa aking mga kaklase sa pagpapatugtog ng "Ang Huling El Bimbo". Tapos normal naman ang lahat sa umaga except sa mga maliliit na changes na nagaganap. Mahirap mag cope up. Especially kapag all the time, ang inisip mo is puro despair and kawalan ng pagasa. Hindi nga naman magkaroon ng pagasa, ang mahirap ay sumobra sa pagasa na kung minsan sa sobrang pagasa na nasa iyo, mahirap nang abutin. Kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Kahit mahirap. Laging ganyan ang script ko sa mga humihingi ng tulong sa problema, sa kung ano ano pa. Ngunit ngayong ako ang may problema, kahit ilang beses ko ito sabihin sa sarili ko, parang napakahirap. Parang napakahirap isipin, i-surpass ng problema kahit sabihin na nating may mga kasama ka. Hindi madali. Siguro sa ngayon, hindi ko alam ang iaadvice ko sa sarili ko...
"My friends keep telling me, that if you really love her, you've got to set her free."
Kung susuriin, siguro normal ang lahat. Walang pagbabago. Ako pa rin yung taong nakilala nila na masayahin, maingay at madaldal. Pero deep inside, and siguro nakikita naman ng iba sa mata ko na hindi yun ang nasa isip ko ngayon. Hindi joke, hindi kaligayahan ang iniisip ko. Lingid sa kaalaman ng lahat, lingid sa tingin ng marami, everytime na nagiisa ako, I always think of that involuntary. Ayoko na. Pero lagi akong dinadalaw sa aking pagiisa. Tila isang multo na ayaw umalis at patuloy sa pagpaparamdam na lalo kong ikinalulungkot. Doble, triple at libong beses na pagbagsak.
"I don't want to remember, the things we use to do, all the things that reminds me of you."
Hindi ganun kadali makalimot, especially if that person means a lot to you. Tapos halos araw-araw meron kang natatanggap na balita. Tulad ngayong gabi, meron nanaman akong natanggap na balita, tapos talo nanaman. Di ko na alam. Alam mo yung tipong dito na nga lang umikot ang lahat, ito ang dahilan ng lahat at dito mo ibinuhos ang lahat tapos yung lahat na binigay mo, pinasa sa iba. Tsk, tsk, tsk.
"Hanggang kailan magdurusa makita ka sa piling niya hanggang kailan pagmamasdan ika'y masaktan; sana ay nalalaman mo na may nagmamahal sa 'yo heto lang ako."
Siguro, kahit sabihin kong isasara ko na ang kabanata na ito ng buhay ko, kahit siguro sabihin ko na tatapusin ko na ang nobelang ito at gagawa muli ng panibagong nobela, alam ko na matatagalan o mahihirapan akong lagyan ng katagang "Wakas" ang dulo ng libro at mahihirapan gumawa muli ng panibagong nobela. Isang masayang panimula at malungkot na katapusan ang nangyari sa aking nobela. Alam ko sa sarili ko, at siguro alam rin ng iba, na sarado na talaga. Wala nang pagasa ang isang katulad ko. Makahanap ka man muli, baka mawala pa. Wag ka na lang maghanap at maghintay sa kung ano ang darating. Kung wala mang dumating, siguro iyon talaga ang nakalaan para sa akin at iyon ang nararapat para sa akin.
"Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo, pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko."
Kahit sabihin kong tapos na, wala na, tama na, sa tuwing naririnig ko ang katotohanan, sa tuwing nakikita ko ang nangyayari, sa tuwing nasasambit sa akin ang mga kaganapan nitong mga huling araw, tila isang bangungot na kailanman hindi na sisikatan ng umaga. Tahimik lang ako, pero hindi ako tanga. Hindi lang ako masalita at expressive sa kung ano man ang iniisip ko. Naniniwala kasi ako na lahat ng bagay, mayroong tamang panahon. Ngunit bago pa man dumating ang tamang panahon, wala na yung bagay na pinaglaanan mo. Hindi ko naman nais na makuha ang lahat, dahil para sa akin, siya lang ang lahat.
"At kung hindi man dumating sa atin ang panahon, na ako ay mahalin mo rin"
Ang tangi kong dapat gawin ngayon, tanggapin. Iyon na iyon. Nangyari na at magpapatuloy ito, maligaya sila, walang tutol ang iba, sino nga ba ako para sirain ang katiwasayan ng isang pagsasama? Alam ko na darating naman ang panahon na ang mismong pagkakataon na rin ang magpapakita ng katotohanan at hindi ko na kailangang pangunahan ang panahon. Sa pagkakataong panahon ang magpaliwanag ng lahat, maaring wala na ako ngunit ang mahalaga, ay nalaman pa rin ito. Hindi na rin ako makikialam o makikiepal pa pagka't magmumukha akong siraulong naghahabol. Aminin na natin na mahalaga siya, ngunit minsan, kinakailangan mong magpalipad ng kalapati para bigyan itong laya. Maging masaklap man para sa iyo ang kanyang paglisan, ang tangi mo na lang magagawa ay maging maligaya na siya'y masaya sa pagpagaspas ng kanyang mga pakpak at paghahanap ng bagong masisilungan.
"I'll just keep on dreaming till my heartaches ends."
Siguro, kung nais kong buksan muli ang aking natapos na nobela, sasariwain ko na lamang ang masasayang tagpo dito. Ang mga tagpo kung saan lubos ang aking kaligayahan, mga pagkakataong nagkakaroon ng komunikasyon ang dalawang tauhan, mga pangyayaring hindi ko pinakita ang kaligayahan ng lead character sa taong sinisinta nya. Iyon na lamang ang paraan upang maibsan ang aking kalungkutan. Magkagayunman, alam ko na sa tuwing babalikan ko ang masasayang alaala ng aking nobela, isang pagsisisi din ang madarama ko. Ngunit sabi nga nila, "Kung hindi uukol, hindi bubukol" at kahit siguro na ginamit ko ang oportunidad at pagkakataon, maaring matapos ng maaga ang nobela ko. Masaklap man ang kinahinatnan ng nobela, kung babalikan naman ang mga naunang kabanata, maaalala ang lahat ng kaligayahan na nakapaloob dito.
"Kung sakaling, iwanan ka nya, wag kang magalala, may nagmamahal sayo, nandito ako."
Hindi pang habang buhay na nandito ako. Darating at darating ang panahon matatapos ang taon, matatapos ang susunod na taon at magkakaroon tayo ng kanya kanyang patutunguhang daan base sa ating mga pangarap. Pero tulad ng dati, kung sakaling naging malupit sa iyo ang tadhana, wag mo lang kalimutan na mayroong taong nakatayo at nagmamasid sa iyo. Laging nandyan sakaling kailanganin mo. Wala man ako ng kahambugan at lakas ng loob tulad ng iba, meron akong pagtitiis, paghihintay at pagninilay nilay na kakaunti lang ang mayroon.
Siguro nga, "Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw, sa panaginip na lang pala kita maisasayaw."
Wednesday, January 28, 2009
Sa Panaginip na lang pala kita maisasayaw
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 6:58 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment