Sa blogger ako ngayon nagtatype ng post. Firstly kasi matagal tagal ko nang di ito ginamit since nagkaroon ako ng multiply site. So I decided to make my post in here today...
January 19, 2008
Maraming ibang ibang istorya akong nasilayan ngayong araw na ito. Masaya, malungkot, madrama, at kung ano ano pa. Sisimulan natin sa isang shocking story.
Umaga. Di pa ako nakakaalis, I feel something weird is going to happen. Pero dahil hindi ko pwede i-relate or isalaysay ang tunay na kaganapan, narito ang istorya na maaring pagnilaynilayan.
There was a war between the North and South Korea. Dahil ito sa paghahati ng border. Tila walang mananalo sa laban at magtatabla ito. Dahil dito, naisip muna nila magkaroon ng cease fire upang hindi masayang ang kanilang mga weapons pa at magkaroon ng panandaliang kapayapaan for 2 mos to give way para sa New Year. But North Korea was very insistent. Gusto nila mahati na ang border kaya nagsimula uli sila magbagsak ng missile sa Seoul. After ilang days, di na uli nagpadala ng troops or nagbagsak ng bomba ang North sa South Korea. Pero siyempre kahit di gumanti ang South Korea, nagiisip sila na gantihan din ang North. Merong 4 na sundalo mula sa 6th Infantry Division ang napadaan sa ilang North Korean soldiers. Hindi sila nakilala ng North Korean soldiers kaya nakalagpas sila at nakabalik sa base. pagkabalik nila ng base, kwinento nila sa kanilang commander na sila ay pinahirapan at inalipusta ng North Korean soldiers. Nagalit ang commander at nagpadala ng isang batalyon upang lusubin ang North Korean soldiers. As the war was going on, napagalaman ito nung 4 na sundalo na nagkwento sa commander at sinabi sa commander na joke lang ang lahat. Hindi naman talaga sila pinahirapan or whatsoever. Kumbaga nag joke lang sila. Pero huli na ang lahat, nakapagpadala na ng batalyon sa digmaan. Marami na ang nagbuwis ng buhay.
Good thing merong isang nagisip mula pa rin sa 6th Infantry Division na magretreat na. Isuko na muna at saka na lang ipagpatuloy ang laban pag muling umatake ang North Korea. Kahit may damage na nangyari, umatras ang South Korean soldiers at bumalik sa base. Sa ngayon, hindi pa naman umaatake muli ang North Korean soldiers. Pero darating at darating ang panahon na yung joke na iyon ay magkakatotoo.
So ayan, yung di makaintindi, just enjoy the story...
Ito naman ay love story...
Habang naglalakad si Grace, nakapulot siya ng isang diary, and naisip nya ito basahin. Ito ang nilalaman ng diary...
It all started this time... It all started as an acquaintance. Hindi kita kilala noon, this time lang talaga. I just can't tell it. Pero di ko kasi alam eh.
"I can see it in your eyes, I can feel it in your smile."
I appreciate it very much whenever you appreciate me. Pero siyempre, we all have our seperate ways. Nauna kang makakuha ng seperate way. Luckliy, bumalik ka sa mismong base point. Pero how can I?
Akala ko kasi, maari lang madaan lahat sa panlilinlang. Pero nagkamali ako. Ang ginamit ko na panglinlang, ay siyang kinahulugan ko ngayon. Wala na ako masabi. Pero sana, lagi akong makatingin sa iyong mapupungay na mata.
Awts. How sad is this story. Anyways, kwentuhang kaganapan naman tayo.
Ayun nga, shocking morning. Second, yung shocking tests. Third, shocking faces (for example, a stallion) and etcetera. Meron ding Group Interviews etc. Tapos uwian. Tapos case update dahil uwian.
The Classroom Case
This time, it really happened in the classroom. Gawin nating parang scriptwriting ang format.
Scene 1: sa isang maingay, magulo at maduming classroom, dalawang tao ang naguusap ng matahimik. Isang instructor, nasa late 20's, nakaupo sa teacher's chair, nakasandal ang kamay sa teacher's table. Ang isa, si Marie, nasa edad 15 nakaupo sa armchair, nasa tabi ng teacher's table at tahimik na nakikipagusap sa guro.
Dahil nga kahit nakatayo lang ako eh marami akong nasasagap, nasagap ko ang paguusap. It's all about one of our possible suspects, the outsider, Emmanuel. It's about inspiration something. Dahil nga sa ang nasaad na instructor ay alam ang sikreto ng kanyang mga tinuturuan, malamang ay nalaman din nya ang past nila ni Marie. Ito lang yung twist. Nung pauwi, luckily, kasabay si Marie at ang isang suspect, si Roan which happens to be part ng Foreigner Case. Meron pang ibang part ng classroom case na sina Crisostomo, Haydn at Bok. Parang nagninilay nilay si Marie. Possibly, effect ito ng paguusap nila ng nasabing instructor kanina ukol kay Emmanuel. Tapos medyo emotional din during that time si Roan. Tahimik lang. Parang may something...
As of now, di ko guguluhin ang kanilang solitude. Pero nagtatype pa rin ako sa blog ko.
Bukas, start of new days, start of another set of shocking tests. Goodluck.
P.S. Nasa links ko na ang blog ng isa kong kaibigan na si Dan Figueroa also known as Eagleman, Lao Tzu, Lu xiu zhang, Lee Kong King, Chinese Mafia, *Toot* *toot*, may gusto kay *tooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot* hehe... Haba... Maraming issues and etc. Isa pa, sa mga Koreans out there, fictional po ang story. The story is fictional.
Tuesday, January 20, 2009
It's in her eyes
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 12:01 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment