Wala akong maisip na magandang titulo para sa aking post kaya ang oras na lang ang inilagay ko. Bago ko simulan ang aking post, nais kong sariwain ang quotations ng newly elected president ng America at ang presidente na ngayon, si Barack Obama...
"Yes we can"
Pero paano kung itapat natin ang sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere,
"Ang yumuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon."
What if ganito ang pangyayari...
Meron kang goal. Pero alam mo this time na yung goal na yun is unattainable na. Possible mo siya makuha pero mga 10% lang ang possibility. Would you risk?
Anyways, bago ko ituloy ang post na yan, cases muna tayo...
The Classroom Case
Zero visibility this moment si Emmanuel. Pero mataas ang visibility ni Haydn within kay Marie. Si Roan naman, wala rin. At maging ang ibang suspect...
Isa sa mga suspect, si Bok ang nagbigay ng kanyang testamento ukol dito. Sinabi nya na may malaking tsansa na si Haydn ang tinutukoy ni Marie. Meron kasi siyang binitawan na clue pero para sa benepisyo ng mga taong kasangkot, hindi ko na ibibigay ang clue. Palagi rin nakikita na magkatabi sina Marie at Haydn. Hindi natin alam.
The Case of the Unanswered Question
Merong 2nd chance si Vladimir. And not just second chance, but the whole chance to do so. Nabigyan ng malaking break of the game si Vladimir so he won. And dahil dyan,
CASE CLOSED
Hindi na natin aalamin pa ang panig ni Celia. The testimonies, facts and observations, including the proofs are real.
Paano naisara? Ilang transmitters ng Vintage Spy ang nagshutdown ngunit marami raming transmitters ang ipinatayo ng Vintage Spy para mas makasagap pa ng signal sa ilang pangyayari. Mayroong 2-3 transmitters ang nagpadala ng signal na mayroong namamagitan kanila Celia at Vladimir. Whatever it is, yun ang malabo. Pero meron so case closed.
Dafoe Case
Wala na. Meron man tayong ibang ideya, o impormasyon na nasagap, hindi natin masasabi na si Dafoe ito. Maaring siya si Dafoe pero di natin alam kung siya nga, Dahil dyan, ipapadala na ang Dafoe Case sa...
COLD CASES
Possibly, walang leads kung sino si Dafoe. Sinasabi man nila na ito ay si Roman (codename ng isang suspect), hindi natin masasabi na siya ang hinintay ni Maria. So kung sino man yun, imposible pa tayo makakuha ng leads. Kaya naisip ng Vintage Spy na ilagay na lang sa cold cases ang kaso dahil wala nang leads. Mabubuksan lang ito if ever may matibay na lead. This time, wala na kayong maririnig about this case. Maisasara itong UNCLOSED FILE.
"She loved me, sometimes I loved her too.
How could one not have loved her great still eyes.
Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her."
-Excerpts for "Tonight I can Write" by Pablo Neruda
Madamdamin ang poem na ito. To see the whole poem, click this link. Una, memorable siya dahil siya ang ginamit kong pyesa sa pagsali sa Mr. PUP. Ikalawa, lagi itong pinapabasa sa akin at ikatlo, this time, unknowingly, nagapply siya sa akin. Especially these verses.
Sabi nga nila, hindi mo kayang hawakan ang tubig. Hindi mo kayang harangan ang daloy ng tubig. Parang yung isang kwentong nabasa ko, mayroong bata, pilit nyang hinaharangan yung daloy ng ilog. Nagpatong patong siya ng bato, binubuhat nya, nagpapakahirap siya. Pero kahit anong hirap nya, humahanap at humahanap pa rin ng butas ang tubig na pagdadaluyan nya. Naghahanap ito ng daanan. Ganun din ang buhay. Hindi mo kayang pigilin kung ano man ang agos.
Sa buhay, marami akong pinagsisihan. Especially last year. Meron kasing mga desisyon na masyado akong naging impulsive. Without thinking the possible consequences. Marami ang nawala, marami ang nadagdag. Pero paano kung ang nawala sa iyo ay iyong bagay na mahalaga sayo?
We cannot escape the fact na lahat tayo natatalo. Darating at darating sa buhay yan. Hindi lahat ng bagay, masaya. Hindi lahat, panalo. May talo yan. This time, it's my time.
Pero mas maigi na rin na nalaman mo ang katotohanan kaysa mabuhay ka sa kasinungalingan. May mga bagay na hindi mo matanggap pero iyon ang katotohanan. Para sa akin, hindi na kailangang bihisan ng pagkukunwari ang katotohanan. Wala tayong magagawa. Iyon ang katotohanan.
Mahirap intindihin. Pero siguro, it's time to give up. Hindi lahat ng bagay ipinaglalaban. May mga mandirigma tayo na hindi nanalo dahil laban lang ng laban. They never know how to accept defeat.
Though inaccept ko ang defeat ko, it is not the end for everything. Buhay pa ako, marami pa akong magagawang productive para sa akin at sa bayan ko. May bukas pa. Meron pang susunod na araw. Andyan ka pa, andyan pa siya, andyan pa ako. Mayroon pa akong kamao.
Wednesday, January 21, 2009
seven fifty-four
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:22 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment