Monday, January 26, 2009

The Company's Demise

FINALLY...

Ang gusto ng mga siraulong walang magawa sa buhay, bagsak na ang Vintage Spy. Lugmok pa sa putikan. Ang Vintage Spy Investigation ay bumagsak na, why? Here it is...

Before anything else, I would like to close 1 case...

THE INFILTRATOR CASE

CASE CLOSED

Si Coleman ang infiltrator na nagbanggit sa alkalde ng lahat ng kaso ng Vintage Spy. Though sarado na ang Vintage Spy, nagiingat pa rin si Arsene kay Coleman kahit sa tingin nya ay kaya nabanggit ni Coleman ang kaso sa alkalde ay dahil sa pagkadulas nito. Ngunit magkagayunman, ang tiwala ni Arsene sa madla ay wala.

okay...

Mayroong contribution si Infiltrator at isang tao na itatago natin sa codename na Lucas. Maging ang isa sa mga suspek sa Infiltrator case na si Tinyente, kontributor din.

Nabanggit nga natin na si Infiltrator ay nagbanggit sa alkalde ng tungkol sa kaso na hawak ng Vintage Spy, at nabanggit din na madaldal ang alkalde. Nabanggit ng alkalde ang istorya sa congressman, gobernador, bise alkalde, mga konsehal, kapitan ng baranggay, tanod, taumbayan atbp. Ngunit naikwento lamang nya ito sa kanyang nasasakupan pa lamang, Hindi pa nya ito nailabas sa ibang bayan. Here comes Lucas. Mayroong kasing pieces of evidences na napulot si Lucas at pinagkonekonekta para mabuo at maging isang ebidensya laban sa Vintage Spy Investigation Company kahawig ng hawak na proof ng alkalde. Walang nabanggit na kahit ano kay Lucas at walang koneksyon ang Vintage Spy kay Lucas ngunit dahil na rin sa di matigil na pagdadaldal ng tao, ay nakasama na siya sa nakidaldal. Huling kontributor, ang tinyente. Alam kong di plano ng tinyente ilaglag ang kompanya dahil may mga naitutulong ito ngunit sa lubos nyang kaligayahan ay nailabas nya lahat lahat ng mga pruweba, patunay at kung ano ano pa sa buong pulisya. Nalaman maging ng mga sibilyan ang tungkol sa kaso dahil sa kanyang pagbibiro at nalaman nung taong mismong involved sa kaso. Actually alam na nung tao mula pa nung ipinagkalat nya ang pruweba at dahil rin sa sobrang tuwa nya kaya kumalat. Ngayon, napatunayan pa.

Tahimik na nagmasid si Arsene sa unti-unting pagbagsak ng Investigation Company na kinabibilangan nya. Ang lahat ng kanyang naipundar, ginawang kaso at kung ano ano pa, ngayoy naabo dahil sa ilang insensitivity ng may mga hawak ng kaso. Sa ngayon, buong Pilipinas na ang nakakaalam ukol sa kaso. Hindi alam ni Arsene kung paano tatakasan ang pagkakaalam na ito. Kinakailangan nyang gumamit ng iba. Ngunit mahihirapan siya pagkat wala nang investigation unit na sumusuporta sa kanya.

Ang tanging magagawa ni Arsene, takasan, pero mahirap. Buong mundo ang nakamasid sa kanya at ang Pilipinas ay alam na ang pagkatao nya dahil kasama ito sa kaso. Inisip nyang hindi pa huli ang lahat. Ipaglalaban nya ang kaso ano pa man ang mangyari. Maging wala na ang mismong Vintage Spy, pipilitin nyang maging isang Vintage Spy. Nandyan man sila Infiltrator, Lucas at Tinyente maging ang alkalde, pipilitin ni Arsene lagpasan ang mga ito. Kung may matumba, imposible pang makabangon.

Isang malaking hamon ang kinkaharap ngayon ni Arsene. Paglalaban ng puso, galit, paghihiganti at damdamin.



If you can read the book Noli Me Tangere, tapos isipin nyo yung nagsusulat ng blog post na ito ay si Crisostomo Ibarra, ang nangyari sa pagiibigan nila ni Maria Clara, ang pagextra ni Linares at namagitan sa kanilang dalawa (take note, Linares), ang pagextra ni Lucas, si Elias, si Padre Damaso, ang mga kaibigan ni Maria Clara na sina Sinang, Victoria, etc, ang alperes, at kung sino sino pang characters, maikukumpara mo ang nangyayari sa akin ngayon. Hanggang sa pagbagsak ni Crisostomo Ibarra na parang wala siyang nagawang mabuti sa mundo at kinukutya pa siya ng mga tao. Hay naku... Di kaya nabasa ni Rizal ang mangyayari sa isang taong katulad ko?


Do I have everything?


Sabi nila, pero tingin ko hindi, cause I ain't got you. You're my everything. (naks)



Kung si Kudo hindi nya masabi kay Ran ang kanyang nararamdaman dahil lumiit siya sa pagiging Conan, ako naman di ko masabi dahil naging COnan ako. haha...


Mga haring nakikihati sa kita ng trabahador.

Grabe nga naman ang ibang tao sa mundo. Ipinapakita lang nila ang sobrang kaganiran at kaswapangan. Ganito kasi yan. Halimbawa, sa isang kumpanya, merong manager at mga staffs. Ang staff ay sumuweldo, di kuntento ang manager sa sweldo nya at kumuha pa sa staff, insensitive sa kung saan kukuha ng pangkain ang staff dahil binawasan na nya ang sweldo... Hay naku... Paano pa pag naging pulitiko yung mga yan? Dagdag magnanakaw at pahirap nanaman sa bansa yan... Di ko maintindihan talaga. Para silang mga tao na nakikikain sa kaning baboy. Parang ganun. Walang contentment in life. Kung tingnan nila yung araw, yung clouds, yung puno, at kung ano ano sa paligid nila, e di sana naaliw sila hindi yung nangaagaw pa ng trip...

"As long as you live, you still have the second chance..."

Yan ang paulit ulit kong sinasabi. Kaya siguro, tutulad ako sa last samurai, yung tipong kahit alam mong ang katapat mo ay machine guns, mga matitinding kalaban at ikaw, samurai at arrows lang ang dala mo, lalaban ka pa rin. It is not the victory that counts here. It is the valor. Yung courage mo na harapin ito alang alang sa dignity mo. Haharapin mo ang lahat at least kung namatay ka man, you die with honors. Hindi yung mamamatay ka na, nagsisisi ka pa. Yeah. People, I WILL FIGHT.


Okay, enough na muna siguro for this time, marami akong gustong isulat pero nakakalimutan ko... So next time na lang uli...


No comments: