Nagkaroon ng Case Holiday within these weeks. Una dahil sa papalapit na exams at ikalawa ay dahil sa ilang mga circumstances na unexplainable. Pero dahil tapos na ang case holiday, back to work muna tayo.
Bago ang lahat, nais ko munang i-reopen ang isang case. As far as I remembered, ang kasong ito ay hindi naipublish na naisara pero naisara ito officially ng Vintage Spy after gathering some information about the people involved in this case. Therefore, we call this,
THE CASE OF THE UNANSWERED QUESTION: REOPENED
To give a brief background kung paano naisara ang kaso, here it is...
It has come to an end na talaga. The Vintage Spy saw the process kung paano natapos ang pagtatyaga ni Vladimir. Celia finished it. She gave her last words and it was officially done. Natulog ng ilang buwan ang kaso. Dahil nga sarado na, hindi na binigyang pansin. Ngunit, as I was having the Case Holiday, I observed something. May "something" pa rin between kay Celia at kay Vladimir.
If it was second chance for Vladimir, hindi natin alam. Pero base sa mga nakikita at noobserbahan ng ilang spies, it shows that Vladimir is having his second chance on Celia. Gaya nga ng sabi ko dati, MALABO. Pero ang malabo kapag pinunasan, lumilinaw. Ilang proofs kasi ang naglitawan especially nung examination week.
As for now, hindi ko pa isasara ang kaso. If ever nga na nagkaroon si Vladimir ng second chance, that is what we are going to find out.
Actually hindi ko alam kung pwedeng pagisahin ko nalang ang kasong ito. Ngunit naisip ko na magkaibang individuality ang mga ito so gawin nating magkaiba. This case should be entitled,
The Classroom Case
Bakit classroom? Ganito kasi yan. Halimbawa sa isang bansa. Kung ang pangulo ng bansa ay mayroong kasong kinasasangkutan, hindi lang pangalan nya ang nasasangkot sa case kundi pati pangalan ng buong bansa. Anyways, ang tinutukoy ko na mairerelate sa case na ito ay ang The Foreigner Case
Ang Foreigner Case ay hindi pa naisasara. The case doesn't end there. Yung kanilang pagtitinginan, yung kanilang ngitian, mga usapan at kung ano ano pa, I know, may something. That's why this new case is formulated. Di ko alam kung halata ba talaga pero talagang nakikita ni Arsene. At kahit anong gawin nyang pagiwas, nakikita nya pa rin.
Pero we will not stick to ROAN being the primary suspect. Ganito kasi muna ang scenario...
Sa classroom, habang si Arsene ay nagaaral ng ilang mga cases nya para ipasa sa headquarters ng Vintage Spy, mayroon siyang nasabat na usapan. Lantad kasi ang usapan kung kaya't narinig nya kaagad. Isang tao, na itatago natin sa pangalang Fredo ang nagsabi na mayroong sinisinta si Marie sa paaralan. Hinuhulaan din ni Fredo kung sino ito ngunit kahit sino ang banggitin ni Fredo, dinedeny ni Marie. Meron din umextra pa na tao na itatago sa pangalang Bok, ang nagbabalak din hulaan kung sino ito. Ayaw din umamin ni Marie at ginagamit ang quote ni Florendo na "Whathhhever".
Bakit ko naisip na nasa loob lang ng classroom ang suspect? Una, hindi pagbabalakan, hulaan ni Fredo iyon kung sa buong paaralan ang pinapahula ni Marie. May malaking posibilidad na nasa loob ito mismo ng silid-aralan dahil sa ipinaglalakasan pa ito ni Fredo. Ikalawa, though meron ding probability na magkagusto si Marie sa taga labas ng silid aralan, hindi pa rin supisyente ang ilan sa mga napaghahalataan ni Arsene. Walang nahahalata si Arsene na kilos ni Marie sa labas ng silid aralan.
Sino-sino ang mga suspek?
1. Roan - sabi ko nga, mairerelate ang kasong ito sa Foreigner case. Parang meron silang pagkakaintindihan more than friends. Though walang istorya na lumalabas na may gusto si Roan kay Marie, pero dahil siguro sa ganitong pagkakaintindihan kaya posibleng magkagusto si Marie kay Roan.
2. Emmanuel - Hindi taga classroom. Walang konek sa buhay ninuman. Di naman siya nobody pero meron silang iisang organisasyon na sinalihan ni Marie. Meron din silang past ngunit kapag tinatanong si Marie ukol dito, dinedeny nya. Whatever the reason is, technologically speaking, meron pa rin nakikitang traces na may gusto pa rin si Marie kay Emmanuel.
3. Cris - Short for Crisostomo. Dahil tapos na ang reign ni Edward at Noli naman ang usapin ngayon, bakit hindi natin isama si Cris. Maaring may possibility din na si Cris dahil nung tinanong ni Fredo kay Marie kung si Cris, hindi agad sumagot si Marie at ngumiti lamang ito at kinailangan pang ulitin ni Fredo ang katanungan para sumagot muli si Marie ng "Sino pa." Ganyan kasi ang kadalasan ginagawa ng mga nagdedeny, nahihirapan magisip kung magdedeny o aamin na lang.
4. GI - sundalo siya. Di lang siya Amerikano so hindi siya Joe. Codename nya ang GI. Si GI, kung si Roan ay nakakatanggap ng 50% ng atensyon ni Marie, si GI ay nakakatanggap ng 20% nito dahil kaibigan ni Marie ang kalaguyo ni GI.
5. Fredo - Paano kung ayaw lang talaga umamin ni Marie na si Fredo nga?
6. Haydn - Hindi ito yung nobyo ni Belo. Codename lang itong Haydn. Posible rin na si Haydn dahil isa ito sa kanyang closest friend na lalaki sa loob ng paaralan.
7. Bok - Sabi kasi ni Bok, pwede naman isama ang sarili nya. Why not?
Kung mapapansin, napakarami pa ng possible suspects. Mahirap mag decide. tahimik si Marie ukol dito. But of course, Arsene will feed on hosts. For sure, merong madudulas dyan at maisasara ang kasong ito.
As for the Foreigner Case, it remains, unclosed.
Dafoe Case
Hindi pa nahuhuli ng batas si Dafoe. Wala na rin akong idea kung sa paanong paraan ko pa malalaman kung sino si Dafoe.
Enough of cases. Mahirap ang exams. Sobra. Pero wala ka nang magagawa dahil kailangan mong sagutan kung ano man ang inihain sa iyo. Whatever it is, we have to continue it. Anyways, magsisimula ang pagiging hagardo, bukas.
Gusto ko sana mag story-telling pero may pupuntahan pa ako. Another opportunity was lost but a sign was taken in advance.
Happy Birthday nga pala kay Master Bule.
Friday, January 16, 2009
Cases REOPENED
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 11:19 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment