Monday, March 24, 2008

The Pursuit of Happiness

Hindi kami nag-strive ng kasiyahan. Or ginaya si Will Smith bilang Chris Gardner. Ibang pursuit ang hinanap namin in the sense na sasaya din kami. Ito ang paglusot sa matitinding mata na nakabantay. Pero mamaya ko na siguro ikukwento...

Merong Meeting de Avance ngayon sa aming school. Kaya lang ang pagkakaintindi ata ng iba sa Meeting de Avance ay campaign. Ang ibig sabihin nito batay sa isang source ay Meeting in Progress. Dito mo sinasabi ang plano, plataporma at trip mong ayusin o baguhin sa administrasyong kasalukuyan. Ang ginawa ng iba ay kampanya kung saan sinabi nila na "Iboto nyo ako." Well unang una, nasa tao ang pasya kung iboboto ka nila. Dapat ganito, "Kung iboboto nyo ako... blah blah blah etc." At least sa ganoong paraan naipakita mo ang plataporma at plano mo para sa Laboratory Highschool. One thing more. Ang meeting de avance ay hindi lokohan. Hindi baklaan. Hindi sosyalan. Dito mo ibabase ang UTAK, PLANO, at IDEYA ng isang kandidato. Hindi ito mototrcade ng pangangampanya...


Sino kaya ang TANGING KANDIDATO na nangako ng isang promenade? Meron siyang 98% ng pagkapanalo. Una ay dahil marami akong nakakausap na naghahanap ng promenade. Palagi kasing retreat lang. Well kung ako naman ang tatanungin, okay lang sa akin ang kahit ano. Kasi di ba, may mga times na tila nakakapagod din ang pagtira mo sa Maynila. Minsan naghahanap ako ng repose kung saan maari at may malaking chances na makita mo sa isang retreat. Sa promenade naman, siguro nga MUST na maramdaman natin ito since nasa highschool tayo. Ito kasi siguro ang PINAKAMASAYA at PINAKAMAKULAY na araw sa iba. PAra sa akin naman, siguro nga, mas maganda kung magkaroon tayo ng ganyan sa 3rd year. Tapos pag nag 4th year tayo, retreat na. Para 2!!! WAHAHAHA... Anyway, Neutral pa rin ako at sa tingin ko ay wala akong maisip iboto. Siguro ganito na lang. Bukas ibibigay ang balota. Tapos pupunitin ko at manghihingi ako ng 5 pounds ng baboy.

Hindi kami gaano interesado sa Meeting de Avance dahil nga sa hindi namin marinig ang sound system. Meron kami dapat susuportahan pero hindi dumating. Kinausap pa namin ang 1st year. Sayang lang...

So ito na ang pursuit. Isa-isa kaming tumakas para lang kumain dahil mahirap maupo sa isang maduming sahig lalo pa't kumakalam ang iyong sikmura. Nakakain naman kami at tila di makapaniwala ang tindera ng sabihin ni Leo na 2nd Year lang kami. Well height pa lang ang nakita nya. Paano pa kaya kung ang nakita na nya ay yung nasa babang part???? Baka lalo siya magulat at di makapaniwala.. Anyway, don't take me wrong sapatos ang sinasabi ko. PAgbalik namin, isa-isa rin. Nakatakas kami though isang SINGER, mga kadete at mga kaklase, mapagsukab man o hindi ang nasa paligid.

Dumating ang kapatid ni Ephraim. Sayang at hindi namin siya matuturuan ng lessons di gaya ng kapatid ni Balicoco. Nakakita din kami ng isang lalaki kanina na inakalang BEACH RESORT ang LHS. Nagsama pa ng 3 dilag na siyang KINATAYUAN ni Leo. Ang lalaking nasabi ay naka-Hawaiian shorts at polo, naka-flip flops at sun-glasses. Angas nga. Hindi ako makapaglaro ng Godfather kasi naman ang dilim ng settings. Di ko makita sa liwanag.

Bukas na ang eleksyon. Meron pala akong mensahe bago ko tapusin ang post na ito. Isang pangungusap lang ito. "I did my best but I guess my best wasn't good enough." So nagawa ko na ang part ko. Wag nyo na ako sumbatan.

No comments: