Tuesday, February 17, 2009

Bakit Hindi?

It keeps going thru my mind. Bakit nga ba hindi?

Isa siyang slogan. Isang pangtitrip na ilagay sa slogan. Seriously speaking, sa ngayon, naghahanap ako ng picture ko sa JS, wala kasi ako mahanap. If meron kayo, pakisabihan naman ako.

Let's go to our agenda.

Gobilam Corp.

Lahat ng folder na nasa loob ng flash drive ko ay may subtitles nito. Naka hide ang mga tunay na folders at nakalabas ang .exe na folders na may Gobilam sa baba. Well di lang siya simpleng gumagawa ng sariling folders sa flash drive. Unscannable siya sa anti-virus na nasubukan ko (AVG, NOD-32 pati BEPA). Di rin siya mapatay ng Noob Killer na sinasabing magaling sa mga flash drive problems. Bumabalik at bumabalik siya. At hindi lang flash drive ang ginagawa nyang biktima. If yung flash drive is sinasksak sa PC, naaapektuhan din ang PC especially kapag binuksan mo ang mga "patibong" na folders.

Umaga pa lang, sinabi na ni Migraso ang tungkol sa FU Virus. Nacorrupt daw ang Flash drive nya dahil sa FU na ito. Well, nagloko din ang ibang PC sa IT Lab dahil sa dalang virus nitong Fu na ito. Nag lag at kung ano ano pa. Malaking threat ang kinakaharap ngayon.

Base sa mga sabi sabi, isang uri din ng Fu virus ang pumasok sa aking flash drive na undeletable at ang tanging pagasa ay ipareformat ang flash drive na 90% lang ang kasiguruhan.

Sa ngayon, di ko pa magamit ang flash drive. Masyadong risky kung ilalagay ko siya sa pinakamamahal kong PC. Wala pang lunas sa "Fu Manchu" na ito. Walang makaiscan at walang makapatay.



"Minsan, sa kakatangin mo sa iyong pinanggalingan, hindi mo na napansin ang kasalukuyang oportunidad at natapilok ka pa"

Ang Oftek ay suportado ang Oftek, ang Book ay suportado ang Book at ang Entre ay todo suporta si Entre.

Expected na lahat ng magaganap. Maraming kinakabahan, maraming nagpapaunang salita. Pero hindi mananaig ang lahat ng iyon. Ang batas ay batas. Walang maaring lumusot dito. Siyempre kahit per section ang suportahan, hindi mawawala ang laglagan pagdating ng panahon. Kung ano man ang dahilan ng laglagan, hindi ko alam. Pero siyempre, suportahan na lang yan. Kumbaga bansa sa bansa.

Bakit ko nga ba naiextra itong mga seksyon na ito?

Bakit hindi?



"Imposibleng March 12 eh"


Ilan sa mga katagang narinig ko. Kasi nga naman, March 12 ang kalagitnaan ng exam ng graduating students so hindi March 12. Later than March 12 kaya?

Bakit Hindi?


Meron akong gustong ikwento pero it would not be fair for the people involved kung isasama ko sila. So naisip ko na wag nalang ikwento.

Saka ko na itutuloy, magkakabisado pa ako ng script.

1 comment:

Anonymous said...

Amiable dispatch and this post helped me alot in my college assignement. Thanks you for your information.