Friday, January 9, 2009

We shall fight till the end!

"What you see may not be what he sees." -D.S. Clarin

Story time!!!

Isang araw, si Luigi, isang adventurer ay naglalakad sa isang unknown path. For others it may seem unknown pero for him, alam na nya ang tungkol sa lugar na ito. For almost 1 year, pinagaralan nya ang daan na ito. Isang daan na sinasabing maglelead sa isang hidden gold. Ang gold na ito ay makukuha thru 3 different ways. It's either you go by air or by land using 2 different paths. Kapag nag by air ka, walang obstacles pero wala ka namang paglalandingan. Unless naka jetpack ka or parachute at eksakto kang makakarating sa site. Pagka't kung hindi, hindi makikita ng kahit anong detector ang site. Wala nang coordinates and area at hindi na ito mabasa ng GPS. Kung by land naman, merong Short Cut at ang Death Path. Sa short cut, madali ka lang makakapunta pero di mo alam kung makakaabot ka pa sa dulo. Iba iba kasing deadly insects ang namamahay dito at hindi mo mauubos. Sa Death path, walang nageexist na ganun. Ngunit mahaba-haba ang lakbayin. Marami rin iba ibang obstacles na probably di mo alam. Iyon ang pinagaralan ni Luigi.

Wala pa ni isang tao ang nakarating sa site dahil lahat nabibigo. Pinili ni Luigi ang death path. Kahit mahaba, kahit matagal, konting tiis lang. At least sigurado ka.

Isang araw, napagisip na nyang bumyahe. Habang naglalakad siya sa death path, merong ilang obstacles ang dumating ngunit dahil nga napagaralan na nya ang area, siyempre expected na nya ang mga magaganap. Pero there is this one thing na hindi nya napagaralan. Merong nageexist na canibal sa paligid ng gubat at sa daanan ng death path. Sa dami ng nawala, inakala nilang dahil ito sa obstacles ngunit hindi lahat ay tama. Ilang kadahilanan din ay dahil sa pagpatay ng canibal sa mga adventurer na babyahe. Ilang araw nang naglalakad si Luigi. Maganda ang takbo ng adventure nya. Safe. Expected nya kasi lahat ng magaganap kaya victorious siya.

Kinaumagahan, nagsimula nanaman siyang maglakad. Maya maya biglang may sumunggab sa kanya at sinaksak siya sa likod. Nagulat siya at napaharap. Ang canibal ang umatake sa kanya. Pinilit nyang humulagpos pero ilang saksak ang inabot nya sa canibal. Matagal tagal ding labanan ang naganap at habang inaatake siya ng canibal ay nauubusan na siya ng lakas. Sa huli, nakuha siya ng canibal.

Alam nyang hindi na nya mararating ang gold. Alam nyang di na siya makakabalik sa bahay nya, makakatulog muli ng masaya at pupunta sa bagong adventure. Sigurado, patay na siya ngayong araw ding ito. Walang sinasanto ang canibal. Hinihintay na lang maubos ang stock ng karne bago siya katayin. Nanghihinayang siya sa halos isang taong paghahanda. Isang taong pagsasaliksik pagka't lahat ng ito'y nawala ng dahil sa isang di nya napagaralang bagay. Lahat ay nasayang dahil sa isang recklessnes. Pero huli na ang lahat. Wala na ang pot of gold. Wala na lahat ng paghahanda. Sira na ang plano. Patay na siya mamaya...


Meron pang isa pang istorya...


Sa isang malayong lugar, mayroong napakagaling na pintor ang nagpinta ng painting na tinatawag na Viaje. Isang araw, nagkasakit ang pintor at kailangang kailangan nya ng pambili ng gamot. Naisip ng may ari ng bahay na bilhin sa kanya ang Viaje sa mababang halaga. Dahil sa kailangang kailangan ng pera ng pintor, wala siyang magawa kundi ibenta ang kanyang obra maestra. Dinugas pa siya ng may ari dahil binawasan pa ang pera. Hindi siya nakalaban dahil mahina na siya. Nang bumalik ang bumili ng gamot, patay na ang pintor. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang Viaje ay kanyang isinumpa. Ang sumpa nya ay: Sinuman ang pumuri at magandahan sa kanyang ginawa ay magkakaroon ng malubhang karamdaman. At walang sinuman ang pwedeng mag may ari ng Viaje dahil sinuman ang magmayari ay mamamatay. Kinagabihan nasunog ang bahay.

Ilang taon din ang nakalipas at meron nang mangilan ngilan ang nakadiskubre sa sumpa. Marami ang nagkasakit at marami rin ang namatay. Ang iba'y namatay sa sakit. Isang mayamang haciendero, si Juan Crisostomo ang dumalaw sa museo isang araw. Kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan at kaibigan. Habang ang tour guide ay tinuturo sa kanila ang mga iba't ibang paintings, humiwalay ang 1 tauhan ni Juan at isa nyang kaibigan. Mayroon silang nakitang painting na naka tago sa isang kwarto na hindi nadadaanan ng tao. Vault talaga ang kwarto ngunit nakalimutan itong bukas. Pumasok ang dalawa sa loob. Ang painting ay natatakpan ng isang malaking puting tela. Nang hatakin ni Francisco ( kaibigan ni Juan), nabighani agad ang tauhan na si Verdolagas (tauhan ni Juan). Sadyang maganda ang painting ng Viaje. Agad inatake sa puso si Verdolagas at nilagnat si Francisco kinagabihan. Napipi si Francisco dahil sa lagnat at nagkastroke si Verdolagas. Pareho silang hindi makapagsalita.

Dahil sa naganap, natakot ang mga tao maging si Juan Crisostomo. Isang araw, inimbatahan sa isang kasal si Juan Crisostomo ng kanyang kaibigan na si Jaime. Kapansin pansin sa entablado ang isang mataas na bagay na natatakpan ng puting tela. Natapos na ang kasiyahan ngunit hindi pa rin binubuksan ang tela. Lumapit si Juan kay Jaime.
"Ano yan?" tanong ni Juan sabay turo sa bagay
"Gusto mo malaman?" tanong ni Jaime
"Oo naman."
Binuksan ni Jaime ang tela. Tumambad ang painting ng Viaje. Walang nasabi si Juan kundi pagkamangha.
'Ang ganda." sabi ni Juan
"Hindi." sabi ni Jaime
Walang ideya si Juan na nakatingin na siya sa isinumpang painting. Hindi siya natigil kakapuri at hindi rin siya pinigilan ni Jaime. Umuwi si Juan.

Makalipas ang ilang oras, habang nasa bahay si Juan ay nilagnat din siya ng napakataas na nagdahilan sa kanyang pagkabulag. Nabulag si Juan na ikinasaya ni Jaime. Nabawasan ang kanyang kalaban sa negosyo. Lubos ang kasiyahan nya at wala nang magawa si Juan.



Anyways

Practical test sa P.E. Though we cannot fight, we shall fight. Ayun tapos na. Bahala na kayo alamin ang resulta.

Tapos marami pang etc sa mundo... Alam mo yun? Bahala na.

No comments: