Wednesday, February 11, 2009

Sa Nalalapit na...

Obviously putol ang title kasi maraming bagay ang nalalapit. Isa-isahin natin ito by title...

Sa nalalapit na...

Junior and Seniors Promenade (w/ 3 sophomores!)

2nd year pa lang ako, nais ko na magkaroon ng prom. As we all know, matagal tagal na rin bago nagkaroon ng prom ang PUP. Naging retreat kasi ito. If I am not mistaken, 2004 pa ata ito. Anyways, balik tayo sa 2nd year ako. Bakit ko nais magkaroon ng prom? Maliban sa dahil nga matagal nawalan, eh maisasayaw ko "siya". So lumipas ang 2nd year na punong puno ako ng pag asa na magkaroon ng prom. Sabi ko pa, kahit abutin yan ng 10,000, itutuloy ko yan. Umabot ang 3rd year at nagbigayan ng survey form. Marami sa aking mga kaklase, "NO" ang sinagot. Pero dahil nga inspirado ako ng mga panahong sinasagutan ko ang survey form, "YES" ang sinagot ko at mga magagandang reasoning din ang naibigay ko. Naisip ko pa na isabay sa Christmas Party ang JS para masaya. Lumipas ang ilang buwan at dumating ang 2009. Masaya ang pasok ng taon pero hindi masaya ang sunod sunod na balitang dumating. Dahil sa mga balitang ito, naisipan ko na sana walang JS. Pero ayan na at meron na. Bayad na lang ang hinihintay. I tried everything to stop payment, merong iba na nagalsa pero natuloy pa rin. Sa ngayon, ilang araw na lang ang hinihintay, magsisimula na ang Blue Danube. Well siguro kung December yung JS, masaya pa rin. Anyways, ayun nga. Hintayin na lang natin ang magaganap sa Friday the 13th.


"Jamming" Day

Kabilang kasi ako sa samahan na naisipang itigil ang "smoking". Hindi related sa smoking ito o yosi pero ayoko magexplain dito. Well, sabay kasi sa JS at ang Jamming Day na ito. Sa araw na ito sana walang maganap na masaklap.


Election '09

Hindi eleksyon para sa National o Local Government. Dalawang eleksyon ang tinutukoy ko, isang para sa "pamahalaan" at isang para sa "hukbong sandatahan". Mauuna talaga ang sa hukbong sandatahan na dapat nga ay noong nakaraang araw pa ngunit napostpone at di ko na alam kung kailan. Sa pamahalaan naman, mga bandang Marso pa ito siguro at di ko alam kung tatakbo ba ako, maglalakad o magjogging.


Independencia


Independence Day na tinatawag. Though ang official Indipendence Day ng bansa ay sa Hunyo pa, ibang Independence ang tinutukoy ko dito na mangyayari at nalalapit na. Ayoko ipaliwanag. Bahala na. Pwede rin siyang tawaging "Islaman Day" (not related to Islam)


Periodical Test

Maraming beses na ako inexcuse, di ko alam paano ko hahabulin yung mga namiss kong subjects especially Entrepreneurship.


Clearance Day

Isa sa pinakamahirap na pagdadaanan ng lahat ng estudyante ng Laboratory High School. Mahabang pila, pawisang mga tao at masikip na rooms, ito ang mararanasan nyo sa araw ng clearance. 3 days ang alloted diyan kasi napakahirap talaga. Well isecure nyo na lahat ng resibo, mga registration cards ninyo at ilagay sa envelope para pagdating ng clearance ay di na kayo magkumahog ayusin ang mga gamit ninyo.


Graduation

Aalis na ang mga 4th year sa Laboratory High School at kami na ang papalit, life's like that, alumni na rin sila at magdodonate na rin sila sa school (hehe).


Pilian ng section (for the 2nd years)

Ito, pinakamasayang parte. Alam ko para sa mga 2nd year, empyerno ang NAT. Ako mismo nainis ako sa test na yan eh. Pero ito na, pilian. Pwede ka sumama sa friends mo kung mapalad ka, pwede ring hindi kung matalino ka (tulad ng isa kong kaibigan). Pero ayun nga, malaki ang chances na makasama mo friends mo. Pero depende. Choose wisely talaga. Maligaya din ako sa araw ng pilian ng section kasi... (unwritten)


Pagpunta ng Chorale sa Malaysia

Medyo matagal pa so di ko muna ididiscuss...


Sigwa

Gaya nga ng nasabi ko, "Babala ng Sigwa" pero may chances naman na di mangyari yun pero kasi meron akong tatlong pinagbatayan duon. Para masaya sabihin ko na, una kasi duon talaga "siya" kasi siya nga ang nagsabi na pumasok ako sa ganito, siya na rin ang pinagbatayan ko ng sigwa. Ikalawa, "patutunguhan", ibang term ng patutunguhan, alam nyo na siguro kung ano. Ikatlo ay ang "environment" siyempre yung mga tao sa paligid pero di ko masyado binigyan ito ng importansya kasi nga mas mahalaga ang una. Pero ang una ay nasira na. Kumbaga, nagbigay siya ng signos na magkaroon na ng sigwa, pero nariyan pa ang ikalawa na maaring mag save. Kung sakaling parehong ito ay nasira, hindi na ito maisasalba ng ikatlo unless naging maayos muli ang una na mukhang imposible na so posible magkaroon ng sigwa.


Sa ngayon, ngayon lang uli ako nakapagonline at aalis na rin ako, saka na ako magdadagdag kapag marami pang oras, wala na kasing oras.

No comments: