Kaya pala naadik si Leo sa Detective Conan ay dahil na rin sa magandang tabas ng istorya nito. Kapapanuod ko lang ngayon nung Live Action at ako ay lubusang nagalak sa aking panunuod. UNA ay dahil na rin sa mabilis na loading ng PC namin kaya di ko na kailangan pang maghintay ng matagal para sa buffering. PANGALAWA dahil nga sa hindi ako mahilig sa anime, natuwa ako dahil Live Action. At kahit Part I pa lang ang napanood ko (Kasi ang sakit na ng mata ko), ay natuwa na ako... Marami kasing investigatory things na ineexplain na napagkokone-konekta. Saka para sa akin, bilang Vintage Spy, nakakatuwa ang manuod ng mga ganitong klaseng palabas...
Ang mga main characters lang ang ilalagay ko.
Siyempre una si Kudo Shinichi. Base sa ending ng istorya, dinukot siya at pinainom ng kung anu-anong gamot at umatras ang kanyang height at siya ay naging si Conan. Sayang na lamang si Ran, ang babaeng kanyang naiwan dahil umatras ang height nya. Ang gumanap sa Live Action ay si Oguri Shun. Parang nakita ko na ito sa Hana Yori Dango pero parang konti lang ang scripts nya.
Naisip ko na wag na ilagay ang pagmumukha nya. Oks na yun. Maari nyo sya hanapin. Next ay si Ran or Mouri Ran. Ang babaeng kasama ni Shinichi na ginanapan ni Kurokawa Tomoka.
Next naman ay si Suzuki Sonoko. SA istorya parang lagi siyang naghahanap ng pagmamahal na ginanapan ni Iwasa Mayuko.
Nakita ko ang photo ni Iwasa at di ko matiis na ilagay sa blog ko. Anyway, nag-agree naman kayo sa terms of Use eh! HAha Ito na.
Kung gusto nyo, maari kayo maghanap sa Google. Sige na. Tulog muna ako. Kanina pa akong 1 sa PC!
----------------------------------------------------------------------------------
ANG KATULOY NG TAONG MASAKIT ANG MATA...
Katunayan hindi na itong araw na ito ko ito sinulat. Next day na to. Pero lahat ng kaganapan ay kahapon pa.
Sisimulan ko sa aking pagpasok. Katunayan, wala akong gana pumasok dahil yung iba hindi rin naman papasok. Pero sabi ng iba at pati na rin ni Ephraim na kailangan pumasok kaya naisip ko na rin. Medyo late na ako umalis ng bahay dahil pinarami ko muna ang tao sa school. Pagdating ko sa Theresa, sa may Riles ng train, nakakita ako ng derailed na train. Yung ulo ay naroon sa kabilang riles. Hindi ko alam kung katuloy ito nung umaandar na car ng train o naputol sa ibang train. Pero base sa itsura nung train, parang nahiwalay talaga. Maraming usisero. Hindi na ako nakiisa pa. PAgdating sa paaralan, marami na rin ang lumisan. Siyempre sinulat ko na ang section ko. ENTRE at second ang BOOK.
Nabalitaan ko rin na meron palang naghahamon ng aming kakayahan. Meron lang akong ilang bagay na gustong linawin lalo na sa mga taong WALANG PAKUNDANGAN KUNG MAGSALITA. Unang una, alam ko hindi pagsisilbi ang gustong gawin nitong nasabing tao na ito. Gusto lamang nya ng KAPANGYARIHAN, OTORIDAD at PAGHIHIGANTI. Hindi ko alam ang problema nya. Mapapansin ito sa kanyang pahayag na siya ang magiging CORPS COMMANDER. Meron akong mensahe para sa yo, sakali mang magbasa ka ng blog ko. Una, mapagsukab ka. Pangalawa, kung naiingit ka, tigilan mo na. Mula pa 1st year, gusto mo na kami sirain or ako lang talaga. Kung gusto mo ng away, magsaksakan tayo. wag mong ipamukha na iresponsable akong tao dahil kung ako'y iresponsable, tanggal na ako sa paaralang ito. Isa pa, hindi kami nakikipag-kompitensya. Kung sa tingin mo nakikipagkumpitensya kami, bakit hindi mo kumpitesyahin ang sarili mo nang hindi ka makadamay ng ibang tao. Kung gusto mo akong sirain, wag talikuran. Magharapan tayo. Para ka namang duwag eh. Lumalaban ka ng patalikod. Wag mo na idamay SINUMAN ang related na tao sa akin. Ang pinakakinaiinisan ko sa testimonya mo ay ang aking kawalan ng kakayahan sa ganitong bagay. Bilang pandagdag na impormasyon, 2 taon ako naging isa sa pamunuan ng paaralan at 4 na taon bilang pangulo ng aming paaralan. One thing more, wag mo ipagmalaki na matalino ka ngayon. Natsambahan ka lang! Pataasan na lang ng ranking sa entrance exam! (yumayabang na naman ako. Tama na.)
Anyway, ito lang ang huling mensahe ko sayo, sakali mang hindi ko ituloy ang aking pagiging kadete, ito lang ang tandaan mo, IPAMUMUKHA SAYO NILA LEONILLE AT EPHRAIM ANG PAGKATALO MO. Pumasok man ako o hindi, wag mong asahan ang pagkakaroon mo ng mataas na posisyon dahil alam ko ang tanging pakay mo ay kaganiran. Kilala mo na kung sino ka. Para sa iyo ang buong mensahe na ito.
Nararamdaman ko na nalalapit na ang aking assassination at alam ko na maraming matutuwa. Sige ipagbunyi ninyo ang pagkalungkot ng buong mundo!
Natapos na ang aking pagsusulat. Humihingi din ako ng mga opinyon kung dapat akong mag kadete. Sabi ng aking ama, wag daw kasi baka atakihin ako ng hika. Pero meron naman akong maintenance kaya okay lang yun. Marami rin ang nagsasabi na maging kadete ako at yung iba, wag. Ngunit sa huli, nasa akin pa rin ang desisyon.
Naisipan kong tawagan ang iba kong kaklase na nabalitaan ko na WALANG PASOK sa lunes. Yung iba pumunta, yung iba, hindi.
Monday, March 31, 2008
Kaya pala...
Another Breathtaking Idea by The Vintage Spy at 8:17 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi, new to the site, thanks.
Post a Comment