Saturday, February 14, 2009

Mission: Hotel Heist

February 13, 2009

Pinadala ng Vintage Spy si Arsene sa isang hotel dahil nakatanggap ang Vintage Spy na mayroong heist na magaganap sa hotel na iyon. Hotel Renaissance ang pangalan. Well para maikubli ni Arsene ang kanyang pagkatao kailangan nyang magpanggap bilang isang gentleman na dadalo rin sa party. Ito kasi ang report na natanggap ng Vintage Spy.

Isang thief syndicate na Lupin ang nagbabalak magsimula ng heist sa Hotel Renaissance kung saan gaganapin ang isang Private Ball na para sa mga matataas na posisyon sa pamahalaan, nasa luklukan at may mataas na rango sa militar, sa simbahan at sa larangan ng sining, at mga sikat na personalidad. Sisimulan ng Lupin ang kanilang pinakamatinding heist. Hindi lang kasi basta heist ang gagawin nila, papatayin din nila ang mga ibang tao upang makuha ng bise presidente ang pamahalaan. Binayaran sila upang gawin iyon at pinangakuan ng malaking posisyon at pera. Dahil dito, tinawag nila ang kanilang operasyon na OPERATION LUPIN. Ang hindi nila alam, namanmanan sila ng Vintage Spy.

Inalam ni Arsene ang ilang mga kasama sa sindikato pero hindi nya nakilala ang mga ito. Naisip nalang nya bantayan ang kinikilos ng ibang nilalang. Pagpunta nya sa Hotel Renaissance, nagpanggap siya na isang colonel sa 6th Infantry Batallion ng AFP. Dahil dito napapasok siya. Nakapagpagawa din siya ng replica ng invitation at pinahack ang computer systems ng hotel upang ilagay ang pangalan ni Col. Arsene Kudo. Wala namang kumikilos ng kahina-hinala at walang naiiba. Maya maya pa, isang limousine ang tumigil sa harap ng hotel, lumabas ang 3 lalaki na tila mga matataas na opisyal ng pamahalaan, komersyo at hukbong sandatahan. Isang malaking lalaki, isang medyo payat na intsik at isang maginoo ang lumabas sa sasakyan. Hindi sila kilala ng ibang tao ngunit sila ay nasa listahan at may imbitasyon sila. Nagpakilala sila bilang may-ari ng Reformists Group of Companies. Ang malaking lalaki ay si Luther Martin, ang intsik ay si Domenico Fang at ang maginoo ay si Domingo Crisanto. Maya maya pa bumaba mula sa elevator ang isa pa nilang pinakilalang kasamahan na si Epifanio Gustavo. Isa rin siya sa may ari ng RGC. Nakilala sila ni Arsene at naisip ni Arsene makisama muna sa kanila upang di mahalata ang kanyang pagkukunwari.


Nagsimula na ang ball. Mapapansin sa mga kilos at galaw ni Domingo na galing talaga siya sa isang mayamang angkan, makikita rin sa kilos ni Epifanio ang ilang bakas ng pagiging sundalo. Hindi napansin ni Arsene ang dalawa pa dahil nasa malayo itong mesa. Naisip ni Arsene na magopen ng ilang mga topic pero tila walang ideya ang mga taong nabanggit. Nagsimulang magduda si Arsene ukol sa pagkatao ng mga ito. Naisip ni Arsene tumawag sa headquarters at alamin kung meron ngang Reformists Group of Companies at kung nageexist ang pangalan ng 4 na may ari nito. Sinabi ng Vintage Spy na matatagalan ang pagalam nito na baka umabot sa 1 hanggang 2 oras. Pumayag naman si Arsene at bumalik na sa function room dahil kahit anong oras ay maaring magsimula ang heist. Tinapik ni Arsene sa balikat si Domingo at wala sa ideya ni Domingo na kinabitan na siya ng tracking device at kung saan naririnig ang kanyang mga sinasabi. Nagsimula ang kasiyahan. SI Epifanio ay pumunta sa kanyang asawa at sila ay nagsayaw. Makikita naman na maraming sinasayaw si Domenico at may ilan ding sinasayaw si Luther. Si Domingo naman ay isinasayaw ang isang dalaga. Mapapansin din na maraming gustong makipagsayaw kay Domingo dahil na rin siguro sa kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi rin nagtagal ang pagsasayaw ni Domingo at ng dalaga dahil kinuha na ni Luther ang dalaga. Nagsimulang mawala si Domingo maging si Domenico at nawalan ng kasayaw ang asawa ni Epifanio. Nagsimulang magduda si Arsene ngunit nakita nya na may iba palang kasayaw si Domenico at si Domingo ay napapalibutan na ng iba pang mga babae, si Luther naman may kasayaw ding iba. Nagsimulang magiba ang musika, naging party ang tema ng musika at nagsimulang magdilim, nagsigawan at nagkaroon ng pagwawala, ang iba, dala ng kalasingan ay umakyat ng entablado at nagtanggal ng mga coat. Nakita ni Arsene ang pigura ng apat na may ari ng RGC sa entablado at inisip na wala namang masamang plano ang mga ito.

Nagpatuloy sa kasiyahan ang lahat at parang baliw na sina Domingo at Epifanio na walang tigil sa pagsayaw. Sila Luther naman ay nakikisama din. Bumalik sa katinuan ang musika at naging sentimental uli. Inakala ni Arsene na ang heist lang ang mapipigilan nya, meron pala siyang maisasarang kaso.

Si Marie ay nasa kasiyahan, at kasayaw nya si Haydn. Hindi lang basta sayaw kundi magkayakap na sila. Nakita ito ni Arsene at naisip nya na confirmed na talaga. Nagmamahalan silang dalawa at isasara na ni Arsene ang kaso ngunit biglang nawala sina Domingo at Domenico.Kaya nabaling muli ang atensyon ni Arsene sa heist.

Wala pa ring nangyayaring heist. Walang nagaganap. Natapos ang gabi at nakakuha si Arsene ng parangal. Natawag ang kanyang pangalan sa harapan. Nuong siya ay kinkuhaan ng litrato, nawala ang apat na may ari ng RGC. Tumayo sila isa isa at lumabas ng hall. Pagkabalik ni Arsene sa kanyang upuan, nakita nya ang kanyang cellphone na may 3 missed call mula sa Vintage Spy, naisip nyang tawagan ang Vintage Spy at ito ang nangyari. Chineck ng Vintage Spy ang Reformists Group of Companies at walang nageexist na ganung kompanya. Hinanap din nila kung may nagexist na mga pangalan at ang tanging nagexist lang ay kay Luther Martin at Domingo Crisanto. Si Luther Martin na kapapanganak lang 6 na buwan pa lang ang nakakaraan at si Domingo Crisanto na 30 taon nang patay. 3 ang Luther Martin pero walang nagmamay ari ng kompanya at wala ring kakayahang magkaroon. Nagsimulang magduda si Arsene ngunit walang naganap na heist. Pagkakuha nya ng tubig nya sa mesa merong maliit na note sa ilalim na may calling card. Ito ang nakasulat sa note.

Nice try, Arsene.

Mayroong nalaglag na isang maliit na bagay mula sa note at kinuha nya ito. Ito ang tracking device. Binasa nya ang calling card at nakasulat ay,

LUPIN Paint Center

sa likod ng note ay nakalagay ang mga katagang ito,

May next time pa, sisiguruhin namin na di ka na makakasira, Arsene.

Naisip ni Arsene na baka nalaman ng grupo ang plano nya. Naisip nyang isara ang kaso ng Hotel Heist ngunit alam nya na nariyan pa ang Lupin. Dahil duon,

MISSION PASSED

Hindi natuloy ang heist.


Anyways,

The Classroom Case

With relation sa sinabi ni Arsene duon sa kanyang mission, nakita na magkayakap sina Marie at Haydn, therefore,

CASE CLOSED

No comments: