Friday, February 27, 2009

1:3

bakit nga ba naconvert ang 1 week sa 3 weeks? Bakit kailangan pang maghintay ng 3 linggo o halos isang buwan?

Haizzz...

Tulad ng dati, ito nanaman ang panimula kong statement. Pano naman kasi, ang inasam asam ng lahat na pagdating ng takdang araw ng "unang linggo", eh biglang nausog sa ikatlong linggo. So marami pang araw ang gugugulin at uubusin upang mapuno hanggang ikatlong linggo. Haizz, mahirap talaga magexpect.


The Tale of the 4 Misfortunes

Isang horse enthusiast ang nagaalaga ng 4 na kabayo. Ang pangalan ng enthusiast na ito ay si Douglas. Nahilig siya sa kabayo at naisip na magalaga ng 4 na kabayo na sina Rosa, Ozawa, Diana at si Nica. Well, mahal na mahal nya ang mga kabayong ito hindi lang dahil nagpapanalo sa karera ang mga ito kundi dahil na rin sa enthusiast talaga siya ng kabayo. Siya mismo ang nagaalaga sa mga ito. Isang araw, iniwan nya sa isang katiwala ang mga kabayo dahil kinakailangan nyang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Ilang buwan ang nakalipas at nadelay siya ng kanyang pagbalik. Naisip ng katiwala na duon na nanirahan si Douglas sa ibang bansa at itininda ang mga kabayo sa malaking halaga. Pagbalik ni Douglas, wala na ang kanyang mga kabayo. Nagalit siya ngunit wala na siyang magagawa pagkat di na nya makita ang mga taong bumili.

Isang araw, sa sobrang lugmok ni Douglas, naisip nya na dumaan muna sa race track at magpalipas ng oras. Though di na siya masaya dahil wala naman ang mga alaga nya upang lumaban, sinasariwa na lang nya ang mga alaala. Di nagtagal, habang naglalakad patungong upuan si Douglas, nakita nya ang kanyang kabayong si Ozawa, hawak ng isang jockey. Di na nya naisip habulin pa ito dahil di naman pumapalag si Ozawa, mukhang masaya naman siya sa bagong jockey na nagmamayari sa kanya na si Leon Guerrero. Di nagtagal, nang papunta na si Douglas sa Mezzanine, nakita din nya si Diana. Tila napapaamo na siya ng jockey na may hawak sa kanya na si Calvin. Naisip ni Douglas ng umupo na lang at sarilihin ang kalungkutan ng naisip nyang kumain muna sandali. Bumaba siya at pagkatapos kumain, nakasalubong nya ang isa pa nyang kabayo, si Rosa na sinasakyan ng isang jockey. Tila hinahatak pailalim si Douglas ng mga nakikita nya ngunit wala siyang magawa. Pagakyat nya ng mezzanine, may nagalok sa kanya. "Bos, tayaan mo na si Nica. Magaling yun." Nakita nya ang kabayo nya at tinanong ang tao. "Sino ka ba?" "Ako si Adrian. Mayari kay Nica." Nanahimik si Douglas at naisip na umuwi na lamang.



Well sana matapos na namin ang FIlipino, sa mga group 1 na makakabasa nito, 9 am ang practice. May PERMIT po tayo.

No comments: