Currently in some computer shop at nagiimbestiga.
Ano nga bang meron?
In everything that you do, we have to make decisions. Minsan these decisions make you successfull pero most of the times, hindi. Kadalasan pa, may mga desisyon na magpapawala sa iyo ng isang bagay at dahil duon ay pagsisihan mo ang ginawa mong desisyon.
Let me tell you a story tungkol sa isang knight na nagngangalang, Sir Ray.
Automatic na na nuong medieval times ang sapilitang pagkuha ng mga batang lalaki na nas edad 12 pataas para gawing sundalo. Minsan nagiging sundalo sila kahit di nila kagustuhan. Yung iba naman, napipilit na lang. Isang bata na nagngangalang Rachimanov Gustav. Noon pa man, balak na nya maging isang sundalo. Bata pa siya, nagtrain na siya na masanay sa mga strengthenous activities para mahasa ang kanyang skills. Dumating ang araw ng pagkuha. Kinuha siya ng mga sundalo ng hari at dinala sa palasyo. Kasama ang mahigit 200 na batang lalaki isa isa silang binabasbasan upang maging isa sa mga magtrain para maging sundalo. Ngunit merong mga magagaling sa kanila ang magiging knights at magkakaroon pa ng special training para sa knighthood. Nagpakita ng galing si Rachimanov at nabilib sa kanya ang mga tao. Nabilib ang mga guro nya at sinabing balang araw, may posibilidad na maging hari ito. Sinabi ng mga wisemen na hindi maari dahil hindi naman siya from royal blood. Pero kay Rachimanov, ginawa nyang maging magaling dahil gusto nya at hindi dahil sa kahit ano mang advantages. Dumating ang araw ng kanilang pagtatapos. Si Rachimanov ang nakakuha ng pinakamatataas na karangalan kaya isa siya sa mga binigyan ng offer ng hari na maging knight. Sa kanyang pamamahinga, nakakilala siya ng isang dalaga na nagtatrabaho sa kaharian. Napahanga siya sa angking kariktan at galing ng dalaga kaya napaibig siya dito. Nalaman nya na may gusto sa kanya ang babae. Ngunit kapwa sila nagtataguan at hindi nagsasabihan ng nararamdaman. Dahil dito, inililihim nila ang nararamdaman ng bawat isa.
Kapwa nila pinagaaralan ang kanya kanyang mga pagkatao, mga kagustuhan at kung ano ano pa tungkol sa kanila. Nais na sana sabihin ni Rachimanov ang katotohanan ngunit hindi maari dahil siya ay nasa militar. Sa tuwing laban ay di na aasahan ang kanyang pagbabalik at hindi na maari pa siyang magkaroon ng pagkakataon pa magmahal. Nahihirapan din siya dahil sadyang maraming manliligaw ang dalaga. Inisip nya na hihintayin na lang nya matapos ang digmaan at sabihin na ang katotohanan. Ngunit matatagalan pa ito dahil matagal tagal pa ang digmaang nagaganap. Wala rin siyang ibang magawa kundi maghintay at isantabi ang nararamdaman.
Nagsimula ang digmaan, dahil sa galing nya, isa siya sa mga ipinadala ng hari para makipagdigma. Tumagal ng ilang buwan ang labanan at nanalo ang kanilang laban. Sumuko ang kalaban at napasakamay nila ang nanakaw na lupain. Bumalik si Rachimanov at naisip ipagpatuloy ang kanyang pagiging knight. Nagsimula ang training. Matagal tagal ang training. Medyo pinagsisihan nya ang pagpasok sa knighthood dahil inuutusan lang siya ng mga mas matataas sa kanya. Kaunti lang ang training na natatanggap nya at puro pangaalipusta ng mga taong mas nakakataas sa kanya. Sa kabilang dako, ang dalagang kanyang sinisinta ay naghihintay pa rin. Ngunit dumating ang araw na nagsawa ito sa kakahintay.
Malapit na ang pagbabasbas ng hari sa 3 knight na hinirang. Si Sir Ray (dating Rachimanov), SI Leo, Sir Gustavo. Naisip nya sabihin na sa babaeng kanyang sinisinta ang katotohanan lalo pa na malapit na matapos ang kanyang knighthood. Ngunit sa kanyang pagbabalik ay wala na siyang nabalikan. Mayroon nang ibang minamahal ang dalagang kanyang sinisinta. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan at tanggapin na natalo siya.
HIndi man siya nagtagumpay sa dalaga, marami pa ring naghihintay na pagkakataon sa kanya. Dahil duon, naisip nya tapusin ang kanyang pagiging knighthood at hintayin ang pagkakataon ng pagbabasbas.
Sa darating na unang linggo ng marso, mawawala ang Mga waitress at waiters. Bakit? Kasi matatanggal na.
Thursday, January 22, 2009
State of Bewilderness
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 3:27 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment