Stabbed in the back. Balik 1st year at 2nd year.
Ayoko nang ibalik ang kwento dahil naitype ko na ito sa blog ko ng maraming beses. Pero this time, history repeats itself but in a different event. Dahil dyan, merong bagong case na nagawa ang Vintage Spy...
The Infiltrator Case
Si Infiltrator, isang traydor. Ganito ang kwento.
Ang Vintage Spy Investigation Office ay nageempleyo ng mahigit kumulang 84 katao. Hindi lahat sa mga tao dito na nagtatrabaho ay alam ang kanilang tunay na pinagseserbisyuhan. Ang iba dito ay nagsisilbing tipster, tagapagpanatili ng transmitters at iba pa. Sa ibang kaso ng Vintage Spy, may mga ilan sa mga tao ang kinukuha sa labas. May mga kaso rin na mayroong maraming pinagkakatiwalaan at hindi lamang ang Vintage Spy at ang pinakamagaling na agent na si Arsene ang nagtatrabaho.
Sa isang case ng Vintage Spy (dahil sa confidentiality, hindi natin ilalabas ang pangalan ng kaso), mayroong 7 tao ang nakakaalam ukol sa kaso kasama mismo si Arsene. Itong mga taong ito ay naisama sa kaso dahil na rin sa isang pagkakamali ng operator ng Vintage Spy at napagalaman ng mga ito. Pinangako naman nila na hindi sila magsasalita ukol dito at walang lalabas. Ngunit ang joke time ay di talaga mapigil. Nagkakaroon ng ideya ang ilang sibilyan ukol sa kaso. Nahirapan ang Vintage Spy i-conceal ang kaso. Ngunit maari siyang magdeny dahil wala naman sa mga sibilyan ang proofs at nasa kamay ito ng Vintage Spy at ng 7 tao.
Ngunit sa isang kasiyahan, may nalaman si Arsene. Si Mayor Ibarrack, isang alkalde sa isang maliit na bayan sa Timog Katagalugan ang nakaalam ukol sa kaso. Meron din siyang hawak na proof kung saan ay hawak lamang ng 7 tao. Si Mayor Ibarrack ay kilala bilang madaldal na tao. Wala siyang sinasantong sikreto. Lahat lumalabas. Dahil dyan, kinabahan si Arsene at maaring ikabagsak ng buong Vintage Spy INvestigation.
Naisip ni Arsene isipin ang mga posibleng suspek sa kaso. Mga pangyayari at mga pagkakataong na naganap para malaman at mapasakamay ni Mayro Ibarrack ang proof. Ang 7 tao ay awtomatikong suspek na. Itatago natin ang pangalan ng pitong tao para sa kanilang proteksyon.
Unang naging suspek, si "Tinyente". Si Tinyente ang orihinal na pinanggalingan ng proof. Siya ang unang napadalhan ng operator ng proof kaya nya nalaman ang kaso. Siya rin ang nagpadala sa ibang tao na kaya nagkaroon ng 2 pang kopya ang proofs na nalaman ng 2 tao at nabasa pa ng 2 tao muli. Ngunit, mayroong hidwaang nagaganap sa pagitan ng Tinyente at ng alkalde dahil na rin sa sobrang kadaldalan at sobrang mapanakit na pananalita ng alkalde kaya medyo imposible na siya ang magbigay ng proof sa alkalde.
Ikalawang suspek, si "Tony". Magkasama sa trabaho sina Arsene, Tony, at ang tinyente. Ngunit di nila alam ang ginagawa ni Arsene. Nalaman na lamang nila ito ng malaman nila ang tungkol sa kaso. Medyo may kaimposiblihan din si Tony dahil meron ngang hidwaan sa pagitan ng alkalde at sa kanilang 3 at isa pa, di sila close.
Ikatlong suspek, si "Bajo". Si Bajo, ang unang nakahula ng password para tuluyang mabuksan ang kasong ipinadala at malaman ang nilalaman. Sinabi rin nya kasi sa ibang mga tao ang password na kanyang nalaman. Ngunit imposibleng gawin din ito ni Bajo dahil wala rin silang koneksyon sa alkalde, isa lamang siyang hamak na sibilyan.
Ikaapat na suspek, si "Aparri". May alam siya ngunit di na siya gaano nakikialam pa sa kaso. Wala rin siyang hawak na proof at meron din siyang hinanakit sa alkalde dahil isa siya sa biktima nito ng mapangalipustang pananalita ng alkalde. malayong si Aparri.
Ikalimang suspek, si "Sentimo". Wala siyang pakialam talaga. Hindi nangaasar o ano pa man. Wala siyang orihinal na kopya ng proof ngunit nabasa nya ito at alam nya ang password ngunit malaking kaimposiblehan din na si Sentimo dahil wala siyang koneksyon sa mga matataas na uri ng tao gaya ng alkalde.
Panghuling suspek, si "Coleman". Siya ang pinakamalapit maliban kay Tinyente. Pero dahil nga kinansela na natin si Tinyente, siya na lang ang suspek na natitira. Ito ang mga batayan kung bakit si Coleman ang posibleng INFILTRATOR.
> siya ang pinakamalapit na tao sa alkalde. Magkaibigan sila ng alkalde mula pagkabata at hindi na mawawala iyon. Napansin din iyon dati sa pananalita ni Coleman at pananalita ng alkalde.
> siya ang pinakaposibleng magkwento. Wala nang ibang nakakaalam ng kaso at may hawak ng pruweba. Isa si Coleman sa mga may hawak ng pruweba. Kung sakaling galing ito sa labas, walang mababanggit na pruweba ang alkalde.
Sa mga patunay na ito. Mayroong 98% na posibilidad na siya ang nagbigay ng proof at impormasyon sa alkalde. Posible siya ang infiltrator ng Vintage Spy. Maaring hindi nga siya pumasok o naisama sa 7 tao bilang infiltrator ngunit ininfiltrate pa rin nya ang intelligence division ng Vintage Spy at ipinagsabi ito. Dahil dyan, ang infiltrator ay isang, Spy's Enemy na at pababagsakin ng patalikod.
Infiltrator, whoever you are, kung ikaw man si Coleman, or whoever, you are being watched. You have 3 days to surrender yourself or you will subjected to legal actions. Si INFILTRATOR ay isang kaaway. Ngunit sa ngayon, hindi muna natin isasara ang kaso. Magbibigay tayo ng 3 araw bago ito isara. Kung sino ka man infiltrator, your end is near.
P.S. If ever na maisara ang kaso at malaman kung sino si Infiltrator, hindi ito ipapaalam sa kanya dahil siya ay pababagsakin sa di nya alam na pagkakataon at di nya alam na panahon.
The Classroom Case
This day, maraming napansing kakaiba si Arsene...
Medyo tama ang mga obserbasyon ni Bok at ni Arsene nitong mga nakaraang araw. Si Haydn ay malapit kay Marie at hindi ko alam kung si Haydn ang tinutukoy ni Marie. Hindi na natin gagawan ng kaso ang pagiging malapit ni Haydn dahil sa man's point of view, alam na natin na medyo sinusuyo nya si Marie.
The Foreigner Case
Tigil muna tayo sa pagtitinginan nila Marie at Roan. Medyo nalilink kasi si Roan ngayon sa ibang tao. well, let's call her Nikki. Si Nikki at si Roan ay parehong maaga. Wala lang kaming magawa kaya napapansin namin ang kanilang "sweetness"
Hanggang dito na lang muna tayo.
Whoever you are infiltrator, be ready, your enjoyment in your life begins TOMORROW. Hell days begins on January 26 for you, INFILTRATOR.
Anyways, hindi mo rin naman mababasa ang blog site ko dahil hindi ka welcome, pero kung gusto mo basahin, mas maigi, At least in that way, malaman mo na isa kang malaking bigfoot.
Thursday, January 22, 2009
The Infiltrator
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:44 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment