Thursday, January 29, 2009

Anyo Isa

Nagkaroon ng pagsasanay sa paghawak ng sandata, ang arnis, isang uri ng Pilipinong martial art. Ngunit hindi tungkol dito ang aking post. Tungkol ito sa ilang kaganapan matapos at bago ang pagsasanay.

Bago ang lahat, irerelate ko muna ang istoryang ito...

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang kura, na nagnganalang Padre Dominador, at ang dalagang si Clara.

Nuong nasa sekondaryang pagaaral sila Dominador at Clara, merong namumuong pagtitinginan sa kanilang dalawa. Hinihintay ni Clara ang pagtatapat ni Dominador. Si Dominador naman ay naghihintay ng tamang pagkakataon para magkaroon siya ng siguradong pasya at mabuti ang kalalabasan. Naging sikat si Dominador. Nakilala siya sa kanyang talento sa sining, pagawit at iba pa. Sumikat din siya dahil sa kanyang talino at nakilala siya ng buong paaralan dahil sa mga dinala nyang karangalan para dito. Lingid sa kaalaman nya, mayroong matagal nang manliligaw si Clara. Inayawan na ito ni Clara ngunit napagtanto nya na balikan na lamang ang manliligaw na ito na si Nostradamaso. Ilang linggo na lang ang hinihintay ni Dominador para magtapat kay Clara ay nalaman nya na si Clara na at si Nostradamaso. Sa sobrang lungkot at pighati ni Dominador, iniwan nya ang lahat at pumasok sa seminaryo.

Sa loob ng seminaryo, tinuon nya ang kanyang buong atensyon sa diyos at kung saan saang relihiyosong bagay. Natapos ang kanyang pagaaral at siya ay naging isang pari sa isang bayan. Tinawag siyang Padre Ador. Isang araw, naimbitahan siyang magmisa sa kanilang paaralan bilang panimula ng alumni homecoming ng kanilang batch. Naroon sila Clara at Nostradamaso. Naroon din ang ilang mga kaklase nya at kahit kamagaral dati. Gusto nya sana banatan sa sermon si Nostradamaso ngunit naisip nya na hindi ito makabubuti. Una, madadamay ang ibang nakikinig at interesado sa kanyang sermon at kanyang sasayangin para lamang sa isang tao at ikalawa, masisira ang solemnity ng misa. Naisip nya na hayaan na lamang ang lahat at nagpatuloy siya sa pagmimisa.



Anyways, sa ngayon, merong isang malaking epal na nageexist. Actually noon pa siya nageexist. Palagi din siyang laman ng aking mga post ngunit ngayon naisip ko magpost nanaman dahil nakita ko nanaman ang kanyang mapanlibak na tingin na tila tingin ng diablo na galit na galit. Itatago natin siya sa codename na Mr. Blow. Si Mr. Blow, noon pa man ay wala nang magawa sa buhay. Mataas ang pangarap, hambog, walang pakialam sa pakiramdam ng iba, walang pakialam at makasarili. Gahaman pa. Hindi mahirap si Mr. Blow. Katunayan, isa siya sa mga mayayaman ngunit sadyang sukdulan lang ang kanyang kaganiran at kasakiman. Kung sino man si Mr. Blow, hintayin mo lang at darating ang panahon na titira ka sa loob ng comfort room.


The Classroom Case

Base sa ilang kasabihan, sarado na ang kaso. Pero gaya nga ng nasabi ko, kahit napapansin ko na si Haydn nga talaga ang tinutukoy ni Marie, kailangan lagi ng Vintage Spy ang confirmation ni Marie para tuluyang maisara ang kaso. Sa ngayon, si Haydn ang top suspect.


Bukas may test pa, kailangan ko pang magaral. Till here na lang siguro muna dahil tinatamad na rin ako magpost pa.

Wednesday, January 28, 2009

Sa Panaginip na lang pala kita maisasayaw

Ngayong araw na ito...

Wala pa ring humpay ang ilan sa aking mga kaklase sa pagpapatugtog ng "Ang Huling El Bimbo". Tapos normal naman ang lahat sa umaga except sa mga maliliit na changes na nagaganap. Mahirap mag cope up. Especially kapag all the time, ang inisip mo is puro despair and kawalan ng pagasa. Hindi nga naman magkaroon ng pagasa, ang mahirap ay sumobra sa pagasa na kung minsan sa sobrang pagasa na nasa iyo, mahirap nang abutin. Kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Kahit mahirap. Laging ganyan ang script ko sa mga humihingi ng tulong sa problema, sa kung ano ano pa. Ngunit ngayong ako ang may problema, kahit ilang beses ko ito sabihin sa sarili ko, parang napakahirap. Parang napakahirap isipin, i-surpass ng problema kahit sabihin na nating may mga kasama ka. Hindi madali. Siguro sa ngayon, hindi ko alam ang iaadvice ko sa sarili ko...

"My friends keep telling me, that if you really love her, you've got to set her free."

Kung susuriin, siguro normal ang lahat. Walang pagbabago. Ako pa rin yung taong nakilala nila na masayahin, maingay at madaldal. Pero deep inside, and siguro nakikita naman ng iba sa mata ko na hindi yun ang nasa isip ko ngayon. Hindi joke, hindi kaligayahan ang iniisip ko. Lingid sa kaalaman ng lahat, lingid sa tingin ng marami, everytime na nagiisa ako, I always think of that involuntary. Ayoko na. Pero lagi akong dinadalaw sa aking pagiisa. Tila isang multo na ayaw umalis at patuloy sa pagpaparamdam na lalo kong ikinalulungkot. Doble, triple at libong beses na pagbagsak.

"I don't want to remember, the things we use to do, all the things that reminds me of you."

Hindi ganun kadali makalimot, especially if that person means a lot to you. Tapos halos araw-araw meron kang natatanggap na balita. Tulad ngayong gabi, meron nanaman akong natanggap na balita, tapos talo nanaman. Di ko na alam. Alam mo yung tipong dito na nga lang umikot ang lahat, ito ang dahilan ng lahat at dito mo ibinuhos ang lahat tapos yung lahat na binigay mo, pinasa sa iba. Tsk, tsk, tsk.

"Hanggang kailan magdurusa makita ka sa piling niya hanggang kailan pagmamasdan ika'y masaktan; sana ay nalalaman mo na may nagmamahal sa 'yo heto lang ako."

Siguro, kahit sabihin kong isasara ko na ang kabanata na ito ng buhay ko, kahit siguro sabihin ko na tatapusin ko na ang nobelang ito at gagawa muli ng panibagong nobela, alam ko na matatagalan o mahihirapan akong lagyan ng katagang "Wakas" ang dulo ng libro at mahihirapan gumawa muli ng panibagong nobela. Isang masayang panimula at malungkot na katapusan ang nangyari sa aking nobela. Alam ko sa sarili ko, at siguro alam rin ng iba, na sarado na talaga. Wala nang pagasa ang isang katulad ko. Makahanap ka man muli, baka mawala pa. Wag ka na lang maghanap at maghintay sa kung ano ang darating. Kung wala mang dumating, siguro iyon talaga ang nakalaan para sa akin at iyon ang nararapat para sa akin.

"Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo, pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko."

Kahit sabihin kong tapos na, wala na, tama na, sa tuwing naririnig ko ang katotohanan, sa tuwing nakikita ko ang nangyayari, sa tuwing nasasambit sa akin ang mga kaganapan nitong mga huling araw, tila isang bangungot na kailanman hindi na sisikatan ng umaga. Tahimik lang ako, pero hindi ako tanga. Hindi lang ako masalita at expressive sa kung ano man ang iniisip ko. Naniniwala kasi ako na lahat ng bagay, mayroong tamang panahon. Ngunit bago pa man dumating ang tamang panahon, wala na yung bagay na pinaglaanan mo. Hindi ko naman nais na makuha ang lahat, dahil para sa akin, siya lang ang lahat.

"At kung hindi man dumating sa atin ang panahon, na ako ay mahalin mo rin"

Ang tangi kong dapat gawin ngayon, tanggapin. Iyon na iyon. Nangyari na at magpapatuloy ito, maligaya sila, walang tutol ang iba, sino nga ba ako para sirain ang katiwasayan ng isang pagsasama? Alam ko na darating naman ang panahon na ang mismong pagkakataon na rin ang magpapakita ng katotohanan at hindi ko na kailangang pangunahan ang panahon. Sa pagkakataong panahon ang magpaliwanag ng lahat, maaring wala na ako ngunit ang mahalaga, ay nalaman pa rin ito. Hindi na rin ako makikialam o makikiepal pa pagka't magmumukha akong siraulong naghahabol. Aminin na natin na mahalaga siya, ngunit minsan, kinakailangan mong magpalipad ng kalapati para bigyan itong laya. Maging masaklap man para sa iyo ang kanyang paglisan, ang tangi mo na lang magagawa ay maging maligaya na siya'y masaya sa pagpagaspas ng kanyang mga pakpak at paghahanap ng bagong masisilungan.

"I'll just keep on dreaming till my heartaches ends."

Siguro, kung nais kong buksan muli ang aking natapos na nobela, sasariwain ko na lamang ang masasayang tagpo dito. Ang mga tagpo kung saan lubos ang aking kaligayahan, mga pagkakataong nagkakaroon ng komunikasyon ang dalawang tauhan, mga pangyayaring hindi ko pinakita ang kaligayahan ng lead character sa taong sinisinta nya. Iyon na lamang ang paraan upang maibsan ang aking kalungkutan. Magkagayunman, alam ko na sa tuwing babalikan ko ang masasayang alaala ng aking nobela, isang pagsisisi din ang madarama ko. Ngunit sabi nga nila, "Kung hindi uukol, hindi bubukol" at kahit siguro na ginamit ko ang oportunidad at pagkakataon, maaring matapos ng maaga ang nobela ko. Masaklap man ang kinahinatnan ng nobela, kung babalikan naman ang mga naunang kabanata, maaalala ang lahat ng kaligayahan na nakapaloob dito.

"Kung sakaling, iwanan ka nya, wag kang magalala, may nagmamahal sayo, nandito ako."

Hindi pang habang buhay na nandito ako. Darating at darating ang panahon matatapos ang taon, matatapos ang susunod na taon at magkakaroon tayo ng kanya kanyang patutunguhang daan base sa ating mga pangarap. Pero tulad ng dati, kung sakaling naging malupit sa iyo ang tadhana, wag mo lang kalimutan na mayroong taong nakatayo at nagmamasid sa iyo. Laging nandyan sakaling kailanganin mo. Wala man ako ng kahambugan at lakas ng loob tulad ng iba, meron akong pagtitiis, paghihintay at pagninilay nilay na kakaunti lang ang mayroon.

Siguro nga, "Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw, sa panaginip na lang pala kita maisasayaw."

Tuesday, January 27, 2009

Everyone except TRAITORS

"Hindi lahat ng inaakala mo ay tama, minsan nagdadamit ng pagkukunwari ang tama."

This is not about the infiltrator case, this is not about any case. This is about the Vintage Spy itself.

Kagaya ng nabalita kahapon, bumagsak na ng tuluyan ang Vintage Spy. Napagisip isip ni Arsene na kung magpapatalo siya at hahayaang tuluyang bumagsak ang detective agency, mayroong mga siraulong maliligayahan at matutuwa. Dahil dito, sa tulong ng ilan sa kanyang mga ally, muli nyang itinatag ang Vintage Spy Investigation.

It will never fail. Parang sa Captain Nguso, Namatay man, nagbalik ito at magcoconquer.

Tama na, baka mawasak ko yung keyboard...


The Classroom Case


Umiigting na ang pagalam sa kaso. Alam ni Marie na under surveillance siya. Naisip ng Vintage Spy na bakit pa nya dapat guluhin ang buhay ni Marie. Malalaman din naman nya ito thru silent spying. Dahil dyan, merong ilang proofs na nakuha ang Vintage Spy.

Paulit ulit na dineny ni Haydn ang relasyon nila ni Marie. Ngunit si Marie, sinabi man nya na wala, ayaw na nyang buksan ang topic na ito. So tumahimik na ang Vintage Spy. The night ended with still the "only clue".

Dumating ang kinabukasan, merong something. Nagpadala pala ng pang grupong mensahe si Marie. At ilan lang ang hindi nakatanggap nito. Sa mga suspek ang mga di nakatanggap ay sina Roan, Crisostomo, GI at si Fredo. Nakatanggap naman si Haydn, si Bok. Kanselado na sa mga suspek si Emmanuel. Si Roan, di nakatanggap dahil di na siya aktibo sa kanyang network, meron na siyang bagong network. Si GI ay hindi nakatanggap dahil wala siyang cellphone. Si Fredo ay di nakatanggap dahil smart siya. Tanging si Crisostomo na existing ang di nakatanggap. Ngunit nung bandang gabi, nakatanggap din naman ng mensahe si Crisostomo.

Hindi matibay na ebidensya kung may koneksyon ang di pagkatanggap ng mensahe sa pagiging si Crisostomo ang suspek. Kung susuriin, maaring hindi lamang isinama ni Marie ang pangalan ni Crisostomo sa padadalhan dahil na rin sa di nya alam kung buhay pa ang network nito. Ngunit sa kabilang dako, maaring di nya pinadalhan si Crisostomo dahil umiiwas siya o nahihiya siya dito. Pinakamalaking tsansa pa rin ang suspek kay Haydn. Una dahil na rin sa mga katanungan ni Marie at ilan sa mga pagaalam ni Marie sa paguusap ukol kay Haydn.

Ngayong tanghali, isang impormante ang nagsabi na nagbitiw si Marie ng pangungusap na, "What if di siya nagexist?"

May dalawang pagpapaliwanag ang pangungusap na ito. Sa literal na pahayag, maaring sabihin na di totoo ang "Bigfoot" na tinatawag nila. Isa itong pagdedeny tulad na lamang ng ilang kaso na nahawakan ng Vintage Spy na sinabi na "hindi nageexist." Ayoko magbigay ng kaso dahil may konek ito sa Vintage Spy. Sa isa pang pananaw, kung saan nagkaroon ng representasyon si Marie sa "DI SIYA NAGEXIST", maari itong magturo sa isang suspek. Ang suspek kasing ito ang nagbigay ng ganoong pahayag kamakailan lamang.

Sa ngayon, walang malinaw na suspek. Magulo, maraming malaki ang paa. Pero gaya nga ng sabi ko, ayoko na makaabala ito sa buhay ni Marie.


Saka na uli ako magpopost, gagawa pa ako ng assignment...

Monday, January 26, 2009

The Company's Demise

FINALLY...

Ang gusto ng mga siraulong walang magawa sa buhay, bagsak na ang Vintage Spy. Lugmok pa sa putikan. Ang Vintage Spy Investigation ay bumagsak na, why? Here it is...

Before anything else, I would like to close 1 case...

THE INFILTRATOR CASE

CASE CLOSED

Si Coleman ang infiltrator na nagbanggit sa alkalde ng lahat ng kaso ng Vintage Spy. Though sarado na ang Vintage Spy, nagiingat pa rin si Arsene kay Coleman kahit sa tingin nya ay kaya nabanggit ni Coleman ang kaso sa alkalde ay dahil sa pagkadulas nito. Ngunit magkagayunman, ang tiwala ni Arsene sa madla ay wala.

okay...

Mayroong contribution si Infiltrator at isang tao na itatago natin sa codename na Lucas. Maging ang isa sa mga suspek sa Infiltrator case na si Tinyente, kontributor din.

Nabanggit nga natin na si Infiltrator ay nagbanggit sa alkalde ng tungkol sa kaso na hawak ng Vintage Spy, at nabanggit din na madaldal ang alkalde. Nabanggit ng alkalde ang istorya sa congressman, gobernador, bise alkalde, mga konsehal, kapitan ng baranggay, tanod, taumbayan atbp. Ngunit naikwento lamang nya ito sa kanyang nasasakupan pa lamang, Hindi pa nya ito nailabas sa ibang bayan. Here comes Lucas. Mayroong kasing pieces of evidences na napulot si Lucas at pinagkonekonekta para mabuo at maging isang ebidensya laban sa Vintage Spy Investigation Company kahawig ng hawak na proof ng alkalde. Walang nabanggit na kahit ano kay Lucas at walang koneksyon ang Vintage Spy kay Lucas ngunit dahil na rin sa di matigil na pagdadaldal ng tao, ay nakasama na siya sa nakidaldal. Huling kontributor, ang tinyente. Alam kong di plano ng tinyente ilaglag ang kompanya dahil may mga naitutulong ito ngunit sa lubos nyang kaligayahan ay nailabas nya lahat lahat ng mga pruweba, patunay at kung ano ano pa sa buong pulisya. Nalaman maging ng mga sibilyan ang tungkol sa kaso dahil sa kanyang pagbibiro at nalaman nung taong mismong involved sa kaso. Actually alam na nung tao mula pa nung ipinagkalat nya ang pruweba at dahil rin sa sobrang tuwa nya kaya kumalat. Ngayon, napatunayan pa.

Tahimik na nagmasid si Arsene sa unti-unting pagbagsak ng Investigation Company na kinabibilangan nya. Ang lahat ng kanyang naipundar, ginawang kaso at kung ano ano pa, ngayoy naabo dahil sa ilang insensitivity ng may mga hawak ng kaso. Sa ngayon, buong Pilipinas na ang nakakaalam ukol sa kaso. Hindi alam ni Arsene kung paano tatakasan ang pagkakaalam na ito. Kinakailangan nyang gumamit ng iba. Ngunit mahihirapan siya pagkat wala nang investigation unit na sumusuporta sa kanya.

Ang tanging magagawa ni Arsene, takasan, pero mahirap. Buong mundo ang nakamasid sa kanya at ang Pilipinas ay alam na ang pagkatao nya dahil kasama ito sa kaso. Inisip nyang hindi pa huli ang lahat. Ipaglalaban nya ang kaso ano pa man ang mangyari. Maging wala na ang mismong Vintage Spy, pipilitin nyang maging isang Vintage Spy. Nandyan man sila Infiltrator, Lucas at Tinyente maging ang alkalde, pipilitin ni Arsene lagpasan ang mga ito. Kung may matumba, imposible pang makabangon.

Isang malaking hamon ang kinkaharap ngayon ni Arsene. Paglalaban ng puso, galit, paghihiganti at damdamin.



If you can read the book Noli Me Tangere, tapos isipin nyo yung nagsusulat ng blog post na ito ay si Crisostomo Ibarra, ang nangyari sa pagiibigan nila ni Maria Clara, ang pagextra ni Linares at namagitan sa kanilang dalawa (take note, Linares), ang pagextra ni Lucas, si Elias, si Padre Damaso, ang mga kaibigan ni Maria Clara na sina Sinang, Victoria, etc, ang alperes, at kung sino sino pang characters, maikukumpara mo ang nangyayari sa akin ngayon. Hanggang sa pagbagsak ni Crisostomo Ibarra na parang wala siyang nagawang mabuti sa mundo at kinukutya pa siya ng mga tao. Hay naku... Di kaya nabasa ni Rizal ang mangyayari sa isang taong katulad ko?


Do I have everything?


Sabi nila, pero tingin ko hindi, cause I ain't got you. You're my everything. (naks)



Kung si Kudo hindi nya masabi kay Ran ang kanyang nararamdaman dahil lumiit siya sa pagiging Conan, ako naman di ko masabi dahil naging COnan ako. haha...


Mga haring nakikihati sa kita ng trabahador.

Grabe nga naman ang ibang tao sa mundo. Ipinapakita lang nila ang sobrang kaganiran at kaswapangan. Ganito kasi yan. Halimbawa, sa isang kumpanya, merong manager at mga staffs. Ang staff ay sumuweldo, di kuntento ang manager sa sweldo nya at kumuha pa sa staff, insensitive sa kung saan kukuha ng pangkain ang staff dahil binawasan na nya ang sweldo... Hay naku... Paano pa pag naging pulitiko yung mga yan? Dagdag magnanakaw at pahirap nanaman sa bansa yan... Di ko maintindihan talaga. Para silang mga tao na nakikikain sa kaning baboy. Parang ganun. Walang contentment in life. Kung tingnan nila yung araw, yung clouds, yung puno, at kung ano ano sa paligid nila, e di sana naaliw sila hindi yung nangaagaw pa ng trip...

"As long as you live, you still have the second chance..."

Yan ang paulit ulit kong sinasabi. Kaya siguro, tutulad ako sa last samurai, yung tipong kahit alam mong ang katapat mo ay machine guns, mga matitinding kalaban at ikaw, samurai at arrows lang ang dala mo, lalaban ka pa rin. It is not the victory that counts here. It is the valor. Yung courage mo na harapin ito alang alang sa dignity mo. Haharapin mo ang lahat at least kung namatay ka man, you die with honors. Hindi yung mamamatay ka na, nagsisisi ka pa. Yeah. People, I WILL FIGHT.


Okay, enough na muna siguro for this time, marami akong gustong isulat pero nakakalimutan ko... So next time na lang uli...


Saturday, January 24, 2009

Philippine History...

STORY TIME!!!

This happens in a REAL STORY.

Noong unang panahon, si Ferdinand Magellan na isang traveller ay nadiskubre ang Pilipinas at sinabi ito sa mga kastila (hindi siya yung mismong nakadiskubre kundi nalaman nya na nageexist pala ang lugar na ito). Kahit namatay siya, sunod sunod na ekspedisyon ang ipinadala ng mga Kastila sa Pilipinas at sa huli, kahit anong laban ng mga Pilipino ay nanalo ang mga Kastila at nasakop tayo ng mahigit 300 taon.

Sa loob ng 300 taon, kakaunting sibilisasyon lang ang nailagay ng mga Kastila. Kadalasan pa, ginagawa nila ang mga sibilisasyon na ito para sa mga kapwa rin nila Kastila na maninirahan sa Pilipinas. Ipinagmamalaki rin nila na sila ang nakadiskubre sa Pilipinas. Kakaunti lang ang naalala ng mga Pilipino na kabutihan na ginawa ng mga Kastila. Kadalasan, ang mga kalupitan at pangaapi ang nanaig sa kanilang isipan. Puro pansariling interes lang ng mga kastila ang kanilang pinapairal at hindi ang kapakanan ng pinapakinabangan nilang bansa. Di lang nila basta inalipin ang mga Pilipino, kinuha at sinamsam pa nila ang mga kayamanan nito. Ngunit wala pa rin magawa ang mga Pilipino dahil inferior sila. Merong mga bayani ang nagbuwis ng buhay ngunit nagtapos din ang pananakop ng mga kastila sa isang kasunduan na nagkakahalaga ng milyon milyon.


Bahala na kayo magisip bakit ko kwinento to...

Anyways. ang laking effect ang nagawa ng infiltrator. Finally. Gaya ng inaasahan. Sabi ko nga, ang alkalde ang pinakamadaldal na tao na nilikha na siguro at naikwento ang kaso na nileak ng infiltrator sa ibang tao. Kaunti na lang, buong bayan na nya ang makakaalam tungkol sa kaso. Well, .5 percent na lang para masabi na case closed na si Infiltrator...


Di ko aakalain na darating ang panahon na ang tulang Tonight I Can Write ni Pablo Neruda ay magaapply sa buhay ko. Kahit anong gawin ko, it just keeps on ringing.

DI ko alam. Saka na ako magedit.

Thursday, January 22, 2009

The Infiltrator

Stabbed in the back. Balik 1st year at 2nd year.

Ayoko nang ibalik ang kwento dahil naitype ko na ito sa blog ko ng maraming beses. Pero this time, history repeats itself but in a different event. Dahil dyan, merong bagong case na nagawa ang Vintage Spy...

The Infiltrator Case

Si Infiltrator, isang traydor. Ganito ang kwento.

Ang Vintage Spy Investigation Office ay nageempleyo ng mahigit kumulang 84 katao. Hindi lahat sa mga tao dito na nagtatrabaho ay alam ang kanilang tunay na pinagseserbisyuhan. Ang iba dito ay nagsisilbing tipster, tagapagpanatili ng transmitters at iba pa. Sa ibang kaso ng Vintage Spy, may mga ilan sa mga tao ang kinukuha sa labas. May mga kaso rin na mayroong maraming pinagkakatiwalaan at hindi lamang ang Vintage Spy at ang pinakamagaling na agent na si Arsene ang nagtatrabaho.

Sa isang case ng Vintage Spy (dahil sa confidentiality, hindi natin ilalabas ang pangalan ng kaso), mayroong 7 tao ang nakakaalam ukol sa kaso kasama mismo si Arsene. Itong mga taong ito ay naisama sa kaso dahil na rin sa isang pagkakamali ng operator ng Vintage Spy at napagalaman ng mga ito. Pinangako naman nila na hindi sila magsasalita ukol dito at walang lalabas. Ngunit ang joke time ay di talaga mapigil. Nagkakaroon ng ideya ang ilang sibilyan ukol sa kaso. Nahirapan ang Vintage Spy i-conceal ang kaso. Ngunit maari siyang magdeny dahil wala naman sa mga sibilyan ang proofs at nasa kamay ito ng Vintage Spy at ng 7 tao.

Ngunit sa isang kasiyahan, may nalaman si Arsene. Si Mayor Ibarrack, isang alkalde sa isang maliit na bayan sa Timog Katagalugan ang nakaalam ukol sa kaso. Meron din siyang hawak na proof kung saan ay hawak lamang ng 7 tao. Si Mayor Ibarrack ay kilala bilang madaldal na tao. Wala siyang sinasantong sikreto. Lahat lumalabas. Dahil dyan, kinabahan si Arsene at maaring ikabagsak ng buong Vintage Spy INvestigation.

Naisip ni Arsene isipin ang mga posibleng suspek sa kaso. Mga pangyayari at mga pagkakataong na naganap para malaman at mapasakamay ni Mayro Ibarrack ang proof. Ang 7 tao ay awtomatikong suspek na. Itatago natin ang pangalan ng pitong tao para sa kanilang proteksyon.

Unang naging suspek, si "Tinyente". Si Tinyente ang orihinal na pinanggalingan ng proof. Siya ang unang napadalhan ng operator ng proof kaya nya nalaman ang kaso. Siya rin ang nagpadala sa ibang tao na kaya nagkaroon ng 2 pang kopya ang proofs na nalaman ng 2 tao at nabasa pa ng 2 tao muli. Ngunit, mayroong hidwaang nagaganap sa pagitan ng Tinyente at ng alkalde dahil na rin sa sobrang kadaldalan at sobrang mapanakit na pananalita ng alkalde kaya medyo imposible na siya ang magbigay ng proof sa alkalde.

Ikalawang suspek, si "Tony". Magkasama sa trabaho sina Arsene, Tony, at ang tinyente. Ngunit di nila alam ang ginagawa ni Arsene. Nalaman na lamang nila ito ng malaman nila ang tungkol sa kaso. Medyo may kaimposiblihan din si Tony dahil meron ngang hidwaan sa pagitan ng alkalde at sa kanilang 3 at isa pa, di sila close.

Ikatlong suspek, si "Bajo". Si Bajo, ang unang nakahula ng password para tuluyang mabuksan ang kasong ipinadala at malaman ang nilalaman. Sinabi rin nya kasi sa ibang mga tao ang password na kanyang nalaman. Ngunit imposibleng gawin din ito ni Bajo dahil wala rin silang koneksyon sa alkalde, isa lamang siyang hamak na sibilyan.

Ikaapat na suspek, si "Aparri". May alam siya ngunit di na siya gaano nakikialam pa sa kaso. Wala rin siyang hawak na proof at meron din siyang hinanakit sa alkalde dahil isa siya sa biktima nito ng mapangalipustang pananalita ng alkalde. malayong si Aparri.

Ikalimang suspek, si "Sentimo". Wala siyang pakialam talaga. Hindi nangaasar o ano pa man. Wala siyang orihinal na kopya ng proof ngunit nabasa nya ito at alam nya ang password ngunit malaking kaimposiblehan din na si Sentimo dahil wala siyang koneksyon sa mga matataas na uri ng tao gaya ng alkalde.

Panghuling suspek, si "Coleman". Siya ang pinakamalapit maliban kay Tinyente. Pero dahil nga kinansela na natin si Tinyente, siya na lang ang suspek na natitira. Ito ang mga batayan kung bakit si Coleman ang posibleng INFILTRATOR.

> siya ang pinakamalapit na tao sa alkalde. Magkaibigan sila ng alkalde mula pagkabata at hindi na mawawala iyon. Napansin din iyon dati sa pananalita ni Coleman at pananalita ng alkalde.
> siya ang pinakaposibleng magkwento. Wala nang ibang nakakaalam ng kaso at may hawak ng pruweba. Isa si Coleman sa mga may hawak ng pruweba. Kung sakaling galing ito sa labas, walang mababanggit na pruweba ang alkalde.

Sa mga patunay na ito. Mayroong 98% na posibilidad na siya ang nagbigay ng proof at impormasyon sa alkalde. Posible siya ang infiltrator ng Vintage Spy. Maaring hindi nga siya pumasok o naisama sa 7 tao bilang infiltrator ngunit ininfiltrate pa rin nya ang intelligence division ng Vintage Spy at ipinagsabi ito. Dahil dyan, ang infiltrator ay isang, Spy's Enemy na at pababagsakin ng patalikod.

Infiltrator, whoever you are, kung ikaw man si Coleman, or whoever, you are being watched. You have 3 days to surrender yourself or you will subjected to legal actions. Si INFILTRATOR ay isang kaaway. Ngunit sa ngayon, hindi muna natin isasara ang kaso. Magbibigay tayo ng 3 araw bago ito isara. Kung sino ka man infiltrator, your end is near.

P.S. If ever na maisara ang kaso at malaman kung sino si Infiltrator, hindi ito ipapaalam sa kanya dahil siya ay pababagsakin sa di nya alam na pagkakataon at di nya alam na panahon.


The Classroom Case

This day, maraming napansing kakaiba si Arsene...

Medyo tama ang mga obserbasyon ni Bok at ni Arsene nitong mga nakaraang araw. Si Haydn ay malapit kay Marie at hindi ko alam kung si Haydn ang tinutukoy ni Marie. Hindi na natin gagawan ng kaso ang pagiging malapit ni Haydn dahil sa man's point of view, alam na natin na medyo sinusuyo nya si Marie.

The Foreigner Case

Tigil muna tayo sa pagtitinginan nila Marie at Roan. Medyo nalilink kasi si Roan ngayon sa ibang tao. well, let's call her Nikki. Si Nikki at si Roan ay parehong maaga. Wala lang kaming magawa kaya napapansin namin ang kanilang "sweetness"


Hanggang dito na lang muna tayo.

Whoever you are infiltrator, be ready, your enjoyment in your life begins TOMORROW. Hell days begins on January 26 for you, INFILTRATOR.

Anyways, hindi mo rin naman mababasa ang blog site ko dahil hindi ka welcome, pero kung gusto mo basahin, mas maigi, At least in that way, malaman mo na isa kang malaking bigfoot.

State of Bewilderness

Currently in some computer shop at nagiimbestiga.

Ano nga bang meron?

In everything that you do, we have to make decisions. Minsan these decisions make you successfull pero most of the times, hindi. Kadalasan pa, may mga desisyon na magpapawala sa iyo ng isang bagay at dahil duon ay pagsisihan mo ang ginawa mong desisyon.

Let me tell you a story tungkol sa isang knight na nagngangalang, Sir Ray.

Automatic na na nuong medieval times ang sapilitang pagkuha ng mga batang lalaki na nas edad 12 pataas para gawing sundalo. Minsan nagiging sundalo sila kahit di nila kagustuhan. Yung iba naman, napipilit na lang. Isang bata na nagngangalang Rachimanov Gustav. Noon pa man, balak na nya maging isang sundalo. Bata pa siya, nagtrain na siya na masanay sa mga strengthenous activities para mahasa ang kanyang skills. Dumating ang araw ng pagkuha. Kinuha siya ng mga sundalo ng hari at dinala sa palasyo. Kasama ang mahigit 200 na batang lalaki isa isa silang binabasbasan upang maging isa sa mga magtrain para maging sundalo. Ngunit merong mga magagaling sa kanila ang magiging knights at magkakaroon pa ng special training para sa knighthood. Nagpakita ng galing si Rachimanov at nabilib sa kanya ang mga tao. Nabilib ang mga guro nya at sinabing balang araw, may posibilidad na maging hari ito. Sinabi ng mga wisemen na hindi maari dahil hindi naman siya from royal blood. Pero kay Rachimanov, ginawa nyang maging magaling dahil gusto nya at hindi dahil sa kahit ano mang advantages. Dumating ang araw ng kanilang pagtatapos. Si Rachimanov ang nakakuha ng pinakamatataas na karangalan kaya isa siya sa mga binigyan ng offer ng hari na maging knight. Sa kanyang pamamahinga, nakakilala siya ng isang dalaga na nagtatrabaho sa kaharian. Napahanga siya sa angking kariktan at galing ng dalaga kaya napaibig siya dito. Nalaman nya na may gusto sa kanya ang babae. Ngunit kapwa sila nagtataguan at hindi nagsasabihan ng nararamdaman. Dahil dito, inililihim nila ang nararamdaman ng bawat isa.

Kapwa nila pinagaaralan ang kanya kanyang mga pagkatao, mga kagustuhan at kung ano ano pa tungkol sa kanila. Nais na sana sabihin ni Rachimanov ang katotohanan ngunit hindi maari dahil siya ay nasa militar. Sa tuwing laban ay di na aasahan ang kanyang pagbabalik at hindi na maari pa siyang magkaroon ng pagkakataon pa magmahal. Nahihirapan din siya dahil sadyang maraming manliligaw ang dalaga. Inisip nya na hihintayin na lang nya matapos ang digmaan at sabihin na ang katotohanan. Ngunit matatagalan pa ito dahil matagal tagal pa ang digmaang nagaganap. Wala rin siyang ibang magawa kundi maghintay at isantabi ang nararamdaman.

Nagsimula ang digmaan, dahil sa galing nya, isa siya sa mga ipinadala ng hari para makipagdigma. Tumagal ng ilang buwan ang labanan at nanalo ang kanilang laban. Sumuko ang kalaban at napasakamay nila ang nanakaw na lupain. Bumalik si Rachimanov at naisip ipagpatuloy ang kanyang pagiging knight. Nagsimula ang training. Matagal tagal ang training. Medyo pinagsisihan nya ang pagpasok sa knighthood dahil inuutusan lang siya ng mga mas matataas sa kanya. Kaunti lang ang training na natatanggap nya at puro pangaalipusta ng mga taong mas nakakataas sa kanya. Sa kabilang dako, ang dalagang kanyang sinisinta ay naghihintay pa rin. Ngunit dumating ang araw na nagsawa ito sa kakahintay.

Malapit na ang pagbabasbas ng hari sa 3 knight na hinirang. Si Sir Ray (dating Rachimanov), SI Leo, Sir Gustavo. Naisip nya sabihin na sa babaeng kanyang sinisinta ang katotohanan lalo pa na malapit na matapos ang kanyang knighthood. Ngunit sa kanyang pagbabalik ay wala na siyang nabalikan. Mayroon nang ibang minamahal ang dalagang kanyang sinisinta. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan at tanggapin na natalo siya.

HIndi man siya nagtagumpay sa dalaga, marami pa ring naghihintay na pagkakataon sa kanya. Dahil duon, naisip nya tapusin ang kanyang pagiging knighthood at hintayin ang pagkakataon ng pagbabasbas.


Sa darating na unang linggo ng marso, mawawala ang Mga waitress at waiters. Bakit? Kasi matatanggal na.

Wednesday, January 21, 2009

seven fifty-four

Wala akong maisip na magandang titulo para sa aking post kaya ang oras na lang ang inilagay ko. Bago ko simulan ang aking post, nais kong sariwain ang quotations ng newly elected president ng America at ang presidente na ngayon, si Barack Obama...

"Yes we can"

Pero paano kung itapat natin ang sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere,

"Ang yumuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon."

What if ganito ang pangyayari...

Meron kang goal. Pero alam mo this time na yung goal na yun is unattainable na. Possible mo siya makuha pero mga 10% lang ang possibility. Would you risk?


Anyways, bago ko ituloy ang post na yan, cases muna tayo...


The Classroom Case

Zero visibility this moment si Emmanuel. Pero mataas ang visibility ni Haydn within kay Marie. Si Roan naman, wala rin. At maging ang ibang suspect...

Isa sa mga suspect, si Bok ang nagbigay ng kanyang testamento ukol dito. Sinabi nya na may malaking tsansa na si Haydn ang tinutukoy ni Marie. Meron kasi siyang binitawan na clue pero para sa benepisyo ng mga taong kasangkot, hindi ko na ibibigay ang clue. Palagi rin nakikita na magkatabi sina Marie at Haydn. Hindi natin alam.

The Case of the Unanswered Question


Merong 2nd chance si Vladimir. And not just second chance, but the whole chance to do so. Nabigyan ng malaking break of the game si Vladimir so he won. And dahil dyan,

CASE CLOSED

Hindi na natin aalamin pa ang panig ni Celia. The testimonies, facts and observations, including the proofs are real.

Paano naisara? Ilang transmitters ng Vintage Spy ang nagshutdown ngunit marami raming transmitters ang ipinatayo ng Vintage Spy para mas makasagap pa ng signal sa ilang pangyayari. Mayroong 2-3 transmitters ang nagpadala ng signal na mayroong namamagitan kanila Celia at Vladimir. Whatever it is, yun ang malabo. Pero meron so case closed.


Dafoe Case

Wala na. Meron man tayong ibang ideya, o impormasyon na nasagap, hindi natin masasabi na si Dafoe ito. Maaring siya si Dafoe pero di natin alam kung siya nga, Dahil dyan, ipapadala na ang Dafoe Case sa...

COLD CASES

Possibly, walang leads kung sino si Dafoe. Sinasabi man nila na ito ay si Roman (codename ng isang suspect), hindi natin masasabi na siya ang hinintay ni Maria. So kung sino man yun, imposible pa tayo makakuha ng leads. Kaya naisip ng Vintage Spy na ilagay na lang sa cold cases ang kaso dahil wala nang leads. Mabubuksan lang ito if ever may matibay na lead. This time, wala na kayong maririnig about this case. Maisasara itong UNCLOSED FILE.


"She loved me, sometimes I loved her too.
How could one not have loved her great still eyes.

Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.

To hear the immense night, still more immense without her.
"

-Excerpts for "Tonight I can Write" by Pablo Neruda


Madamdamin ang poem na ito. To see the whole poem, click this link. Una, memorable siya dahil siya ang ginamit kong pyesa sa pagsali sa Mr. PUP. Ikalawa, lagi itong pinapabasa sa akin at ikatlo, this time, unknowingly, nagapply siya sa akin. Especially these verses.

Sabi nga nila, hindi mo kayang hawakan ang tubig. Hindi mo kayang harangan ang daloy ng tubig. Parang yung isang kwentong nabasa ko, mayroong bata, pilit nyang hinaharangan yung daloy ng ilog. Nagpatong patong siya ng bato, binubuhat nya, nagpapakahirap siya. Pero kahit anong hirap nya, humahanap at humahanap pa rin ng butas ang tubig na pagdadaluyan nya. Naghahanap ito ng daanan. Ganun din ang buhay. Hindi mo kayang pigilin kung ano man ang agos.

Sa buhay, marami akong pinagsisihan. Especially last year. Meron kasing mga desisyon na masyado akong naging impulsive. Without thinking the possible consequences. Marami ang nawala, marami ang nadagdag. Pero paano kung ang nawala sa iyo ay iyong bagay na mahalaga sayo?

We cannot escape the fact na lahat tayo natatalo. Darating at darating sa buhay yan. Hindi lahat ng bagay, masaya. Hindi lahat, panalo. May talo yan. This time, it's my time.

Pero mas maigi na rin na nalaman mo ang katotohanan kaysa mabuhay ka sa kasinungalingan. May mga bagay na hindi mo matanggap pero iyon ang katotohanan. Para sa akin, hindi na kailangang bihisan ng pagkukunwari ang katotohanan. Wala tayong magagawa. Iyon ang katotohanan.


Mahirap intindihin. Pero siguro, it's time to give up. Hindi lahat ng bagay ipinaglalaban. May mga mandirigma tayo na hindi nanalo dahil laban lang ng laban. They never know how to accept defeat.

Though inaccept ko ang defeat ko, it is not the end for everything. Buhay pa ako, marami pa akong magagawang productive para sa akin at sa bayan ko. May bukas pa. Meron pang susunod na araw. Andyan ka pa, andyan pa siya, andyan pa ako. Mayroon pa akong kamao.

Tuesday, January 20, 2009

It's in her eyes

Sa blogger ako ngayon nagtatype ng post. Firstly kasi matagal tagal ko nang di ito ginamit since nagkaroon ako ng multiply site. So I decided to make my post in here today...


January 19, 2008

Maraming ibang ibang istorya akong nasilayan ngayong araw na ito. Masaya, malungkot, madrama, at kung ano ano pa. Sisimulan natin sa isang shocking story.

Umaga. Di pa ako nakakaalis, I feel something weird is going to happen. Pero dahil hindi ko pwede i-relate or isalaysay ang tunay na kaganapan, narito ang istorya na maaring pagnilaynilayan.

There was a war between the North and South Korea. Dahil ito sa paghahati ng border. Tila walang mananalo sa laban at magtatabla ito. Dahil dito, naisip muna nila magkaroon ng cease fire upang hindi masayang ang kanilang mga weapons pa at magkaroon ng panandaliang kapayapaan for 2 mos to give way para sa New Year. But North Korea was very insistent. Gusto nila mahati na ang border kaya nagsimula uli sila magbagsak ng missile sa Seoul. After ilang days, di na uli nagpadala ng troops or nagbagsak ng bomba ang North sa South Korea. Pero siyempre kahit di gumanti ang South Korea, nagiisip sila na gantihan din ang North. Merong 4 na sundalo mula sa 6th Infantry Division ang napadaan sa ilang North Korean soldiers. Hindi sila nakilala ng North Korean soldiers kaya nakalagpas sila at nakabalik sa base. pagkabalik nila ng base, kwinento nila sa kanilang commander na sila ay pinahirapan at inalipusta ng North Korean soldiers. Nagalit ang commander at nagpadala ng isang batalyon upang lusubin ang North Korean soldiers. As the war was going on, napagalaman ito nung 4 na sundalo na nagkwento sa commander at sinabi sa commander na joke lang ang lahat. Hindi naman talaga sila pinahirapan or whatsoever. Kumbaga nag joke lang sila. Pero huli na ang lahat, nakapagpadala na ng batalyon sa digmaan. Marami na ang nagbuwis ng buhay.

Good thing merong isang nagisip mula pa rin sa 6th Infantry Division na magretreat na. Isuko na muna at saka na lang ipagpatuloy ang laban pag muling umatake ang North Korea. Kahit may damage na nangyari, umatras ang South Korean soldiers at bumalik sa base. Sa ngayon, hindi pa naman umaatake muli ang North Korean soldiers. Pero darating at darating ang panahon na yung joke na iyon ay magkakatotoo.


So ayan, yung di makaintindi, just enjoy the story...

Ito naman ay love story...

Habang naglalakad si Grace, nakapulot siya ng isang diary, and naisip nya ito basahin. Ito ang nilalaman ng diary...

It all started this time... It all started as an acquaintance. Hindi kita kilala noon, this time lang talaga. I just can't tell it. Pero di ko kasi alam eh.

"I can see it in your eyes, I can feel it in your smile."

I appreciate it very much whenever you appreciate me. Pero siyempre, we all have our seperate ways. Nauna kang makakuha ng seperate way. Luckliy, bumalik ka sa mismong base point. Pero how can I?

Akala ko kasi, maari lang madaan lahat sa panlilinlang. Pero nagkamali ako. Ang ginamit ko na panglinlang, ay siyang kinahulugan ko ngayon. Wala na ako masabi. Pero sana, lagi akong makatingin sa iyong mapupungay na mata.


Awts. How sad is this story. Anyways, kwentuhang kaganapan naman tayo.

Ayun nga, shocking morning. Second, yung shocking tests. Third, shocking faces (for example, a stallion) and etcetera. Meron ding Group Interviews etc. Tapos uwian. Tapos case update dahil uwian.

The Classroom Case

This time, it really happened in the classroom. Gawin nating parang scriptwriting ang format.

Scene 1: sa isang maingay, magulo at maduming classroom, dalawang tao ang naguusap ng matahimik. Isang instructor, nasa late 20's, nakaupo sa teacher's chair, nakasandal ang kamay sa teacher's table. Ang isa, si Marie, nasa edad 15 nakaupo sa armchair, nasa tabi ng teacher's table at tahimik na nakikipagusap sa guro.

Dahil nga kahit nakatayo lang ako eh marami akong nasasagap, nasagap ko ang paguusap. It's all about one of our possible suspects, the outsider, Emmanuel. It's about inspiration something. Dahil nga sa ang nasaad na instructor ay alam ang sikreto ng kanyang mga tinuturuan, malamang ay nalaman din nya ang past nila ni Marie. Ito lang yung twist. Nung pauwi, luckily, kasabay si Marie at ang isang suspect, si Roan which happens to be part ng Foreigner Case. Meron pang ibang part ng classroom case na sina Crisostomo, Haydn at Bok. Parang nagninilay nilay si Marie. Possibly, effect ito ng paguusap nila ng nasabing instructor kanina ukol kay Emmanuel. Tapos medyo emotional din during that time si Roan. Tahimik lang. Parang may something...

As of now, di ko guguluhin ang kanilang solitude. Pero nagtatype pa rin ako sa blog ko.

Bukas, start of new days, start of another set of shocking tests. Goodluck.

P.S. Nasa links ko na ang blog ng isa kong kaibigan na si Dan Figueroa also known as Eagleman, Lao Tzu, Lu xiu zhang, Lee Kong King, Chinese Mafia, *Toot* *toot*, may gusto kay *tooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot* hehe... Haba... Maraming issues and etc. Isa pa, sa mga Koreans out there, fictional po ang story. The story is fictional.

Monday, January 19, 2009

It's in her eyes

Sa blogger ako ngayon nagtatype ng post. Firstly kasi matagal tagal ko nang di ito ginamit since nagkaroon ako ng multiply site. So I decided to make my post in here today...


January 19, 2008

Maraming ibang ibang istorya akong nasilayan ngayong araw na ito. Masaya, malungkot, madrama, at kung ano ano pa. Sisimulan natin sa isang shocking story.

Umaga. Di pa ako nakakaalis, I feel something weird is going to happen. Pero dahil hindi ko pwede i-relate or isalaysay ang tunay na kaganapan, narito ang istorya na maaring pagnilaynilayan.

There was a war between the North and South Korea. Dahil ito sa paghahati ng border. Tila walang mananalo sa laban at magtatabla ito. Dahil dito, naisip muna nila magkaroon ng cease fire upang hindi masayang ang kanilang mga weapons pa at magkaroon ng panandaliang kapayapaan for 2 mos to give way para sa New Year. But North Korea was very insistent. Gusto nila mahati na ang border kaya nagsimula uli sila magbagsak ng missile sa Seoul. After ilang days, di na uli nagpadala ng troops or nagbagsak ng bomba ang North sa South Korea. Pero siyempre kahit di gumanti ang South Korea, nagiisip sila na gantihan din ang North. Merong 4 na sundalo mula sa 6th Infantry Division ang napadaan sa ilang North Korean soldiers. Hindi sila nakilala ng North Korean soldiers kaya nakalagpas sila at nakabalik sa base. pagkabalik nila ng base, kwinento nila sa kanilang commander na sila ay pinahirapan at inalipusta ng North Korean soldiers. Nagalit ang commander at nagpadala ng isang batalyon upang lusubin ang North Korean soldiers. As the war was going on, napagalaman ito nung 4 na sundalo na nagkwento sa commander at sinabi sa commander na joke lang ang lahat. Hindi naman talaga sila pinahirapan or whatsoever. Kumbaga nag joke lang sila. Pero huli na ang lahat, nakapagpadala na ng batalyon sa digmaan. Marami na ang nagbuwis ng buhay.

Good thing merong isang nagisip mula pa rin sa 6th Infantry Division na magretreat na. Isuko na muna at saka na lang ipagpatuloy ang laban pag muling umatake ang North Korea. Kahit may damage na nangyari, umatras ang South Korean soldiers at bumalik sa base. Sa ngayon, hindi pa naman umaatake muli ang North Korean soldiers. Pero darating at darating ang panahon na yung joke na iyon ay magkakatotoo.


So ayan, yung di makaintindi, just enjoy the story...

Ito naman ay love story...

Habang naglalakad si Grace, nakapulot siya ng isang diary, and naisip nya ito basahin. Ito ang nilalaman ng diary...

It all started this time... It all started as an acquaintance. Hindi kita kilala noon, this time lang talaga. I just can't tell it. Pero di ko kasi alam eh.

"I can see it in your eyes, I can feel it in your smile."

I appreciate it very much whenever you appreciate me. Pero siyempre, we all have our seperate ways. Nauna kang makakuha ng seperate way. Luckliy, bumalik ka sa mismong base point. Pero how can I?

Akala ko kasi, maari lang madaan lahat sa panlilinlang. Pero nagkamali ako. Ang ginamit ko na panglinlang, ay siyang kinahulugan ko ngayon. Wala na ako masabi. Pero sana, lagi akong makatingin sa iyong mapupungay na mata.


Awts. How sad is this story. Anyways, kwentuhang kaganapan naman tayo.

Ayun nga, shocking morning. Second, yung shocking tests. Third, shocking faces (for example, a stallion) and etcetera. Meron ding Group Interviews etc. Tapos uwian. Tapos case update dahil uwian.

The Classroom Case

This time, it really happened in the classroom. Gawin nating parang scriptwriting ang format.

Scene 1: sa isang maingay, magulo at maduming classroom, dalawang tao ang naguusap ng matahimik. Isang instructor, nasa late 20's, nakaupo sa teacher's chair, nakasandal ang kamay sa teacher's table. Ang isa, si Marie, nasa edad 15 nakaupo sa armchair, nasa tabi ng teacher's table at tahimik na nakikipagusap sa guro.

Dahil nga kahit nakatayo lang ako eh marami akong nasasagap, nasagap ko ang paguusap. It's all about one of our possible suspects, the outsider, Emmanuel. It's about inspiration something. Dahil nga sa ang nasaad na instructor ay alam ang sikreto ng kanyang mga tinuturuan, malamang ay nalaman din nya ang past nila ni Marie. Ito lang yung twist. Nung pauwi, luckily, kasabay si Marie at ang isang suspect, si Roan which happens to be part ng Foreigner Case. Meron pang ibang part ng classroom case na sina Crisostomo, Haydn at Bok. Parang nagninilay nilay si Marie. Possibly, effect ito ng paguusap nila ng nasabing instructor kanina ukol kay Emmanuel. Tapos medyo emotional din during that time si Roan. Tahimik lang. Parang may something...

As of now, di ko guguluhin ang kanilang solitude. Pero nagtatype pa rin ako sa blog ko.

Bukas, start of new days, start of another set of shocking tests. Goodluck.

P.S. Nasa links ko na ang blog ng isa kong kaibigan na si Dan Figueroa also known as Eagleman, Lao Tzu, Lu xiu zhang, Lee Kong King, Chinese Mafia, *Toot* *toot*, may gusto kay *tooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot* hehe... Haba... Maraming issues and etc. Isa pa, sa mga Koreans out there, fictional po ang story. The story is fictional.

Friday, January 16, 2009

Cases REOPENED

Nagkaroon ng Case Holiday within these weeks. Una dahil sa papalapit na exams at ikalawa ay dahil sa ilang mga circumstances na unexplainable. Pero dahil tapos na ang case holiday, back to work muna tayo.

Bago ang lahat, nais ko munang i-reopen ang isang case. As far as I remembered, ang kasong ito ay hindi naipublish na naisara pero naisara ito officially ng Vintage Spy after gathering some information about the people involved in this case. Therefore, we call this,

THE CASE OF THE UNANSWERED QUESTION: REOPENED

To give a brief background kung paano naisara ang kaso, here it is...

It has come to an end na talaga. The Vintage Spy saw the process kung paano natapos ang pagtatyaga ni Vladimir. Celia finished it. She gave her last words and it was officially done. Natulog ng ilang buwan ang kaso. Dahil nga sarado na, hindi na binigyang pansin. Ngunit, as I was having the Case Holiday, I observed something. May "something" pa rin between kay Celia at kay Vladimir.

If it was second chance for Vladimir, hindi natin alam. Pero base sa mga nakikita at noobserbahan ng ilang spies, it shows that Vladimir is having his second chance on Celia. Gaya nga ng sabi ko dati, MALABO. Pero ang malabo kapag pinunasan, lumilinaw. Ilang proofs kasi ang naglitawan especially nung examination week.

As for now, hindi ko pa isasara ang kaso. If ever nga na nagkaroon si Vladimir ng second chance, that is what we are going to find out.

Actually hindi ko alam kung pwedeng pagisahin ko nalang ang kasong ito. Ngunit naisip ko na magkaibang individuality ang mga ito so gawin nating magkaiba. This case should be entitled,

The Classroom Case

Bakit classroom? Ganito kasi yan. Halimbawa sa isang bansa. Kung ang pangulo ng bansa ay mayroong kasong kinasasangkutan, hindi lang pangalan nya ang nasasangkot sa case kundi pati pangalan ng buong bansa. Anyways, ang tinutukoy ko na mairerelate sa case na ito ay ang The Foreigner Case

Ang Foreigner Case ay hindi pa naisasara. The case doesn't end there. Yung kanilang pagtitinginan, yung kanilang ngitian, mga usapan at kung ano ano pa, I know, may something. That's why this new case is formulated. Di ko alam kung halata ba talaga pero talagang nakikita ni Arsene. At kahit anong gawin nyang pagiwas, nakikita nya pa rin.

Pero we will not stick to ROAN being the primary suspect. Ganito kasi muna ang scenario...

Sa classroom, habang si Arsene ay nagaaral ng ilang mga cases nya para ipasa sa headquarters ng Vintage Spy, mayroon siyang nasabat na usapan. Lantad kasi ang usapan kung kaya't narinig nya kaagad. Isang tao, na itatago natin sa pangalang Fredo ang nagsabi na mayroong sinisinta si Marie sa paaralan. Hinuhulaan din ni Fredo kung sino ito ngunit kahit sino ang banggitin ni Fredo, dinedeny ni Marie. Meron din umextra pa na tao na itatago sa pangalang Bok, ang nagbabalak din hulaan kung sino ito. Ayaw din umamin ni Marie at ginagamit ang quote ni Florendo na "Whathhhever".

Bakit ko naisip na nasa loob lang ng classroom ang suspect? Una, hindi pagbabalakan, hulaan ni Fredo iyon kung sa buong paaralan ang pinapahula ni Marie. May malaking posibilidad na nasa loob ito mismo ng silid-aralan dahil sa ipinaglalakasan pa ito ni Fredo. Ikalawa, though meron ding probability na magkagusto si Marie sa taga labas ng silid aralan, hindi pa rin supisyente ang ilan sa mga napaghahalataan ni Arsene. Walang nahahalata si Arsene na kilos ni Marie sa labas ng silid aralan.

Sino-sino ang mga suspek?
1. Roan - sabi ko nga, mairerelate ang kasong ito sa Foreigner case. Parang meron silang pagkakaintindihan more than friends. Though walang istorya na lumalabas na may gusto si Roan kay Marie, pero dahil siguro sa ganitong pagkakaintindihan kaya posibleng magkagusto si Marie kay Roan.
2. Emmanuel - Hindi taga classroom. Walang konek sa buhay ninuman. Di naman siya nobody pero meron silang iisang organisasyon na sinalihan ni Marie. Meron din silang past ngunit kapag tinatanong si Marie ukol dito, dinedeny nya. Whatever the reason is, technologically speaking, meron pa rin nakikitang traces na may gusto pa rin si Marie kay Emmanuel.
3. Cris - Short for Crisostomo. Dahil tapos na ang reign ni Edward at Noli naman ang usapin ngayon, bakit hindi natin isama si Cris. Maaring may possibility din na si Cris dahil nung tinanong ni Fredo kay Marie kung si Cris, hindi agad sumagot si Marie at ngumiti lamang ito at kinailangan pang ulitin ni Fredo ang katanungan para sumagot muli si Marie ng "Sino pa." Ganyan kasi ang kadalasan ginagawa ng mga nagdedeny, nahihirapan magisip kung magdedeny o aamin na lang.
4. GI - sundalo siya. Di lang siya Amerikano so hindi siya Joe. Codename nya ang GI. Si GI, kung si Roan ay nakakatanggap ng 50% ng atensyon ni Marie, si GI ay nakakatanggap ng 20% nito dahil kaibigan ni Marie ang kalaguyo ni GI.
5. Fredo - Paano kung ayaw lang talaga umamin ni Marie na si Fredo nga?
6. Haydn - Hindi ito yung nobyo ni Belo. Codename lang itong Haydn. Posible rin na si Haydn dahil isa ito sa kanyang closest friend na lalaki sa loob ng paaralan.
7. Bok - Sabi kasi ni Bok, pwede naman isama ang sarili nya. Why not?

Kung mapapansin, napakarami pa ng possible suspects. Mahirap mag decide. tahimik si Marie ukol dito. But of course, Arsene will feed on hosts. For sure, merong madudulas dyan at maisasara ang kasong ito.

As for the Foreigner Case, it remains, unclosed.

Dafoe Case

Hindi pa nahuhuli ng batas si Dafoe. Wala na rin akong idea kung sa paanong paraan ko pa malalaman kung sino si Dafoe.




Enough of cases. Mahirap ang exams. Sobra. Pero wala ka nang magagawa dahil kailangan mong sagutan kung ano man ang inihain sa iyo. Whatever it is, we have to continue it. Anyways, magsisimula ang pagiging hagardo, bukas.

Gusto ko sana mag story-telling pero may pupuntahan pa ako. Another opportunity was lost but a sign was taken in advance.

Happy Birthday nga pala kay Master Bule.

Saturday, January 10, 2009

Taoism

Nuong ako'y nasa 2nd year, sa aming pagaaral ng Asian Civilization, napagaralan namin ang tungkol sa Taoism. Well base on the book, ang philosophy ng Taoism is wag guluhin ang "flow of nature" which is the Yin and Yang. Kailangang maging balanse ito.

Why did I decided to relate this topic? Kasi ang istorya ngayon ay medyo may relation dito...

"It is not just me who makes my future but also the people around me." -D.S. Clarin

This is a story about an arms supplier at ang laban ng 2 bansa. Ang Germany at ang America ay may nagaganap na digmaan. Well dahil sa digmaan na ito, marami ang namatay at marami ang nasugatan. Marami rin ang mga nasirang bagay bagay. Ngunit isang araw, isang unknown person ang nag order ng napakaraming supply ng ammo at mga weapons sa Germany. Hindi nagdalawang isip ang arms dealer at itinanda ang mga ito thinking that yung money na napagbentahan ay magagamit nila pangayos ng mga nasira sa kanila during the war. Ngunit nagkamali sila. Di pa man nila nagagamit ang pera, nilaglagan na sila ng atomic bomb na gawa lang sa Germany ng America. Nalaman nila na ang bumili sa kanila ng napakaraming ammo ay ang kanilang kalaban mismo, ang America which leads to their downfall. Wala silang magagawa dahil pagkakamali din nila. Nagpabulag din sila sa pera. Wasak na ang Germany at sinabihan ang America na mag cease fire na sa Germany dahil sila ay susuko na at tinanggap na nanalo na ang America. Ngunit hindi kuntento ang Amerika sa ganoon lamang. Gusto nila mabura sa mapa ang Germany. Unknowingly sa Germany, nagpadala ng air strike ang America patungong Germany. Pagdating ng mga fighter jets, isa isa itong naglaglag pa ng mga bomba na tuluyang ikinabagsak ng Germany. Pero di pa rin nabura ang Germany. Nalaman ng Germany na America ang gumawa nito. Wala na rin silang magagawa. Wala na silang armas.


To admit the truth, why am I continually writing these fictional stories is that I'm so down right now. The truth is, everything I am relating is what really happens on me now. I did not start the joke, but the joke is on me. We can't expect too much. We don't have to. And we really shouldn't. Since I was young, I learned to be self-reliant. But as the saying goes, "no man is an island." That's for real. But, even if we cannot live alone, we can do some things better alone. Para sa akin, mas maganda mag trabaho ng mag isa. Walang gulo, walang problema, wala ka pang responsibilidad. Masaya ang may katuwang sa lahat ng dapat mong gawin. Pero bandang huli, hindi mo alam kung magpapatuloy ang kasiyahan mo. Darating ang time na you'll realize, "I should've been better if I am not in here." But it's too late. You are in there. You have to face it.

If anyone of you can read this, or kung kayo o ikaw na nagbabasa nito, tinamaan, just relax. Hindi ako galit. Gusto ko lang ishare sa iba kung ano ang nasa utak ko ngayon.

Since I was young, hindi ako madaldal na tao. Anyone can rely on me. Wala akong dinadaldal unless kailangang idaldal. I keep things on my own. Until such time na lahat ng bagay sa buhay ko, kailangang ako lang ang magdala. Wala akong pinagkukwentuhan. If ever may problem ako, why should I relate them the story. I know no one would understand or no one would care. They'll just make fun of you and stories about you. They'll just talk about you. So naisip ko itago lahat ng bagay. Naging secretive akong tao which has its own positive and negative effects. Positive in the sense na wala akong natatapakan dahil sa pagiging secretive ko. Wala akong nalalaglag dahil ayoko ang nanglalaglag. Sabi ko nga, pinaka ayaw ko sa mundo ang mga traydor. Negative siya in a way na sinasarili ko lahat ng bagay. Kahit di ko na kaya, kahit sinasabi nila na "let it out". Kasi I know wala rin naman silang magagawa para dito. They'll just give advices. Madaling magbigay ng advice. Pero kung ikaw na ang nanduon sa situation na yun, minsan kahit yung mga magagaling na pastor or advisers, humihina rin. Dahil sa pagiging secretive ko, maraming gustong umalam ng buhay ko.

Naging napaka-confidential ng buhay ko. Walang nakakaalam. LAHAT, namumuhay sa akala, issues, etc. Walang may alam ng totoo. Haka-haka ang lahat. Pero pilit nilang inaalam. Ang di ko maintindihan, isa lang ako sa mga tiny speck na nageexist sa mundo. Marami pang iba dyan. Di ko alam kung epekto ba yan ng panonood ng showbiz talk shows na inaalam ang buhay ng may buhay, makialam ng buhay ng iba at umepal sa kung ano anong gatherings para lang maka scope ng news. To admit, isa rin ako sa mga gustong makakuha ng balita. Maybe because of curiosity. But, I never broadcast it. Di naman ako si Boy Abunda para isiwalat ang buhay ng may buhay. Sakali man, akin na lang yun. Ni hindi nga alam ng tao na alam ko eh. Wala siyang idea na under surveillance na siya. Kasi ayoko makagulo sa buhay nya. he has to live his life and I don't want to mess up with anything in his plans. I let nature flow freely.

Pero ang masaklap, dahil sa dumaraming bilang ng gustong umalam ng mga bagay bagay ukol sa akin, it lead to my downfall. In the sense na halos mapahiya na ako. But they won't care. They only want publicity. Kumbaga sa talk show, wala silang pakialam kung mapahiya yung artista. Sasabihin pa nila "Isiwalat ang katotohanan!" eh mga P*tang ina pala sila, buhay nila di nila maayos tapos buhay ng iba pinupuna pa nila. Pinapahiya pa. Ang sa kanila kasi, maka rate ng malaki, mataas ang ratings kahit may nasasakripisyong buhay. They won't care. Marami namang artista eh. Ano kung bumagsak ka? Marami pa akong pwedeng i-tsismis.

All I want is freedom. I want peace. Kung gusto nyo ng tsismis, go f*ck yourself. In that case, meron kayong maibabalita at nang di kayo makaabala sa buhay ng may buhay.

Pasensya sa "word usage". I'm just so down kasi. And ida-down pa sa mga susunod na araw...


Ilang araw na lang, periodical na... Good thing may nasimulan na kami sa project sa P.E.


P.S. Sa mga Germans at Americans na nagbabasa ngayon, ang istorya po ay FICTIONAL. Anyways, if ever hindi pa kayo contented sa mga nalalaman nyo, may ipapaalam ako sa inyo.

Alamin nyo bakit ganyan kayo. Alamin nyo kung anong problema nyo sa sarili nyo. Yun lang.

Friday, January 9, 2009

We shall fight till the end!

"What you see may not be what he sees." -D.S. Clarin

Story time!!!

Isang araw, si Luigi, isang adventurer ay naglalakad sa isang unknown path. For others it may seem unknown pero for him, alam na nya ang tungkol sa lugar na ito. For almost 1 year, pinagaralan nya ang daan na ito. Isang daan na sinasabing maglelead sa isang hidden gold. Ang gold na ito ay makukuha thru 3 different ways. It's either you go by air or by land using 2 different paths. Kapag nag by air ka, walang obstacles pero wala ka namang paglalandingan. Unless naka jetpack ka or parachute at eksakto kang makakarating sa site. Pagka't kung hindi, hindi makikita ng kahit anong detector ang site. Wala nang coordinates and area at hindi na ito mabasa ng GPS. Kung by land naman, merong Short Cut at ang Death Path. Sa short cut, madali ka lang makakapunta pero di mo alam kung makakaabot ka pa sa dulo. Iba iba kasing deadly insects ang namamahay dito at hindi mo mauubos. Sa Death path, walang nageexist na ganun. Ngunit mahaba-haba ang lakbayin. Marami rin iba ibang obstacles na probably di mo alam. Iyon ang pinagaralan ni Luigi.

Wala pa ni isang tao ang nakarating sa site dahil lahat nabibigo. Pinili ni Luigi ang death path. Kahit mahaba, kahit matagal, konting tiis lang. At least sigurado ka.

Isang araw, napagisip na nyang bumyahe. Habang naglalakad siya sa death path, merong ilang obstacles ang dumating ngunit dahil nga napagaralan na nya ang area, siyempre expected na nya ang mga magaganap. Pero there is this one thing na hindi nya napagaralan. Merong nageexist na canibal sa paligid ng gubat at sa daanan ng death path. Sa dami ng nawala, inakala nilang dahil ito sa obstacles ngunit hindi lahat ay tama. Ilang kadahilanan din ay dahil sa pagpatay ng canibal sa mga adventurer na babyahe. Ilang araw nang naglalakad si Luigi. Maganda ang takbo ng adventure nya. Safe. Expected nya kasi lahat ng magaganap kaya victorious siya.

Kinaumagahan, nagsimula nanaman siyang maglakad. Maya maya biglang may sumunggab sa kanya at sinaksak siya sa likod. Nagulat siya at napaharap. Ang canibal ang umatake sa kanya. Pinilit nyang humulagpos pero ilang saksak ang inabot nya sa canibal. Matagal tagal ding labanan ang naganap at habang inaatake siya ng canibal ay nauubusan na siya ng lakas. Sa huli, nakuha siya ng canibal.

Alam nyang hindi na nya mararating ang gold. Alam nyang di na siya makakabalik sa bahay nya, makakatulog muli ng masaya at pupunta sa bagong adventure. Sigurado, patay na siya ngayong araw ding ito. Walang sinasanto ang canibal. Hinihintay na lang maubos ang stock ng karne bago siya katayin. Nanghihinayang siya sa halos isang taong paghahanda. Isang taong pagsasaliksik pagka't lahat ng ito'y nawala ng dahil sa isang di nya napagaralang bagay. Lahat ay nasayang dahil sa isang recklessnes. Pero huli na ang lahat. Wala na ang pot of gold. Wala na lahat ng paghahanda. Sira na ang plano. Patay na siya mamaya...


Meron pang isa pang istorya...


Sa isang malayong lugar, mayroong napakagaling na pintor ang nagpinta ng painting na tinatawag na Viaje. Isang araw, nagkasakit ang pintor at kailangang kailangan nya ng pambili ng gamot. Naisip ng may ari ng bahay na bilhin sa kanya ang Viaje sa mababang halaga. Dahil sa kailangang kailangan ng pera ng pintor, wala siyang magawa kundi ibenta ang kanyang obra maestra. Dinugas pa siya ng may ari dahil binawasan pa ang pera. Hindi siya nakalaban dahil mahina na siya. Nang bumalik ang bumili ng gamot, patay na ang pintor. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang Viaje ay kanyang isinumpa. Ang sumpa nya ay: Sinuman ang pumuri at magandahan sa kanyang ginawa ay magkakaroon ng malubhang karamdaman. At walang sinuman ang pwedeng mag may ari ng Viaje dahil sinuman ang magmayari ay mamamatay. Kinagabihan nasunog ang bahay.

Ilang taon din ang nakalipas at meron nang mangilan ngilan ang nakadiskubre sa sumpa. Marami ang nagkasakit at marami rin ang namatay. Ang iba'y namatay sa sakit. Isang mayamang haciendero, si Juan Crisostomo ang dumalaw sa museo isang araw. Kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan at kaibigan. Habang ang tour guide ay tinuturo sa kanila ang mga iba't ibang paintings, humiwalay ang 1 tauhan ni Juan at isa nyang kaibigan. Mayroon silang nakitang painting na naka tago sa isang kwarto na hindi nadadaanan ng tao. Vault talaga ang kwarto ngunit nakalimutan itong bukas. Pumasok ang dalawa sa loob. Ang painting ay natatakpan ng isang malaking puting tela. Nang hatakin ni Francisco ( kaibigan ni Juan), nabighani agad ang tauhan na si Verdolagas (tauhan ni Juan). Sadyang maganda ang painting ng Viaje. Agad inatake sa puso si Verdolagas at nilagnat si Francisco kinagabihan. Napipi si Francisco dahil sa lagnat at nagkastroke si Verdolagas. Pareho silang hindi makapagsalita.

Dahil sa naganap, natakot ang mga tao maging si Juan Crisostomo. Isang araw, inimbatahan sa isang kasal si Juan Crisostomo ng kanyang kaibigan na si Jaime. Kapansin pansin sa entablado ang isang mataas na bagay na natatakpan ng puting tela. Natapos na ang kasiyahan ngunit hindi pa rin binubuksan ang tela. Lumapit si Juan kay Jaime.
"Ano yan?" tanong ni Juan sabay turo sa bagay
"Gusto mo malaman?" tanong ni Jaime
"Oo naman."
Binuksan ni Jaime ang tela. Tumambad ang painting ng Viaje. Walang nasabi si Juan kundi pagkamangha.
'Ang ganda." sabi ni Juan
"Hindi." sabi ni Jaime
Walang ideya si Juan na nakatingin na siya sa isinumpang painting. Hindi siya natigil kakapuri at hindi rin siya pinigilan ni Jaime. Umuwi si Juan.

Makalipas ang ilang oras, habang nasa bahay si Juan ay nilagnat din siya ng napakataas na nagdahilan sa kanyang pagkabulag. Nabulag si Juan na ikinasaya ni Jaime. Nabawasan ang kanyang kalaban sa negosyo. Lubos ang kasiyahan nya at wala nang magawa si Juan.



Anyways

Practical test sa P.E. Though we cannot fight, we shall fight. Ayun tapos na. Bahala na kayo alamin ang resulta.

Tapos marami pang etc sa mundo... Alam mo yun? Bahala na.

Thursday, January 8, 2009

The Curtain Falls

"The curtain falls but I stood still, not knowing what to do. For I was not ready for the end to come." -D.S. Clarin

Isang napakasikat na philosopher ang nagsabi ng mga katagang ito. Well bago ang lahat, gusto ko muna ikwento yung history ng paglalaban ng 2 states sa Kingdom of Denmark.

Noong 16th Century, hindi pa kingdom ang Denmark at ang mga states ay pagmamayari pa ng State-Kings. Mayroong 3 major states ang Denmark nuon. Dala na rin ng kaunlaran kaya naging tanyag ang mga state na ito. Ito ay ang Funen, Jutland at Bornholm. ang Bornholm, regarded siya as pinakatahimik na state. Parang hindi siya gaanong nakikialam sa mga state wars na nagaganap sa area. Ang sa kanya, mapanatili nyang kanya ang state at mapaunlad nya ito, ayos na sa kanya. Nagkataon lang na meron silang mayayaman na lupa at mapagmiminihang lugar kaya naging tanyag siyang state. Ang Jutland, siya yung tinatawag na "Colonial State". Isa sya sa mga tanyag na state na hawak ng state of Funen. Ang Funen naman, isang state na maliit lang ngunit dahil sa gera at mga digmaang ipinapanalo nila, lumalaki ang sakop nilang kolonya.

Matagal nang pinagbabalakan ng Funen ang sakupin ang Bornholm. Ilang taktika na rin ang ginamit upang masakop ang malaking area ng Bornholm. Ngunit sadyang magaling ang hukbong sandatahan ng Bornholm kaya hindi nila ito mapasok. Idagdag pa dito ang pagtatayo ng wall sa paligid ng state ng Bornholm upang walang makapasok na infiltrators. Hindi rin basta basta nakakapasok ang isang tao sa Bornholm kung hindi siya taga rito. Naisip ng Funen na pakilusin ang lahat ng nasakop nyang kolonya kasama ang Jutland ngunit bigo pa rin ang ginawa nilang digmaan. Naisip ng Funen na mahihirapan at matatagalan sila sa pagsakop sa Bornholm. Isa pa, mauubos lang ang pera nila kakapadala ng mga tauhan para sa digmaan. Tinigil muna nila ang digmaan ngunit nagpaplano sila ng posibleng paraan para mapabagsak ang Bornholm.

Ang Bornholm naman, on the other hand, sa halos 1 taon ng pakikidigma ng Funen ay nagdagdag ng tao para sa hukbong sandatahan nila. Ngunit dahil nga nagpahinga ang Funen ng halos ilang buwan at walang ginawang hakbang para mapabagsak ang Bornholm, naisip nila na baka natakot na ang Funen na sakupin pa sila. Hindi man sila naging maluwag sa pagbabantay, binawasan nila ito at ibinaba ang alert level hanggang maging normal ito. Tila pasuko na ang mga wisemen ng Jutland para magisip ng magandang taktika para pabagsakin ang Bornholm pero pinilit pa rin sila ng Funen para magtrabaho. Wala silang magawa pagkat kolonya lamang sila.

Nawala ang init ng digmaan ng Funen at Bornholm. Ang Bornholm panatag ngunit ang Funen hindi. Nagiisip sila ng paraan at depensa sakaling gumanti ang Bornholm. Isang araw, isang convoy ng mga karuwahe ang tumigil sa tapat ng gate ng walled area ng Bornholm. Walang mga papeles ang mga karuwahe at wala ring taga Bornholm dito. Sinabi nila na meron silang ihahatid na regalo mula sa state ng Lolland (colony din siya ng Funen ngunit dahil sa kaliitan ng state na ito, hindi gaano alam noon na nagexist ito and nasakop) sa state king ng Bornholm. Pinuntahan ng ibang gwardya ang palasyo at tinanong ang state king. Sumama ang state king sa may gate. Hindi muna siya nagpakita at ipinatanong sa gwardya ang regalo. Sinabi ng mga tao sa karuwahe na ito'y mga ginto at pilak (ginto at pilak ang simbolo noon ng pagiging mayaman ng isang lugar). Nagulat ang state king at lumabas. Tiningnan nya ang nilalaman at tama nga. Literal na ginto ang nasa loob, mga iba't ibang bato at mamahaling bakal. Naisip ng state king na dadagdag ang kayamanan nya kaya naisip nyang patuluyin ang karuwahe pero dahil maggagabi na, naisip nyang patuluyin sa palasyo at patulugin muna ang mga tao duon habang ang mga karuwahe ay pinabantayan sa mga kawal.

Nung gabi, hindi lang ginto ang nilalaman ng mga karuwahe. Sa ilalim nito ay mga tao. Hindi naman maraming tao ngunit mga kawal mula sa Funen at Jutland. Pinaslang nila ang mga kawal na nagbabantay at dumiretso sa gate upang papasukin pa ang ibang sundalo at hukbo na naghihintay sa kanila sa labas. Pinatay rin ang mga nagbabantay ng walls at lahat ng sundalo ng palasyo. Sa huli, pinatay ang state king at nagtagumpay ang Funen sa pagkatalo ng Bornholm. Tila konsepto pa rin ng "Trojan Horse" ang ginamit.

May ilang kawal pang natira na nagbalak mag rebolusyon ngunit wala na. Pagmamayari na ng Funen ang Bornholm at sila ay pinatay. Ang iba ay sumuko na lamang. Wala ring magawa ang mga tao dahil malulupit ang mga taga Jutland at Funen at pinapatay ang mga taong magaalsa kaya sumunod na lang sila. Kinamkam ng Funen ang lahat ng kayamanan ng Bornholm at dahil nga sa mayaman itong lugar, marami silang nakamkam. Naisip nilang pamahalaanan na ang Bornholm at naglagay ng isang Colonial General sa Bornholm upang mamahala.

Inisip nalang ng mamamayan ng Bornholm na nasa mabuting kamay sila tulad ng nangyari sa Jutland na sakop din ng Funen. Inisip nila na di sila tuluyang babagsak ngunit duda sila dito.

Una, walang ginawa ang Funen kung hindi kuhanan sila ng mga yaman at hindi ito umiikot sa sarili nilang estado kaya naghihirap sila di tulad dati. Ikalawa, nauubos ang tao nila para sa digmaan na ginagawa pa ng Funen at panghuli, walang pakialam ang Funen sa kanila.

Iniisip ng mga taga Bornholm na baka mabura na lamang sila ngunit wala na silang magagawa. Huli na ang lahat dahil kolonya na sila ng Funen.

Actually yun lang talaga ang blog post ko...

Tests na next week... Review, review, review.

Sige, gagawa pa ako ng assignments, etc.



P.S. Nagbasa uli ako ng Captain Nguso Season II tapos nareminisce ko yung past. Haha. Anyways, galing talaga nung paggamit duon ni Juan Salvador ng "Art of Deception" ng sabihin nyang inassinate nya si Andrew Woodland ngunit hindi pala. Anyways, sa mga taga Denmark, wag maoffend, di totoo yung istorya. Gawa gawa ko lang yan.

Tuesday, January 6, 2009

New Year, New Missions

Maganda ang pasok ng taon pero hindi maganda ang pasok ng resume ng classes. First case...

THIEF STRIKES AGAIN!

Yeah right. He/She/It/They or kung siya man si Heisei Kaitou, strikes again. It starts with me. Merong 2 bagay na probable nyang kinuha. First ay ang aking Geometry Book. THIS IS MY 2nd book! Grabe. Napapagastos na ako kakabili ng libro tapos itong ikalawang libro ko pa yung nawala. Please help me find it. Kung kinuha mo man, oo ikaw, pakibalik naman. Please. Anyways, pangalawa nyang kinuha, IT notebook ko. It's a blue notebook na medium-sized. Last seen ang Geometry Book is nung December 12. Sinabi ng ilang sources na nakita pa raw nila ito next few days pero pagkarating ng December 17, it vanished.

Pati nga pala yung pin ko na pinaghirapan ko sa aadobe i-vector, nawawala. Ewan ko kung may nagnasa nanaman ng masama duon.


Simula pa nga lang, meron nang dagok agad akong kinaharap. Then another thing that requires my deepest thinking lies on this story. Of course, it's another representation at kung inyong maintindihan good. Here goes the story.

Dahil nga sa sobrang tahimik lang si Arsene, mas marami siyang nalalaman na mga bagay bagay. Ngunit hindi lahat ng napagaalaman nya are just simple cases. Meron ding mga cases na maaring umapekto sa buhay mo at meron ding cases na umapekto sa buhay nya ngayon. This morning. Habang nakaupo si Arsene sa 1st Row, 5th Column from the left at nagaaral ng Business Communication Skills, mayroong pumasok na girl. It was Maria. Suddenly tinanong siya ni Legarda. It seems na merong inabangan si Maria sa manner of questioning ni Legarda which Maria denies. Though she denied, it seems Maria was admiting na rin pero dineny for the avoidance in the issue. Ang inabangan ni Maria, unknown pa siya. Hindi siya kilala ni Arsene pero probably kilala siya ni Legarda dahil alam nya na posibleng inabangan ito ni Maria. Because of this, the man is called, DAFOE.


Dafoe Case

Full Name: Wilhelm Dafoe
Position: 1st, 2nd, 3rd, 4th Yr. High School
Gender: Male

Hindi pa alam kung sino si Dafoe. Kaya siya nilagay sa isang codename. Kung saan kinilig si Maria na nainis si Arsene, siya ang aalamin natin. Who is Dafoe. This time, it's not just my detective skills which will work. Hindi lang ang aking espionage kundi pati ang kapangyarihan ng transmitters. I would use every resources na pwede kong magamit upang malaman kung sino si Dafoe. Dafoe, alam mo man ito, you are now considered the Spy's Enemy and you will be subjected to legal actions.

Arsene just kept silent all day. Thinking about sa lahat ng cases nya. Iniisip ang relasyon ng bawat isa. And here comes Dafoe. Hindi nya inisip maging self centered. Siguro nagkataon lang na dahil sa seclusion ni Arsene sa mass, hindi na rin nagtiyaga pa si Maria hintayin pa siya. Oo nga naman, first week of March pa magiging si Arsene uli ang dating nakilalang Arsene. Matagal pa or baka hindi na dahil sa secluded na si Arsene. Arsene thought that Maria would wait dahil na rin siguro kasi sa paguusap nila dati pero tingin nya nagkamali siya. Up to now, Arsene hadn't made up his decision.


Hindi lang naman iyan ang natanggap na balita ni Arsene this day...

Sabi ng ilang transmitters na si Arsene daw ay pinagaagawan ng isang big advertiser. Meron din isang transmitter na ayaw ibigay ang identity ng advertiser pero for sure nasa 3rd year ito. Wala daw sa Office Technicians. So kung sino man ang advertiser na ito, sana makilala siya ni Arsene kasi Arsene MAY render his service.

The wine's good. Di siya nakakalasing. Masaya uminom. Lalo na pag may tsokolate.