Tuloy na tuloy pa rin...
Ang virus. Neverending talaga. It affects everything it inserts into. Ang masaklap pa ay sinisira nito ang system. Isang example na ay ang laptop ni Dan Figueroa (sinasabing second source ng virus). Hindi na ito nagbukas. Kakatapos lang ng aming Cambio launch, nasira na ang laptop.
Merong sinabi si Migraso, somewhat "Combofix". Pero di ko muna triny.
Bagong Cases...
Wedding Case
Di pa naman sila kasal. Pero kasi, naisip ko na ito yung magandang pangalan ng case kasi may something talaga. May relation ito sa kasasara lang na kaso na The Classroom Case. This time, dahil nga nalaman na natin na may gusto si Marie kay Haydn, at meron din si Haydn kay Marie, merong mga sources na nagsasabi na its not just "gusto", parang meron pa raw "behind". Kung ano man ang something na yun, yun ang nilalaman ng wedding case.
Meron din akong ibang namataan pero naisip ko na di ko na ikwento kasi di naman siya nakakaapekto sa kung ano man ang business ng Vintage Spy.
Yung Unanswered Question Case, obviously, Case Closed na yun at ayoko na sana buksan uli so di ko na binuksan, its just that Celia was wearing the ring that Vladimir gave her man months ago.
Dun pala sa namatayan, condolences.
Anyways...
Kanina, medyo badtrip talaga ako, tinapos ko lang yung paglalakad ko hanggang simbahan. Balak ko sana, matulog na lang ako sa jeep para mawala ang kabadtripan ko. Pero lalo palang lumala.
Pagsakay ko sa isang jeep na bulok na may plakang TWC 398 byaheng Santol-Stop and Shop at Pina Ave. Dahil nga di na lalampas sa 4 km ang byahe ng jeep, ang minimum fare ay 7.50. Ang sa estudyante at senior citizens pati sa disabled ay 20% discount. So sa 7.50 ang 20% nya ay 1.50. So 7.50-1.50= 6.00. So 6 lang or sais pesos lang ang dapat ibayad ng mga estudyante sa weekdays at ibabayad ng senior at disabled. Pero itong jeep na ito ay sadyang madugas. Matanda na ang driver, malapit na lang katabi na nya ang mga uod. Pero sadyang madugas talaga siya at di pa marunong magsisi. Hindi ko alam kung madugas siya o sadyang tanga na di nya alam ang 1.50 discount o di nya alam ang six pesos at inakalang seven pesos. Lumalabas na .50 lang ang discount ng mga estudyante atbp. Well ang operator nito ay si Mr. Bernardindo. Kung siya man si Mr. Bernardino, well nasa kanya na yun, ipapakain nya sa pamilya nya mga kinurakot nya, dinugas nya at kung ano ano pa. HIndi man siya si Mr. Bernardino, ganun pa rin. Ipapakain nya sa pamilya nya ay pera mula sa pandurugas nya ng piso sa mga estudyante.
Noon ko pa napapansin na meron talagang jeep na naniningil ng P7 para sa estudyante. Akala ko dati, yun ang normal na taripa. Ngunit napapansin ko na P6 pa rin ang singil kaya naisip ko na mandurugas ito. Huling beses na sumakay ako sa pila ng jeep sa Santol Ext. Naningil nanaman ng P7. TInandaan ko yung pagmumukha nya. Di lang ako nagsalita pero naisip ko na sa susunod na ulitin nya, babasagin ko na yung pagmumukha nya. Nagkataon ngayong araw na ito, badtrip talaga ako. Pagsakay ko, nagabot ako ng P20. Sinuklian ako ng P13. Tinanong ko naman siya ng magalang "Magkano po ba ang estudyante?" Matapang pa siyang sumagot na "siyete" Medyo mahinahon pa ako pero naiinis na ako, "Bakit po sa iba sais lang sa inyo siyete?" DI siya sumagot. Nainis ako, binulong ko, "Mandurugas kang **** ka." Hinayaan ko lang. Pasalamat siya talaga matanda siya, kung hindi talaga, pero ayun na nga. Tiningnan ko lang siya buong panahon na nasa byahe ako. Naghinay hinay ako, inisip ko lang na malapit na siya mamatay at maari nyang kailanganin ang pera upang pambili ng paglilibingan nya. Alam ko balang araw meron din siyang makakatapat na pasahero na tatapos sa tulad nya.
Isang pangyayari ang naganap along EDSA. Siyempre mga buses, mahilig mag-gigitgit yan. Walang pakialam yan kung may masagi sila, singit dito, singit duon. Isang bus, sanay na siya siguro kakasingit nya eh siningitan ang isang sasakyan. Nainis ata ang mayari ng sasakyan. Nung pumara yung bus para kumuha ng pasahero, umakyat yung mayari nung sasakyang ginitgit nya. Walang anu-ano o kahit anong salita, tinutok nya sa ulo ng driver ang baril at wala pang isang segundo ang lumipas, pinutok nya agad ito. Bumaba siya ng bus at bumalik sa kanyang sasakyan.
True story yan, nabasa ko sa dyaryo yan eh. Kaya kung may kakilala kayong jeep driver o kung ano pang driver, wag nang pamarisan ang ilan sa mga naganap. Di ninyo nanaising maulila.
Sa iba naman, wag kayong tumulad sa tanga o mandurugas na driver ng TWC 398 na jeep. Tanga siya, hanggang dun na lang siya, mandurugas siya, wala na siyang iuunlad.
Back to back Victory ang inabot namin kanina.
UNa ay sa English. Late, may minus ngunit siyempre medyo nakakabilib. salamat sa mga kagrupo ko kahit may nalate. Sa Entrepreneurship naman, sayang lang wala si Ma'am Reina. Pero ayos na yun, at least andun si sir Dennis. Credits din pala kay Dan Figueroa for the videos and laptop.
Susunod na inaasahan kong victory, ang FIlipino. Obra maestra talaga ang ginawa ko. Haha. Saka ko na irereveal ang name.
MAraming projects, wala pa akong nasimulan sa IT. Sa Friday na ipapasa. Di ko pa tapos ang script at magsasabit pa kami ng tarpauline.
Wednesday, February 18, 2009
Do what it takes...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 4:01 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment