Thursday, January 8, 2009

The Curtain Falls

"The curtain falls but I stood still, not knowing what to do. For I was not ready for the end to come." -D.S. Clarin

Isang napakasikat na philosopher ang nagsabi ng mga katagang ito. Well bago ang lahat, gusto ko muna ikwento yung history ng paglalaban ng 2 states sa Kingdom of Denmark.

Noong 16th Century, hindi pa kingdom ang Denmark at ang mga states ay pagmamayari pa ng State-Kings. Mayroong 3 major states ang Denmark nuon. Dala na rin ng kaunlaran kaya naging tanyag ang mga state na ito. Ito ay ang Funen, Jutland at Bornholm. ang Bornholm, regarded siya as pinakatahimik na state. Parang hindi siya gaanong nakikialam sa mga state wars na nagaganap sa area. Ang sa kanya, mapanatili nyang kanya ang state at mapaunlad nya ito, ayos na sa kanya. Nagkataon lang na meron silang mayayaman na lupa at mapagmiminihang lugar kaya naging tanyag siyang state. Ang Jutland, siya yung tinatawag na "Colonial State". Isa sya sa mga tanyag na state na hawak ng state of Funen. Ang Funen naman, isang state na maliit lang ngunit dahil sa gera at mga digmaang ipinapanalo nila, lumalaki ang sakop nilang kolonya.

Matagal nang pinagbabalakan ng Funen ang sakupin ang Bornholm. Ilang taktika na rin ang ginamit upang masakop ang malaking area ng Bornholm. Ngunit sadyang magaling ang hukbong sandatahan ng Bornholm kaya hindi nila ito mapasok. Idagdag pa dito ang pagtatayo ng wall sa paligid ng state ng Bornholm upang walang makapasok na infiltrators. Hindi rin basta basta nakakapasok ang isang tao sa Bornholm kung hindi siya taga rito. Naisip ng Funen na pakilusin ang lahat ng nasakop nyang kolonya kasama ang Jutland ngunit bigo pa rin ang ginawa nilang digmaan. Naisip ng Funen na mahihirapan at matatagalan sila sa pagsakop sa Bornholm. Isa pa, mauubos lang ang pera nila kakapadala ng mga tauhan para sa digmaan. Tinigil muna nila ang digmaan ngunit nagpaplano sila ng posibleng paraan para mapabagsak ang Bornholm.

Ang Bornholm naman, on the other hand, sa halos 1 taon ng pakikidigma ng Funen ay nagdagdag ng tao para sa hukbong sandatahan nila. Ngunit dahil nga nagpahinga ang Funen ng halos ilang buwan at walang ginawang hakbang para mapabagsak ang Bornholm, naisip nila na baka natakot na ang Funen na sakupin pa sila. Hindi man sila naging maluwag sa pagbabantay, binawasan nila ito at ibinaba ang alert level hanggang maging normal ito. Tila pasuko na ang mga wisemen ng Jutland para magisip ng magandang taktika para pabagsakin ang Bornholm pero pinilit pa rin sila ng Funen para magtrabaho. Wala silang magawa pagkat kolonya lamang sila.

Nawala ang init ng digmaan ng Funen at Bornholm. Ang Bornholm panatag ngunit ang Funen hindi. Nagiisip sila ng paraan at depensa sakaling gumanti ang Bornholm. Isang araw, isang convoy ng mga karuwahe ang tumigil sa tapat ng gate ng walled area ng Bornholm. Walang mga papeles ang mga karuwahe at wala ring taga Bornholm dito. Sinabi nila na meron silang ihahatid na regalo mula sa state ng Lolland (colony din siya ng Funen ngunit dahil sa kaliitan ng state na ito, hindi gaano alam noon na nagexist ito and nasakop) sa state king ng Bornholm. Pinuntahan ng ibang gwardya ang palasyo at tinanong ang state king. Sumama ang state king sa may gate. Hindi muna siya nagpakita at ipinatanong sa gwardya ang regalo. Sinabi ng mga tao sa karuwahe na ito'y mga ginto at pilak (ginto at pilak ang simbolo noon ng pagiging mayaman ng isang lugar). Nagulat ang state king at lumabas. Tiningnan nya ang nilalaman at tama nga. Literal na ginto ang nasa loob, mga iba't ibang bato at mamahaling bakal. Naisip ng state king na dadagdag ang kayamanan nya kaya naisip nyang patuluyin ang karuwahe pero dahil maggagabi na, naisip nyang patuluyin sa palasyo at patulugin muna ang mga tao duon habang ang mga karuwahe ay pinabantayan sa mga kawal.

Nung gabi, hindi lang ginto ang nilalaman ng mga karuwahe. Sa ilalim nito ay mga tao. Hindi naman maraming tao ngunit mga kawal mula sa Funen at Jutland. Pinaslang nila ang mga kawal na nagbabantay at dumiretso sa gate upang papasukin pa ang ibang sundalo at hukbo na naghihintay sa kanila sa labas. Pinatay rin ang mga nagbabantay ng walls at lahat ng sundalo ng palasyo. Sa huli, pinatay ang state king at nagtagumpay ang Funen sa pagkatalo ng Bornholm. Tila konsepto pa rin ng "Trojan Horse" ang ginamit.

May ilang kawal pang natira na nagbalak mag rebolusyon ngunit wala na. Pagmamayari na ng Funen ang Bornholm at sila ay pinatay. Ang iba ay sumuko na lamang. Wala ring magawa ang mga tao dahil malulupit ang mga taga Jutland at Funen at pinapatay ang mga taong magaalsa kaya sumunod na lang sila. Kinamkam ng Funen ang lahat ng kayamanan ng Bornholm at dahil nga sa mayaman itong lugar, marami silang nakamkam. Naisip nilang pamahalaanan na ang Bornholm at naglagay ng isang Colonial General sa Bornholm upang mamahala.

Inisip nalang ng mamamayan ng Bornholm na nasa mabuting kamay sila tulad ng nangyari sa Jutland na sakop din ng Funen. Inisip nila na di sila tuluyang babagsak ngunit duda sila dito.

Una, walang ginawa ang Funen kung hindi kuhanan sila ng mga yaman at hindi ito umiikot sa sarili nilang estado kaya naghihirap sila di tulad dati. Ikalawa, nauubos ang tao nila para sa digmaan na ginagawa pa ng Funen at panghuli, walang pakialam ang Funen sa kanila.

Iniisip ng mga taga Bornholm na baka mabura na lamang sila ngunit wala na silang magagawa. Huli na ang lahat dahil kolonya na sila ng Funen.

Actually yun lang talaga ang blog post ko...

Tests na next week... Review, review, review.

Sige, gagawa pa ako ng assignments, etc.



P.S. Nagbasa uli ako ng Captain Nguso Season II tapos nareminisce ko yung past. Haha. Anyways, galing talaga nung paggamit duon ni Juan Salvador ng "Art of Deception" ng sabihin nyang inassinate nya si Andrew Woodland ngunit hindi pala. Anyways, sa mga taga Denmark, wag maoffend, di totoo yung istorya. Gawa gawa ko lang yan.

No comments: